Share

Chapter 04

Calm down Kalie, sasabihin mo lang naman kay lolo at lola mo na kakanta ka bakit ka kinkabahan? ano kayang magiging reaks'yon nila? masaya kaya?

Pumasok 'ko sa bahay namin at nilapag sa sofa ang mga bag ko at 'tsaka pinuntahan sila lola na alam kung nasa sala dahil dinig ko ang boses nila na kumakanta.

"Lola?" tawag ko.

Lumingon naman s'ya na kakatapos lang hugasan ang gulay, si lolo naman ay busy sa niluluto n'ya na hindi ko alam.

"May sasabihin po ako." Kumunot naman ang nuo ni lola.

Kinakabahan tuloy ako! ano ba Kalie shut up na nga sasabihin mo lang parang 'yon lang wala naman kasalanan ang gagawin mo e.

"Naku! 'wag mong sabihin na buntis ka wala kang jowa, hija." Napahilot ako sa sentado sa sinabi na lolo na busy parin sa niluluto n'ya.

Iniisip pa talaga nilang 'yon ang sasabihin ko? kaluka talaga 'tong lolo ko! parang nanlait pa sa wala akong jowa! oo na NBSB kasi ako.

"Hindi po 'yon 'tsaka tama ka 'lo wala akong jowa kaya malabo," sabi ko. "Representative po ako ng singing contest sa school." Do'n na napalingon si lolo sa 'kin.

Akala ko hahampasin n'ya 'ko 'yon pala ginulo lang ang buhok ko at niyakap 'ko, gano'n rin ang ginawa ni lola.

"Proud kami sa 'yo, ipanalo mo ah?"

Tumango 'ko kay lolo, ang buong akala ko ay magagalit sila hindi naman pala. Bobo mo kasi Kalie mas'yadong OA utak ko puro pa'no kung magalit sila kung ayaw nila malamang gusto nila dahil matagal na nilang pinu-push kang sumali sa mga contest pero ayaw ko.

"Mana kasi 'ko sa 'nyo e," sabi ko.

Tumango-tango naman sila, sila ang pamilyang hinding-hindi ko ipagpapalit. Sila ang lolo at lola ko na nag-alaga sa 'kin, nakalampin pa lang 'ko ay sakanila na 'ko tumira. Naiintindihan ko naman sila mama at papa, pero parang may mali sa tuwing nauwi sila dito. Parang hindi naman sila mag-asawa.

Basta ang sa 'kin ay may lolo at lola akong ubod ng supportive at mahal na mahal ako. Bahala na kung anong meron sa something kina papa at mama ayoko ng dagdagan pa ang problema ko.

Kinabukasan ay maaga 'kong pumasok dahil nasa 'kin ang susi at ayon kami nanamang dalawa ni Trace ang nauna, mga 6:20 ata pa lang bukas na classroom namin at naglilinis na kami, dapat pag friday hindi na kami maglinis dahil kami na naglilinis kada umaga e!

"Ohy! ang aga ng couple." Napatingin kami ni Trace kay sir Klaus na kakaparada pa lang ng sasakyan n'ya sa tapat ng classroom namin.

"Goodmorning po sir." Sabay na bati namin si Trace at nagkatinginan pa.

Sir Klaus sneezed. "Parang in love kayo sa isa't-isa ah! mag-aral muna kayo," sabi nito.

Trace chuckles. Inirapan ko naman s'ya na mas lalong s'yang tumawa, bakit feeling ko napag-tutulongan ako?

"Taray naman," sabi niya.

Iniwan ko na s'ya at pumasok na sa loob ng classroom namin. Sumunod naman s'ya.

Busy ang lahat at may sariling mundo, samantalang kami ni Trace ay nakatunganga lang dahil tapos na kami. Napalingon kami ng sabay ng pumasok si sir Klaus at hinanap kami ng mata n'ya at may panunukso 'yon bago n'ya kami pina-alam kay ma'am Diana.

'Goodluck,' ma'am Diana mouthed.

Ngumiti naman 'ko at nag thumbs-up bago sumunod sa dalawa, sa faculty kami ng senior high pinag-practice ni sir Klaus para daw mabantayan n'ya kami baka raw kasi imbes na mag practice ay magtitigan lang kami.

"Anong kakantahin n'yo?" tanong n'ya at may hinahalungkat sa mga gamit n'ya.

Nagkatinginan kami.

"Ayan nanaman tayo sa eyes to eyes e! kayo umamin nga kayo! In love ba kayo sa isa't-isa?" tanong niya habang may ngiti ang labi.

Sabay kaming umiling sa kan'ya, he chuckled. I sneezed. Trace laugh. Para kaming sira! ano bang nangyayari sa 'kin I mean sa 'min!

"Hanap-hanap na lang by Jadine, ganda kasi no'ng kanta tapos parang bagay sa 'nyong dalawa ang kantang 'yon," sabi n'ya.

Kumuha s'ya ng bond paper at nilagay 'yon sa loob ng printer 'tsaka s'ya umupo sa chair n'ya at may kung anong kinalikot do'n at kumu-kunot-kunot pa ang nuo n'ya.

Napatingin naman 'ko sa katabi ko na boring na boring na nakatingin rin kay sir Klaus. Ngumuso naman 'ko dahil may na-alala ako, tama naman kasi si sir Klaus bakit kasi feeling ko may something sa 'min pag nagkakatagpo ang mga mata namin!

Talandi ka Kalie grade 7 ka pa lang umayos ka, makukurot ni lola singit mo!

"Done," sabi ni sir Klaus.

Inabot n'ya sa 'min ang printed na copy no'ng kanta at inaya na kaming umakyat sa third floor kung sa'n nando'n ang isang room na ginawa nilang music room. Asinsado na talaga ang Salinap National High School pero ang cr sigurado ako wala pang kalahati ng taon sira na grip tapos mga lock ng pinto, hays.

Nando'n na rin si ma'am Diana at ang ibang sikat na tumutug-tog tuwing may event ang High School at Senior High. Ngumiti si ma'am Diana sa 'min ni Trace.

"Alam n'yo na ba 'yong tugtog ng hanap-hanap?" tanong ni sir Klaus sa mga istudyante n'yang tumutug-tog kanina.

"Basic lang ba sir? pag hard tayo pass ako," sabi no'ng isa na kilala kung si Ronel.

"Bonak ka madali lang 'yon," sabi naman no'ng isa.

Si Oliver ata? s'ya 'yong nag-pi-piano at si Ronel naman ay drummer. Si sir ang may hawak ng guitar na ginamit ni Trace no'ng nasa hagdan kami.

"Basic lang tayo para hindi mahirapan." Tumango ang dalawa kay sir at kami naman ni Trace ay umupo sa gitna.

Sinabi ni sir Klaus na pag-aralan daw muna namin ang bawat galaw at pag tunog ng drum at piano kahit is alang daw ro'n ang pakinggan namin dahil sabay-sabay naman 'yon.

"Nakilala kita sa 'di ko inaasahang pagkakakataon." Kanta ni Trace ng bigyan na kami ng hudyat ni sir Klaus.

"Nakakabigla, para bang sinadya at tinakda ng panahon." Kanta ko at tinitigan si Trace na ngayon ay nakatitig rin sa 'kin.

Kumalabog bigla ang puso ko, sabi ng lolo ko pag kumalabog daw ang puso mo at wala kang naririnig kundi ang tibok no'n ay 'yon na daw ang para sa 'yo.

Pero, hindi kasi pwedi. Walang ibang naririnig hanggang ngayon kundi ang puso ko habang nakatitig kami sa isa't-isa, bigla na lang may tumawa sa gilid namin ng malakas.

Si sir Klaus!

"May something talaga sa dalawang 'to ma'am Diana," sabi n'ya.

Tinaasan naman 'ko ng kilay ni ma'am Diana pero may ngisi sa labi n'ya, sa sobrang hiya ay lumabas 'ko ng music room, ano bakasing ginawa mo?! Bakit kasi na tutulala ka sa tuwing nagtatagpo ang mata n'yo? alam mo namang hindi pwedi! hindi kasi masasaktan si Vivian!

Pero paano naman ang nararamdaman mo? Napasambunot 'ko sa sarili ko dahil feeling ko hindi puso ang tra-traydor sa 'kin kundi ang utak kung bulong ng bulong.

Hindi pa naman siguro ako baliw 'di ba? Hindi pa! It will never be. Hindi ako mababaliw 'tsaka hindi ako ma-i-inlove sa kan'ya! Bawal period.

"Kalie." Parang tumigil ang ikot ng paligid ng marinig ko ang boses n'ya.

Please lang lord ilayo n'yo na sa 'kin si Trace mababaliw na 'ko. Dasal ko habang inaantay s'yang makalapit sa 'kin. Kalie focus wala kang dapat na kahit anong maramdaman sa kan'ya kakakilala niyo pa lang for peke' sake Kalie!

"Bakit ka umalis?" tanong n'ya.

"Naiinom ako nakakapagod pala," sabi ko.

Palusot ko lang 'yon pero parang hindi umubra dahil tumawa s'ya, inis na sinipa ko s'ya ng mahina.

"Kakaumpisa pa lang natin babae," sabi n'ya.

Bumuntong hininga naman 'ko, kailangan kung itigil na 'to. Guguluhin n'ya lang ang buong sistema ng pagkatao ko, dahil pansin ko sa tuwing magkasama kami ay halos lahat ng laman loob ko nabubuhayan pag kausap ko siya at nakakatitigan.

Now I can name that something na simula no'ng una naming pagkikita ay naramdaman ko na, I never attract with someone ngayon lang at sa lalaki pang kakakilala at sa lalaking gusto ng kaibigan ko?

"Ayoko na Trace," sabi ko.

Umiwas 'ko ng tingin dahil nakakunot ang makapal n'yang kilay at puno ng pagtataka ang mukha n'ya. Sinubukan n'yang habulin ang tingin ko pero hindi ko hinayaan.

"Backout na 'ko," sabi ko ulit.

Nakakatakot pala talaga pag naramdaman mo na 'yong sinasabi nilang mararamdaman mo lang sa taong mamahalin mo, I'm afraid that I will love him tapos hindi n'ya masuklian. I hate the feeling of rejection by someone you love.

"Bakit? Dahil ba sa asar ni sir?" tanong n'ya na inilingan ko.

Mas lalo lang 'kong mahahalata. As long as kaya kung itago pa gagawin ko, kung kailangang layuan ko s'ya gagawin ko. I will do that not because I'm guilty dahil sinabi na sa 'kin ni Vivian na may gusto s'ya kay Trace, I'm doing this for me. Para sa 'kin to hindi para sa kahit sino.

"Sorry humanap-"

"Wala tayong magiging representative Katana," sabi ni ma'am Diana.

Nasa likod na pala namin s'ya at hindi ko man lang namalayan, pa'no kung makita n'ya kung anong nararamdaman ko? parang wala atang naitayagong sekreto kay ma'am Diana dahil kahit hindi ko sabihin ay nalalaman n'ya agad.

She know that I'm afraid of being friendly, hindi 'ko totoo sa iba at higit sa lahat hindi ako totoo sa sarili ko, her words hit me. Sapol na sapol 'ko dahil totoo ang lahat ng 'yon. Takot akong maging close sa iba baka maulit ang nangyari dati, mas gusto kung hinuhusgahan nila ako kaysa magpaliwanag.

"Kailangan ka ng DG para may representative sila-tayo," sabi pa ni ma'am Diana.

How can I explain to her na ayoko talaga anong palusot ba ang kailangan kung gawin, I need to protect myself.

"Maging makasarili ka muna ngayon," bulong ni ma'am Diana na nakalapit na pala sa 'kin.

Napatingin 'ko sa kan'ya, ngumiti s'ya at inayos ang mga baby hair ko na humihiwalay.

"Sarili mo muna ngayon at magtiwala ka," sabi pa niya.

Tumango 'ko, hindi masamang piliin ko ang sarili ko, kahit minsan.

"Sige po," sabi ko.

_____________________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status