Share

CHAPTER 7. LUNCH WITH HIM

Maaga akong pumasok dito sa Office kasama si Shanella. Hindi ko maiwasang mapangiti at kumanta sa sobrang saya.

"Ang ganda ata ng mood natin ngayon ah," puna ni Shanella sa akin.

"Syempre." Ngumiti ako sa kanya. "Alam mo bang dumalaw si Malerick sa akin kagabi sa condo? Mag-alas dos na ng umaga iyon ha. Tapos ang sabi niya pa doon na daw siya nakatira malapit sa atin," sabi ko.

Natigil naman si Shanella sa paglalakad. "Ano?! Bumalik pa ang lalaking 'yun? Matapos ang ginawa niyang panloloko sa akin!" galit na sabi ni Shanella.

Ex-boyfriend niya kasi si Malerick, masaya naman at exciting ang relasyon nila dati kaso nang lumipad papuntang US si Malerick naghiwalay na sila. Natuklasan kasi ni Shanella na may ibang babae ito.

"Bes, kalimutan mo na ang nakaraan ninyo. Matagal na iyon na tapos, learn to forgive," sabi ko.

Inirapan lang niya ako at padabog na lumakad. Naintindihan ko naman ang nararamdaman niya, kahit sino naman ay talagang magagalit kapag niloko.

Pumasok na rin ako sa Office
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status