Share

Chapter 5

ISA-ISANG lumabas ang mga nakasakay sa limang kotse at kanya-kanya sila ng istilo ng pagbaba. Una nilang ipinagyabang ang suot nilang mga sapatos nang makatapak sila sa airport. Kumikinang at bagong kiskis. Nahumaling agad ang mga tao noong makita sila. Sa paglabas ng lima, sabay-sabay silang naglakad papunta sa akin. Parang modelo. Parang artista. Habang kumakaway sa mga naaaliw sa kanila.

Sa kanilang likod, isang ginang at batang lalaki ang nakatunghay sa akin. Agad akong napangiti noong mamataan ang mukha ng kapatid ko.

"Kage!" sigaw ni Kaden. 

Tumakbo siya sa akin at sinalubong ako ng apir. Nawala lang ako nang ilang araw ay parang bumilis ang pagtangkad niya. Ngayon na lang siya ngumiti pero agad ring napawi. Bumalik sa pagkaseryoso ang kanyang mukha. Parang mas matanda pa siya kaysa sa 'kin.

"And why is that, Kaden?" takhang tanong ko sa pagsimangot niya.

Sinamaan niya ako ng tingin saka itinuro si Mama at ang lima kong kaibigan sa likod.

"They're all annoying," aniya saka umirap. "Sinama pa ako rito, ikaw lang pala ang susundin."

Napasimangot ako. "Ayaw mo talaga akong makita, oo?"

"Hey, Kagan. Stop it!" bulyaw ni Kaden nang ginulo ko ang buhok niya.

"Bakit naman ayaw mo na? Tsk!" asik ko. "As if I didn't shampoo your hair."

"Argh! I'm not a kid anymore, okay? Ikaw lang ang isip-bata sa atin. Gosh!" pagsusungit niya.

Tinalikuran niya ako para lumapit sa ina. Dahil doon, natawa ang lima kong kaibigan nang matapos sa maliit nilang parada. Isa-isa ko silang sinamaan ng tingin.

"Kagan..."

Lumapit ang pinaka-magandang babaeng nakilala ko. Sinalubong ko siya ng halik sa pisngi.

"Hola, Mama!" bati ko.

"Hola, hijo..." tugon niya saka biglang hinawakan ang dibdib ko. "How's your heart? Kumusta kayo ni Kachina?"

Hindi ko pa nababanggit pero alam na agad ni Mama ang nangyari. Naumid  ang dila ko at hindi makapag-isip nang tama sa tuwing tatanungin ako nang ganoon. Mabuti na lang at sumingit si Kaden kasi kung hindi ay mapipilitan akong magmaktol dito.

"Mama, don't ask him about that!" bano ni Kaden. "You know, he's got this awful face since birth that's why Kachina is not with him. Obviously, he's busted. Plus, he loves nasty cartoons. Goodness!"

Dinekwat ko ang leeg niya saka inipit sa dibdib ko. Masyado nang madulas ang bibig ng lalaking ito. Masakit man dinggin ang mga sinabi niya ay nakitawa na rin ako sa mga kaibigan kong humalakhak rin. Binitawan ko siya.

"Alaw ka pala, erp!" komento ni Katlego, ang mabisyong kaibigan ko. Kakaunti ang laman, payat pero may itsura. Matangkad siya at maputi ang kutis.

"Tse! Anong 'alaw' ka riyan!" sigaw ko.

"Alaw. Wala. Detsub. Busted."

Malakas na humalakhak sina Lachlan at Clavis. Iyong pinakamaliit sa amin at ang pinaka-payat. Mas lalo akong sumimangot dahil binabaligtad uli nila ang mga salita. Wala akong maintindihan!

"Eh, kapag ako 'yan, iiyak talaga ako!" singit ni Clavis na tila nahimasmasan na mula sa biyahe.

Siya ang kaibigan kong kahit anong kain ay hindi pa rin tumataba. Mahilig rin matulog kaya ang gulo ng buhok palagi. Para siyang naglalakad na stick at isama pa ang height niya. Siya kasi ang pinaka-matangkad sa amin at susunod ako.

Ngayon, bale dalawa sa limang kabigan ko ang walang pakialam sa mundo. Iyong isang mukhang Amerikano ay nakatalikod sa amin habang kinakausap ng tatlong babae. Akala niya siya na ang pinaka-guwapo sa mundo.

Iyong isang kayumanggi ang balat ay panay ang taas-kilay, tila ba sinasabing parang tanga magbiro si Katlego. Halos magka-tangkad lang sila ng pinaka-pandak sa amin pero mas lamang pa rin siya nang ilang centrimetro.

"Ngi. 'Nuyon?" aniyang hindi natuwa kay Lego.

"Nyo, nyo!" asar ng isa at nakipag-apir kay Lachlan.

Tanging reaksyon niya lang ay tawa at ngiti. Ang nakakainis pa'y kung papaano sumingkit ang mata at lumitaw ang dimples niya.

"Ngitpa ang og*g!" anito na binabaligtad ang iba sa mga salita.

"Oo nga, og*g ngitpa Nagak!"

"Tse! Ngitpa Ogeltak!" sigaw ko at binaligtad rin ang ngalan niya.

"Hahahahahaha! Alaw ka rin pala, erp Ogeltak!" singit ni Lachlan.

"Nyo, nyo, nyo!"

Binalingan ko na lang si Mama saka nginusuan siya. Kanina pa rin nakikitawa sa biro ng dalawa. "Ma, vamonos... I'm exhausted!"

"Okay. Este bien vammos!" tugon nito at inakay ang kapatid ko.

"Saan ka pupunta, Nagak?" bigla ay tanong ni Lego. "Aalis na?"

"Hindi ko gets, Espanyol 'yon!" nagkamot ng ulo si Lach.

"Aalis na raw, og*g!" sagot ko saka tinalikuran sila. Nakuha naman nila iyon kaya sumunod na rin sa amin.

Kinuha ng driver iyong mga maleta ko saka isinakay sa compartment ng itim na kotse. Tinatanong pa rin ako ng aking ina kung ano ang nais kong ipaluto pero laging kumokontra si Kaden kaya lahat ng paborito niya ang ipapahanda ngayon.

Nakasakay na silang dalawa sa kotse at hinihintay ako pero tumigil muna ako. Pinagmasdan ko sa likod ang lima kong kaibigan na binakuran ng kababaihan.

Napamura ako. Ano ito at wala nang pansinan? Siyempre, maging ako ay pinalibutan rin ng mga babae. Para kaming artista na sinusundan ng mga fans. Ang kulang lang ay wala kaming taga-awat na bodyguards.

Naglakad ako para lapitan ang lima pero halos malunod ako sa mga babaeng ito.

Maraming nakikipaglitrato kay Euart na mukhang Amerikano habang kaunti ang nakalalapit kay Jirario. Baligtad ang dalawang ito sapagkat kung mahilig sa chicks si Euart, si Jirario ay hindi. Ekis 'yon sa kanya. May napupusuang iba yata.

"Lumandi ka rin, erp!" bulong ni Lego sa kanya sa oras na matabihan ko si Jira.

Natawa na lang ako habang nakatuwad na nakikipaglitrato sa isang batang babae. Wala nga akong ideya kung bakit mas marami ang dumadagsa sa akin kaysa limang ito.

"Akin ka na lang, pogi!" sila ang sumigaw niyon habang nakatingin sa akin, siyempre.

Ang lawak ng ngiti ko, iyong tipong mapupunit ba. Pero naglaho agad iyon noong may isang babae sa malayo na bigla na lang napatingin dito. Hindi. Nakakunot-noong nakatitig sa akin.

Dagling bumilis ang tibok ng puso ko sa oras na magtama ang mga mata namin. Para bang nawala lahat ng mga tao at tanging kami lang ang nagtititigan. Maikli rin ang kanyang buhok tulad sa babae sa isla. Dahil sa araw, mas nasilayan ko ang tunay niyang kagandahan.

Hindi pala siya maitim sapagkat gawa lamang 'yon ng dilim. Sa totoo niyan, para siyang isang prinsesa mula sa malayo. Nginitian ko siya ngunit walang pake na tinalikuran niya ako. Nagtaka ako noong sa pagdaan ng isang babae sa harap ko ay nawala siya sa paningin ko.

Neko!

Sinagi ko ang mga taong nasa harap ko at tila lumalangoy na sumisiksik sa alon para makapunta sa paroon. Tumakbo ako sa tabi ng kalsada para habulin siya. Tumingin ako sa gilid at mabuti na lang ay kabisado ko ang kulay ng kanyang kamiseta. Natanaw ko sa malayo ang babaeng naka-dilaw at walang anu-ano na hinabol siya.

Neko!

Noong malapit ko na siyang maabutan ay may kamay na humawak sa akin. Nagulat pa ako kaya tumingin ako sa likuran.

"Pare, saan ka ba pupunta?" suwabeng tanong ni Eaurt sa oras na malapitan kami ng iba ko pang kaibigan.

Nandito silang lahat pero hindi ko na siya nasagot. Hinanap ko ulit iyong babae subalit huli na noong naka-sakay na siya sa isang pulang kotse.

"Nosi ba 'yon, erp?" tanong ni Katlego at sinilip rin ang tinitingnan ko.

Nagmamaktol na pinadyak-padyak ko ang mga paa ko. "Kainis, kainis! Bakit niyo pa kasi ako sinundan?"

"Para namang ginusto ka naming sundan," pamimilosopo ni Jirario at inirapan ako.

"Hindi pa ba tayo aalis?" bigla ay tanong ni Clavis na humikab pa. "Inaantok pa ako, mga erp."

"Sakit na rin ng buto ko," reklamo ni Lachlan na siyang tamad pero walang ginawa. "Sakit na rin ng ulo ko."

"Sino bang hinahabol mo, Kage?" pahikab-hikab na tanong ni Clavis at binalingan ko siya sa likod ni Lachlan.

Napatigil pa ako sa pag-iisip pero nagawa ko pa ring sumagot kahit wala itong laman.

"Ano... W-wala."

"May ebab kang nakilala, 'no?" singit ni Katlego na sinagi pa ang balikat ko.

"Tse! W-wala rin," nahihiyang tugon ko saka biglang naalala iyong pangyayari sa isla.

Nasapo ko ang aking noo at bigla na lang tumawa ang lima kong kaibigan.

Nginusuan ko sila. "Bakit niyo ba 'ko tinitingnan? Hmmph!"

"Ang pula-pula mo, erp!" asar ni Lego na sinundot ang tagiliran ko.

"Alulululu! Ligki siya!" tusok din ni Clavis sa bewang ko at napakembot ako.

"Ano ba! Anong 'ligki'?"

"E'DI, KILIG!" sabay pa silang lima.

"Kinikiliti ang osup niya!" paghawak ni Lachlan sa dibdib ko, na ngayo'y bumibilis ang tibok.

"Ano ba! Kainis, ah!" bulyaw ko at mas humalakhak silang lima.

"Tama na 'yan, erp. Naghihintay na si Tita Vale sa kotse," pansin sa akin ni Jirario, tinutukoy ang aking ina, at nilingon iyong apat.

"Alis na agad oyat?" tanong ni Lego.

"Tara na, mga og*g. Nakakahiya kay Tita."

Pumayag na ang lahat na bumalik sa entrada ng paliparan at tumabi naman sa gilid ko si Eaurt habang naglalakad kaming anim. Muli kong tinignan ang likod ko pero wala na talaga iyong si Neko. Nakapandidismaya.

"Pare, doon ka na sa kotse ko sumakay..." alok niya at tiningnan ko siya.

"Bakit? Gusto mo 'kong katabi, 'no?" biro ko at natawa siya.

"Og*g ka talaga, boss Kage!"

"Eh, bakit nga?" ngumuso pa ako at pinungayan ang mga mata ko.

"Yuck, 'di mo bagay," singit ni Jirario at sininghalan ko nga siya.

"Tse! Palibhasa mukha kang maitim na tahong 'pag nakaganito!" lait ko saka pinakita ulit kung paano ngumuso nang maganda.

"Ngi. Igop ka na niyan?"

"Tse ulet!" singhal ko at hindi na siya pinansin.

"Nga pala, erp..." baling ni Katlego sa akin habang akbay ang pandak na si Lachlan.

Hindi naman sa sobrang pandak. Katamtaman lang ang tangkad niya pero pandak pa rin siya sa tingin ko.

"Bakit?" tanong ko. Tinabihan niya rin ako saka kinalas ang kamay sa balikat ng pandak.

"Iyon bang hinahabol mo, si mareng Kachina ba 'yon?" takhang tanong niya at nataas ang kilay ko.

"H-hindi. Bakit mo natanong?" balik ko at inilayo ang tingin palayo sa kanya.

"Alaw naman, erp... Pero kasi nagningning ang mga mata mo nang hinabol mo 'yong ebab!" sagot niya at nakagat ko ang aking labi.

Parang tumalon ang puso ko na tila bumalik sa Isla ng Panglao. Basta ko na lang naalala iyong buhangin na dumadampi sa balat namin at iyong alon na naglilinis niyon. Gumagalaw na naman ang mga paru-paru sa tiyan ko at hindi ko mapigilang mapangiti sa kawalan.

"Luh. Parang tanga." Boses iyon ni Jirario at napalingon ako sa kanya.

"Bakit ba!" asik ko at sinungitan siya. "Kainis! Laging sumusulpot!"

"Ikaw, erp, ah!" bigla ay tinusok ulit ako ni Clavis sa bandang puwet naman. "May napupusuan!"

"Stop it, I said!"

"Kinalabit ka lang, eh, inaantok na ako..." sagot niya at umawang ang labi ko.

"Ay, tang*na!" bigla ay napunta kay Lachlan ang tingin namin.

"Anyare sa 'yo, Boss?" takhang tanong ni Euart na nilapitan siya.

"Nadapa ako, ay!" masayang kuwento pa niya at natawa naman doon si Katlego.

"Ayos ka, erp!"

"Ay, ako pa!" napangiwi ako sa pagpupunas niya ng sapatos.

Parang tanga talaga!

"Kage..." tawag sa akin ni Clavis habang hinihila ang dulo ng polo ko.

"Oh, bakit na naman?" naasiwa ang tonong tanong ko.

Lagi siyang nangangalabit. Para tuloy siyang pulubi sa itsura niya. Hindi niya bagay dahil sa aming magkakaibigan, siya ang may sariling bahay. Dami ngang ari-arian, lagi namang tulog.

"Inaantok na ako, erp. Wala pa 'kong tulog!" reklamo niya.

Wala nga eh. Narinig iyon ni Lachlan na kalaunan ay lumapit rin sa akin.

"Kaya nga, erp. Nakakatamad maglakad," daing niya.

"Hindi nakakatamad maglakad, sadyang tamad ka na talaga simula noong niluwal ka sa mundo," singit ulit ni Jirario.

Sa napalalim na kuwentahan namin, nakarating din kami sa harap ng paliparan. Nakaparada pa rin ang limang kotse at nasa pinakaharap iyong itim na kotse ni Mama.

Imbes na samahan sila ay naki-sakay ako kay Euart. Iyon kasi ang alok niya sapagkat noong papunta sila rito ay kasama niya sa sasakyan si Clavis na puro hilik ang ginawa. Kuwento raw ng g*go, iniwan daw niya ang sasakyan nito sa bahay niya. Tamad kasing magmaneho.

"Iba 'yon, erp. Puro tulog ang inatupag..." iling pa ni Euart saka binuksan ang pinto ng kotse.

Sa katunayan, lahat talaga kami ay may sariling kotse pero dahil nasa bahay rin iyong akin, naki-sakay na lang muna ako. Dahil tatlo na lang ang bakanteng sasakyan ay naki-sakay na lang ang mayaman na si Clavis kay Katlego. Si Jirario at Lachlan ay nauna nang pumaharurot.

"Sa bahay niyo muna raw oyat, Kage," putol ni Euart sa katahimikan sa oras na makasakay kami sa kotse at paandarin niya ito. "May sasabihin akong importante sa inyo."

"Ngayon mo na sabihin," wika ko.

"Nagsisimula sa letrang 'P'," pahula niya.

"Anong 'p'?!"

Ngumuso siya. "Pakiss muna."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status