Halos maiyak ako sa mga damit na bumungad. Kahiya-hiya na nga iyong nakatapis lang ng tuwalya ng lumabas sa banyo, parang takas sa preso na umii-eskapo at patakbong tinungo ang silid na ito. Pagkatapos ay ito naman ngayon ang po-problemahin ko?
Wala akong matinong damit na nakita, I... mean it was all sexy dresses, na kahit ang damit na pantulog ay puro mahahalay din. The night gowns were all seductive, hindi nga ito umabot sa tuhod ko. Hanggang kalahati lang ito ng hita ko. Veronica's shorts are too short. Mas marami din ang mini-skirt niya dito. Walang tee-shirt sa kanyang closet. Her brassiere are big.. hindi ko siya kasukat kaya pagtitiisan na lang ang huling ginamit. Even her panties were all laces. Modelo nga talaga dahil kahit panloob ay mamahalin pa!
Nakasalampak ako sa sahig. Gustong lumabas at magreklamo sa hilaw na asawa pero... Paniwalaan naman kaya ako? Gumawi ang paningin sa kat
Tahimik ang kuwarto ng magising ako. Ramdam ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa hita. Binalewala ko ito sa isip, dahil naalala ang unan na nakaharang sa gitna. Humikab ako. Ang buhok ay nakaharang sa aking mukha. Napasarap ako ng tulog.'Anong oras na kaya?'Nakakatamad namang bumangon, parang ang sarap matulog buong maghapon. Niyakap ko pa ng husto ang unang nakaharang. Inamoy pa ito at sininghot. Napamulat ako ng mga mata. Parang may nag-iba. Alalang-alala ko pa ang kalambutan ng unan, ba't biglang tumigas ito? Katulad ng kulay ng punda puti rin ang telang nakita.. pero teka, hindi na yata unan ang kayakap ko?!Bumalikwas ako ng bangon medyo hingal dahil sa gulat. Tama ako ng hinala! Tao na ang kayakap ko at ang unan na nakaharang ay nasa paanan ko na!Nakita ko pa kung paano siya nakadagan sa aking hita, ang mga braso niya'y nakapulot pa sa baywang!
Umusbong ang takot kasabay ng paggapang ng kaba sa buong sistema. My heart beats so loud. But then, I had to remain calm to pretend that I'm the real Veronica, kahit pa sabihing nag-ka-amnesiya. Wala akong ideya kung haggang saan ang pinagsamahan ng dalawa. Kung pati ba ang damit na susuotin ay kinukumpirma pa kung papasa ba sa panlasa ng bawat isa. They are best of friends, I even have one, pero siguro sa mga mayayaman kumpara sa akin na isang mahirap, isang mangangalakal ng basura, sinasapuso ko ang pagkakaroon ng kaibigan. Nirerespeto, at pinapahalagahan maging matalik man na kaibigan o hindi. Hindi lang ito dahil sa materyal na mga bagay o puro kasiyahan lamang.Napakaganda ng babae, she was like a foreign actress. Her upturned eyes were like a magnet that I can't resist to stare back. She walks gracefully. Nakadama ako ng matinding kaba ng matanaw ang paglapit. Napabaling ako sa asawa ni Veronica. His jaw moved, face that is hard and sto
Tahimik akong nakaupo sa sofa. Binabalikan sa isipan ang naging kaganapan. Brylle is watching me. Napapatulala, at tahimik akong pinakakatitigan ng batang lalaki. Naghihintay kung kailan matatauhan. Tumabi naman sa kinauupuan ang batang babae. Panay ang iling nito sa kapatid. May pinag-uusapan pero hindi na binibigyan ng pansin dahil sa magulong isipan. Kumurap ako, biglang naalala ang pananakit ng babae.. And then sighed afterwards. Ramdam pa rin ang matutulis na kukong bumaon sa aking balat.Dalawang beses akong nasampal ngayong araw. Dalawang beses na tinanggap ang sakit at galit sa pag-aakalang ako ang kaibigang nanakit at nagtraydor sa kanya!"Are you alright Mom?" Maingat na tanong ni Brylle. Naluluha ako ng bumaling sa kanya.Kung sana'y, ako na lang ang totoong ina ng mga bata. Kung sana, naging mabuting ina na lang si Veronica at hindi kasing-sama tulad ng pagkakakilala sa
Aalis ng bansa si Thomas para sa isang business trip. Maiiwan naman ako sa mga bata. Ihahatid at susunduin ko sila sa eskwela kasama ang driver ng pamilya. Brianna's very excited upon hearing his Dad's plan. Ang sabi ng bata, noong wala pang amnesia ang ina, ni minsan ay hindi sila hinatid o sinundo nito. At ngayong susunduin ko sila at ihahatid pa sa eskuwela tuwang-tuwa pa ang mga bata.. Maliit na bagay lang naman sana ang hinihingi ng mga bata, hindi pa kayang maibigay at matugunan ng kanilang ina?Tapos na ako sa pag-eempake ng mga damit at mahahalagang bagay na dadalhin ni Thomas para sa kanyang pag-alis. Tumayo ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Umupo sa tukador at sinuklayan ang buhok. Nasa baba pa rin ang hilaw na asawa at may katawagan ulit. Nasanay na naman ako dahil dati pa namang gawi. At isa pa, wala naman akong karapatang magreklamo dahil hindi naman talaga ako ang totoong asawa niya.Medy
Isang linggo nang nasa ibang bansa si Thomas. Isang linggong patuloy na palaisipan ang huling napag-usapan.Wawasakin daw niya ako pagkabalik niya..Wawasakin ba ang pagiging birhen? O literal na wawasakin ang buhay ko dahil nalaman na ang totoo?Walang pasok ang mga bata dahil sabado naman ngayon. Nakaupo ako sa sofa at pasulyap-sulyap sa naglalarong mga bata.Tumunog ang telepono. Tamad na sinulyapan ito. Hindi na ako kumilos upang sagutin kung sino ang tumatawag. Bakit pa? E, sa tuwing tumatawag naman si Thomas ang mga bata lang ang tanging kinakausap.Nakita kong patakbong sinagot ni Nanay Lucy ang telepono. Ng nakikipag-usap na sa tumatawag, lumingon kaagad ito sa kinaroroonan ng mga bata.Alam ko ng si Thomas ito.. kaya ipinagkibit-balikat na lang ito.Nag-unahan sa pagtakbo ang mga bata. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan sila."Hi Daddy!" Masiglang bati ng bat
Nagpapahid ako ng luha habang pababa ng hagdan. Muli kong sinipat ng tingin ang silid na pinanggalingan.. nagbabakasakaling lumabas siya roon para ako'y pigilan. Pero dumaan ang ilang segundo hindi nangyari ang inaasahan. Kaya mas lalo lamang nasaktan.Malakas pa rin ang ulan. Hindi man lang ipinagpabukas ang pagpapalayas. Hindi rin ako pamilyar sa lugar. Alam kong nasa kalakhan ng siyudad ang kanilang tirahan at napakalayo nito sa lugar na kinalakhan. Paano ako makakapaglakad nito sa gitna ng ulan? Paano kong bahain ang kahabaan ng kalsada habang naglalakad? Paano kung gutumin ako? Paano kong lamigin din? Inilingan na lang ang lahat ng alalahanin.Wala akong dadalhing gamit dahil hindi naman ito pag-aari. Tanging ang kanyang damit lang ang maiiwang alaala sa pag-alis.Mahigpit ang hawak sa railings ng hagdan ng nasa baba na. Kumikirot ang puso lalo pa't sinasalubong ako ng matamis na ngiti ni Brylle. Si
Puting kisame, puting pader, puting makapal na kurtina.. at puting hospital gown ang suot. Pinakiramdaman ang sarili ng muling pumikit. Mainit ang pakiramdam at tila pa nahihilo.Ngunit sa kabila ng masamang pakiramdam, nauulingan pa rin ang magaang pagtatalo ng dalawang tao."Dude I told you.. may amnesia talaga siya. Ang parte ng pagsabog lang ang tanging naaalala, pero bago ito nangyari mayroon pa siyang nasaksihan na siyang tanging nakalimutan."May pakiramdam akong sa akin sila nakatitig. Matamlay kong iminulat ang mga mata. Nanlalabo ito sa unang subok kaya pumikit ulit. Ng dumilat ulit ay malinaw na ang nakikita.It's the same doctor. Ito rin ang doktor na sumuri sa akin dati."She's awake.." Napabuntong-hininga ako sa papalapit na doktor."Her vitals are fine. Pero may lagnat pa rin siya." Sinalat niya ang aking noo. Sinako
Gusto ko sanang magpumiglas ng hawakan na niya. But he's too persistent. Ayaw akong pakawalan sa mahigpit na yakap. Our eyes met. His, were blazing with fire, mine are too innocent but are ready to ignite.Ngumuso ako at yumuko. Hinahayaan na lang sa kanyang mga hawak at yakap."H-hindi tayo magkakasya diyan." Tukoy ko sa maliit na higaan.Ang tunog ng lumang electric fan ang tanging nauulingan."Magkakasya tayo. I'm sure of that.." Nangingiti pero pinipigilan.Malaya akong nakagalaw ng lumuwag ang hawak. Patungo ako sa higaan ng maghubad siya ng pang-itaas. Kaagad na nag-init ang pisngi sa dumadaloy na kalaswaan sa isipan.Pinapagpagan ko ang kumot kasama na ang unan."It's too hot in here.. bakit ba ayaw mo sa kuwarto natin?"Literal ba na mainit ang ibig sabihin? O mas higit pa katulad ng dumadaloy na kamunduhan sa aking isipan?Hindi ko siya lilingunin dahil makikit