Share

Chapter 14 First move

Paulit ulit niyang inaayos ang buhok niya habang nakatingin sa salamin, pakiramdam niya may mali roon at hindi niya maintindihan kung anong problema nito ng araw na iyon, kung dati naman ay madali lang sa kanya ang mag ayos ngayon ay inaabot na siya ng ilang oras sa paghahanda, binugahan niya pa ang kanyang kamay para amuyin ang kanyang hininga, wala siyang ibang gusto ngayon kung hindi ang mapansin ng nagugustuhan na si Celina na kaibigan ng kapatid.

Nang makuntento na siya sa ayos ay tsaka niya tinawagan ang kapatid, sigurado niyang makikita niya ang dalaga kung sasabayan niya si Lucy.

"Hey sis, susundin na kita." Guhit na guhit pa sa kanyang mukha ang ngiti habang nakikipag-usap dito.

Pinapa-ikot-ikot niya pa ang kanyang mga susi sa daliri dahil sa pagkasabik.

"Nasa school na ako," walang gana nitong sagot

"What! Ang aga mo naman." Naikuyom niya na lang ang kamay sa telepono.

"Duh, maaga kaya talaga ang pasok ko," bara ng kakambal.

Mabilis na kumusot ang kanyang mukha, doon niya la
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status