Share

Chapter 7

Gabi na noong makabalik ako sa boarding house. Mabuti at nakaabot pa ako bago mag-curfew dahil ayaw ko nang dumaan pa sa likod ng school. Nakakatakot ang gubat kapag gabi na. Bago ako umalis sa apartment kanina ay nag-edit ako ng video para ilabas ang ilan sa mga nalaman ko. Sinabi ko roon na ang mga Navarro ang pumatay kay James dahil nalaman nito ang balak na gawin ng mga Navarro. Oo, tanga na kung tanga. Ngunit ginawa ko iyon para naman mabigyan ng hustisya si James. Hindi rin ako matatahimik kung tatahimik lang ako. Sigurado ako na hindi ako titigilan ng konsensya ko.

Naghanap din ako ng bangkong mapagtataguan ko ng mga gintong nakita ko. Noong una ay takot na takot pa ako dahil baka tanungin ako kung saan ko iyon nakuha. Pero mabuti na lang ay hindi sila nag-usisa sa akin at pinaupa ako agad sa safe deposit locker nila. Kumuha pa ako ng ilang ginto sa isang bag dahil masyadong malaki ang fee na hiningi sa akin. Tiwala naman ako na hindi iyon mawawala dahil finger prints ko ang g
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status