Share

Chapter 3

Gumagawa ako ng mga newly design for national pagent biglang tumawag si mama.

"Beatrice, where are you?"

Inilibot ko ang paningin baka makita ako ng aking supladang senior at mapagalitan.

"Sa trabaho, saan paba?" Pilosopo kong sagot. Hanggang ngayon kasi nagtatampo parin ako sa kanila.

"Ano? Nandiyan ka pa! Diba sabi ko sa'yo magkikita kami ni Lucas sa isang restaurant for lunch." Galit na galit ang mama ko tila gusto niya akong kainin ng buhay pero hindi ako magpapatalo, I mean my body is my rules.

"Ma, hindi ka naman nagsabi tungkol diyan. Busy ako ngayon mama."

"Anong ibig mong sabihin? Ikaw na bata ka!-"

"Good Bye , mama" Pinatay ko agad ang tawag niya pero I saw her calling me again pero hindi na ako nag-abalang sagutin ulit dahil ayaw kong mapagalitan at baka makaapekto pa sa promosiyon ko. Wala akong panahon para sa kanyang mapanghikayat na mga salita dahil ayaw ko talaga maikasal sa taong gusto niya, Oh My God, 2023 na pero napaka traditionist parin sina mama at papa.

Pagkatapos ng lahat ng gawain ko ay kailangan kong pumunta sa pageant manager upang ipakita sa kaniya ang mga design ng aming team.

Hindi ko na ginamit ang baby loves scooter ko kaya nagpasya akong sumakay ng bus to save gasoline jusko napaka mahal ng gasolina ngayon.

Lumabas ako ng building at pumunta sa bus station. Ngunit isang itim na mamahaling sasakyan ang humarang sa aking harapan. Isang galit na galit na lalaki ang lumabas mula sa driver sit. "How dare you not to attend the meeting?" Tanong niya pagdating sa harapan ko. Matangkad siya kaya madali niya akong takutin but I'm not scared.

"Excuse me? You know me?" Tanong ko sa kaniya na nagtataka.

"Ikaw si Beatrice Asun diba? ang anak ni Amanda Asun?" Seryuso niyang tanong sa akin.

"Yes, at bakit mo ako nakilala?"

"May picture silang pinakita sakin at details kong saan ka nag tatrabaho."

"Excuse me, what is the reason why you are standing here in front of me like a cruel tiger if wala kang sasabihin makakaalis kana I'm busy." I asked him with my frown reaction, muka kasi siyang kakain ng buhay na tao napaka suplado pangit naman.

"No, you are not excused. I cancelled my important meeting because my mother told me to meet you. I am so busy but still I waited for you pero wala ka. Do you think I am dying to meet you?"

Nakaramdam ako ng galit at bigla akong napapikit. "You must be very busy but I didn't know that we were supposed to meet today. Unlike you, you are a boss. Not like me, I am not the boss who can cancel my scheduled meetings anytime. And I can't even want to think about marrying you." Kilala ko na ang taong ito, basi sa sinabe niya siya ang lalakeng gustong ipakasal sa akin ni mama.

Sinubukan kong lumayo sa harap niya, ngunit tinulak niya ako sa pintuan ng kanyang sasakyan at ikinulong sa pagitan niya at ng kaniyang sasakyan. "No one ever dared to talk me like that and you are just walking away after saying that?"

Medyo nakaramdam ako ng takot pagkatapos kong tingnan ang matitinding mata niya mula sa malapitan. Gusto ko talagang lumayo sa kanya ngunit hindi ko magawa dahil napaka lakas niya.

"dapat tumakbo ako upang hindi niya ako mahabol.?" bulong ko pero narinig niya ata.

He smirked habang nakatingin sa akin. "Kahit tumakbo ka, lagi kitang hahabulin. Sumakay ka na sa kotse, kailangan nating mag-usap."

"I am working. You see?, I need to collect some materials from somewhere." Sabay pakita sa kaniya ng mga papers na dinala ko.

"Good!. Ihahatid na kita sa destination mo. Sa kotse nalang tayo mag-usap." Literal na tinulak niya ako sa loob ng sasakyan sabay sira ng pinto.

Nagagalit talaga ako, nakakairita ang lalaking ito dahil sa pinakita niya, malabong magustuhan ko ito.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nating mag-usap." Sabi ko after niya paandarin ang sasakyan niya. "Clearly we don't want to marry each other. Sabihin na lang natin sa parents natin na hindi natin gusto ang isa't isa. Ewan ko ba kung bakit pumayag pa sila ng hindi man lang tayo tinanong."

"Hindi yan uubra. Sinabi ko na sa mother ko na ayokong magpakasal pero hindi siya nakikinig. At saka, gusto ka talaga niya. Kaya ni isa sa atin hindi pwedeng umatras."

"Excuse me! Why can't we back out? We are not even engaged yet and how the heck your mother liked me when I never meet her?" Tanong ko habang iniisip kung gaano ka brutal ang ginawa ng lahat sa amin.

Minamadali nila ang lahat nang hindi man lang namin napagdesisyunan na gusto na naming pakasalan ang isa't isa. It was arrange marriage but the boy and the girl needed to at least like each other, this is not typical filipino tradition.

"If I tell my mother that I don't like you then she is going to start bride hunting again. Hindi ko alam kung anong klaseng babae ang pipiliin niya kaya, I don't want to take any risk."

"Sinusubukan mo bang sabihin na gusto mo ako?" Kumunot ang noo ko. Even though I'm a fashion designer hindi ko magawang makasakay sa fashion, ni hindi ko maalagaan ang sarili ko.

"I will be honest, hindi ka naman ganoon kaganda."

Napamulat ang mga mata sa narinig ko. "But you are not dysfunctional and you are logical. Sapat na iyon para maging okay ako sa iyo." Kunwari lang, pero sa totoo gusto ko itong sinabe niya na hindi niya ako type, atleast may hope ako na hindi kami ikakasal.

"But I am not okay with you. In fact you are not even my type. I am not talking about true love and other sh!ts but I don't want to spend my whole life with you." Alam ko, pwede siyang magalit sa sinabe ko. dahil sa totoo lang isa siyang mayaman, gwapo at good looking guy. Kaya alam niya din about sa background ko, kaya naiintindihan ko bakit hindi niya ako gusto.

"I think your head is not working well. Girls literally die to be with me. But anyway your opinion it doesn't matter." Sagot niya na tila nagyayabang.

Gusto kong sampalin ang mayabang na lalake na ito ngunit kailangan kong kontrolin baka I-rape niya pa ako, mukha kasi siyang drug addict.

"Well, I am not marrying you and I don't care about the fact that your mother liked me and my parents wanting it. I can be hell selfish and I always get away from the things I don't like. Stop the car I'm now here."

Buti na lang hininto niya agad ang kotse niya ng walang ano mang salita kaya bumaba nalang ako ng sasakyan. Sinara ko na lang ang pinto ng kotse at sabay lakad, na tila walang nangyari masama sa akin. Well, I need to be professional, labas ang personal life ko sa work ko. Ito ang tunay na ugali ni Beatrice Asun.

Nakauwi na ako sa bahay pagkatapos ng mahabang araw ng trabaho. May gusto daw sabihin sa akin si mama, Alam ko naman about ito sa kasal. Iwan ko ba sa pamilya ko bakit pinapasakit ang ulo ko.

Pagkapasok ko sa apartment namin, Hindi ko pinansin sina mama at papa na nag haharutan sa sopa, dumiritso nalang ako sa kwarto ko upang maligo.

Nasira na ang araw ko dahil kay Lucas Mitra. Hindi ko alam, bakit pumapayag si Lucas sa ganito. Buti nalang ayaw niya rin sa akin. Ngunit hindi ko alam kong ano ang gagawin ko para maka takas dito.

Sa tingin ko, madaming sinabe ang mama ko sa kanila tungkol sa akin. Sigurado ako nagsisinungaling ang magulang ko para lang makumbinsi sila na pakasalan ako. Mitra clan is a very well-known clan here in Philippines, subrang layo namin sa kanila. Hindi ako nababagay sa kanilang social status, yes dati mayaman kami ngunit hindi ganun ka yaman kompara sa yaman ng Mitra clan.

Naaawa ako sa mother niya. Maaaring siya ay nangangarap tungkol sa isang maamo, matamis na babae, ngunit ako ay ganap na kabaligtaran, hindi ako ang babaeng hinahanap niya para sa anak niya. I don't have taste in life at napaka plain ko kaya sa tingin ko hindi ako bagay kay Lucas na halos lahat nasa kaniya na.

Natapos na akong maligo at lumabas agad sa kwarto. Ang aking mga magulang ay nag-order ng aming hapunan. Ginagawa namin ito sa anumang masayang okasyon o isang bagay upang ipagdiwang. Alam ko kung ano ang kanilang ipinagdiriwang ngayon.

"Bakit ka nag-order ng subrang daming pagkain sa labas . Alam mo namang hindi natin kayang bayaran ang mga ganyang gastusin. Mama, naman kailangan nating mag save ng pera, kailangan kong mabalik ang bahay at lupa nating kinuha ng bangko." pagsesermon ko, pero mas naging masaya ang parents ko, tila wala silang pakialam sa ginastos nila.

"Oh sweetie, we can afford now. Our company is going to merge with Mitra soon. Lucas wants to get married with you as soon as possible. You will be married next month. I can't wait, my baby girl will be wife and loving mother."

Biglang lumaki ang mga mata ko.

"Mama!, Gusto mo bang ma punta ang only girl niyo sa taong sobrang mapagmataas at narcissistic? Hindi ko sasayangin ang buhay ko sa taong ganiyan. Yes, mayaman sila pero Mama, papa ang pangit ng ugali ni Lucas. Nakasama ko siya kanina, subrang yabang." Sinabe ko na lahat sa pamilya ko ngunit tila hindi parin sila naniwala.

"Beatrice, siya ay isang matagumpay na binata. Para sa akin walang masama kong mapagmataas siya, kong may pinatunayan naman sa buhay. Huwag kang magalala para ito sa future mo. At sabi sakin ng mama niya, hindi ganun ka sama si Lucas, mapagmahal siyang anak. Sa tingin mo ba hayaan naming mapunta ang only girl namin sa masamang tao, syempre hindi anak." Wika ni Papa.

Pinakawalan ko ang isang bigo na buntong -hininga. "Hindi ko maintindihan kung bakit pareho ang iniisip niyo. Sa totoo lang, mas mahal ko ang ganitong buhay kisa dati na mayaman tayo. May tunay at tapat akong kaibigan ngayon, kisa dati na pera lang ang habol sa atin, pero nong nag hirap tayo, wala na sila. Hindi po ako nag reklamo about sa status natin, kaya wala dapat ipagalala sa akin." Pinipigilan kong hindi maluwa, ngunit halata sa mga mata kong namumula. Na disappoint ako sa parents ko, parang binibinta nila ako sa mayaman para maibalik lang ang dati naming social status. Subrang sikip sa dibdib na makitang ginagawa ito ng mga magulang ko.

"Siguro bata kapa, kaya't nasisiyahan ka sa buhay na ito. Pero pag magka-anak ka malalaman mo ang lahat na ito, kong nanay kana mauunawaan mong kailangan unahin ang kapakanan ng iyong mga anak, kaya ito ang ginagawa namin ni papa mo. Anak Please tanggapin mo ito." Nakikita ko sa mga mata ng aking ina na tila pinipigilan ang sariling hindi maluha. Ngunit nararamdaman kong nagaalala sila sa akin, ngunit hindi dapat sa ganitong paraan. Mahal ko ang magulang ko at kong magiging nanay man ako, mag t-trabaho ako para mabigyan ng magandang buhay ang mga anak ko. Kong magpakasal man ako dapat sa lalakeng mahal ko at mahal ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status