Bumalik si Gregor sa loob ng restaurant kung saan naghihintay si Lenny. Hindi niya rin inaasahan na dadating ang kasintahan matapos niyang tawagan na kailangan nilang mag-usap. Nakatunog siguro na gusto na rin niyang tapusin ang relasyon kaya't nagmadaling umuwi sa Palawan.
At nahirapan siyang tapusin ang relasyon ngayong nag-e-effort si Lenny na paluguran siya simula kagabi. So, he thought of giving their relationship another try if she decides to stay. Hindi na sana siya maghahanap na may kulang sa relasyon nila. Pipilitin na lang sana niyang kalimutan si Martina.
Until he saw the young woman again tonight. Nagulo na naman ang tahimik niyang mundo lalo nang makitang may kasama itong ibang lalaki. He tried to talk to her, but it seems that Martina has lost interest in talking to her. Na para bang wala silang pinagsaluhang maiinit na sandali.
"I want some dessert. Anong gusto mo?" tanong ni Lenny
"Hindi mo ba ako ihahatid?" tanong ni Lenny sa kanya nang bumaba ito kinabukasan nang nakabihis na. Siya rin ay nakahanda na sa pagpasok at humihigop na lang ng kape."Ihahatid kita sa opisina at ibibilin kay Adrian," sagot niya. "Are you ready?""Yes. Hindi ba talaga ako puwedeng sumama sa 'yo sa meeting mo sa labas?"Alam niyang may kinalaman sa nangyari kagabi ang pag-uungkat nitong muli na sumama sa lakad niya ngayong umaga."Sure. Sa bangko lang naman ako pupunta," aniya. "Kung magiging maayos ang pakikupag-usap ko sa manager, makakapunta tayo kaagad sa opisina."Isang linggo na ang paghihintay niya sa approval kaya't minarapat niya ngayon na puntahan na lang ang manager ng banko. Baka mas mapapabilis ang approval niyon kapag personal niyang finallow-up. Alas nueve nang umaga nang dumating sila sa banko at humingi ng meeting sa manager.&
"Do you know each other?" May hinalang wika ni Anthony na ikinagulat ni Olive. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ng pinsan nang hindi mapapahiya."Long time ago, can't really recall," kibit-balikat na sagot ni Gregor na marahil ay nahalata ang pag-atubili niya. "So how are you, Ms. Montañez?" Kung may sarkastiko sa wika nito ay hindi niya alam."I'm f-fine." Umupo siya sa swivel chair dahil tila bibigay ang tuhod niya. How ironic life is. Ang taong gusto nilang gipitin ngayon ay ang taong pinagkatiwalaan niya ng pagkababae niya halos isang linggo na ang nakakalipas."You're still beautiful as I remember," makahulugang wika nito. Pinamulahan siya ng mukha at gustong itigil na nito ang pagbibigay ng hint kay Anthony na magkakilala nga sila."Thank you." Kinuha niya ang kape sa mesa at dinala sa bibig. Saglit siyang napaso pero sinikap pa rin niyang maging kaswal.
Ibinagsak ni Olive ang telepono sa mesa nang matapos ang ring at hindi iyon sinagot ni Gregor. Tinawagan din siya ng manager ng banko na pinakansela ni Gregor ang renewal ng loan nito. Alam niyang wala na rin itong balak pang maging supplier at contractor ng itatayong condominium.Tumayo siya at pinuntahan ang opisina ni Anthony. Kasalukuyan itong nagdi-discuss sa secretary tungkol sa schedule nito maghapon. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ang secretary."Tumawag si Ms. Corpuz, binawi na ni Gregor ang renewal ng loan niya.""So it's Gregor now," wika nitong nakatitig sa kanya. Pinilit niyang manatiling pormal sa harap ng pinsan sa kabila ng ibang kahulugan sa tinig ni Anthony."I suggest we still get him as the contractor and supplier of the Falcon Condo. By then, baka mapapapayag natin siya na ipagbili ang lupa.""At kung hindi
Kinabukasan ay ang banko na ang tumawag na approve na ang loan niya. Hindi na siya nagulat. Wala na siyang dahilan para umatras. Bago rin matapos ang araw ay natanggap niya ang draft ng contract in between Falcon Condominium and Angeles Builders Inc. Lahat iyon ay naaayon sa terms and conditions niya.Muling sumagi sa isip niya ang mukha ni Olive. Noong una'y handa siyang sumugal at bigyan ng tyansa ang anumang nasimulan nila sa El Nido. Ngayong nalaman niya kung sino talaga ito ay nagbago ang isip niya. Masasabi mang may kumpanya siya ay wala pa sa kalingkingan iyon sa yaman ng mga Falcon. At ayaw niyang maakusahang gold-digger.Pero hindi niya alam kung kaya niyang iwasan ang dalaga lalo't madalas niya itong makikita ngayon kapag tinanggap niya na ang proyekto. Ang nangyari kahapon sa opisina niya ay isa nang halimbawa. Magtama lang ang paningin nila'y gusto nang sumasabog ng damdamin niya dito.
Maagang pumasok si Olive kinabukasan sa kabila nang hindi pagkatulog sa nagdaang gabi. Ang mga salitang binitawan ni Gregor kahapon ay nagpagising sa kanya sa katotohanan -- hindi totoong may damdamin ang binata sa kanya.At may girlfriend din ito kaya't malabo na magkaroon pa sila nang tyansang dalawa. Whatever they had in El Nido was just pure lust. Lalaki ito at nagpakita marahil siya ng interes. Bagama't hindi niya alam kung saan banda kahit ilang beses niyan balik-balikan ang mga nangyari.And it's over now. At dahil aprobado na ang loan nito sa banko at nasa proseso na rin ang kontrata na ang kumpanya nito ang magsu-supply ng construction materials sa itatayong Falcon Condominium, wala na ring paraan para umiwas. Tiyak siyang hindi kahapon ang magiging huli nilang pagkikita.Pilit niyang inabala ang sarili sa trabaho pero hindi maalis sa isip niya ang nangyaring paghalik nito sa kanya kahapon. He was trying to resi
"What are you doing here?" tanong ni Olive sa kanya. Kahit siya ay hindi alam kung bakit lakas loob siyang sumunod sa opisina nito gayung halos itaboy niya na ito noong isang araw."Another man on the line, huh..." sarkastiko pa niyang wika para itago ang selos."Who? Carter?" tanong naman nito na umupo sa swivel chair at pinagkrus ang mga hita."May iba pa ba? Kunsabagay... Noong una'y iba ang kasama mo. Tapos nagawa mong ipagkaloob ang sarili mo sa 'kin na isang estranghero...""Kung nandito ka para insultuhin ako, umalis ka na," pigil ang inis nitong wika. "Wala akong commitment sa kahit na sino kaya karapatan ko na sumama sa ibang lalaki."Totoo naman ang sinabi nito. Siya na ang wala sa lugar, siya pa ang matapang na sugurin ito ngayon."Is he your lover?"Isang kibitbalikat ang pinakawalan niya. "Kararating lang niya noong isang araw. But he was an old flame.
Ibinaba ni Olive ang telepono at sinubukan pang umirap sa kanya. Itinukod niya ang mga kamay sa mesa nito at bahagyang yumuko."Do you know that I recognized your voice the first time I heard it?""Huwag mo na 'kong bolahin, Gregor.""Nagsasabi ako ng totoo. Kahit tinarayan mo 'ko sa telepono at tinanggihan na ang proposal ko, hindi mawala sa balintataw ko ang lambing ng boses mo. I could've recognized you in El Nido if only you used your name Olive. Dahil ikaw rin talaga ang sumagi sa isip ko noong una tayong nagkausap nang personal."This is a business meeting, not an acquaintance party.""Okay then, shall we?""Dito na lang tayo mag-meeting," suhestyon ni Olive.Inikot niya ang paningin sa opisina nito. A grand executive office. Walang-wala sa kalingkingan ng opisina niya. Bawat sulok ng silid ay hindi biro ang halaga."Shall I call you Olive?""Miss Monta&nt
Pinagmasdan ni Olive si Gregor habang gumagawa ito ng kape para sa kanilang dalawa. Dapat ay kanina pa niya ito pinaalis dahil hindi ito dapat magtagal sa condo niya. May girlfriend ito. Gayunman ay hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya ito mapaalis. At parang may saya sa puso niya na siya ang pinili nitong makasama ngayon kaysa ang kasintahan nito. Kahit alam niyang mali. "Do you love living alone? I mean... this house is lonely without a company," ani Gregor nang maupo sila sa dining room. "Nakasanayan ko na rin. Noong una'y nahirapan ako, kasi sa Dumaran naman talaga ako nakatira. Pero dahil ako ang panganay, at wala namang ibang makakatulong si Anthony, kailangan kong matutong maging independent." "So... sino 'yung lalaki na unang kasama mo sa restaurant?" "That was Rico. My ex-boyfriend." "What happened? Bakit ngayon ang sabi mo single ka na?"