Nagtatrabaho ako bilang sales clerk sa B.E.A Construction Supply, ang malaking construction supply dito sa Dalisay.
May pinag-aralan ako, college degree ang natapos ko bilang BSBA pero pinili ko ang ganitong posisyon sa trabaho bago ako mapunta sa posisyon na nararapat para sakin. Hindi biro ang maging isang tindera, nakatayo kalang hanggang sa matapos ang trabaho mo. Kailangan mong maging magalang at maayos sa harap ng costumer mo kung ayaw mong ma s***k ka sa trabaho. Kahit nakakapagod ay kailangan tiisin para saan ba't mapunta rin tayo sa trabahong angkop sa atin.Nandito kami ngayon sa karenderya na nanghalian, kasama ko si Gianna at Stella. Wala akong balak kumain, wala akong gana pero hindi ako makatanggi kay Gianna,kapwa ko tindera at kaibigan na rin.Simula nang maghiwalay kami ni Patrick, kaunti nalang ang kinakain ko, minsan prutas lang o di kaya biscuit. Nai-insecure ako kapag may nakikita akong payat at sexy na babae.Chubby ako at mas lalong hindi sexy. Manang din manamit, kaya sabi ko sa sarili ko, pwede ko naman baguhin ang panlabas kong anyo. Ang sumubok sa ibang bagay. Dahil sa break up namin, aaminin ko na depress ako.Nabawasan agad ang timbang ko sa loob lamang ng ilang linggo. Dahil nabawasan naman ang timbang ko tinudo ko na.Nag diet ako sa tamang paraan at tamang proseso. Ayoko magkasakit. Ayoko magsisi na nang dahil sa pag da-diet ay magkasakit ako."Hoy! Anong ginagawa mo?Pinagnanakawan mo kaibigan ko. Ibalik mo 'yan!"Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin na ninanakawan na pala ako. Namutla ang lalaki, nanginginig ang kamay niyang inabot sa akin pabalik ang wallet ko, nasa mukha nito ang pagsisisi.Napabuntong-hininga ako."Hawakan mo, sis. Huwag mong bibitawan,tatawag ako ng pulis," sabi ni Gianna kay Stella na nagpataranta sa lalaki."Huwag po, ma'am. Sorry po, ma'am," humarap siya sa akin." Maawa po kayo, ma'am. Huwag niyo po ako isuplong sa pulis.""Nagnakaw ka! Inaasahan mo na iyon na ipapulis ka kapag nahuli ka." si Stella."Anong huwag? Dapat sa'yo ipakulong nang hindi kana maka biktima pa ng ibang tao," sabat ni Gianna."Ma'am, nagmamaka-awa po ako. Huwag niyo po ako ipakulong."Kulang nalang lumuhod siya sa harapan ko. Kita ko ang pagsisi sa kanyang mukha, na kung pwede lang ibalik ang oras ay sana hindi niya iyon ginawa."Guy's, kalma lang. Mukhang may malalim siyang dahilan kung bakit siya nagnakaw," awat ko sa dalawa."Elies naman. Muntik ka na niyang manakawan," hindi makapaniwalang sambit ni Stella."Muntik lang naman," pa balang na sagot ko."Paano kung natuloy? Hindi 'yan magtatanda kung hindi mo bibigyan ng leksyon. Dapat sa kanya managot sa kasalanang ginawa niya.""Alam ko, pero sa hirap ng buhay ngayon hindi lahat ng nagnakaw ay masama. Ang iba ginagawa iyon para sa kumakalam na sikmura."Kinuha ko ang kamay ni Stella na nakahawak sa braso ng lalaki."Kaya siya nag nakaw dahil kailangan niya ng pera, tapos ipakulong ko pa? Paano kong hindi na 'yan makalabas ng kulungan?Paano ang pamilya niya na umaasa sa kanya? Edi, mamamatay sila na dilat ang mata dahil sa gutom."Humarap ako sa binatilyo. "Bakit ka nagnakaw? Ano ang rason mo para gawin iyon nang walang pag-alinlangan?" tanong ko."Pasensya po, ma'am sa ginawa ko. Kailangan ko talaga ng pera para sa gamot ng nanay ko.""At ito ang nakikita mong rason? Ang magnakaw? Paano kapag nalaman ng nanay mo na ang iniinom niyang gamot araw-araw ay galing sa pagnanakaw, sa tingin mo matutuwa siya? May maraming paraan para magka pera ka," hindi ko napigilan ang sarili ko na pangaralan siya sa kanyang maling ginawa."Sus! Modus 'yan." si Giana."Nagsasabi po ako ng totoo ma'am. Hindi po ako nagsisinungaling. Kakalabas lang ni nanay sa hospital at wala na kaming natira na pera. Hindi rin ako tinatanggap sa ina-aplayan kong trabaho kaya po ako nagnakaw. Hindi pwedeng hindi maka inom si nanay ng gamot, iyon ang bilin ng doktor. Maam, maawa po kayo, huwag niyo po ako ipa kulong. Walang mag-aalaga sa nanay ko," naiiyak na paliwanag niya.Hindi ako pabor sa taong gawing rason ang kumakalam na sikmura para magnakaw o gumawa ng masama para may pambili ng pagkain para sa pamilya.Na alala ko si mama, paano kong nasa ganito rin kami na sitwasyon, siguro gagawin ko rin ang masamang gawain para sa mama ko. Ilang taon siyang nagsakripisyo sa amin kaya kailangan ko rin magsakripisyo para sa kanya para sa buhay niya kahit ipahamak ko pa."Ilang taon kana?" Tanong ko."Nineteen po.""Alam mo ba na pwede ka ng makulong? Paano kung ibang tao iyon? Paano kung ipakulong ka?Hindi mo ba iniisip kung ano ang maramdaman ng nanay mo? Hindi mo iniisip kung ano ang kahinatnan mo sa ginawa mo," huminga ako ng malalim, pakiramdam ko kapatid ko ang sinisermunan ko. "I'm sorry, alam ko wala akong karapatan na magsabi sa'yo nang mga ito, pero sana huwag mong masamain ang mga sinabi ko. Nasa iyo na iyon kung gawin mong aral at sundin ang mga sinabi ko o mangpatuloy sa masamang gawain para sa nanay mong may sakit.""Pangako po, hindi ko na uulitin. Tatandaan ko po lahat ng sinabi niyo," mabilis na sagot niya sa akin at nakataas pa ang kanyang palad na parang nanunumpa."Iyon po ang magnanakaw." Rinig kong sabi ng babae di kalayuan sa amin. Namutla ang binatilyo nang makita ang pulis na patungo sa aming direksyon.Napatulala ako nang magtagpo ang aming tingin. Ang kanyang kayumanggi na mata na parang kinukuha ang enerhiya ko.Napahawak ako sa silyang nasa harapan ko ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko. Ang kanyang presensya na nagpakabog ng puso ko. What the heck in this man? Bakit may ganito siyang kakayahan? Ano siya mangkukulam?Kulam sa pamamagitan ng tingin?"May nag report na may pagnanakaw raw na naganap dito, at siya ang suspek?" sabi nito nang makalapit sa amin.Damn that voice. Ang manly. Ang tangos ng ilong, ang mga mata niya. Oh my god! Bakit ang perfect naman ng pagkahulma sa lalaking ito."Pumunta nalang kayo sa presinto miss para-""Huwag na," mabilis na sagot kk. "Ayoko maabala. Hindi ako mag rereport tutal hindi naman natuloy ang pagnakaw niya," umiwas ako ng tingin sa pulis.Hindi ko kaya ang tumitig pa sa kanya. Kumuha ako ng pera sa wallet ko. Hindi ko alam kong magkano iyon at binigay sa binatilyo. Gulat siyang napatingin sa akin, hindi makapaniwala sa ginawa ko."Tawagan mo ang numero na iyan Sabihin mo ang code na E.A kapag naka-usap mo sila," sabi ko sa binatilyo pagkabigay ko ng calling card.Iniwan ko siyang nakatulala doon. Umalis ako ng walang paalam sa kasama ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganito ka bilis ang tibok ng puso ko kaharap ang lalaking pulis na iyon.Pulis pala ang gwapong kumag na may matambok na puwit na iyon? Sh*t!Isang linggo na ang lumipas pero hindi parin nawala sa aking isipan ang muli naming pagkikita ng gwapong lalaki na may matambok na puwit. Kung gwapo siya noong gabi na iyon, sh*t! Para akong naka kita ng artista nang araw na muli ko siyang nakita. May kamukha siyang artista, hindi ko lang matukoy kong sino basta may kamukha siya. Baka may lahing banyaga siya kaya ganoon siya ka gwapo. Baka lahing mangkukulam? Piniling ko ang aking ulo at nagpatuloy sa panonood ng k-drama."Sh*it!" gulat na sambit ko ng may nag doorbell.Wala naman akong inaasahan na bisita a. Sino kaya 'to? Inayos ko ang sarili at pinagbuksan kung sino itong distorbo sa panonood ko. "Nandito ba si, J.A?"Nagka gulatan kami nang pagbuksan ko siya ng pinto. Nakatulala lang akong nakatingin sa lalaking nasa aking harapan. Ang aliwalas niyang tingnan sa suot niyang sky blue t-shirt, black pants and white sneakers. He look familiar, saan ko ba siya nakita? Ah! Na alala ko na. Siya si gwapong lalaki na may matambok na puw
Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong pumunta si Kenzo sa bahay ko... I mean pinapunta pala siya ng magaling kong kapatid. And worst napahiya ako doon sa tao dahil sa itsura ko noong pinagbuksan ko siya ng pinto at pinagsarhan ulit dahil sa kadahilanang wala pala akong suot na bra that time. Maluwang naman ang damit ko no'n pero bumakat parin nipple ko e. Kakahiya! Kainis! Kagigil! Kasi dalawang linggo narin ng hindi na naging normal ang tibok ng puso ko.Wala naman sa lahi namin ang may sakit sa puso. Baka epekto nato sa madalas kong pag inom ng alak. Hayst. Bakit kasi alak lagi ang takbuhan ng kapatid ko sa tuwing nag e-emote siya ayan tuloy nadadamay ako sa pagiging lasinggo niya.“Pasig Islet tayo sa sabado. Night swimming,” ani Stella.Lunch break namin ngayon at sabay ang break time naming tatlo. Naging magkaibigan kami noong araw ng job interview at naging solid pa noong parehas kaming natanggap tatlo. BFF raw kami-best friend forever sabi ni Gianna, pero umangal ako kasi
Kung nakakamatay lang ang masamang tingin kanina pa nakabulagta itong lalaking kasama ko. Kung nakakayaman lang ang pag buntong hininga siguro nabili ko na ang kaluluwa niya kay san pedro. Paano ba naman kasi, dalawang oras na kami rito limang item palang ang nakuha. Eh, ang haba ng listahan niya."Isukat mo kung tama ba ang size. Mahirap na magkamali babalik na naman ako dito para magpa change item."Another buntong hininga. Iyan, dahil d’yan sa pagsukat-sukat na 'yan kaya kami nagtagal dito. Huminga ako ng malalim at sinunod ang gusto niya. Kaunti nalang maubos na ang pasensiya ko sa kanya."Pati ba itong dalawang rolyo ng hose isukat ko din?" I asked."Yes, please." Agad na sagot niya habang sinisipat ang hose na nasa harapan niya.Tiningnan ko siya ng masama saka padabog na inabot sa kanya ang panukat na hawak ko."Isukat mo ‘yan mag isa mo," inis na sambit ko saka siya tinalikuran. Ang sigurista naman niya. Anong akala niya sa store dito scammer? Ngayon lang yata yan nakapasok sa
Mabuti nalang at mukhang nakisama sa akin ang panahon. Hindi na siya naging maarter sa pagbili ng mga gamit na nasa mahaba niyang listahan hinayaan niya ako na ako na ang bahala sa bibilhin niya pero syempre may pangako akong binitawan.“Kung may mali man sa item na maibigay ko i charge niyo na lang sa akin kapag bumalik ka rito,” bititawan kong salita sa kanya upang mapadali ang trabaho ko dahil ang sama ng pakiramdam ko.Mukhang nagmamadali rin siya. Hindi kasi siya umiimik at panay tingin sa kanyang cellphone mukhang may hinihintay na importanteng mensahe doon at ipinagpasalamat ko iyon dahil less inis ako pero parang nalulungkot ako... parang hindi ako sanay na hindi ko marinig ang pang-aasar niya. Weird.“Nasa delivery truck na ang lahat ng binili mo. Pina double check ko na rin sa cheaker para walang aberya sa mga items,” saad ko dito. Doon niya lang ako hinarap at isinilid ang kanyang cellphone sa bulsa ng pants niya.” Ito ang resibo,” dagdag ko at inabot iyon sa kanya.“Than
KENZO JUAQUIN MARASIGAN pov.Daig ko pa ang tumakbo ng sampong kilometro sa bilis ng tibok ng puso ko habang magkasiklop ang kamay naming dalawa ni Elies. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nakipag holding hands pa ako sa kanya pabalik sa table kung nasaan ang tropa at kapatid niya.“Sama ka na lang dito sa amin, ’te. Sorry, hindi ka komportable-,”“Tss. Ano ka ba, huwag mo ako intindihin kailangan mo rin magsaya paminsan-minsan,” sagot ni Elies sa kanyang kapatid.“Magsaya ako dito,” saad ni J.A sabay taas sa bote ng alak na kanyang hawak. “Alam mo naman, ate.”“Parehas rin naman tayo. Pero kalimutan mo muna iyon kahit ngayong gabi lang.”Lihim akong napailing habang pinagmamasdan ang magkapatid na nakisabay sa pag inom sa tatlo pa naming tropa. Hindi na ako nakisali sa laklakan dahil mukhang hayok sa alak silang lahat. Buti nalang pareho kaming apat na walang duty bukas.Naging magkaibigan kami ni J.A noong 4th year college kami. Nabanggit rin niya sa akin na may
ELIES ABAGAIL pov.Nagising ako sa tunog ng door bell. Marahan akong tumayo at napahawak sa aking ulo dahil masakit iyon at parang pinupokpok ng martilyo. Napahilamos ako sa aking mukha ng maalala ang nangyari kagabi. Nalilito na ako sa nararamdam ko. I thought, I like Kenzo pero bakit may puwang parin si Patrick dito sa puso ko?Naalala ko na naman ulit kagabi ang tungkol sa amin ni Patrick, sa tuwing nalalasing ako na aalala ko ang lahat lalo na ang masakit na nangyari sa aming dalawa. Pakiramdam ko hinahati ang puso ko sa tuwing ma isip ko iyon. Napahawak ako sa aking ulo ng pumitik ito dahil sa biglaang pagtayo ko. Panay parin ang pag tunog ng door bell kaya pinilit kong pumasok sa loob ng banyo para mag hilamos at pagbuksan kung sino man ang panay pindot ng door bell ko.Nagulat ako ng madtnan ko si Kenzo pagbukas ko ng pinto.“Hi. Good morning,” nakangiti na bati niya.“G-Good m-morning,” kanda utal na pagbati ko pabalik.Bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang sa kanya. Hanggan
Kenzo Juaquin pov.“Inuman ulit sa sabado.”Naibaba ko ang files na hawak ko ng marinig ang sinabi ni J.A. Inom na naman, okay pa ba ang atay nito? Sumandal ako sa aking upuan at mariin na tumingin sa kanya na prenteng naka upo sa umupuan dito sa harap ng table ko. Nakatukod ang isang siko sa ibabaw ng lamesa at naka di-kwarto ang paa.“May balak ka bang sunogin mga atay namin?” nang uuyam na tanong ko sa kanya.“ ‘Wag ka ng umangal, pabor 'to sayo. Sa apartment ni ate tayo iinom. Pasalamat ka, boto ako sayo.”Napatikhim ako at umayos ng upo sa binitawan niyang salita. Ramdam ko ang pag init ng magkabilang tainga ko kaya nag busy-busy-han ako sa aking papel na hawak ng hindi niya mapansin ang pagbago ng ekspresyon ko.Binato niya ako ng nilukot niyang papel at kaagad itong tumayo. ”Kadiri ka. Na in love rin naman ako at kinilig pero hindi ako namumula. Lol. Bistado ka masyado na patay na patay ka sa ate ko.”“Gago ‘to. Manahimik ka nga,” pabulong na singhal ko at luminga sa paligid bak
Elies Abegail pov.Pakiramdam ko kasing kulay na ng kamatis ang mukha ko sa subrang pula nito. Sino ba ang hindi pamulahan ng mukha sa ma bulaklakin na salita ng binatang pulis na ito? Tuluyan ko nang iniwas ang mukha ko sa kanya at dumistansiya baka marinig pa niya ang malakas na kabog ng puso ko na siya ang dahilan.Base on my peripheral version nakatingin parin ito sa akin. Tumaas ang sulok ng labi ko, akala ko ba kaya siya lumapit sa akin dahil tutulungan niya ako sa pag ihaw, bakit nakatayo lang siya at…….nakatitig sakin?“Ehem,” basag ko ng katahimikan.” Bumalik ka na doon, kaysa dito ka tapos aasarin mo lang ako.”Napakamot ito sa kanyang ilong at inagaw sa akin ang pamaymay.” Ako na rito, tapos ikaw ang bumalik doon. Makihalubilo ka sa ibang tao para hindi ka tatandang dalaga.”Biglang kumulo ang dugo ko at umusok ang ilong ko sa subrang inis sa sinabi niya. Talaga namang nakakapikon siya, hindi nakakatuwa. Inagaw ko sa kanya ang pamaypay at pinagpapalo siya sa subrang inis.“A