KABANATA 3.2
"Ack! Ang sakit n'on ah." bahagya akong nabulunan nang magahip ng braso niya ang leeg ko dahil sa pagharang nito sa pinto.
"Ang tigas talaga ng bungo mo Triah e, ako malalagot dito kay nanay ‘pag pinayagan kitang lumabas- at isa pa! Baka malaman din nila madam at sir na kinonsente ko ang gusto mo." pagsaway na naman sa akin ni Greta.
Nagpakita naman ako ng pagkadismaya sa mukha, kaya marahan na ring ibinaba ni Greta ang kanyang mga braso na nakaharang sa mismong pinto ko.
"H'wag ka na kas- lintik na. Triah! Bumalik ka rito! Ang tigas talaga niyang mga bilbil mo! Triah!" kinuha ko ang pagkakataong makalabas ng silid nang nag-loosen up siya sa paghawak sa pinto, akala niya sigurong hindi na ako magtatangka pang lumabas kaya ganoon.
Pero ito ako ngayon, patuloy at maingat na naglalakad papunta sa silid ni Trisha.
Maririnig ko pa rin ang boses ni Greta na mahina ang pagtawag sa pangalan ko. Pero kahit na mahina ay may riin pa rin sa bawat salita.
Na sa itaas na bahagi kasi ang mga silid namin ni Trisha at magkahiwalay rin kami ng tulugan. Noon naman magkasama kami, pero noong birthday niya ay bigla na lang siya nagdesisyong mag-iba ng silid.
Kaya imbes na guestroom lang iyong sa kabilang silid. Ay pinaayos nila mom at dad at saka ginawang kwarto ni Trisha.
Magkaiba kami ng hilig ni Trisha pero para sa akin, pareho lang kami. Dahil kapatid ko siya.
At dahil na sa taas ang silid namin at na sa ibaba ang salas, makikita mula rito ang mga panauhin sa salas. Pero hindi na ako naglakas loob na sumuway pa sa ibang habilin. Ang gusto ko lang naman ngayon ay makausap si Trisha rito sa silid at masamahan siya.
Baka kasi nabobored rin siya sa silid niya kagaya ko.
Unang katok ko lang ay hindi pa nagbukas ang pinto. Hanggang sa katok ako nang katok pero wala pa ring sumasagot.
Sakto namang na sa likod ko na si Greta at pinapabalik na niya ako sa loob ng aking silid.
"Triah, baka makita tayo ng mommy mo rito, patay ako nito." mababakas ang pag-aalala sa boses ni Greta.
"Don't worry, kapag napagbuksan na ako ni Trisha, rito na lang muna ako maglagi sa kwarto niya. Sasamahan ko na lang siya. Baka kasi nabored na 'yon sa loob." wagas na ngiti ang iginawad ko kay Greta. At muli nga akong kumatok sa pinto ni Trisha.
Pero wala pa rin talaga. Hanggang sa iilang ulit ko pang katok ay may nagsalita naman sa likod namin kaya bahagya kaming nagulat. Pero nawala naman ang pagkagulat ko nang makitang si Trisha pala ito.
"What are you doing here?" walang emosyong pagtatanong ni Trisha sa akin.
Lumapit naman ako sa kanya at hahawakan sana siya sa kanyang dalawang kamay pero nag-iwas siya.
"I said, why are you here?" may riin na sa bawat salita niya.
Ganito na talaga ang tabas ng pananalita ni Trisha. Kaya para sa akin ito ang common attitude niya. O common niyang pananalita.
"Hindi ba, pinagsabihan ka na kanina ni mommy na huwag na huwag kang lalabas sa kwarto mo?"
Tinignan ko naman si Greta at saka ibinalik kay Trisha ang mga mata.
"Oo, pero I just wanted to accompany you. Baka kasi nabobored ka na rin dahil wala kang kasama."
"Accompanying me? Sino ba may sabi na nandiyan ako sa loob ng kwarto ko?"
Nagulat naman ako.
"Ha? Eh 'di ba nga hindi tayo pinapalabas ng silid natin dahil may mga bisita sila mom at dad?" inosente kong pahayag.
She slightly laughed. Pero hindi na muna siya nakapagsalita nang bigla akong hinigit ni Greta.
"Tara na sa silid mo miss Triah," nabigla naman ako sa naging asal ng kaibigan. Ang pormal yata niya masyado.
"Wait lang," iniwas ko ang kamay ko sa paghawak ni Greta. Nang may marealize sa mga salita ni Trisha.
"So, wala ka kanina sa loob ng kwarto mo Trisha?"
She smiled again.
"Yeah."
"Bakit ka naman lumalabas. Kabilin-bilinan ni Mom na huwag nga tayong lumabas 'di ba?" diniinan ko pa ang pagkakasabi noon.
"Pwede ba Triah, tumabi ka na riyan, may kukunin ako sa loob ng silid ko kaya ako ngayon nandito. Hindi para makipag-usap sa iyo." at pinihit niya naman ang busol ng pinto. Hindi na ako nag-abala pang sundan siya.
Pero...
"At oo nga pala, para malinawan ka. Ikaw lang naman ang pinagsabihan ni Mommy na huwag na huwag lalabas sa silid mo. Hindi ako kasali, where infact. Ako naman ang pinuntahan ng mga panauhin nila mom.
Dahil kukunin nila akong modelo sa isang pinakakilalalang pharmaceutical company. E momodel ko lang naman ang mga gamot na ginagawa nila para pampaganda. At makikita naman 'di ba ang taglay kong kagandahan at kasexyhan.
Kaya hindi maitatangging malaking check ako sa kanila." pinasadahan naman niya ako ng na nakapanglumong tingin mula ulo hanggang paa.
"Hindi katulad mo, opps. Oo nga pala. Pwede ka naman maging model eh." nagliwanag naman bahagya ang mukha ko dahil sa sinabi niya pero nalugmok ako ng biglang...
"Para sa pagkaing baboy nga lang." she chuckled. May kirot na biglang bumaon sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag kong ano ito.
"Bye sister. Ang mabuti pa. Bumalik ka na roon at kumain ka na lang nang kumain, hanggang sa pumutok iyang tiyan mo. Ikaw naman julalay! Ibalik mo sa lungga niya ang baboy na iyan, baka makita pa siya ng mga bisita. Akalain pang may alaga akong baboy." inismiran niya ako.
"Grabe k-ka naman makapan-lain T-Trisha. We’re still twins pa rin naman." may nagbabadya ng luha sa aking mga mata.
"Woah. Twins? Kambal? Alam mo ba Triah kung ano ang pinaka-ipinagdasal ko?" she paused.
"Ang hindi ka na lang naging kakambal ko." dahil sa hindi maipaliwanag na sakit ay hindi ko napigilan ang luhang bumagsak na sa aking mga mata.
"Look at you, ang taba-taba mo. Kaya ka ipinapaalaga sa mga kasambahay dahil ang taba mo. Ikinakahiya ka dahil ang taba mo. Nagtaka nga ako, kung paano tayo naging magkakambal, na kung tutuosin ang layo-layo ng pisikal na kaanyuan natin. Ikaw sobrang mataba. Ako ito, sexy at maganda lang naman." pagmamayabang pa niya sa sarili.
Hindi ko na nakayanan pa ang lahat ng mga pinagsasabi ni Trisha kaya mas pinili ko na lang tumakbo at bumalik sa kwarto ko.
"Triah. Huwag ka tumakbo baka masira bahay natin," at tumawa pa ang kakambal kong nangungutya pa.
Ang sakit na sa mismong pamilya mo lang pala mararanasan ang ganitong pang-aapi.
KABANATA 4.1My tears have no plan to stop from falling. An overflowing liquid from my eyes through my cheeks down to my chin is full of pain. I felt numb inside my upper right chest, everytime I cries parang pinipiga ang puso ko, hinding hindi ko maipaliwanag ang sobrang kirot nito. Kada hugot ko ng lakas para makahin
KABANATA 4.2"Greta, manang. Marami na po kayong naitulong sa akin. Huwag kayong mag-aalala dahil hinding-hindi ko kayo makakalimutan. At lagi ko kayong dadalhin sa puso't isipan ko. Naiintindihan ko naman po kayo Manang, mas mabuti nga pong mas sundin ninyo si mom dahil siya ang nagpapasahod sa inyo. Manang, Greta...h
KABANATA 5.1Esravien Fuenteciville, sounds great. Mamahalin kung pakikinggan ang kanyang pangalan. Pero paano nangyaring naging isang trabahador lang siya sa mismong palaisdaan nila mom at dad?
KABANATA 5.2"Kung ako sa 'yo h'wag mo ng tangkaing hawakan ang baba mo, malilito ka lang kung nasaan banda ang baba mo. Tsk." aalis na sana siya nang pinigilan ko ito."Nang-iinsulto ka ba kuya Esrang?" dahil papaalis na sana siya kaya tanging ang likod lang niya ang nakikita ko. At nang humarap siya sa gawi ko ay nagmadali akong naupo pabalik sa aking upuan at mataman lamang na nanonood ng TV kahit hindi naman talaga nak
KABANATA 6.1"Triah? God. Triah. Jen. Nagising na si Triah. Jen." umalingawngaw sa buong silid ang boses ni Karmi. Hindi ko maalala kung ano ang nangyari kanina."What h-happened?" paunang tanung ko kay Karmi, nang biglang dinaluhan naman ako ni Jen."Oh my god. Bakit ka ba kasi iyak nang iyak kanina. Ayan tuloy nahimatay ka. Ang bigat mo pa naman." sermon sa akin ni Jen."Ano ka ba Jen, kakagising pa nga lang ng kaibigan natin. Sinisermonan mo na," awat naman ni Karmi sa kanya.Mataman lang akong nakikinig
KABANATA 6.2Nang nakaalis naman si Mike sa silid ko’y bigla kong naisip, ang dami pala talagang nangyari sa buhay ko. Sa buhay ko na nakasama ko si Esra sa isang bubong sa loob ng tatlong taon. After noon, hindi pa rin ako nakauwi sa amin. Pero naka-graduate naman ako sa highschool. At doon ko nga nakilala sina Jen at Karmi.FLASHBACK....One week had passed na kasama ko si yabang sa iisang bahay. Nagkausap na rin kami na, umakto na lang kaming hindi kami magkasama sa iisang bahay. Kung magkabanggaan man ay hindi na lang magsasalita para walang sagutang magaganap. Sang-ayon rin naman ako sa naging usapan na
KABANATA 7.1The days flies so fast, at lunes na nga. It means, this is going to be my first day in my new school. And how I wish na magiging okay ang first day ko sa araw na ito. I'm now already done and packed. Hinihintay ko na lang ang magiging kasama ko para mai-guide ako papuntang SNHS.While I’m peacefully waiting here outside the gate. Nang biglang may malakas na tunog ng isang malaking motorsiklong huminto at nakaharang sa aking kinatatayuan. At anong kinaiinisan ko? Sapong-sapo ko ang usok na nanggagaling sa motorsiklong ito. Putragis naman oh."Hoy! Kung sino ka mang nakaharang sa harapan ko. Hindi ka nakakatuwa. Anong akala mo sa 'kin? Parking area?"
KABANATA 7.2Papasok na nga kami sa loob nitong public school kagaya ng old school ko, private nga lang. Pero rito naman ay masasabi ko ring malinis naman at organisado rin ang entrance dahil may security guard na bubungad sa bawat estudyante."Hala, ang taba naman ng babaeng iyan.""Oo nga ano, bakit kasama niya si Ikee? Kaano-ano niya ba iyan?""Hala, oo nga si Ikee nga kasama niya."Hindi ko na lang pinansin pa, nakasunod lang ako kay Esra sa paglalakad. Nakahawak lang ako sa magkabilang sling ng backpack ko. At ang buhok ko ngayo'y nakalugay la