My eyes widened at the sight of my best friend. She waved at me and smiled widely. Naglalakad ako bitbit ang mga lumang damit at ilang gamit na hindi na nagagamit. We often visit here, at sa tuwing bumibisita hindi pupuwedeng hindi ko sila makikita.. They are my friends.. my trusted friends. Gab and the gang are all smiles. Titig na titig na animoy bagong padpad sa lugar na kinalakhan.
Nagkatitigan ulit sila bago ako binalingan. Lumapit si Jack, isa sa matagal ng may kursunada sa akin. Tumango at ngumiti..
"Kumusta ka?" Malapad ang ngisi niya bago pamulahan ng mukha. He's tall, matikas ang katawan, but we remained friends kahit alam nang may asawa na.
"Mabuti naman. Kayo?" Pinsadahan ko sila ng tingin. Si Gab lang ang may lakas ng loob na tumitingin pabalik.
"Nasaan ang asawa mo?"
Nakasanayan na nila ang presensiya ni Thomas. Kaya
EpilogueIt's been fucking five months since the disappearance of my god damn wife! I feel useless, dahil kahit ako ay walang maibigay na sagot sa mga anak na naghahanap..Pinasadahan ko ng tingin ang nakahilirang tauhan.. one of them has the courage to speak.."I tracked them. Pasimple kong nilagyan ng tracking device ang sasakyan na kanilang ginamit." He's my best one.. Dominic Villaflor.."Where are they?" Mahina ang boses dahil ayaw ng madagdagan ang kahihiyang ibinibigay ng aking asawa.."Somewhere in Bulacan.. ang dinig ko sa isang damp site sila magtatagpo. And.."My brows furrowed.. Dominic's a bit hesitant.. I clenched my jaw after sighing."Your wife.."Kumuyom ang mga palad ko. Galit ako hindi dahil naninibugho.. but damn it! Ipagpapalit niya ang mga anak niya sa kalagu
SorpresaSinipat ko ang sarili sa salamin. Simpleng bestida ang suot, sa lambot ng tela bawat galaw ay napapasunod. Hinayaan kong ilugay ang mahabang buhok. Umabot sa tuhod ang puting bestidang suot. Regalo ito ni Nanay Lucy noong bumisita. Ngumiti ako sa harapan ng malaking salamin. Ang sabi ni Nanang mas pumuti pa lalo at hiyang sa pagkakaroon ng asawa. Sang-ayon ako dahil alagang-alaga ako ng asawa ko. Maingat siya, mapagmahal.. at kailanman hindi ako iiwanan.Bitbit sa kamay ang mga dadalhin upang sorpresahin ang asawa sa kanyang oposina. Nasa kalagitnaan ng hardin ng makita si Harrell. Nahinto ako sa paglalakad at nakangiting pinapanood ang anak. Mas gusto niyang maglaro sa hardin kaysa sa loob ng kanyang silid. Maliksi siyang gumalaw at kunyari pinapakain ang manikang binigay ni Brianna. Dalagang-dalaga na si Brianna. Noong walong taong gulang siya hindi siya k
Tahan na/ Father's DayNakatunghay sa labas ng bintana ang batang si Cia. Mula sa kinatatayuang bintana tahimik naman siyang pinagmamasdan ng kanyang ina. Hinihintay niya ang pag-uwi ng kanyang ama. Nasa Maynila kasi ito at naghahanap na ng kanilang malilipatan. Walang paglagyan ang kaligayahan ng batang umaasa. Naipangako kasi ng kanyang ama na makakapag-aral na siya. Sa hirap ng buhay nahinto ulit siya sa pag-aaral. Walong taong gulang na siya at kahit bata pa, malawak na ang tinatahak ng kanyang kaisipan.Hindi lingid sa kanya ang kahirapang dinadanasan ng kanyang mga magulang. Mahirap man, nagpupursige naman ang ama na maitaguyod sila at parating nangangako na ma-i-aahon sila sa kahirapang tinatamasa. Ngunit salat man sa maraming bagay, busog naman sa pagmamahal sa mga magulang.Umihip ang panggabing hangin, tanaw niya mula sa kawayang bintana ang madilim na kalan
PagsilipFoolDahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Sa sobrang sakit ng ulo halos hirap ko na ring igalaw ang mga ito. Kay bigat ng mga talukap, parang hinihila pabalik ang mga mata. As I closed my eyes again, doon nanariwa ang malakas na pagsabog. Tumahip ng malakas ang dibdib. Malapit sa lugar kung san ako nangangalakal nangyari ang pagsabog ng isang sasakyan. Dalawang sako ng basura ang bitbit, nakahanda na upang maibenta kay Mang Gustin. Ngunit, bago pa man maigalaw ang mga paa para makaalis sa lugar. Isang malakas na pagsabog na ang nasaksihan.Bumalikwas ako ng bangon, ngunit sa aking ginawa'y inatake ako ng pananakit ng ulo, the pain is too much. Pakiramdam ko binibiyak nito sa sakit ang aking ulo. Napadaing ako sa sakit. Ang tanging naaalala, sa harapan ko mismo nangyari ang insedente.. ang magarang sasakyan ay unti-unting natutupok ng apoy.."Dad.. Mommy's hand are moving.." Maliit na boses galing sa batang bab
Kabanata 1FireKalat na ang dilim ng magpasyang itigil ang pangangalakal sa gabundok na basura. I wiped the sweat on my forehead. Tagaktak na ito at nangangamoy pawis na. Inilibot ko ang paningin, kasama ko ang kapatid sa pangangalakal. At dahil gabundok ang basura, sumusuko na ang ilan sa pagkalkal ng makakalakal, ngunit mas lamang ang pursigidong makarami para maibenta. Nasa dulong bahagi ang bunsong kapatid, sumigaw man ako'y hindi ako madidinig. Nagkibit ako ng balikat. Sa bahay na lang kami magkikita, kapag ganitong abala ay isinasantabi muna ang pakikipag-usap dahil uunahin muna ang kikitain sa pangangalakal.Sinulyapan ko ang dalawang sako nang basura sa aking tabi. Maya't-maya ang dapo ng langaw dito, at dahil sanay na, hinahayaan ko na lamang ang pagdapo nito sa bibitbiting sako. Marami-rami na rin ang nakuha ko at medyo may kabigatan na rin ito."Tiba-tiba na yan a, puwede nang ibenta kay Mang Gustin, huwag kang
Kabanata 2MukhaIsang linggo na akong nakahiga sa malambot na kinahihigaan. Tila paralisadong pinagsisilbihan ng mga nurses. Kain at tulog ang tanging pinagkakaabalahan. Pasalit-salit ang doktor na tumitingin, at dahil may benda pa rin ako sa mukha, hindi ko matanawan ang kanilang mga hitsura. Tanging boses lang ang napagkikilanlan. Sa nagdaang linggo parating bumibisita 'yung mamang gigil na gigil sa kanyang asawa. Minsan, kasama ang dalawang bata sa pagbisita. May araw ring hindi nakakasama ang mga anak sa pagdalaw dahil pumapasok sa eskwela.Umingit ang pinto. Senyales na may taong bibisita. Kung di man doktor, nurse, o ilang staff ng hospital upang linisan ang silid. Alam ko kapag iyong mamang masungit ang bumibisita dahil parati itong may kaagapay na doktor, nagigising ako sa seryosong usapan nila."Good Morning.." Si Doktor Emil ito. Siya ang bumibisita kapag ganitong oras. Kagigising ko lang kaya alam ko. Ramdam k
Kabanata 3HomeNamilibis pa ng labis ang mga luha, pinalis ko kaagad ito gamit ang likod ng aking palad. Natutuwa ako kasi hindi naman nagbago ang mukha. It's still the same face. Maliban sa kaunting galos na natamo wala namang nagbago sa hitsura ko. Natakot lang ako ng sobra at ang isiping sunog na sunog ang mukha'y labis kong pinanghihintakutan.Hawak pa rin ang pisngi ng pinapasadahan ng tingin ang sariling replika. Nanghihina pa rin ang mga mata, bakas ang lungkot, ang takot, at ang pangungulila para sa pamilya. Naglakbay ang aking kamay, bahagyang pinipisil ang namumulang ilong. Lucky enough, matangos ito, and it's narrow.. namana ko ito kay Nanang pati na rin ang kulay ng balat. Maputi naman ako, hindi nga lang sing puti ng papel. Tinatalunton naman ngayon ang manipis at makurbang labi, it's natural pink. Ang sabi ni Nanang namana ko naman daw ito sa kanyang ina. Sinusuklayan naman ngayon ang kulay itim at tuwid na buhok gamit an
Balisa dahil hindi pa rin gumagalaw sa upuan, hindi alam papaano pagbuksan ang pintuan ng sasakyan. Nakakatawang isipin na kahit sa simpleng pagbubukas nito ay hirap pang gawin."Let's go." Halos mapatalon ako sa gulat. The car's door is now open. Maluwag ang pagkakabukas. Naiinip naman ang taong humahawak sa pinto nito."P-asensiya na.. h-hindi ko kasi alam paano pagbuksan-" Nahihiyang amin."Nagka-amnesia ka lang nakalimot na ring magbukas ng pintuan?" Sarkastikong sabi. Tinaasan pa ako ng kilay.Gumalaw at lumabas na ng sasakyan. Sinalubong ako ng mabining hangin. Ang mahabang buhok ay isinayaw nito, hinahaplos pati ang pisngi ko. A bit hesitant, and nervo