Share

Chapter 20: Bonding with In-laws

"Ms. Yanna, pinapupunta ka ni Doña Trina sa kanilang mansyon," pagbibigay-alam ni Mang Tope habang naghuhugas siya ng pinggan.

"May sinabi ba si Lola na kung ano?" tanong niya. Nag-aalala siya na baka kagalitan siya ng matanda lalo pa at wala pa rin siyang singsing na suot.

Sinabi kasi ni Alessio na ito na ang bibili ng singsing upang hindi na siya mahirapan sa pamimili sa labas. Hindi siya sigurado kung magiging masaya ang matandang babae sa ganoon.

"Naku, hija, huwag kang kabahan. Good mood si Doña Trina ngayon. Kanina pa nga sila nagbabangayan ni Don Fort dahil gusto ka nilang makasama," natutuwang turan ni Mang Tope.

"Ah, gano'n po ba? Sige po. Tatapusin ko lang po muna itong mga hugasin ko."

"Naku, anak, huwag mo nang tapusin iyan. Ako na'ng bahala. Ayaw ng Doña na sila ay pinaghihintay!" Si Mama Sally naman ang sumingit sa usapan. Kanina pa ito nag-aalala dahil naunahan ito ni Yanna sa paghuhugas ng plato. Masyadong masipag ang napangasawa ni Alessio. Mabait pa ito at hindi maka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status