Intense kind of silence invaded the whole room. Hindi siya makapagsalita. Habang kumakain siya ay hindi niya mapigilang mailang sa klase ng tingin na ipinukol sa kanya ni Xavion. Napakagat siya sa kanyang labi.
Sa suot nito na cowboy outfit ay halatang kagagaling lang nito sa pangangabayo. Mas gumwapo pa ito sa ganoong postura. Hindi niya maikakaila ang bagay na iyon dahil talaga namang napakalakas ng dating nito. Dagdag pa ang kanyang shoulder-length hair na nakatali ngayon. It feels like she's seeing a new version of Mr. Nero.
"Like what you see, baby?" he teased.
Agad siyang napaiwas ng tingin.
Gusto niyang tumalon sa bintana pero baka ikamatay niya. Syempre, hindi naman niya talaga gagawin. Napayuko siya sa kahihiyan. Hindi niya man lang namalayan na nakatitig ito sa kanya.
Inabot niya ang baso ng tubig pero natigilan siya nang makaramdam siya na parang babaliktad ang sikmura niya. Mabilis siyang napatakbo papunta sa makita niyang pinto at mabu
Malalim na ang gabi at hindi pa rin makatulog ng maayos si Rose. Panay ang paglilipat-lipat niya ng pwesto. Hindi siya mapakali sa kung saan siya babaling.Mag-isa lang siya sa kamang iyon. Halos 11 na ng gabi at walang Xavion na sumulpot. Nagtataka siya. Posible kayang ayaw nito na makatabi siya? Sa bagay, hindi naman nila mahal ang isa't isa pero kailangan nila magtabi sa iisang higaan. Ang awkward nun sa part nila pareho.Nakaramdam siya ng pagkagutom kaya naisipan niyang lumabas muna ng kwarto at maghanap ng pwedeng makain. Patay na ang ilaw sa ibang bahagi ng napakalaking bahay na iyon at tiyak na natutulog na ang lahat ng tao sa kanila. Sa hagdan pa lang ay tumunog na naman ang tiyan."Secret lang natin 'to ha?" nakangiting bulong niya habang hinahaplos ang tiyan niya.Natanaw na niya ang dining area. Sa laki ng bahay na iyon ay nakakapagtakang nasaulo niya agad ang bawat pasilyo. Pero may isang parte ng bahay na ipinagbabawal na puntahan ng kung sino man maliban sa Nero Clan.
Habol ni Rose ang paghinga nang bigla siyang magising mula sa masamang panaginip. Umupo siya mula sa pagkakahiga. Pagkuwan ay niyakap niya ang unan sa kaniyang tabi. Isinubsob niya roon ang kanyang mukha.Nangingilakbot pa rin siya sa kanyang napanaginipan. Nakalaya na raw ang tiyahin niya at ang sumunod na eksena ang mas nagpaluha sa kanya, hawak nito ang kapatid niya. Mas lalo siyang nag-alala sa kapatid niya. Pero imposible namang may magpapiyansa rito dahil wala naman silang ibang kamag-anak. Mariin siyang napapikit. Pagkuwan ay muling nagmulat at huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Sinulyapan ang wall clock, alas nuebe na rin pala. Nilingon niya ang bahagi ng kama kung saan huli niyang nasilayan si Xavion, wala na ito.Kumibot ang labi niya nang maalala si Xavion. Sariwa pa rin sa alaala niya ang nangyari sa kanilang dalawa. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya ulit ang bagay na 'yon.Ingay ng bumukas na pinto ang nagpabalik sa kanya sa sariling katinuan. Dumag
Marahang ibinaba ni Xavion si Rose sa medyo malilom na pwesto kung saan tanaw ang pinagkakarerahan ng mga magkakaibigan. Hindi lang pala sila ang mga naroon at nailang pa siya nang bumaling sa kanya ang atensyon ng mga ito. Hindi niya mawari kung ano ang klase ng tingin na ipinukol ng mga ito. Pero naiintindihan niya naman iyon dahil bagong salta lang siya sa lugar na iyon, at ang makitang nakasakay siya sa kabayo ni Xavion ay isang bagay na talagang magiging kuryoso ang mga tao.Pinagmasdan niyang magtipon sila Xavion. Dito madalas nagkakatuwaan ang mga ito lalo sa mga ganitong panahon na nasa lugar si Xavion at Nikolas, hindi maiiwasang magkakayayaan.Hindi niya maiwasang mamangha sa kakisigang taglay ni Xavion. Sa suot nitong puting polo na hapit na hapit sa kanyang matipunong pangangatawan. Dumagdag pa ang suot nitong khaki pants na pinaresan ng itim na paddock boots. He's so damn attractive. Hindi na nga rin nakaligtas sa kanya ang klase ng tingin ng mga kababaihang nanonood kasa
"Fuck!" Hindi na magkamaling si Xavion sa kung ano ang dapat na gawin. Nakasilip lang sa ginagawa niya sa kusina ang mga kawaksi nila at hindi alam kung hahagalpak na ng tawa. "Ngayon lang nakahawak si Sir ng kawali, baka maihagis niya 'yan sa labas," ani Yanna.Napailing naman si Colet. "Ano ba kasi naisip niya at ginagawa niya 'yan, pwede namang tayo na lang e.""Ayaw daw mo pagbuot! Syempre gusto niya ipagluto si Ma'am Rose. Hawa daw bi," Hindi naman nagpatalo si Renalyn."Tigilan mo nga kami kaka-bisaya mo, sungalngalin kita e." saway ni Colet sa kanya."Huwag kayo maingay."Samantalang si Rose ay tapos sa kanyang ginagawa sa banyo at napag-isipan nang bumaba para tingnan ang ginagawa ni Xavion sa kusina. Mula sa malayo ay amoy na niya ang napakabangong halimuyak kaya paniguradong masarap ang niluluto nito. Sa amoy pa lang, alam niya na. Kagabi pa talaga siya nagc-crave sa luto nito sa hindi niya maintindihang dahilan. Sabi ng iba, baka daw pinaglilihian niya iyon. Wala sa sari
Kung maaari lang talaga na hindi na sumalo pa sa hapunan si Rose ay mas gugustuhin pa niya. Sa nakakakabang tagpong iyon na nga lang kanina ay para na siyang aatakehin. Kung paano siya tignan ng ina ni Xavion ay isa sa mga bagay na talagang hindi niya na papangaraping mangyari. Pero wala naman siyang choice kung hindi ang sumabay sa palabas na ito ni Xavion.Humugot siya ng lakas ng loob bago siya naglakad pababa ng hagdan. Pagkarating niya sa mismong hapag-kainan ay naroon nga si Donya Evasha at Nikolas pero wala pa si Xavion. Napalunok siya."Rose, maupo ka na. Hindi pa makakauwi si Xavion, may inasikaso pa. Come," nakangiting bati sa kanya ni Nikolas.Naghila ito ng upuan sa kabilang side ng mahabang lamesa. Gusto niyang tumakbo palabas dahil sa nalamang wala siyang magiging kakampi bukod kay Nikolas.Akmang uupo na siya nang magsalita ang ginang, "I did not tell you to sit, young lady," mariing saad nito."Tita--" Nikolas interrupted.Nag-angat ito ng kamay. "I'm not talking to yo
Hindi mapigilan ni Rose na malungkot sa balitang narinig niya kay Colet. Talaga ngang umalis si Xavion, ganon din si Nikolas, at wala rin silang ideya kung babalik ang mga ito. Naiwan siya sa bahay na iyon kasama ang mga katulong at bodyguards. Wala rin si Donya Evasha na lubos na pinapasalamatan niya dahil hindi siya mai-stress.Tanghali na nang maisipan niyang pumunta sa sinasabing garden na nasa malapit lang. Hindi na siya nagpaalam pa kela Yanna dahil paniguradong susundan siya ng mga ito. Sinipat niya ang mga nakabantay sa labas na mga tauhan ni Xavion at nilingat niya ang mga ito. Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa niyang takasan ang mga ito. Hindi rin naman kasi naghigpit si Xavion dahil alam niyang hindi siya aalis ng bahay, pero hindi siya magpapapigil ngayon. Ayaw niyang matengga na lamang sa bahay na iyon.Hinanap niya ang sinasabi nilang garden pero nalito na siya kaya nagtanong na lang siya sa makita niyang tao."Excuse me, saan po ba dito ang Spy Creek Gard
Lumusot ang ulo ni Argon sa palumpong na ikinagulat ni Rose. Nakangiti ito sa kanya. Maya-maya ay sumunod naman ang tatlo.Sa tagal nilang nakatengga roon ay natuyo na ng sadya ang mga damit nila. Nakabalot na sila ngayon sa dahon ng saging para maibsan ang ginaw sa katawan nila."Ate, marunong kayo kumanta?" kuryosong tanong nito.Kumunot ang noo niya. "Bakit?""Kantahan niyo po kami. Ang tahimik kasi, mas natatakot kami kapag sobrang tahimik." saad ni Shai.Nag-init ang pisngi niya sa naging request ng mga bata. Hindi naman sa hindi maganda ang boses niya, nahihiya lang talaga siya. Simula noong mawala ang inay niya, itinigil na niya ang pagkanta sa mga publikong lugar na lubhang ikinadismaya ni Sally sa kanya.Huminga siya ng malalim. "Okay, isa lang.""Yeyyy!" tuwang-tuwa na nagpalakpakan ang tatlo. Tumikhim siya bago nagsimulang itono ang boses niya. Isang kanta lang ang madalas niyang kantahin at hindi makalimutan. It was one of her all-time favorite song from the movie Moana,
Mahigit isang linggo na ang nakalilipas nang mangyari ang insidenteng iyon sa gubat. Hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataon na makitang muli pa sila Argon dahil sa paghihigpit ni Xavion. Nagdoble-ingat na rin ito sa kanya dahil ayaw na nitong mangyari pa ang nangyari noong nakaraan. Minsan gusto na rin niyang magmaktol dahil palagi na lang siyang nasa loob ng bahay. Nalibot na siguro niya ang buong bahay dahil sa kabagutan. Dagdag pang todo-bantay pa ito sa kanya. Isang buwan mahigit pa lang naman ang tiyan niya pero pakiramdam niya ay kabuwanan na niya.Tinalo pa niya ang lumpo sa sobrang OA ni Xavion. Katulad ngayon, mailapat niya lang ang paa sa sahig ay may nakaabang na agad na wipes. Ewan niya ba pero naiinis na siya kapag nakikita niya ang pagmumukha nito. Gusto niyang pigain ang ulo nito sa sobrang inis. Nailipat na ata niya sa lahat ng channel at hanggang ngayon wala pa rin siyang matipuhang panoorin."Bakit kasi hindi na lang siya magbuntis ng anak niya, nananamay pa ng