"Bakit ako magpapakasal? Attorney, hindi kaya nagkakamali lang ang Mama sa pagsulat nito? Bakit kailangan ko pang magpakasal bago ko ito makuha?" tanong ni Yanna kay Atty. Lozada.
"I'm so sorry, Yanna. But I also don't know how to explain that to you. Hindi kasi ito nagawang ipaliwanag sa akin ni Andrea noon. You know that her death was too sudden..." paliwanag nito sa kanya.Napabuntong-hininga siya.Hindi niya matanggap na ang kanyang yumaong ina ay tila pinahihirapan pa siyang makuha ang dapat na para sa kanya. Tanggap naman niya ang unang kondisyon. Isang buwan na lang at magiging bente anyos na siya. Pero ang tungkol sa kasal ay hindi niya mapaniwalaan.Masyado pa siyang bata para sa ganoong usapin. Para sa kanya ay masyado pang maaga ang 20 years old para maikasal. O tila siya lang itong ayaw ang salitang kasal.Sa sitwasyon ng kanyang pamilya ay hindi niya maiwasang pandirihan ang salitang kasal. Lalo na't nagdusa ang kanyang ina nang dahil din sa salitang iyon.Isa pa, sa edad na 35 ay agad itong tinawag ng kabilang buhay at tuluyan siyang inabandona sa mundo. Masyado pang bata ang ina upang gumawa ng Last Will and Testament.Paano niya magagawang makuha ang kanyang mana kung sa pangalawang kondisyon pa lang ay mukhang imposible na niyang magawa?Alam ni Yanna na sira na ang kanyang pangalan sa ibang nasa alta sociadad dahil din sa kagagawan ng kanyang madrasta at half-sister. Marami sa mga dating kaibigan ng kanyang ina ay ang mabilis siyang nalimutan. Kahit ang mga ninong at ninang niya ay tila hindi na siya kinikilala. Sa ganoong estado pa lang ay imposible nang makahanap ng isang lalaki na handa siyang pakasalan sa lalong madaling panahon.Pagkatapos nilang makapag-usap ay naiwan na si Yanna sa restaurant habang nakatitig sa copy ng Will ng kanyang ina. Nawawalan na siya ng pag-asa.Nilisan niya ang probinsya dahil pagkatapos ng mahabang panahon ay kinuha na siya ng kanyang ama. Akala niya ay magiging madali ang lahat. Despite knowing all the bad things that happened in her family, mas pinili pa rin niya ang makasama ang ama sa pag-aasam na mabuo ang kanilang pamilya. Ngunit mas lalo lamang naging impyerno ang buhay niya.Gusto niyang bawiin ang mga bagay na matagal nang ipinagkait sa kanya ng tadhana. Gusto niyang itaguyod ang DV Incorporated, ang kumpanya na pinaghirapan ng kanyang ina. Hindi niya hahayaan na mapunta na lang sa wala ang lahat ng ito. Hindi ang kanyang ama ang magiging dahilan ng tuluyang pagkawasak ng kanilang pamilya.Sa kalaliman ng kanyang pag-iisip ay naisipan na niyang umalis sa naturang lugar at sumakay ng taxi.Natagpuan na lamang niya ang sarili na nakaharap sa isang mataas na building. Ang D.M. Group building.Ang D.M. Group ay ang isa sa pinaka malaking kumpanya sa buong Pilipinas at ang panglimang kumpanya sa Asya na may malaking expansion progress. Pag-aari ito ng mga Dimarco. Sila ang pamosong pamilya na itinuturing na "untouchables". Walang sinuman ang kayang kalabanin ang mga ito lalo na sa larangan ng negosyo.Ang mga Dimarco ay kilala sa banking industry. At ngayon na umupo na ang pinakabagong CEO ng D.M. Group ay mas lalo pang yumabong ang paglago ng kumpanya sa buong Asya.Napabilog ng kamao si Yanna habang nakatanaw sa building na iyon.Ipinangako niya sa sarili na hinding hindi darating ang araw na ito sa kanyang buhay. Ngunit isang araw pa lamang ang dumaan ay tila kinakain na niya ang kanyang salita."Umm... excuse me? Gusto kong makausap si Mr. Alessio Vann Dimarco," aniya sa harap ng magandang receptionist na mabilis siyang binistahan ng tingin mula ulo hanggang paa.Napakunot pa ito ng noo at mahahalata ang pandidiri sa paraan ng pagkakatitig nito. "Appointment number?" mataray nitong tanong."Umm... Ano kasi... Hindi ako nag-book ng appointment. Pero kilala niya ako, Miss. Sabihin mo lang na nandito si Ms. Del Valle sa labas," aniya habang nakangiti."Miss, hindi magsasayang ng oras sa'yo para labasin ka ng CEO namin. Kailangan mo ng appointment number para makausap siya!" anito na nagtataray pa rin.Napatingin tuloy si Yanna sa kanyang sarili. Nakasuot lang kasi siya ng simpleng yellow T-shirt at jeans. Idagdag pa na wala siyang suot na make-up o kahit pulbo man lang. Pero kahit ganoon ay masasabi niyang may ibubuga pa rin siya.Kahit kasi laki siyang probinsya ay lumalabas pa rin ang kanyang maputing kutis. Namana niya ito sa kanyang yumaong ina na may lahing Amerikana.Walang ibang nasabi si Yanna. Bigla na lang siyang natuod sa kanyang kinatatayuan at tila nalimutan na ng receptionist ang kanyang presensya. Kailangan na niyang makausap si Alessio sa lalong madaling panahon.Napabutong-hininga muli ang babae sa kanyang harapan. "Pwede bang umalis ka d'yan? Nakakaabala ka sa mga taong dumaraan!" sikmat nito."Miss Del Valle?" tinig ng isang lalaki ang kanyang naulinigan.Pagkalingon niya ay nabungaran niya ang isang gwapong lalaki na nakasuot ng eyeglasses. Matangkad ito ngunit mas matangkad pa rin si Alessio kaysa rito.Nangunot ang kanyang noo at itinuro ang sarili. "A-ako?""Yes! You're Miss Marianna Aleinne del Valle, right?""P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang tanong niya.Napatawa naman ang lalaki sa kanya at napaayos ng eyeglasses. Lingid sa kaalaman ni Yanna ay ang lalaking kaharap ay ang mismong secretary ni Alessio. "I'm Justin. I'm Mr. Dimarco's secretary. You're looking for him, right?"Wala sa loob na napatango naman ang dalaga. Habang ang receptionist naman na kanina pa nagtataray sa kanya ay kuntodo kung magpa-cute sa secretary ni Alessio."S-Sir Justin! Nandito po pala kayo. Kilala n'yo po pala si Ms. Del Valle?" humahagikhik na tanong ng receptionist."Do your job properly, Ms. Candelaria. Maswerte ka at ako ang nakakita sa'yo. But I'm not sure if the boss can spare you once he found out what you did to this lady. Anyway... Let's go?" paanyaya nito.Tumango naman siya at sumunod kay Justin. Sumakay sila ng elevator.Tila nakabibinging katahimikan ang namayani sa loob ng elevator."Umm... Napadaan lang talaga ako, promise!" pagsisinungaling niya. Pilit pa siyang ngumiti upang maitago ang awkwardness niya.Napangiti naman si Justin. "Don't worry, Ms. Del Valle. You'll be in good hands..."Tila nangilabot si Yanna sa sinabi nito. Ang alaala sa loob ng D'Marc Hotel ang biglang rumagasa sa kanyang isipan. Mabuti na lang at bumukas na ang elevator.Pagkapasok nila sa opisina ay kaagad lang din siyang iniwan sa loob ni Justin. Pagkaharap niya sa may office table ay ang abalang pigura ni Alessio ang kanyang nabungaran.Nakasuot ito ng eyeglasses habang tumitipa sa computer. Paminsan ay naglalagay ito ng marka sa isang papel na nasa harapan nito.Hindi maipagkakaila na gwapo ang binata. Mula sa matipuno nitong katawan hanggang sa mapupula nitong labi ay tila nanuyo nang husto ang kanyang lalamunan."Like the view?" bigla ay tanong nito nang hindi nakatingin sa kanya."H-ha?""So, you've finally come, huh? Nakapag-decide ka na ba, Ms. Del Valle?" tanong nito. Pagkatapos niyon ay hinubad nito ang eyeglasses at sumandal sa swivel chair saka siya hinarap."Ah... Ano kasi... may gusto lang sana akong itanong at klaruhin sa'yo," pag-uumpisa niya."Ano 'yun?""Bakit ako? I mean, hindi lang naman siguro ako ang babaeng naikama mo. Maraming mas deserving ng alok mo. Pero bakit ako?""Hmm..." napaisip ito saglit at saka siya tinapunan ng tingin. "Bukod sa kasalanan mo naman kung bakit ka napunta sa kwarto ko, well... I just like fucking you..."Nanlaki ang kanyang mga mata. "W-what?!"Grabe. Ano bang klaseng bibig ang mayroon ang lalaking ito?!Makailang ulit pumikit si Yanna matapos niyang marinig ang sinabi ni Alessio.Pinamulahan siya ng pisngi. Ang masungit at manhid na si Alessio ay nakakagulat na may ganitong pagkatao pala. Halos dumagundong na ang mga salitang iyon sa kanyang isipan. The night that they shared, it was coming back to her bit by bit.Dahil doon ay napaiwas siya ng tingin at napatuwid ng tayo. "Ano bang magiging role ko sa buhay mo kung gano'n?" kinakabahang tanong niya."Well, what kind of role do you want me to play?" balik-tanong nito habang nakangisi. Prente pa itong nakaupo sa kanyang swivel chair na tila naaaliw sa nakikita sa harapan nito.Sino ba namang hindi matutuwa? Alessio Dimarco's mind is completely occupied by this woman since that hot night they shared together. Sa hindi malamang dahilan ay hindi ito matanggal sa kanyang isipan. Hinahanap-hanap niya ang halik nito sa tuwina.It is not normal for him to act and feel like this. He is known to be stiff and cold-hearted. Kahit ang mga babaeng
"Sign this." Inimuwestra ni Alessio ang papel sa harapan ni Yanna.Napakunot naman ang kilay ng dalaga nang makita na blangko ang papel na naroon. "Saan ako pipirma d'yan?" Iniisip niya na baka nagkamali lang ito sa pagbibigay ng papel sa kanya. Hinintay niyang mapalitan ito sa kanyang harapan.Pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Komportable lang itong nakaupo sa couch sa kabilang dulo ng mesa. Nakatuon ito sa kanya na tila ba natutuwa sa kanyang pagkalito."You can sign at the bottom.""Teka lang. Pinagloloko mo ba ako? Bakit naman ako pipirma sa papel na walang laman?" Naiinis na siya. Pakiramdam niya ay nananadya ito. Dapat pala ay hindi na siya nag-aksayang pumunta rito. Kung bakit naman kasi sa lahat ng maiisipan niya ay si Alessio pa?"Well, this is my term, Ms. Del Valle. I agreed to marry you and in exchange, ako ang masusunod sa contract terms.""No. Hindi naman ata tama na ikaw lang ang masusunod. As in wala man lang akong say kahit kaunti? That's unfai
Hindi na matandaan ni Yanna kung anong oras siya nakatulog. Basta pagkagising niya ay ang mahihinang halik ni Alessio ang nagpamulat sa kanyang mga mata.Napaungol siya. Dama niya ang hapdi sa ilang bahagi ng kanyang katawan. At ngayong ganito ang eksenanf nadatnan niya pagkagising sa umaga, hindi niya maiwasang manlumo. Ayaw siyang pagpahingahin nitong kumag na ito!"Alessio... ang aga pa..." bulong niya."I know. But I still want you, Yan... Please..." pagsusumamo nito habang binabasbasan ng halik ang bawat madaanang parte niya.Napaungot siya. "Hindi ka ba marunong mapagod?""I won't get tired of your body, my butterfly. Never...""Pero may pasok ka pa..."Narinig niya ang daing nito at saka napatigil sa paghalik sa kanyang leeg. Ang malaking kamay naman nito na nagmamasahe sa kanyang dibdib ay napatigil din. "Fuck! I almost forgot...""Kumilos ka na. Baka mamaya ma-late ka pa..."Napabuntong-hininga ito at napasimangot. "Fine. But after work, I'm not going to let you rest!""Che!"
Isang katok ang naulinigan ni Yanna sa gitna ng kanyang malalim na pag-iisip."Ms. Yanna, natutulog po ba kayo?" tanong iyon ni Mama Sally mula sa labas."Ah, hindi po. Tuloy po kayo!" Nang pumasok si Mama Sally ay nakangiti itong tumingin sa kanya."Anak, tamang-tama. Dumating na kasi ang mga in-order ni Alessio. Halika. Bumaba ka at para makita mo!""P-po?" Hindi pa makahuma ay kaagad nang hinila ni Mama Sally si Yanna papunta sa ibaba.Pagkarating doon ay napanganga siya sa nakita. Sangkaterbang damit, sapatos, at bags ang naroon sa salas. Karamihan sa kulay ng mga naroon ay pastel. Halatang mga mamahalin. Nakita pa niya ang iilang sikat na brands na nakatatak sa mga ito. Mga brand na kadalasang ginagamit ng mga mayayamang tao sa iba't ibang parte ng mundo. Ang mga disenyo ay tila walang katulad.Hindi man lumaki si Yanna na sanay sa layaw ay may alam pa rin naman siya sa fashion. At masasabi niyang ang mga gamit na naroon ay mamahalin at walang katulad ang mga disenyo!Mayroon pan
Mabilis na kumilos si Alessio at nasalo ang katawan ni Yanna mula sa loob ng bathroom.Matagal silang nagkatitigan. Bago pa man siya matunaw ay si Yanna na ang unang nag-iwas. Mabilis niyang dinampot ang towel robe at isinuot iyon. Niyakap niya ang sarili."Sorry. Hindi ko sinasadya na magulat ka. Mabuti na lang at nasalo kita kaagad," paghingi ng paumanhin ni Alessio."Okay lang. Umm... may ipagpapaalam sana ako, Alessio...""Ano 'yun?""Pwede bang umuwi muna ako sa amin? Tumawag kasi si Papa. May kailangan lang akong asikasuhin sandali sa bahay. Okay lang ba?" pagpapaalam niya."I see. Is this the reason why you're stalling?"Napakagat-labi siya. Hindi naman talaga iyon ang dahilan. Sadyang natatakot lang siya na sa katagalan ay masanay siya at baka hanap-hanapin niya sa tuwina ang mga halik nito. Paano na lang kung biglang magbago si Alessio ng pakikitungo sa kanya sa hinaharap? Hindi niya alam kung ano ang gagawin.It's not like she will cry over her virginity given away. Wala na
Mabilis na hinila ni Yanna si Wendy pababa ng hagdan. Bumalik siya sa harapan nila Antonia at doon itinulak ang kasambahay na walang habas kung siya ay kutyain."Ganito na pala ang ugali ng mga tao rito sa bahay? Magtsitsismisan at maninira?" tanong niya habang malakas ang pagtahip ng dibdib. "Ito ang tatandaan mo, wala akong pakialam nagpapabango ka sa kamag-anak mo, pero sa oras ng trabaho, hindi kasali ang pakikipagtsismisan!"Napakuyom na lamang ng palad si Wendy. Hindi siya makapaniwala na tiningnan lang siya ng kanyang Tita Antonia habang kinakaladkad siya ni Yanna pababa ng hagdan. Ni hindi man lang siya nito tinulungan. Takot kasi ang ginang na maging pangit ang imahe nito sa harap ng asawa na si Preston. Kailangan nitong itago ang sungay pansamantala kahit na gusto na niyang sampalin si Yanna."Tama na 'yan, Yanna! Hindi ito ang dapat na pagtuunan mo ng pansin," pag-awat naman sa kanya ng kanyang ama. "Ang dapat nating pinag-uusapan ngayon ay ang kumpanya. I told you that DV
Sa nakalipas na dekada, maraming mga bagay ang hindi alam ng pamilya del Valle sa naging buhay ni Yanna sa probinsya ng Surigao del Sur.Noong mamatay ang kanyang Lolo Alfonso ay naging ulila siyang lubos. Pakalat-kalat siya sa kalsada sa kawalan ng makakain. Inakala niyang mamamatay na siya sa puntong iyon. Hanggang sa may isang tao na nagmagandang loob sa kanya. Ang tao na iyon ay ang dahilan kung bakit siya ligtas ngayon.Kung lumaki siyang mahina ay paniguradong magtatagumpay ang kanyang ama na ipadala siya kay Mr. Welsh. Mabuti na lang at may alam siyang ilang self-defense tactics kung kaya't mabilis siyang nakaalis sa sitwasyon na iyon.Naiisip na ni Yanna ang senaryo sa loob ng mansyon kung saan nakainom si Ree ng 'juice' na pinipilit nitong ipainom sa kanya. Kung tama ang kanyang hinala, ang laman ng juice na iyon ay isang aphrodisiac. Sa pagkataranta ni Antonia ay indikasyon iyon na malaking dosage ng gamot ang inilagay roon upang siguradong mapapasunod ng mga ito ang babae.
Buong gabi na nagkulong si Ree sa loob ng kanyang kwarto. Hindi na niya kinakaya ang epekto sa kanya ng aphrodisiac na aksidente niyang nainom.Malalakas na ungol at halinghing ang kanyang pinakawalan. Wala na siyang ibang mapagpilian kundi ang pawiin ang sariling pagkauhaw. Kahit ang kanyang mga magulang ay naaawa na sa kanyang sinapit."Preston, do something! Hahayaan mo na lang ba na maging ganito ang anak natin?" naghuhuramentadong bulalas ni Antonia. Umiiyak na siya. Hindi niya maatim na malagay sa peligro ang kanyang anak.Para kay Preston, ang ospital ang pinakahuling lugar na kanyang pagdadalhan sa kanyang anak na si Ree. Kilala ang mga Del Valle sa buong Makati City at ang dalhin si Ree sa ganoong kalagayan ay isang kahibangan. Kung kaya't may isa pa siyang pagpipilian sa ngayon. Iyon ay ang tawagan ang bukod-tanging tao na makakatulong sa kanya at sa kanyang anak.Nag-dial siya ng numero. Ilang ring lang at kaagad nang sumagot ang kanyang pakay. Walang iba kundi si Jimviel D