Share

Kabanata Apat

Author: Re-Ya
last update Last Updated: 2024-02-12 16:15:47

Sa pagtama ng kanilang mga tingin ay tila nanlambot si Rada. Pakiramdam niya anumang sandali ay mabubuway siya. Bakit ba ganoon na lamang ang epekto ng presensiya ni Rafael sa kanya? Pinabibilis nito ang tibok ng kanyang puso. Tila ito alon sa dagat na basta na lamang rumaragasa pahampas na ikabubuway niya.

Naramdaman niya ang paghigpit ng kamay ng binata sa maliit niyang palad.

"Ayos ka lang ba Miss Buenavista? Para kang bubuway saiyong pagkakatayo." pansin ni Mrs. Esperanza. Nagplaster sa mukha ng propesora ang pagkabahala.

May sumilip na gahiblang emosyon kay, Rafael. Maagap siya nitong nahawakan sa may baywang. Napalunok siya nang kung ilang beses. Tila nawalan ng saysay ang suot na unipormeng pangtaas. Ramdam niya ang init ng palad ni Rafael nang lumapat iyon sa kanyang balat. Ang init na dulot niyon ay mistulang nagpayanig at nagbigay ligalig sa mga pandama niya. Naguguluhan siyang unuwain ang pabago-bagong emosyon at sikolohikal na kamalayan.

"A..ayos lang po ako." sagot niya sa propesora.

Ngumiti si Mrs. Esperanza. Umaliwalas ang mukha.

" Kung ganoon ay maiwan ko na kayong dalawa at nang makapag-usap. Mr. Samaniego ikaw na ang bahala kay Miss Buenavista. Pagplanuhan niyo na ang mga hakbang na inyong gagawin."

Malugod naman na tumango si Rafael.

Pagkatalikod ng propesora ay binalingan siya ng lalaki. Marahan nitong inialis ang kamay sa pagkakahawak sa kanyang likod nang masigurong maayos naman sya. Wala pa ring pagbabago sa ekspresyon nito. Naroon ang lagi na'y lamig sa mga mata.

Napakapormal at ni hindi magawang magbigay ng kahit kapiranggot na ngiti. Kung saan ang pagiging seryoso ay nahalinhinan pa ng pagkunot nito ng noo.

He looks deep into her eyes. Palalim ng palalim na tila gusto siyang arukin. May bumundol na kung anong kaba sa dibdib niya sa paraan nito ng pagtitig. Hindi tuloy niya maialis ang mga mata sa lalaki.

Those pairs are very familiar.

Tila kay lamig at gustong manuot sa kanyang mga kalamnan. Dahilan upang makaramdam sya ng pagginaw. Ngunit hindi niya matukoy kung saan niya huling nakita ang pares na mga matang iyon.

Ehem... ang panabay na tikhim mula sa likuran ni Rada.

Lumingon ang dalagita.

Pawang nakangiti nang makahulugan sila Cathy at Bing. Larawan ng pagtatanong at kaaliwan sa namamasdan.

"Baka naman gusto mo kaming ipakilala sa kanya?" tukoy ni Cathy kay Rafael, sabay ngiti sa lalaki.

"Did I hear promise a while ago?" sabad naman ni Bing na pinakadiin-diinan ang salitang pangako.

Sinuyod ng tingin ng dalawa si Rafael mula ulo hanggang paa, gusto tuloy niyang batukan ang mga kaibigan sa eksaheradong mga reaksyon.

Naiikot niya ang mga mata alam niyang hindi titigil sila Cathy at Bing. Kaya't marahan siyang bumaling kay Rafael. Alanganin siyang ngumiti.

"Sila Cathy at Bing mga, kaibigan ko," pakilala niya sa dalawa.

"Hello, I'm Cathy. Sa wakas ay nagkakulay rin ang drawing," mabilis na lahad ni Cathy ng kamay sa lalaki habang sa mata ay nakapagkit ang pamamangha. Tinanggap naman agad iyon ni Rafael.

"Searching is over now, I'm Bing.” wika naman ni Bing na sinubukan pang magbiro at magpahiwatig. Kaya naman mas lalo pang nanggigil si Rada rito.

Bahagya namang kumunot ang noo ng binata. Bagamat pabiro ay nahulaan agad nito ang gustong ipahiwatig ng mga kaharap.

"Hinahanap mo ako senyorita?" sulyap nito kay Rada pagkatapos kamayan si Bing.

Napalunok laway tuloy si Rada.

Tinapunan ng tingin sila Cathy at Bing, na napatutop bigla sa mga bibig.

Sabay na umilap ang mata ng dalawa nang pandilatan niya. Hindi tuloy niya maiwasang pamulahan ng pisngi. Dama niya ang pag-init ng mukha maging pagpapawis ng noo.

"Kuwan, ahh." Rada stopped in mid-sentence, took a deeper breath, and turned her head to Rafael again.

Nang mga oras na iyon ay gusto niyang sabunutan ang dalawang mahaderang kaibigan sa walang limitasyong kadaldalan ng mga ito.

Nahagip pa niyang nag sign of peace si Bing, subalit pahapyaw niya itong inirapan. Si Cathy ay tila nananadya pang nagbitaw ng kindat.

Pagkatapos humugot ng isa pang malalim na paghinga ay Isang nahihiyang ngiti ang pinakawalan niya para sa lalaki.

"Yes, gusto ko kasing magpasalamat. Alam mo na, di ba?" tugon niyang hindi sigurado sa kanyang sagot.

Sa totoo lang ay gusto niyang maglaho sa kinatatayuan sa pambubukong ginagawa ng mga kaibigan. Wala talaga siyang masabi sa kadaldalan ng mga ito. Dapat talaga sa mga bibig nito sinisilihan pagkatapos ay busalan ng mga magtanda.

"Sa pagkakatanda ko ay nagpasalamat ka na sa akin," sagot ni Rafael na ang tinutukoy ay ang una nilang pagtagpo.

"Ah, ang ibig niyang sabihin ay ang magpasalamat muli," salo ni Cathy sa kaibigan.

Nagpalit-lipat ang tingin ni Rafael sa tatlo bago tumango na tila nakaunawa

Si Rada ay tila nalulon ang dila. Gusto niyang mairita sa sarili sa kawalan ng masabi. Sa harap ng lalaki ay halos mautal pa sya. Saka ano ba naman kasing rasones mayroon siya? Para lang may ma-idahilan ay hindi manlang nag-isip ng sasabihin. Bakit hindi na lamang niya kasi aminin na gusto niya itong makilala para tapos na. Bakit ba tila bagang kay hirap magsabi ng totoo?

Nakakapanibago ang ganitong asal.

Animo siya pipi na hindi makapagbitaw ng mga salita. Pakiramdam niya ay tuluyan nang bumitaw ang butil ng pawis sa kanyang noo.

Talo pa niya ang nakasalang sa nakakakabang oral recitation sa klase ng isang terror na guro. Hindi niya mahanap ang mga tamang pananalita. As in a mental block.

Isang lalaki sa 'di kalayuan ang pumukaw sa kanilang pansin.

Tinatawag nito si Rafael sa pangalan kasabay ang walang humpay na pagkaway. Base sa suot ng lalaki na kapareho ng kay Rafael ay nahulaan nilang maaaaring magkaklase ang dalawa. Gumanti ng kaway ang huli at sumenyas na susunod na. Pagkatapos ay binalingan silang tatlo. Huminto ang mata nito kay Rada.

"Maaari ba nating ipagpaliban ang ating pag-uusap senyorita? Maraming ipinakikiusap na gawain si Mrs Castro," ang tinutukoy nito ay ang propesora sa Agrikultura, na mahilig manaliksik ng mga organikong pataba na maaaring magamit sa mga pananim ng hindi na kinakailangang gumamit ng agro-chemicals. Kung gayon ay kabilang sa mga Iskolar ng Bayan Program ng kanyang ama si Rafael.

"Ipagpaumanhin niyo sana kung ako'y magpapaalam na muna."

" Ahm...walang kaso Pael...marami pa namang araw na pwede tayong makapag-usap at mahaba pa naman ang panahon." wika niya na ang nais tukuyin ay ang pag sponsor niya rito.

Tumango si Rafael bago bumaling sa mga kaibigan niya.

"Ikinagagalak ko kayong makilala Cathy at Bing." anang lalaki sa banayad na tono.

" We too...but the pleasure was ours." panabay na sagot ng dalawa na pawang nakangiti.

" Senyorita... Baling na muli ni Rafael kay Rada. "Ipanatag mo ang iyong loob at huwag sanang mangamba pa.” Tukoy ni Rafael sa akalang ikinababahala niya.

Sa narinig ay tuluyang lumukso ang puso niya tila napuno iyon ng galak. Wala naman talaga syang pag-aalinlangan kay Rafael. Naniniwala sya rito.

Tinanaw ni Rada ang lalaki habang papalayo. Hindi niya maiwasang mangiti ng hindi niya namamalayan. Sino ang mag-aakalang sa hindi niya inaasahang araw ay makikita ang matagal na niyang hinahanap. Siniko siya ni Bing.

"Oy, awat na sa kahahabol-tingin, friend. Kita mo, ang layo na. Gatuldok na eh. Halika na at manlilibre ka pa sa canteen," yakag na nito.

Ngunit tila walang naririnig si Rada. Patuloy pa rin siya sa pagtanaw kahit hindi na niya maaninag ang bulto ni Rafael. Kay tamis ng mga ngiti niya habang nakasuot ang pag-asam. Ngayong kilala na niya ang lalaki ay madali na lamang para sa kanya ang mga susunod na araw na makita itong muli at makausap. Sisiguraduhin niyang wala siyang sasayanging mga araw at oras.

"Malayo ang tingin wala namang tinatanaw..." si Cathy na bumanat na ng kanta.

Doon na sya natawa sa sintunadong tono ng kaibigan. Nilinga niya ang mga ito nang ngiting-ngiti pa rin.

"Senyorita ano't abot-abot ang iyong tuwa? Nais ko lamang ipaalala ang pangakong manlilibre ka, kaya’t halina na at

magpalamig sa kapetirya pagka't ang init sa katawan nitong suot nating baro't saya." biro pa ng kaibigan na hinila na siya. Natatawa na hinampas niya si Bing pero nagpatiayon naman ng igiya na siya nito patungong canteen kasunod si Cathy.

Sa kantina ay hindi pa rin maawat ang dalawa niyang kaibigan na patuloy pag-usapan si Rafael. Bukambibig ang binata nila Cathy at Bing. Dahil roon ay may kung anong kasiyahan na pumupuno sa kanyang dibdib at nagpapataba sa kanyang puso sa tuwing nababanggit ang pangalan ng lalaki. Bagay na hindi pa niya mapangalanan sa ngayon.

“Pambihira, kaya pala hirap na hirap tayo sa paghahanap kay Ibarra este Kay Rafael." si Cathy na pinasadahan muli ang hawak na bond paper na pinagguhitan ni Rada.

"Ang layo sa katotohanan nito. Kahit kuko ni Rafael hindi magma-match sa nakaguhit dito, iyong ilong naman pinagmukha mong si pinocchio sa pagsisinungaling. Eh, napaka-prominte ng ilong ni Ibarra."

"Akina na nga iyan!" hablot ni Rada sa papel. Tinupi niya iyon at inilagay sa bag. "Oo na ako na ang hindi marunong gumuhit." ismid niya kunwa kay Cathy na tinawanan lamang nito.

“Sa totoo lang nalito ang kagandahan ko kanina, buong akala ko ay nasa makaluma tayong panahon. Is that really how he speaks?" anang Bing bago s******p sa hawak na soft drinks.

" Tila baga ang kaharap ko ay ang napakakisig na si Ibarra. Napakamaginoo pa at kay lambing magsalita. Oh well, not bad akuin ang pagiging Maria Clara," maarte pa nitong wika. Nagmuwestra pa kunwa na may abaniko sa dibdib si Bing sabay namaypay sa napakamahinhing kilos. "

" Hoy, 'huwag mong asamin si Maria. Si Sisa pwede pa. Aagawan mo pa ng papel si Rada, eh pinaghirapan niyang iguhit si Ibarra, Hindi lang iyon muntikan na syang maging si Sisa sa haba ng araw ng paghahanap niya.” pambabara kunwa ni Cathy na nauwi lang din naman sa panunukso nito. Iling at tawa na lamang si, Rada.

"Alam ko naman iyon, etoh naman joke nga lang eh. Mamaya bawiin ng isa dyan ang libre niya, naku at wala pa naman akong baong pera sa kamamadali ko kanina." bawi ni Bing.

"Masyado akong masaya para bawiin pa ang mga sinabi ko" yabang niya sa mga kaibigan.

"Yown!" panabay na bulalas ng dalawa.

"Makaorder nga ng marami." habol ng mga ito.

“Masaya kami at natagpuan mo na rin si Rafael kahit na mahirap talagang pagtagpuin ang araw at gabi," maya-maya’y sambit ni Bing.

"Ang pagkakaalam ko karamihan sa mga iskolar ay panggabi ang klase," dagdag pa ng kaibigan.

Hindi sya agad nakaimik. Pagka't tama si Bing. Bakit hindi niya naisip agad ang bagay na iyon? Di sin sana'y noon pa niya nakilala si Rafael. Pero okay lang dahil nagbunga naman na ngayon ang mga paghihintay niya. Magana siyang bumalik sa pagkain ng inorder na cheesecake. Habang ang dalawa ay patuloy na pinagkwentuhan si Rafael. Siya naman ay pinagkasya na lamang ang sarili sa pakikinig sa mga ito.

Anang pa nila Cathy at Bing bagama't simple ay may kakaibang karisma raw ang lalaki. Hindi rin sila aware sa existence nito kaya naging interesante ang lalaki sa paningin nila. Troooot! dahil iyon din ang una niyang napansin sa binata. Subalit ay kay hirap raw arukin ang pagiging seryoso nito. Masyadong malalim yaong puno ng misteryo.

Walang problema dahil mahilig sya sa mga misteryo. Sya na ang bahalang alamin kung ano-anuman ang mga iyon.

Dagdag pa ng dalawa ay mukhang mahihirapan siya sa pagiging mailap ni Rafael. Lumalamig daw ang paligid pag nasa tabi ito. Binabalot raw kasi ng yelo ang presensiya ng lalaki.

Sa lahat ng iyon ay tahimik lamang siya sa pakikinig habang kumakain. Naroong natitigilan siya at lihim na napapangiti. Sa mga narinig niyang komento mula sa mga kaibigan ay tila naman nahahamon ang kanyang kakayahan. Nakaramdam siya ng kasabikan na muling makita si Rafael sa malaon at madali. Minabuti niyang huwag na ring magbigay opinyon sa dalawa patungkol sa binata. Ang mahalaga sa kanya ay nahanap na niya ito ngayon.

Mabilis na tinapos nila ang pag meryenda dahil malapit na ang oras ng susunod na klase. Matematika pa naman ang susunod na asignatura.

Napakaistrikto pa naman ni Ginoong Carpio pagdating sa klase nito. Pag nahuli-huli sila ng dating, malamang na patayuin na naman sila nito ng patingkayad habang ang dalawang kamay ay nasa harap. Kaya't nagmadali na silang tatlo na bumalik sa silid aralan at may distansya pa naman ito mula sa school canteen.

Ayaw niyang masampulan sa araw na ito. Dahil isa ito sa itinuturing niyang maswerteng araw. Lucky day, dahil parang idinuyan ng pagkakataon na muli silang magkita ni Rafael.Lucky day dahil siguradong madadalas ang kanilang pagkikita ngayong alam na niya kung saan ito pupuntahan.

Dala ni Rada ang gaan sa pakiramdam.

Masaya ang mga susunod na araw, wari niya.Ibang-iba sa salimuot nang nakaraang linggo. Masaya silang magka-kaibigan na pumasok sa kanilang susunod na klase. At mukha namang nagdilang-anghel si Rada.

Bukod sa maaliwalas ang naging takbo sa aralin, "di niya akalaing nakasagot siya sa klase ng hindi pinagpawisan. At sa unang pagkakataon natuto siyang intindihin ang mga equations.

Dala niya hanggang makauwi ang good vibes. Suot ang ngiting hindi naitago ng mga labi. Kaya naman wala ring awat sa panunukso ang dalawa niyang mga kabigan.

Related chapters

  • For the Love of Rafael   Kabanata Lima

    Psstt!Sitsit ni Carlito kay Rafael na noo'y abala sa binabasa nitong aklat. Nag-angat ng mukha ang binata at lumingon sa kanyang likuran. Nakangisi si Carlito na nagawa pa siyang dunggulin sa braso. "Mukhang ikaw ata ang hinahanap ni Ms. Buenavista," wika nito sabay nguso sa labas. Sinundan niya ng tingin ang direksyong itinuturo ng kaibigan at kaklase. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Natanaw niya si Rada malapit sa may bintana ng kanilang silid.Ano ang ginagawa ng dalaga sa gusali ng Agrikultura ng ganitong oras at naka-uniporme pa? “Siguradong umabot na sa kanyang kaalaman ang iyong pagtanggi na makilahok sa darating na kasayahan.” anas ni Carlito.Maaaring tama ang kaibigan, subalit ay kailangan pa ba na sadyain siya ng dalaga para lamang sa bagay na iyon? Nakita ni Rafael na inilibot ng babae ang tingin. Hangang sa magsalubong ang kanilang mga mata. Agad na kumaway si Rada pagkakita sa kanya. Lumiwanag ang mukha nito at awtomatikong nagplaster ang ngiti sa mga

    Last Updated : 2024-02-19
  • For the Love of Rafael   Kabanata Anim

    Sa sasakyan ay hindi mapakali si Rada. Labis ang nadarama niyang kahihiyan para sa sarili. Ilang beses syang nag-ipon ng hangin sa dibdib bago nagsalita. "Mang Kanor, pasensya na po kung huli na akong lumabas." paghingi nya ng paumanhin sa matandang drayber. "A...ang totoo po niyan ay wala naman po akong aralin na tinapos. May hinintay lang po akong isang kaibigan, humihingi po ako ng paumanhin sa aking pagsisinungaling." malumanay at puno ng damdamin na wika pa niya kay Mang Kanor. Ngumiti ang drayber na sinilip sya sa unahang salamin. "Wala kang dapat na ipangamba sa akin, Ineng, ikaw ang aking inaalala dahil siguradong mapapagalitan ka na naman ng Senyor.," "Salamat po,. ngunit huwag po kayong mag-alala at sanay na rin po ako kay daddy," sagot niyang asa tono ang lungkot. Hindi na sumagot ang matanda ngunit dumaan ang pagka-awa sa mukha nito para sa dalaga. Malapit ang loob nito kay Rada. Nasundan nito ang paglaki ng batang heredera. At bagama't lumaking may ginintuang

    Last Updated : 2024-02-20
  • For the Love of Rafael   Kabanata Pito

    Habang pababa ng hagdan ay natatanaw na ni Rada ang pamilyar na bulto mula sa beranda. Bahagyang lumukot ang kanyang mukha. Hindi niya inaasahan ang pagdalaw ni Clark sa araw na ito ng sabado. Sa pagkakaalam niya ay lumuwas ng Maynila ang kababata for a business seminar. Inakyat siya sa kwarto ni Manang Yoly at sinabing may naghihintay na bisita sa kanya sa ibaba. Sa pag-aakalang sila Cathy at Bing ang dumating ay dali-dali siyang sumunod sa mayordoma. Nangako kasi ang mga kaibigan na dadalawin siya ng mga ito ngayong araw. Batung-bato na siya sa bahay at wala na siyang ginawa kundi ang maglagi sa kanyang silid. Hindi rin naman niya mahagilap ang inang si Clara dahil lagi na’y abala ang Senyora sa mga itinayo nitong foundation. Maliban sa Sociable na tao ang mommy niya kaya lagi itong nasa mga gatherings. Ayon na rin sa tagubilin ng ama ay bahay-iskwela lamang ang kanyang pang araw- araw na rotina. Kailangan niyang magpakabait kung ayaw niyang muling masira sa daddy niya. Baka mam

    Last Updated : 2024-02-20
  • For the Love of Rafael   Kabanata Walo

    “You're sure are we on the right path?" tanong ni Clark, mabilis nitong nilinga si Rada sa tabi. "We are at the far end, brat." dagdag pa ng binata habang itinuon muli ang pansin sa kalsada. Binagalan nito ang pagpapatakbo ng sasakyan. Si Rada naman ay halos humaba na ang leeg sa katatanaw sa labas na binuksan na ang bintana ng behikulo. Tama si Clark mukhang nasa dulong bahagi na nga sila ng San Isidro. Binistahan niya ang hawak na papel kung saan ay nakaguhit ang isang direksyon. Tama naman ang daan na tinahak nila. Napabuga siya sa hangin. Ni hindi dumaan sa kanyang isip na may ganito kaliblib na lugar sa bayan nila. Kung saan ay walang ibang matatanaw kundi pawang kakahuyan at kabundukan. At sa dako pa roon kung ipagpapatuloy pa nila ni Clark ay paanan na ng bundok. Ang layo na nila sa kabihasnan. Maliban kasi sa makitid na ang daan ay malubak pa. Makapal rin ang putik sa kalsada gawa ng magdamag na pag-ulan nang nagdaang gabi. Muntik na nga silang mabalahaw sa medyo may

    Last Updated : 2024-02-20
  • For the Love of Rafael   Kabanata Siyam

    Kung sa Hansel and Gretel ay may isang matandang hukluban na may nakakatakot na anyo. Ang kaharap niya ay sadyang napaka-amo ng bukas ng mukha na tila kay bait. Bagama't bakas ang pagkakaroon ng edad ay hindi maikakailang napakaganda nitong babae noong kabataan nito. Ang magkabilang biloy nito sa pisngi ay sadyang kapansin-pansin sa tuwing ngumingiti ito. "Ma- Magandang araw po... k..kayo po ba ang may-ari nitong bahay?" sa wakas ay kanyang naisatinig. Itinuro ni Rada sa babae ang kubo.Hindi kasi agad siya nakapagsalita dahil sa pagkamangha sa kaharap. May kahawig kasi itong artista na paboritong panoorin ng Mommy Clara niya. Hindi nga lang niya matukoy ang pangalan. "Ako nga ineng. Akala ko ay namali lamang ang aking pandinig na mayroong boses sa paligid. May maipaglilingkod ba ako sa iyo?" anang babae na may bahagyang pagkunot ng noo. "Naliligaw ka ba? Wala ka bang kasama?" dagdag tanong pa ng babae. Kasabay nang pagguhit ng pangamba sa mukha nito ay ang maliit na hakbang pala

    Last Updated : 2024-02-21
  • For the Love of Rafael   Kabanata Sampu

    Ibinalik ni Rada ang tingin kay Aling Lourdes at nagpakawala ng malalim ngunit pasimpleng paghinga. "Ang totoo po niyan ay dito po talaga ang aking tungo sa inyong tahanan," aniya sa magalang at mababang tono. Kumunot ang noo ni Lourdes,nabahiran ng pagtataka ang mukha. "May nangyari ba kay kuya Kanor?" agarang usisa nito kalakip ang pangamba sa boses. Si Rafael naman ay nanatiling tahimik ngunit patuloy na hinayon ng mata ang dalaga. Sa isip ay may namumuong hinala. "Naku, wala po Aling Lourdes. Wala po kayong dapat na ipangamba at maayos po ang kalagayan ni Mang Kanor," maagap na sagot ni Rada. Pilit nitong pinasigla ang boses at baka magkaroon pa ng maling konklusyon. Nahimigan kasi nito ang pag-aalala sa babae. Lumiwanag naman ng bahagya ang mukha ni Lourdes at naging kampante. Ngunit nanatili ang katanungan sa mata.“Kung gayun ay ano ang pakay mo sa amin, Ineng?” diretsa nang tanong ni Lourdes. Huminga muna ng malalim si Rada at humugot ng lakas bago nagpatuloy. Halatan

    Last Updated : 2024-02-21
  • For the Love of Rafael   Kabanata Labing-Isa

    Pael...sambit ni Rada nang ilang minuto na ay hindi pa rin tumugon ang binata. "Kung hindi ako nagkakamali ay nabanggit mong may kasama kang kaibigan sa pagparito hindi ba?, Maaaring nag-aalala na iyon at hinahanap ka na rin," putol sa kanya ni Rafael. Mabilis nitong tinapos ang pagtatali ng lubid sa punong malapit sa lubluban ni Malik. Pagkatapos ay nagsimulang humakbang paalis sa lugar. Halata ang pag-iwas na ginagawa ng binatang magsasaka kaya't bahagyang lumukot ang mukha ni Rada. Gayunpaman ay mabilis itong sumunod kay Rafael nang lagpasan ng binata. "Pael, pangako ni singko ay wala kang gagastahin. Ako na ang bahala sa lahat ng mga kakailanganin mo, pagpayag mo lang ang kontribusyong hinihingi ko---please..." ang ayaw magpapigil na habol ni Rada. Huminto ang binata sa paghakbang. Hinarap ang dalaga. Bagama't nakukulitan na ay kalmado pa rin ito. "Hindi mo ata nauunawaan senyorita, ang isang bagay ay hindi ipinagpipilitan dahil lamang sa kagustuhan ng isa. Kundi nasa p

    Last Updated : 2024-02-21
  • For the Love of Rafael   Kabanata Labing-Dalawa

    " Is he the one we're looking for?" Narinig niyang tanong ni Clark. Nilinga niya ang kaibigan. Nakatuon ang pansin nito sa kalsada. "Yes," walang pagtanggi na sagot niya. Doon na siya sinulyapan ni Clark. Sa mukha ay nakaplaster ang katanungan at pagkalito. "Masquerade Ball is approaching. So I was trying to convince him to be my escort at that event." she said directly. "Rada, I can be your-- " I know Clark, but I want Pael . " mabilis na putol niya sa kaibigan. “‘And besides, I don't want to get into trouble with your girlfriend Carolina. Alam mo namang allergic sa akin ang Isang iyon.” banggit niya pa sa binata.“But Rads—-“No but’s Clark,” she interjected. Dahil roon ay nawalan ng imik ang lalaki. Wala itong nagawa kundi ang muling ibalik ang pansin sa pagmamaneho. " Samaniego is an introverted person--- "I'm curious about that." she interrupted while smiling. “As always.” Clark agrees. "How'd you know him anyway?" Rada asked in surprise. " Si Samaniego

    Last Updated : 2024-02-21

Latest chapter

  • For the Love of Rafael   Animnapu’t Kabanata

    Noon nama'y ramdam na ramdam ni Pael ang panginginig ng babaing sinaklolohan. Marahan niya itong ibinababa sa lupa at maingat na isinandal sa punong muntik nang pagsalpukan ng sasakyan nito. Inayos niya ang ulo ng babae sa pagkakasandal at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa makinis nitong mukha. Subalit nauwi ang binata sa labis na pagkagulat nang tuluyang mapagmasdan ang babaeng nadisgrasya. Hindi agad nakakilos si Pael, animo binuhusan ito ng pagkalamig-lamig na tubig sa katawan at napako na lamang ang tingin sa babaing nasa harapan.Kahit na nanatiling nakapikit ang mga mata ni Rada ay alam ng binata na may malay ito base sa pasalit-salit na pag galaw ng mga talukap nito. Kapansin-pansin rin ang pagtaas-baba ng dibdib ng babae na tila naghahabol ng hininga. Sa tingin niya ay ninerbiyos ito sa muntik na pagkakapahamak kayat nakararamdam ng sobrang pagyugyog ng katawan. Pinalis ni Pael ang pag aalala pagka't sigurado syang maayos ang lagay nito. Umangat ang kanyang kama

  • For the Love of Rafael   Kabanata Limangpu’t Syam

    Isang taon pa ang lumipas. Masaya at may pananabik na binabagtas ni Rada ang daan habang minamaneho ang isang top-down Jeep Renegade. Hindi alintana ng dalaga ang mabako at maalikabok na kalsada kung saan ay nahagip pa niya ng tanaw ang isang lalaking hindi na maipinta ang mukha sa pagkainis dahil halos kumain na ito ng alikabok sa bilis nang pagpapatakbo niya. “Welcome home, Rada!” wika ng dalaga sa sarili nang sa wakas ay matanaw ang malaking arko papasok sa bayan ng San Isidro. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nasasabik na siyang makita ang mga magulang. Limang taon halos din siyang namalagi sa San Francisco sa kagustuhan ng ama na doon sya makapagtapos ng pag-aaral. Maliban sa masyadong mataas ang standard ng daddy niya pagdating sa kalidad ng edukasyon ay may isang mabigat na dahilan ito kung bakit sya ipinadala sa pangangalaga ng tiyahin niya sa California. At ang bagay na iyon ay ayaw na niyang balikan pa. Pagka"t nagdudulot lamang ito ng ibayong sakit at poot sa damdamin

  • For the Love of Rafael   Limangpu’t Walong Kabanata

    Dahil maaga pa ay humantong sila Rada at Clark sa Alamo Square Park. Napagkasunduan nilang dalawa na mamayang gabi na lang gumimik. Clark takes a deep breath. Iginala ng binata ang tingin sa palibot ng parke. Pamoso ang nasabing lugar dahil sa painted houses na siyang pangunahing dahilan nang pagbisita ng maraming turista roon. Kadalasan kasi ay napapanood ito sa mga movies o sitcoms. “Great view of the city overlooking the bay.” He thought of the city. “It's so lovely, isn’t it?”Rada said amusingly. “Yeah. Worth visiting place because of its breathtaking beauty,” he replied while still overlooking the surroundings. Clark rested his gaze on her after his exploration. Kasalukuyang inilalatag ni Rada ang dalang blanket sa damuhan. Ibinaba na muna ng binata ang hawak na basket na pinaglagyan ni Aunt Lucia ng baon nilang pagkain bago tinulungan nito ang kaibigan sa paglalatag. “Para lang tayong nasa burol niyo hindi ba?" ani Rada na naupo ng pa Indian sit. Hindi naman maiwasan ni

  • For the Love of Rafael   Limangpu’t Pitong Kabanata

    Mahinang katok sa pinto ang nagpa-angat sa ulo ni Rada mula sa binabasa niyang magazine. Sumungaw mula sa pintuan ng kanyang silid ang nakangiting si Aunt Lucia. Tila ay excited ang tiyahin base sa panliliit ng mga mata nito. "Honey, someone is looking for you in the living room,” she said. Rada quirked her eyebrows. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayong araw. Katunayan ay tumanggi na siyang sumama sa mga kaibiganng Franciscans na magpunta ng Monarch club mamayang gabi dahil mas gusto niyang manatili na lamang sa bahay at magbasa ng mga paborito niyang babasahin for a change. Unang araw ng spring break. Mahaba-haba ring bakasyon sa iskwela. Gusto niyang gugulin ang mga araw na walang pasok sa mga makabuluhang bagay. Pass na muna sya sa mga social activities like dancing at clubs, big parties, and live music concerts. Nightlife in other words. Babawasan na rin muna niya ang pag-iinom. Pansin niya ay nagiging alcoholic na sya. “Who is looking for me, Auntie Lucy? I don’t e

  • For the Love of Rafael   Limangpu’t Anim na Kabanata

    Mahal ko, Kumusta ang iyong araw? Sa oras na mabasa mo ang liham na ito ay hangad kong nawa ay lagi kang nasa mabuting kalagayan. Matagal-tagal na rin mula nang huli tayong magka-usap. Nais kong ipaalam saiyo na labis ang aking nararamdamang pangungulila saiyong presensya. Pinanabikan kong marinig ang matutunog mong halakhak. Higit sa lahat ay nais kong masilayan ang ngiti saiyong mga labi at mapangusap na mga mata. Kung ako ang iyong tatanungin ay maayos naman ang aking lagay ganoon rin si Inay, bagama't napupuno ako ng kalungkutan. Mahal ko, isang taon na rin ang lumipas mula nang lisanin mo ang San Isidro. Subalit ni isang sagot sa aking mga ipinadalang liham ay wala akong natanggap na kasagutan. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala saiyong kalagayan riyan sa ibang bansa. Katulad nang nasabi ko sayo noon ay naririto lamang ako sa San Isisdro at maghihintay saiyong pagbabalik. Pinagsusumikapan kong abutin ang ating mga pangarap upang maging karapat-dapat ako sa pagmamahal mo. Gus

  • For the Love of Rafael   Limangpu’t Limang Kabanata

    Isang tapik sa balikat ang nagpaigtad kay Pael. Nakaupo sya noon sa papag na upuan na ginawa niya sa palibot ng kanilang punong mangga. Kung saan ay nalililiman ito ng mayayabong na dahon sa bawat sanga. “Ang lalim ng iniisip mo anak ah kapara ba niyan ay balong malalim?" Nilingon ni Pael ang ina na kadarating lang mula sa pagsisimba nito. Agad siyang napangiti sa biro ni Lourdes. Tumayo siya at inabot ang palad ng ina para magmano.“Mano po, Inay." magalang niyang wika sa babae.“Kaawaan ka ng Poong Maykapal." tugon ni Lourdes na medyo hinihingal pa.Kaya naman ay agad itong inalalayan ni Pael para makaupo.“Sigurado akong naglakad na naman po kayo pauwi ni Lola Mareng mula sa Bongto." marahan niyang sambit rito.Mahigpit na bilin niya sa ina na huwag nang naglalakad pauwi kapag naluluwas ito ng bayan. May kalayuan rin kasi ang Bongto mula sa kanilang baryo. May hika ang ina kaya't ayaw niyang napapagod ito.“Ayos lang ho ba kayo?" nag-aalala niyang wika.“Mabuti naman ako anak, h

  • For the Love of Rafael   Limangpu't Apat na Kabanata

    Pagkagaling sa Laoyon ay tumuloy na sila Rada at Clark sa San Sebastian kasama si Kate. Nakilala ng dalaga ang pinakamatalik na kaibigan ng kababata na si Vincent Villaroman. Naging mainit naman ang naging pagtanggap sa kanila ng lola Consuelo nito na siyang may kaarawan. Inestima silang mabuti at ipinakilala sa mga naroong bisita. At dahill iisang circle lang naman ang ginagalawan ng kani-kanilang mga magulang ay hind naging mahirap para sa mga bisita ang killalanin silang magkakaibigan. Hindi rin sila masyadong nagtagal sa San Sebastian at tumulak na rin pauwi ng San Isidro pagdating ng hapon. Alinsunod sa bilin ni Senyor Roman kaya't maaga silang bumiyahe pabalik.Ngunit bago si Rada maihataid ng magkapatid sa hacienda ay sinadya nila sina Cathy at Bing. Gayun na lamang ang naging katuwaan ng dalawang kaibigan niya nang magkita-kita silang tatlo. Subalit nalungkot rin ang mga ito nang magpaalam siya na pansamantala munang aalis ng San Isidro para manirahan sa ibang bansa at

  • For the Love of Rafael   Limangpu’t Tatlong Kabanata

    Naluha ang dalaga. Tila yelo na natunaw sa magkahalong saya at lungkot ang damdamin niya. Tuloy ay namalisbis sa luha ang kanyang mga mata. Mabilis naman iyong pinahid ni Pael gamit ang mga daliri nito. "Ikaw talaga, mahal, huwag ka nang umiyak. Baka akalain ni Zantillan ay pinapaiyak kita. Allergic pa naman sa akin ang kababata mong iyon" pabulong na biro ni Pael. Impit na natawa si Rada kahit panay ang tulo ng kanyang mga luha. Tinulungan niya si Pael na tuyuin iyon sa pamamagitan ng panyo na dinukot niya mula sa kanyang bulsa." Hindi ko alam na kenkoy ka rin palang kausap." kunwa'y ismid niya sa nobyo.Tumawa ng mahina si Pael.“Pinapasaya ko lang ang paligid. Dahil nalulungkot rin ako. Ayaw ko lang na maghiwalay tayo na parehong may dinaramdam. Nauunawaan niyo po ba iyon mahal na prinsesa?" tukso naman nito sa kasintahan.Ubod tamis na ngumiti si Rada at makailang beses na tumango sa nobyo. Alam niyang pinapagaan lamang ni Pael ang nagbibigat nilang pakiramdam dahil sa nalalap

  • For the Love of Rafael   Limangput Dalawang Kabanata

    "Kumusta po kayo Aling Lourdes?" may ngiti sa labi na bati ni Clark sa nanay ni Pael pagkapasok sa bahay. “Mabuti naman Clark." magiliw na tugon ni Lourdes sa binata. Kahit na pangalawang beses pa lamang niyang nakakaharap si Clark ay magaan ang loob niya rito. Kilalang may mabubuting kalooban ang mga magulang nito na sila Don Franco at Donya Isabel. Kaya't hindi na siya nagtaka na sa kabila nang hindi nito pagkakaunawan ng anak na si Pael ay maayos at may paggalang itong nakikisalamuha at nakikipag-usap sa kanilang mag-ina. Pinalapit ni Clark ang kapatid na si Kate at ipinakilala sa kanya. Katulad ng binata ay mukha rin itong mabait at magalang. “Nakababata ko pong kapatid si Kate." anito. “Nagagalak akong makilala ka Kate." bati ni Lourdes sa dalagita. “Ako rin po Aling Lourdes." Tugon ni Kate kasabay ng pagmano sa kanya. “Matagal na hong nababanggit sa akin ni kuya ang mala-paraiso niyong bakuran hindi ko akalain na mas higit pa pala roon ang isinasa-larawan ko sa aking isi

DMCA.com Protection Status