Share

Chapter 18 No return

Halos hindi siya mapakali ng mga sandaling iyon habang naghihintay kay Irish, kinailangan pa kasi nitong kausapin ang mga katatagpuin nila dahil na rin sa medyo malihim ang nasabing mga tao.

Natigil lang siya nang madama ang marahan na pagtapik ng isa sa mga kasama niya roon.

“Oh Claresse, bakit?” tarantang pansin niya rito.

Nawala tuloy ang malambing na titig ng kaibigan at napalitan na lang bigla ng pag-aalala dahil sa kanyang pagkabalisa.

“May naghahanap sa iyo sa labas,” turan na lang nito sabay turo sa nasabing lugar.

“Sino?” Napakunot na lang siya ng noo pakabaling sa may labas.

Halos wala siyang makita roon kung hindi ang mga anino ng mga taong nakaupo sa ilang mga lamesa, bahagya rin ang dilim dahil sa gabi na at hindi rin nakatulong ang mga patay sinding ilaw.

“Iyon isa sa mga lalake noon nakaraan, kakilala mo raw siya eh,” sagot na lang nito.

“Huh?” Mas lalo lang siyang napakunot ng noo nang bahagyang mapa-isip. Ilang saglit rin ang kinailangan niya bago mapagtanto kung sino
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status