Share

CHAPTER 5

CHAPTER:05

|Texana West POV|

Inihinto ko ang motor ko ng makarating ako sa tapat ng Mansion ni Uncle Luiz. Today is Sunday, One day passed after I met Kalem.

"Ikaw ba si West, Ija?" Tanong ng gwardiya na sumilip mula sa gate kaya tumango ako bilang sagot at agad niya namang binuksan ang gate kaya muli kong pinaandar ang motor ko papasok.

Bumaba ako ng motor ko ng maparada iyon sa garahe nila Uncle Luiz tsaka ako pumasok sa loob ng mansion nila at bumungad naman sa akin ang ilang maid.

"Magandang umaga ija, ikaw ba si West?" Tanong ng isang matandang babae

Pst! Mukhang sinabi sa kanila ni Uncle Luiz na darating ako ah.

"Morning and yeah, it's me." Tipid kong sagot at ngumiti naman ito

"Maupo ka muna dito ija, pababa na rin 'yon si Luiz, gusto mo ba ng maiinom?" Nakangiti niyang wika

"No thanks."

"Ok, Maiwan muna kita ija, magluluto lang ako." Isang tango lang ulit ang itinugon ko sa kanya

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuhan ng bahay ni Uncle Luiz at masasabi kong napakalaki ng bahay niya at ganda. Parang katulad lang ng bahay namin.

"West?"

Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko at agad ko namang nakita si Uncle Luiz na ngayon ay malaki ang ngiti habang naglalakad palapit sa akin.

Huminto ito sa harapan ko tsaka ako mahigpit na niyakap.

"Na-miss kitang bata ka, ang tagal rin nating hindi nagkita ah, napakalaki at ganda mo na." Wika nito bago kumalas mula sa pagkakayakap sa akin

"I guess napaliwanag na sayo lahat ng dad mo ang mga dapat mong malaman." Usal niya kaya tumango ako tsaka naupo sa sofa at dumi-quatro

"Where is he?" I asked

"Excited to see him?" Ngisi niyang turan kaya malamig ko siyang tiningnan

"Just kidding, He's still in his room." Sagot niya kaya hindi na ako umimik

"Nga pala, Salamat at pumayag ka West, Napaka-pasaway kasi ng batang 'yon, Kung saan saan pumupunta kahit na alam niyang nasa panganib ang buhay niya." Naiiling na wika nito

"Does he have a bodyguard?"

"Yes, Marami na akong binigay na bodyguard sa kanya pero gumagawa talaga siya ng paraan para makatakas sa mga ito, hindi lang 'yon dahil lahat ng bodyguard na kinuha ko para bantayan siya ay nag-resign lahat dahil pinagti-tripan niya ang mga ito, araw araw." Kamot ulo niyang saad kaya napailing ako

Mukhang pasaway nga talaga ang anak niya.

"Nandyan na pala siya eh." Biglang saad ni Uncle Luiz habang nakatingin sa likuran ko kung nasaan banda ang hagdanan.

"Come here, Son."

"Why?" Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses.

Kalem Dela Vega. So, it's him? What a small world. Tch, Bakit ba nakalimutan kong Dela Vega nga pala ang surname ni Uncle Luiz?

Ramdam ko ang mga yabag nito palapit sa amin ni uncle Luiz tsaka ito huminto sa tabi ng ama na nakaupo sa sofa na kaharap ko

"West, this is my son, His name is Kalem and Kalem, this is West. Your new bodyguard." Pakilala sa amin ni Uncle Luiz sa isa't isa at ng magtama ang paningin naming dalawa ay agad na nalukot ang mukha nito

"What?!" Sigaw nito na halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng ama "Are you fucking Serious na ang babaeng 'to ang magiging bodyguard ko? Sa tingin niyo ba kaya ako nitong protektahan? Baka ako pa ang mag-protekta dito, itsura palang mukhang mahina na!" Inis na singhal niya habang nakaturo sa akin kaya bahagyang tumaas ang sulok ng labi ko

Mukhang hindi niya ako namumukhaan, Tch.

Nanatili akong naka-dequatro habang walang emosyong nakatingin sa kanila.

"I'm Serious, Kalem. And Don't underestimate her, She's the most powerful Agent that i know." Walang emosyong sagot ni Uncle Luiz

Agent? Yeah, 'yan ang sinabi ni Uncle Luiz na pagkatao ko kay Kalem kahit hindi naman totoo dahil hindi niya naman pwedeng sabihin na isa akong MAFIA.

"Damn! I don't care if she's powerful or not, I don't need her dad, madaming pwedeng kuning bodyguard dyan pero bakit babae pa? Gusto niyo bang pag-tawanan ako ng mga taong makakakita sa kanya? Ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa akin? Na sa sobrang hina ko, Babae pa ang po-protekta sa akin?" Protesta niya kaya napabuntong hininga nalang ako

Masyado siyang madaldal para sa isang lalaki. I'm starting to get annoyed because of him. Kung no'ng isang araw ay natutuwa ako sa kanya ngayon ay hindi na. He's too noisy that I hate the most.

"My decision is Final even you like it or not. So, From now on she will be your bodyguard." Ma-otoridad na saad ni Uncle Luiz kaya napasabunot nalang ito sa kanyang buhok tsaka padabog na lumakad paalis pero bago 'yun ay sinamaan pa muna ako nito ng tingin

"Hey! Saan ka na naman pupunta?" Sigaw ni Uncle Luiz ng lumabas siya ng bahay nila

"It's none of your business!" Sigaw nito pabalik bago dire-diretsong umalis sakay ng bike niya.

"My god! You see that? Napaka-tigas ng ulo." Frustrated na saad ni Uncle Luiz kaya napailing nalang ako

"I'm sorry about his attitude, West." Dagdag niya pa

"That guy, Tch!" Ismid ko tsaka umiling

"Hahaha sa tingin ko magiging mahirap ang mission na 'to para sayo."

"Hell yeah, I guess we will hate each other in the future." Usal ko kaya napatawa siya

"I'll go now to follow your stupid son." Wika ko tsaka tumayo

"Hahaha, He's yours stupid husband too West." I just rolled my eyes on him bago lumabas ng mansion niya at sumakay sa motor ko

Ngayon. Saan ko hahanapin ang batang 'yon? Tch. Bahala na.

Mabilis kong pinaandar ang motor ko paalis habang nakakunot ang noo. Ngayon palang nakikita ko ng hindi kami magkakasundong dalawa.

Ayoko naman na sabihin sa kanya na ako 'yong Ms.Red eyes na tumulong sa kanya dahil tamad akong magpaliwanag kung bakit pula ang mata ko, isa pa, paniguradong mas lalo lang siyang manganganib 'pag may naka-alam na nakita niya si Bloody Hell.

***

"He's in trouble again."

Napabuga ako ng marahas na hangin ng makita si Kalem na nasa loob ng isang restaurant at kasagutan 'yong dalawang lalaki na nasa edad 30. Dahil sa lakas ng boses nila ay hindi lang ang mga tao sa loob ng restaurant ang nakakarinig sa kanila kung hindi pati ang mga taong napapadaan sa tapat ng restaurant.

Inihinto ko ang motor ko hindi kalayuan sa restaurant tsaka naglakad papasok dito.

Huminto ako tatlong hakbang ang layo sa kanila at dahil nakatalikod sa akin si Kalem ay hindi niya ako nakita.

"Itatanggi niyo pa, eh nakita ko kayo na nilagyan ng ipis ang pagkain na inorder niyo! Tapos sasabihin niyo madumi ang pagkain nila dito?" Sigaw ni Kalem sa dalawang lalaki

"Sunungaling kang bata ka! Bakit naman namin 'yon gagawin? Tsaka bakit ba nangingi-alam ka? Ikaw ba ang may-ari nito ha?!" Galit na sigaw rin ng dalawang lalaki kaya agad na nag-bulungan na ang mga tao sa paligid nila

"Hindi ako sunungaling, kung bakit nito 'yon gagawin aba malay ko sa inyo, at wala kayong pake kung mangialam ako, isa pa, Ano naman kung hindi ako ang may-ari ng restaurant na 'to?" Muling sagot ni Kalem kaya pikon na hinatak ng isa sa mga lalaki ang kwelyo ng damit niya.

"P-pakiusap tama na po mga Sir, Pag-usapan nalang po natin 'to ng maayos." Usal ng manager at pilit silang pinakalma pero wala iyong epekto dahil mas lalo lang nagalit 'yong lalaki at tinabig pa siya dahilan para mapaupo siya sa sahig

"Guilty?" Wika ni Kalem at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya alam kong nakangisi siya, Chill na chill siya kung titingnan pero hindi nakatakas sa paningin ko ang panginginig ng kamao niya

Tch. Ang hilig niyang pumasok sa gulo na hindi niya naman kayang lusutan mag-isa.

"Gago!" Gigil na sigaw ng lalaki at akmang sasapakin siya pero mabilis akong humakbang palapit sa kanila at mula sa balikat ni Kalem ay mabilis kong sinalo ang kamao niya gamit ang kaliwa kong kamay habang ang kanan naman ay nakahawak sa kamao niyang nasa kwelyo ni Kalem.

Nagulat ang lahat dahil sa ginawa ko maging si Kalem ay ramdam kong natigilan rin.

"You're such a trouble maker, Kid." Bulong ko sa tenga niya at nakita ko naman ang pag-bilog ng kanyang mata at pagpula ng kanyang tenga at pisnge.

"S-shut up! Ano bang ginagawa mo dito?! Pwede bang lumayo ka sa akin!" Inis niyang turan kaya piniga ko 'yong kamao niya tsaka unti unting inalis sa kwelyo ni Kalem kaya napadaing siya at hinatak pabalik ang kanyang kamao na binitawan ko naman.

"Baka gusto mong umalis sa pagitan namin." Usal ko kay Kalem

"Oo na, Bwisit!" Padabog itong umalis sa gitna namin no'ng lalaki tsaka ito dire-diretsong lumakad palabas ng restaurant

Agad ko namang binitawan 'yong isa pang kamao ng lalaki na hawak ko tsaka ito tinalikuran at akmang aalis na para sundan si Kalem dahil baka saan na naman ito pumunta pero napatigil ako ng biglang tumili 'yong mga tao.

"Saan ka naman pupunta sa tingin mo, Babae?!" Napabuntong hininga ako tsaka walang ganang humakbang patagilid at ng dumaan sa harapan ko ang kamao ng lalaki ay mahigpit ko iyong hinawakan tsaka pinilipit papunta sa kanyang likuran at hinablot ang kanyang buhok tsaka siya isinubsob sa sahig.

"A-ah! B-bitawan mo ak---Arayy!!" Hiyaw niya dahil mas hinigpitan ko pa ang pagkaka-pilipit sa braso niya at mas idinikit ko pa sa sahig ang mukha niya

"P-pare!" Sigaw ng kasamahan niya at nang maramdaman kong hahampasin ako nito ng upuan ay binitawan ko ang buhok ng lalaki tsaka mabilis na sinalo 'yong upuan tsaka siya nilingon.

Nagulat naman siya kaya sinamantala ko iyon tsaka ako tumayo at saktong pagtayo ko ay sinapak ko siya gamit ang kaliwa kong kamao dahilan para tumilapon siya papunta sa may pintuan ng restaurant.

Napatingin ako sa labas at nakahinga ng maluwag ng makitang huminto pala si Kalem sa tuluyang pag-alis at mukhang pinanood ang ginawa ko.

Bakas ang mangha at pagkagulat sa mga mata nito kaya napangisi ako at nang magtama ang paningin naming dalawa ay kinindatan ko siya na siyang ikinalukot ng mukha niya tsaka siya muling tumalikod.

Agad naman akong lumabas ng restaurant dahil mukhang tumawag na ng pulis 'yong manager.

"Thank you Miss!" Rinig kong saad nila kaya itinaas ko nalang ang kamay ko tsaka mabilis na hinawakan ang laylayan ng damit ni Kalem dahilan para mapahinto ito at inis akong nilingon.

Bago niya pa maibuka ang kanyang bibig ay tinakpan ko na iyon.

"I don't want to hear any words from you, so shut your mouth ok?" Usal ko tsaka siya hinawakan sa braso at hinatak palapit sa motor ko.

END OF CHAPTER:05

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status