Hindi ko alam kung tatayo o uupo ba ako. Sisigaw o makikiusap. Magsasalita o iiyak na lamang. Gulong-gulo ako sa pangyayari kay Mama. Naririnig ko ang nagkakagulong mga nurse at Doctor, pabalik balik sa loob ng emergency room kung saan ipinasok si Mama. Narito ako ngayon sa isa sa mga bench, inaalong mabuti ni Alona at nang isa pang nurse. Nagising na ako mula sa pagkakahimatay. Hindi ko na inintindi ang pagbabawal sa akin ng nurses na huwag umalis sa pagkakahiga dahil daw maaring hindi pa ako lubusang ayos. Kung normal na sitwasyon ay susunod ako sa kanila pero ngayon, hindi ang pagkahilo o pagkakawala ng malay ko ang mahalaga kung hindi si Mama na nasa loob ng emergency room at nag-aagaw buhay. “Magpakatatag ka, pinsan,” si Alona na batid kong gusto akong pakalmahin ngunit miski boses niya ay hindi kalmado. Nanginginig iyon at parang ano mang oras ay maaring bumigay. Alam ko na nagpapakatatag siya para sa akin at ayaw niya akong mawalan nang
I am not drunk. Wala pa ngang kahit kaunting patak ng alak sa sistema ko kaya imposibleng dahil sa lasing ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkakamali. I was interrupted when Alona came back with a waiter on her back, bringing a bottle of alcohol and two glass. My cousin looks like this is not her first time here. As if she’s used to this loud environment. She smiled at me.“Eto na, Asul! Mahal iyan kaya sulitin natin,” sabi niya saka humagikgik at itinuro sa waiter kung saan parte sa mesa namin iyon ilalapag. Sandali lang nakuha ni Alona ang atensyon ko at bumalik iyon sa itaas kung saan ngayon ay may kausap na ang tinatanaw ko. I was about to walk forward to that area when Alona spoke.“Hoy! Halika na,” aniya. Nang lipatan ko siya ng tingin ay nakangiti siya sa waiter nang matamis bago nagpasalamat. Nilingon niya ako at yinakag muli, itinuro pa ang couch sa tapat niya. Wala akong nagawa kundi ang magtungo roon para saluhan siya
“Really? To get even, huh?” nangungutya ang kaniyang mga mata. Damang-dama ko ang galit na nagmumula roon lalo pa at napakalapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay hinahapo ako sa mga oras na ito. Nanginginig ang labi ko pero pinilit kong magsalita. “T-tapos na tayo, Sariel! Ano ba sa simpleng salita na iyon ang hirap kang intindihin?” Ginusto kong isigaw ang mga salitang iyon – sabihin nang madiin ang bawat salita pero nagtunog malambing lang iyon at nagmamakaawa. Pumikit siya nang mariin, nababakas ang pagpipigil ng hindi ko malaman kung galit o ano pa man. Isinuklay niya ang kamay sa buhok at nakailang pakawala nang malalim na hininga bago siya nagdilat. Sinalubong ko ang tingin niyang nagpapagulo sa nararamdaman ko ngayon. You are mad at him, Asul! Sa una pa lang ay dapat hindi ko na hinayaan ang sarili ko na magpakalunod ng ganito. Nag-iinit ang mata ko habang inaalala ang mga salitang iyon mula sa kaniyang ama. “I am letting you toy with her
Pagod at masasakit ang paa ko nang matapos ang shift ko sa mall na pinagta-trabahuhan bilang isang sales lady. Ito ang pangunahing naming pinagkukuhaan ng pang-gastos upang matustusan ang pangangailangan ni Mama. May sakit itong malubha at wala kaming pera na maaring ipangpagamot. Tanging dito lang ako umaasa at sa paminsan-minsang sideline ko sa iba pang trabaho.Isinukbit ko ang bag na siyang napaglalagyan ko nang kakaunting gamit na mayroon ako at saka Isinuot ang flat shoes na konti na lamang ay susuko na rin sa aking paa sa dami ng aking pinaggamitan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago kinastigo ang sarili na kaya ko pang magpatuloy. Pagod ako sa araw na ito wala akong magagawa kung hindi ang kumayod pang muli. May isa pa akong trabaho na kailangan pasukan sa loob ng isang oras at iyon ay bantayan ang anak ng isa sa mga dating kong kaklase. Magtutungo kasi siya sa reunion ng aming batch na gaganapin ngayong gabi.