Parang batang naglalaro si Ryan habang pinahihirapan si James.
"Ah, f*ck you! Hayop ka talaga Ryan!! Papatayin kita kapag…"
"Kapag nakatakas ka?" humalakhak si Ryan. "Malabong mangyari iyon, James, kasi papatayin na kita ngayong araw na ito."
"Do it faster! Puro ka salita, puro ka angas, wala ka namang buto!"
"Oh-oh, will you please wait?! I'm still enjoying the show!" Mala-demonyong sabi ni Ryan at pinukpok nito ng baril ang mga ulo ni James.
Matinding sakit ang nadama ng binata. Pilit niyang pinaglalaban ang tindi ng kirot at sa isip niya ay bumabalik ang masayang alaala nila ni Hara. Habang unti-unting nawawalan siya ng malay ay bumabalik ang isip niya sa mga naganap noon.
"Bata, ikaw ba si James Santillano?" wika ng isang lalaki sa noo'y binatilyo pa lamang na si James.
"Opo, bakit po? Paano n'yo po akon
Isang nanghihinang James ang pumasok sa kweba pagkatapos ng sunod-sunod na putok na narinig ng lahat. Nakangisi ito habang nakatingin kay Ryan na noon ay nakadapa sa lupa."Tang-*na, sino ang nagpatakas sa iyo?" namimilipit sa sakit na tanong ni Ryan."Ang sakit ng tiyan ko," iyak ni Mia. "Tulungan n'yo ako, please.""Xandro, Xandro, please, lumaban ka," pagmamakaawa naman ni Hara sa kasintahang kalong-kalong niya. "Huwag mong hayaang lumaki ang anak nating walang ama. Please, lumaban ka. Mahal kita. Hindi ko kakayaning mawala ka."Mahigpit na hinawakan ni Xandro ang kamay ni Hara na punong-puno ng kaniyang dugo. Pinipilit niyang pakalmahin ang babae dahil baka makasama ang pag-aalala sa baby nila ngunit walang salitang lumalabas sa bibig niya."Tulong! Parang awa n'yo na, tulungan n'yo kami!" Ubod lakas na sigaw ni Hara. Pilit tinatakpan ng dalaga ang dibdib ng binatang pa
Nakatulala si Hara habang nakatingin sa kabaong na nasa pavilion ng Hacienda Del Puedo. Tradisyon na ng pamilya na rito iburol ang sino mang kamag-anak na namatay. Malungkot niyang tinitingnan ang mga bulaklak na maayos na nakahilera sa loob. "Hindi talaga maganda ang paghihiganti," wika ni Klein sa kaniyang tabi. "Oo nga, Klein. Hindi ko talaga inakala na ampon pala si Kuya Ryan." "Maraming lihim ang pamilya natin. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala." "Oh, bawal ma-stress ang asawa ko ha. Kabuwanan mo na," wika ni Xandro na niyakap ang asawa niya mula sa likuran. "Oy, huwag kayong mag-PDA diyan kasi naiinggit ako," pabirong wika ni Mia. "Iniisip ko lang naman ang asawa ko kaya nagpapaalala ako. Baka maglupasay na naman ito katulad ng nangyari sa ospital sa Makilala. Sa sobrang pagmamahal niya sa akin, ayun g
"I'm back!"Masayang bungad ni Hara sa mga kamag-anak na kumakain sa kubong katabi ng kanilang mansiyon."Ikaw na bata ka, ginulat mo kami," masayang wika ng kaniyang lolo sabay yakap sa kaniya.Matagal na hindi umuwi si Hara sa Hacienda Del Puedo kaya sabik na sabik siyang makita ang mga taong nandito."Oh, sino siya?" pagkuway baling ni Hara sa lalaking paparating na may dalang mga buko.Napakakisig ng binata sa suot nitong short at manipis na sandong puti. Lalong pina-angat ang kagwapohan nito ng kaniyang buhok na basa ng pawis."Pinsan, si Xandro yan," wika ng kaniyang Kuya Ryan."Nadampot ni lolo sa tabing kalsada. May amnesia kaya kinupkop na muna ng pamilya."Napatango-tango si Hara. Masaya siyang nakabalik na siya sa paraisong kaniyang kinalakihan.Nagagalak rin ang mga tauhan nila na makitang muli ang kanilang Senyorita Hara. Ang babaeng ito lang naman ang pinakama
Maagang gumising ang dalaga. Sosorpresahin niya ang lolo at papa niya. Birthday ngayon ng Lola Candida niya kaya sigurado siyang may salo-salong magaganap sa Hacienda Del Puedo.Pinili niyang isuot ang isang bulaklaking off shoulder maxi dress. Hapit na hapit ito sa kaniyang bewang kaya lutang na lutang ang kasexy-han niya sa damit na ito. Mataman niyang tiningnan ang sarili sa salamin."Hmmmm... Ang ganda mo talaga Hara," bulong niya sa sarili.Napangiti siya sa repleksyon sa salamin. Kaya maraming tutol na magmadre siya dahil hindi raw siya tatanggapin ng kahit anong kongregasyon dahil marami ang magkakasala. Naalala pa niya ang madalas na biro ng kaniyang mga pinsan."Hara nandito ka pa lang sa lupa ay maraming lalake na kaagad ang makakaabot sa langit pero dahil din sa'yo ay lalampas sila doon kaya huwag mo na lang ituloy iyang pagmamadre mo kasi babagsak din sila sa impye
Masayang sinalubong ng kaniyang mga kamag-anak si Hara. Bakas sa mga kilos ng bawat isa ang labis na pagkasabik na makita siyang muli sa Hacienda Del Puedo. Napuno ng yakapan at halikan ang simple lang sanang tanghalian ng angkan para sa kaarawan ng namayapang Donya ng hacienda."Bakit hindi ka man lang nagpasabi? Sana nakapaghanda kami sa pagdating mo." Umiiyak na wika ni Mia habang yakap-yakap siya.Noong mga teenagers pa lamang ang dalawa ay halos hindi sila mapaghiwalay ng pinsan niyang ito. Palibhasa'y lumaki silang magkakasama sa mansyon ng mga Del Puedo ay sobrang napalapit sila sa isa't-isa. Kambal ang tawag sa kanila ng mga kaibigan ng pamilya nila ganun din ng mga tauhan nila."Huwag ka nang umiyak diyan. Andito na ako. Hindi na lang sa videocall mo makikita ang magandang mukhang ito. Mananawa ka tiyak ngayon na makasama mo na ako araw-araw.""I miss you so much," marahang pinahid ni Mia an
Luminga-linga si Hara. Napagod siya kasisigaw. Ang malamig na tubig sa kanyang harapan ay para bang inaanyayahan siyang magtampisaw sa mala-kristal nitong kulay."Hmmm.... Wala sigurong maglalakas loob na pumunta rito ngayong tiyak nang alam na ng lahat na nakabalik na ako ng hacienda," bulong ng dalaga sa sarili.Marahang tumayo si Hara ng matiyak na mag-isa lamang siya sa lugar na iyon. Dahan-dahan niyang hinubad ang kaniyang sombrero, suot na jacket at pang-itaas na blusa. Tumambad ang malulusog na dibdib ng dalaga na bahagya na lamang natatakpan ng maliit na tela. Inilugay rin nila ang kanyang buhok na kapag tinataaman ng sikat ng araw ay talaga naming napakaganda.Agad na isinunod tanggalin ng dalaga ang kaniyang suot na sapatos. Pagkuwan ay walang pag-aalinlangan niyang ibinaba ang kaniyang suot na pantalon. Sa puntong ito ay lumantad na ang katawan ng dalaga na para bang inukit ng isang eskult
Unang gabi sa hacienda at hindi makatulog ang dalaga. Naisipan niya kaninang lumabas ng silid para magpahangin. Nakita niya si Mia na papalabas ng mansyon kaya sinundan niya ito. Ilang sandali pa ay tumigil ito sa may puno ng manga. Naabutan niyang kausap nito si Xandro. Gusto niya sanang makipagkwentohan sa pinsan niya pero dahil sa binata ay padabog siyang pumasok na lamang ulit ng mansiyon."Ang lakas ng loob ng lalaking iyon na asarin ako. Sampid lang naman siya rito."“Hindi ka ba makatulog iha?” tanong ng lolo niya na naabutan niyang nagkakape sa sala.“Gusto ko lang po sanang magpahangin lolo kaya lang sobrang lamig sa labas kaya pumasok na lang ako ulit. Gabing-gabi na iyang pagkakape mo ah. Hindi mo dapat yan ginagawa lolo. Mahihirapan kang makatulog niyan.”“Naku itong batang ito. Hindi ako lalo makakatulog apo kapag hindi ako nakapagkape. Hinahanap-hanap
Pagkatapos mag-agahan ay naisipan ng dalagang pumunta sa koprahang bahagi ng hacienda. Katulad ng kagustuhan ng lolo niya ay nakasunod kay Hara si Xandro."Huwag mo akong dikitan ha. Allergic ako sa'yo," galit nasabi ng dalaga."Huwag mo akong kainisan, Hara. Darating ang araw na hahanap-hanapin mo ang makisig na lalaking ito. Nag-iisa lang kasi ang katulad ko sa mundong ito. Lumalapit kahit ipinagtatabuyan, nagmamahal kahit...""Nasobrahan ka ba sa kape? Sobrang believe mo kasi sa sarili. Nakalimutan mo yatang ako ang kausap mo. Matuto kang gumalang sa isang Del Puedo!""Hindi ako nagkakape, senyorita. Ikaw lang sapat na para tumibay ang dibdib ko.""Hoy, lalaki! Hindi ako vitamins na nabibili lang sa kanto. Hindi ako energizer battery na pwedeng mong kuhaan ng enerhiya. Ang presko mong unggoy ka!""Sige na, huwag ka nang magalit diyan. Binibiro ka lang ang