Wala nang nagawa si Lola Trina kundi ang ihatid ng tingin ang kanyang nag-iisang apo na si Alessio. Napailing siya at bumuntonghininga.
Sa kanyang tabi naman ay naroon si Lolo Fortuno Dimarco, ang dating utak ng D.M. Group na ngayon ay pinamumunuan na ni Alessio."Ano na naman ba ang ginawa mo, hun? Did you make our apo upset again?" tanong nito."Gusto ko lang naman na magkaapo na tayo kaagad! Masama bang padaliin ko iyon? He's almost 35, for Pete's sake!""Hun, hayaan mo na si Alessio. He is already a well-made man. He can do what he wants in life. Hayaan mo siya.""But, I'm sure na may nangyari talaga sa kanila no'ng babae sa suite niya! What if she gets pregnant? Kailangan nating hanapin siya at ipakasal sa aking apo!""Oh, come on, hun! Let it go! Tara na nga at magtsaa muna sa loob!"Habang nasa trabaho ay hindi mawala sa isipan ni Alessio si Yanna. He can't wait for the third day to come. Gusto na niya itong muling makasama. Kumusta na kaya ito ngayon? He remembered that she was too sore down there when he left her at the suite.Pinaimbestigahan din niya ang babae at naging panatag siya matapos malaman na single ito at hindi rin kasal sa iba.After the meeting, kaagad na pinatawag ni Alessio si Justin sa loob ng kanyang opisina."Sir, do you need anything?""Arrange everything for Yanna del Valle. Shoes, bags, dress, everything! Gusto ko ay maayos na ang lahat bago pa dumating ang araw na pupunta siya sa akin. I want everything to be exclusively designed just for her. Understood?""Yes, sir," sagot nito ngunit halata sa mukha na may nais itong sabihin.Napatango siya rito. "What is it? Do you want to voice out anything?"Napatango naman si Justin at tumikhim bago nagsalita. "Well, Sir... sigurado na ba kayo sa desisyon ninyo? What if she refuses to accept your offer? Base sa kanyang profile, she is someone not so easily lured by extravagant things. How can you convince her?""If she doesn't come to me in 3 days, I'll get her either by hook or crook. You know that I hate people making me wait. And she won't be able to do that to me," aniya habang nakangisi.****Pagkatapos ng tagpong iyon ay napagdesisyunan ni Yanna na bumalik sa bahay ng kanyang ama pasado alas diez ng umaga. Wala na siyang pakialam kung sermunan man siya nito. Hapong-hapo ang kanyang katawan at ang nais niya ay ang makapagpahinga.Pagkarating niya sa living room ay sinalubong na kaagad siya ng isang pamilyar na babae. Nakahalukipkip ito habang nakaharang sa kanyang dinaraanan."Well... look who's here! The promdi bitch girl!" natatawang kantiyaw sa kanya ng babae. Ang kanyang half-sister na si Ree del Valle. Nakasuot ito ng isang mamahaling roba at halatang naglagay ng makintab sa mukha.Napairap si Yanna. Ayaw niyang makipagtalo sa kanyang kapatid na ni kailanman ay nagpakita ng magandang ugali sa kanya. Ayaw nito sa kanya dahil anak siya ng kanyang ama sa unang asawa. At kahit na si Yanna ang legal na anak ay tila sampid ang turing sa kanya ng mga ito. Ngunit wala na siyang natitirang emosyon para patulan pa ang babaeng ito. Pagod siya at nais lang niyang magpahinga."Umalis ka sa dinadaanan ko, Ree. Pagod ako," walang gana niyang sagot sa kapatid.Napamaang ito at sarkastikong tumawa. "Really? Napagod ka bang lumandi sa iba habang iniwan mo si Dad sa usapan ninyo?!"Imbes na pumatol ay pinili na lamang ni Yanna na manahimik. Madiin ang pagkakatikom niya ng labi upang hindi makapagsalita ng hindi maganda laban kay Ree. She wouldn't waste her energy toward her."Ree, what's happening?" tanong naman ng bagong dating na si Antonia del Valle. Ang pangalawang asawa ng kanyang ama at isang kerida nito mula pa noon. Nang makita siya ng ginang ay agad na napataas ang kilay nito. "Mabuti naman at naisipan mong magpakita. Alam mo naman siguro na galit na galit ang papa mo sa ginawa mo kagabi. Saan ka ba nanggaling? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" sikmat nito. Kumakalansing pa ang samut-saring borloloy nito sa katawan na animo'y isa itong artista sa Bollywood. Kung magsalita pa ng ingles ay tunog konyo."Saan pa ba manggagaling ang cheap na babaeng 'yan? Malamang ay lumandi pa kasi sobrang kati ng higad na 'yan! And since narito ka na rin lang, why not pack your bags and get the hell out of our house?!" singit naman ni Ree na halos lumuwa na ang mga mata sa sobrang galit.Napangisi siya nang hilaw. "Bakit n'yo ako paaalisin? Anak pa rin ako ng papa ko. Karapatan kong tumira rito sa pamamahay na ito.""Well, this is my house, too! And gusto ko na wala ka na sa landas namin!"Bigla namang siniko ni Antonia si Ree. "Ree, stop being so rude to Yanna, okay?" Pinandilatan ng ginang ang kanyang kapatid na tila may pinahahatid na mensahe na sila lamang ang nakakaalam. Pagkatapos niyon ay humarap namang muli si Antonia sa kanya at ngumiti. "Alam mo, Yanna, sayang ka, e. Wala ka namang ibang gagawin talaga kundi ang sundin ang papa mo. Pero bakit kailangan mo pang pahirapan ang kumpanya. Ano na lang ang sasabihin ng mga amigas ko? Na may palamunin kami rito at hindi marunong sumunod?"Gusto na lang matawa ni Yanna sa lahat ng binitiwang salita ni Antonia. Ngunit wala ring saysay kung pagsasalitaan niya nang masama ang dalawang ito dahil sa loob ng pamamahay na iyon ay hindi siya kailanman kakampihan ng kanyang ama."Nasaan si Papa?" tanong na lamang niya, pag-iiba sa usapan.Napabuga ng hangin si Ree. "The nerve, ha? Hoy, Yanna! Wala kang karapatan na hanapin si Dad. Nang dahil sa'yo ay nauubos ang oras niya sa paghingi ng tawad sa investor natin. Napaka-selfish mo talaga! Puro sarili mo lang ang iniisip mo. Sabagay... ano pa nga ba ang maaasahan namin sa isang cheap na kagaya mo?!""Tapos ka na bang insultuhin ako?" kalmadong tanong ni Yanna. Sanay na sanay na siya sa mabahong ugali ng kapatid. Hindi na siya halos tinatablan ng mga kutya nito."Anong kaguluhan ito?!" isang sigaw ang nagpatigil sa kanilang lahat."Dad!" Agad na tumakbo sina Ree at Antonia papalapit kay Preston. Yumakap naman si Ree at halatang nagpapasaklolo sa ama habang siya naman ay prente lang na nakatayo at bitbit ang mahaba niyang pasensya."Preston, pagsabihan mo nga iyang anak mo! Masyadong bastos. Basta-basta na lang siyang papasok dito sa bahay nang hindi man lang humihingi ng tawad sa damage na ginawa niya kagabi!" sumbong naman ni Antonia sa asawa.Ang ama ni Yanna na si Preston ay tahimik lang siyang tinitigan. Halata sa mukha nito ang pagod at galit ngunit pinipigilan lamang nitong ibulalas iyon sa kanyang harapan."Pasalamat ka't napapayag ko si Mr. Welsh na pumunta kang muli doon," panduduro nito sa kanya. "Pumunta ka sa suite niya mamayang gabi. Pagkatapos ng hapunan, siguraduhin mong mapapaligaya mo siya, naiintindihan mo?!"Napailing si Yanna. "Hindi ako pupunta sa kanya," pagtutol niya."Marianna Aleinne del Valle! Naririnig mo ba ang sarili mo? Kapakanan ng kumpanya natin ang nakasalalay rito! Hahayaan mo
"Bakit ako magpapakasal? Attorney, hindi kaya nagkakamali lang ang Mama sa pagsulat nito? Bakit kailangan ko pang magpakasal bago ko ito makuha?" tanong ni Yanna kay Atty. Lozada."I'm so sorry, Yanna. But I also don't know how to explain that to you. Hindi kasi ito nagawang ipaliwanag sa akin ni Andrea noon. You know that her death was too sudden..." paliwanag nito sa kanya.Napabuntong-hininga siya.Hindi niya matanggap na ang kanyang yumaong ina ay tila pinahihirapan pa siyang makuha ang dapat na para sa kanya. Tanggap naman niya ang unang kondisyon. Isang buwan na lang at magiging bente anyos na siya. Pero ang tungkol sa kasal ay hindi niya mapaniwalaan.Masyado pa siyang bata para sa ganoong usapin. Para sa kanya ay masyado pang maaga ang 20 years old para maikasal. O tila siya lang itong ayaw ang salitang kasal.Sa sitwasyon ng kanyang pamilya ay hindi niya maiwasang pandirihan ang salitang kasal. Lalo na't nagdusa ang kanyang ina nang dahil din sa salitang iyon.Isa pa, sa edad
Makailang ulit pumikit si Yanna matapos niyang marinig ang sinabi ni Alessio.Pinamulahan siya ng pisngi. Ang masungit at manhid na si Alessio ay nakakagulat na may ganitong pagkatao pala. Halos dumagundong na ang mga salitang iyon sa kanyang isipan. The night that they shared, it was coming back to her bit by bit.Dahil doon ay napaiwas siya ng tingin at napatuwid ng tayo. "Ano bang magiging role ko sa buhay mo kung gano'n?" kinakabahang tanong niya."Well, what kind of role do you want me to play?" balik-tanong nito habang nakangisi. Prente pa itong nakaupo sa kanyang swivel chair na tila naaaliw sa nakikita sa harapan nito.Sino ba namang hindi matutuwa? Alessio Dimarco's mind is completely occupied by this woman since that hot night they shared together. Sa hindi malamang dahilan ay hindi ito matanggal sa kanyang isipan. Hinahanap-hanap niya ang halik nito sa tuwina.It is not normal for him to act and feel like this. He is known to be stiff and cold-hearted. Kahit ang mga babaeng
"Sign this." Inimuwestra ni Alessio ang papel sa harapan ni Yanna.Napakunot naman ang kilay ng dalaga nang makita na blangko ang papel na naroon. "Saan ako pipirma d'yan?" Iniisip niya na baka nagkamali lang ito sa pagbibigay ng papel sa kanya. Hinintay niyang mapalitan ito sa kanyang harapan.Pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Komportable lang itong nakaupo sa couch sa kabilang dulo ng mesa. Nakatuon ito sa kanya na tila ba natutuwa sa kanyang pagkalito."You can sign at the bottom.""Teka lang. Pinagloloko mo ba ako? Bakit naman ako pipirma sa papel na walang laman?" Naiinis na siya. Pakiramdam niya ay nananadya ito. Dapat pala ay hindi na siya nag-aksayang pumunta rito. Kung bakit naman kasi sa lahat ng maiisipan niya ay si Alessio pa?"Well, this is my term, Ms. Del Valle. I agreed to marry you and in exchange, ako ang masusunod sa contract terms.""No. Hindi naman ata tama na ikaw lang ang masusunod. As in wala man lang akong say kahit kaunti? That's unfai
Hindi na matandaan ni Yanna kung anong oras siya nakatulog. Basta pagkagising niya ay ang mahihinang halik ni Alessio ang nagpamulat sa kanyang mga mata.Napaungol siya. Dama niya ang hapdi sa ilang bahagi ng kanyang katawan. At ngayong ganito ang eksenanf nadatnan niya pagkagising sa umaga, hindi niya maiwasang manlumo. Ayaw siyang pagpahingahin nitong kumag na ito!"Alessio... ang aga pa..." bulong niya."I know. But I still want you, Yan... Please..." pagsusumamo nito habang binabasbasan ng halik ang bawat madaanang parte niya.Napaungot siya. "Hindi ka ba marunong mapagod?""I won't get tired of your body, my butterfly. Never...""Pero may pasok ka pa..."Narinig niya ang daing nito at saka napatigil sa paghalik sa kanyang leeg. Ang malaking kamay naman nito na nagmamasahe sa kanyang dibdib ay napatigil din. "Fuck! I almost forgot...""Kumilos ka na. Baka mamaya ma-late ka pa..."Napabuntong-hininga ito at napasimangot. "Fine. But after work, I'm not going to let you rest!""Che!"
Isang katok ang naulinigan ni Yanna sa gitna ng kanyang malalim na pag-iisip."Ms. Yanna, natutulog po ba kayo?" tanong iyon ni Mama Sally mula sa labas."Ah, hindi po. Tuloy po kayo!" Nang pumasok si Mama Sally ay nakangiti itong tumingin sa kanya."Anak, tamang-tama. Dumating na kasi ang mga in-order ni Alessio. Halika. Bumaba ka at para makita mo!""P-po?" Hindi pa makahuma ay kaagad nang hinila ni Mama Sally si Yanna papunta sa ibaba.Pagkarating doon ay napanganga siya sa nakita. Sangkaterbang damit, sapatos, at bags ang naroon sa salas. Karamihan sa kulay ng mga naroon ay pastel. Halatang mga mamahalin. Nakita pa niya ang iilang sikat na brands na nakatatak sa mga ito. Mga brand na kadalasang ginagamit ng mga mayayamang tao sa iba't ibang parte ng mundo. Ang mga disenyo ay tila walang katulad.Hindi man lumaki si Yanna na sanay sa layaw ay may alam pa rin naman siya sa fashion. At masasabi niyang ang mga gamit na naroon ay mamahalin at walang katulad ang mga disenyo!Mayroon pan
Mabilis na kumilos si Alessio at nasalo ang katawan ni Yanna mula sa loob ng bathroom.Matagal silang nagkatitigan. Bago pa man siya matunaw ay si Yanna na ang unang nag-iwas. Mabilis niyang dinampot ang towel robe at isinuot iyon. Niyakap niya ang sarili."Sorry. Hindi ko sinasadya na magulat ka. Mabuti na lang at nasalo kita kaagad," paghingi ng paumanhin ni Alessio."Okay lang. Umm... may ipagpapaalam sana ako, Alessio...""Ano 'yun?""Pwede bang umuwi muna ako sa amin? Tumawag kasi si Papa. May kailangan lang akong asikasuhin sandali sa bahay. Okay lang ba?" pagpapaalam niya."I see. Is this the reason why you're stalling?"Napakagat-labi siya. Hindi naman talaga iyon ang dahilan. Sadyang natatakot lang siya na sa katagalan ay masanay siya at baka hanap-hanapin niya sa tuwina ang mga halik nito. Paano na lang kung biglang magbago si Alessio ng pakikitungo sa kanya sa hinaharap? Hindi niya alam kung ano ang gagawin.It's not like she will cry over her virginity given away. Wala na
Mabilis na hinila ni Yanna si Wendy pababa ng hagdan. Bumalik siya sa harapan nila Antonia at doon itinulak ang kasambahay na walang habas kung siya ay kutyain."Ganito na pala ang ugali ng mga tao rito sa bahay? Magtsitsismisan at maninira?" tanong niya habang malakas ang pagtahip ng dibdib. "Ito ang tatandaan mo, wala akong pakialam nagpapabango ka sa kamag-anak mo, pero sa oras ng trabaho, hindi kasali ang pakikipagtsismisan!"Napakuyom na lamang ng palad si Wendy. Hindi siya makapaniwala na tiningnan lang siya ng kanyang Tita Antonia habang kinakaladkad siya ni Yanna pababa ng hagdan. Ni hindi man lang siya nito tinulungan. Takot kasi ang ginang na maging pangit ang imahe nito sa harap ng asawa na si Preston. Kailangan nitong itago ang sungay pansamantala kahit na gusto na niyang sampalin si Yanna."Tama na 'yan, Yanna! Hindi ito ang dapat na pagtuunan mo ng pansin," pag-awat naman sa kanya ng kanyang ama. "Ang dapat nating pinag-uusapan ngayon ay ang kumpanya. I told you that DV