Maagang umalis si Gregor kasama si Adrian kaya't malayang nakapagtrabaho si Lovi sa opisina. Hindi niya gustong makaharap si Adrian ngayon. Para bang may obligasyon pa siyang magpaliwanag gayung ito ang may babaeng kahawakan ng kamay. Kapit tuko si Michelle sa binata na ikinaseselos niyang talaga.
Pero dahil wala naman siyang karapatang magselos, magpapanggap na lang siyang okay siya. Bago matapos ang araw ay nagtipa siya ng resignation letter at iniwan niya sa mesa. Bukas ay kakausapin niya si Gregor na kailangan niya nang bumalik sa Maynila sa lalong madaling panahon para makasama niya ang kanyang Lola.
Paglabas niya sa opisina at pagsakay sa elevator ay nakasabay pa niya si Michelle. Masaya itong nagkukuwento sa mga kasamahan nila sa trabaho.
"Sasagutin ko na si Adrian ngayon," nakangiti pa nitong wika habang kinikilig naman ang kinukwentuhan nito.
"Ang sw
Sa Hacienda Falcon ginanap ang kasal nila Gregor at Olive. Naroon ang malalapit na kamag-anak, kaibigan, at empleyado ng mga Falcon. Ang tanging bisita ni Gregor ay ang kapatid niyang si Arthur at pamilya nito, ilang tauhan sa Angeles Builders, at ilang malalapit na kaibigan."Kung hindi ko lang kinakatakot na aatras ka sa kasal, hindi ako papayag na dito tayo nagpakasal at titira mula ngayon. I can afford to give you a grand mansion. Ano pa't naging engineer ako?"Ngumiti nang matamis si Olivia habang nakayakap na rin sa kanya. Nag-alisan na ang mga bisita at nakatanaw na lang sila sa malawak na lawn sa ibaba. Alas onse na halos natapos ang party. Si Romano ay kinuha muna ng mga kapatid ni Olive para magkaroon sila ng panahon sa isa't isa."I want our children to have a happy childhood -- yung may malawak na tatakbuhan, malayang makakapaglaro sa damuhan, may mga punong maaakyat. Pag-aari namin ang lupaing ito at g
Isang nakakaindayog na sayaw ang pumailanlang sa bar na iyon sa resort kung saan sini-celebrate ang ikadalawampu't tatlong kaarawan ng kaibigan niyang si Casey. Naka-book sila para sa tatlong araw sa isang three-star hotel and resort sa El Nido kasama ang mga boyfriend ng mga ito. Maraming tao dahil summer at maraming turista kapag ganitong panahon. Alas-dies pa lang naman ng gabi at naka-isang bucket pa lang naman sila ng beer.Tatlo silang magkakaibigan noong college na hanggang ngayon ay lagi pa ring magkakasama; si Casey, Jenny at siya. Sa kanilang tatlo ay siya ang pinakamayaman. At hindi lang basta mayaman. Their family owns top hotels and resorts in most parts of Palawan, at may iba pang negosyong itinayo ang Lolo at mga magulang niya. Tubong Dumaran ang kanilang pamilya na nagmamay-ari ng ekta-ektaryang lupain kung saan matatagpuan ang Hacienda Falcon.Siya si Olivia Martina Falcon Montañez. One of th
Kararating lang ni Gregor sa El Nido nang mapansin agad ang isang grupo ng kababaihan na malapit sa bar counter. But one particular woman caught his eyes. Hindi niya matiyak kung dalaga o dalagita pa lang ito, na kung titingnan ay estudyante pa lang. O dahil lang sa itsura nito. She has a slender body, hindi rin ito katangkaran kumpara sa dalawa pang kasama nito. Regardless, her face is the most beautiful he has ever seen. Her eyes speak a thousand words. At napakasarap kapag ikaw ang tititigan nito.Naka dalawang boteng beer na siya nang mapansing nginingitian siya ng kasama nito. Hindi niya gustong makipagkilala ngunit tila hinihila ang mata niya para tumingin lagi sa grupong iyon. He smiled back. Pero hiniling na sana'y wag siyang lapitan ng mga iyon dahil may mas malaking problema siyang kinakaharap ngayon at mas
"Are you okay?" tanong ni Gregor sa babae na tila natakot sa nangyari. Tumango naman ito sa kanya. Naroon nakapalibot sa kanila ang mga kasama nito na nabigla din sa mga nangyari."I'm sorry for what happened, but we are sure that no one can harm you here, miss. Bihirang pagkakataon lang na may nanggugulo dito."Blame yourself for being beautiful and charming, saad niya sa sarili."I...am okay," mahinang wika nito na sinuklay ng mga kamay nito ang buhok at itinaas ang mukha, getting back her composure. "Nagulat lang ako."Gregor swears he heard that voice before at iniugnay niya sa boses ni Olive na nakausap niya sa telepono sa Falcon Group of Companies. Sweet and endearing. Inilahad niya ang kamay sa babae."I'm Gregor. My brother and his family own this resort.""M-martina.."she answered softly.Olive, on the other hand, accepted the hand
Inakay ni Gregor si Martina at dinala siya sa bahay na pag-aari ng kapatid nito. Halos ala-una na ng madaling araw at tulog na ang mga tao sa bahay na iyon."Would you like some coffee? I know how to make cafè lattè. You'll like it," pagyayabang nito. Tumawa siya pagkatapos ay tumango. Cafè Latte is the easiest coffee one can make at home. Pero hinayaan niyang ipagyabang ito ng binata sa kanya. Sumunod siya sa kusina at pinanood ito sa paggawa."So, ilan kayong magkakapatid?" tanong ni Gregor."Three. At ako ang panganay.""Hmm.. they say eldest child is the most responsible one. Anong work mo?"
Nagising si Olive kinabukasan na masakit ang katawan. Maliwanag na ang paligid at nakabukas ang sliding door ng silid palabas ng balkonahe. Nakatayo si Gregor doon na walang pang-itaas na damit. At kahit nakatalikod ay sumisigaw ang sex appeal nito. Hindi niya lubos maisip na ganun kalakas ang atraksyong nararamdaman niya sa binata. To the point of giving herself completely.Lumingon ito sa gawi niya at nagulat nang makitang gising na siya. Pinakawalan nito ang isang ngiti at natunaw muli ang puso niya. Lumapit ito at tumabi sa kanya sa kama. Bagong paligo ito at naamoy pa niya ang sabon nito sa katawan."Good morning." He gave her a savage kiss na tumagal pa yata ng isang minuto. Tumugon siya at nakipagpaligsahan sa halik nito."You're so sweet, especially in the morning. I can't get enough..." pabulong nito na kumiliti yata sa pagkatao niya.&nb
Tanghali na nang magising si Gregor. Masakit ang ulo sa sunod sunod na gabing puyat at pag-inom. Lumabas siya sa balkonahe at tinanaw ang paligid ng resort. Kailangan niya nang makausap ang kapatid tungkol sa problemang kinakaharap. Sa dalawang araw niya dito ay si Martina lang ang inatupag niya.He smiled at the thought of her. His innocent little witch na muling pumukaw sa pagkatao niya pagkatapos ng mahabang panahon. At hindi pa niya naramdaman ang ganoon sa kahit sinong babae. Mamaya ay ihahatid niya ito pauwi para makilala ang pamilya nito. Tatapusin niya na ang relasyon nila ni Lenny na wala namang pinatunguhan. He would do everything to make Martina his girlfriend.Officially.Kumatok siya sa maliit na opisina ng kapatid na kasalukuyang nag-aasikaso ng kung ano anong papeles sa mesa nito."Dalawang araw ka na dito, akala ko'y hindi mo
Kinabukasan pa pumasok sa opisina si Olive matapos sunduin ng pinsan sa El Nido. Masakit ang ulo niya sa puyat at wala rin siya sa mood magtrabaho matapos biglang iniwan si Gregor sa isla. Ang usapan nila'y ihahatid siya nito sa kanila pero ni hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magpaalam. She knew Anthony would question him kapag nalamang nagkaroon sila ng ugnayan sa sandaling panahon lamang. Anthony's over protectiveness is annoying. Just like her father. Na akala mo disesais pa lamang siya.Isa sa mga dahilang ibinigay ni Rico sa panloloko nito sa kanya ay dahil hindi siya sumasama sa ex-boyfriend sa pad nito. Hindi iilang beses itong nagpahiwatig na gusto nitong may mangyari sa kanila na lagi niyang tinututulan. Binigyan man siya ng ama ng kalayaang magkaroon na ng boyfriend pero limitado ang oras na pwede niyang ibigay. Anthony would call her immediately kapag alas otso na at wala pa siya sa condo