Isang araw, nagising nalang si Clover na wala na ang sakit sa puso niya. Siguro dahil tinanggap niya na ang lahat-lahat, iniisip niyang lahat ng nangyari sa kaniya ay may rason. Hindi man naging madali sa kaniya ang pagtanggap na hindi totoo ang taong minahal niya, pero sa huli ay nakaya rin naman ng puso niya.
Alas syete ng gabi, oras ng pag-uwi ng ina. Gusto niya itong kausapin, gusto niyang maayos na lahat ng sa gano'n ay hindi na sila nag-iiwasan.
Kinakabahan siyang umupo sa sofa, hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin. Abala siya sa pagiisip ng mga bagay na p'wede niyang sabihin pagkarating nito ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang kaniyang ina na may bitbit na isang bag.
Dumiretsyo lang ang lakad nito, alam niyang nagpapanggap lang itong hindi siya nakita.
"Ma? P'wede ba tayong mag-usap?" tanong niya.
Natapos ang tatlong buwan ng bakasyon, sa tatlong buwan na 'yon ay maraming nangyari sa buhay ni Clover. Malungkot man ay nangingibabaw sa kaniya ang saya, dahil sa pangyayaring iyon ay mas naging mas malakas silang lahat. Hindi lang siya ang nakakuha ng leksyon, pati na rin ang ina niya, si Tashia pati na rin si Christian. Simula noong mangyari iyon ay naging maayos na ang ugali niya siya sa social media, hindi lang sa lalaki pero pati na rin sa mga babae. Kung may nga natutunan man siya iyon ay dapat gamitin ng maayos ang social media, hindi dahil sikat ka ay mawawala na ang respeto mo sa kapwa mong gumagamit din nito. Hindi iyong tungkol sa kung gaano ka ka-sikat, pero kung paano mo tratuhin ang kapwa mo kahit sa social media lang 'yan. Maaaring hindi ka man niya makita, pero kapay iyan sinabihan mo ng masasakit na salita, walang pinagka-iba iyan kapag sinabihan mo sa personal. Masasaktan at masasaktan ang taong sinabihan mo. Lahat ng tao ay nas
Ikadalawang linggo ng bakasyon, nakangiting bumangon si Clover sa kama niya at nag-inat. Handang-handa na siyang harapin ang panibagong araw na binigay sa kaniya ng Panginoon."Good morning, God!" masiglang bati niya habang nakatingin sa itaas.Nakasanayan niya ng batiin ang Panginoon tuwing imumulat niya ang kaniyang mga mata. Everytime she wakes up in the morning, hindi nawawala ang kaniyang ngiti sa labi. Dabil binigyan pa siya ng biyaya upang magising muli, at pagkakataong mag-enjoy sa buhay.Napatingin siya sa kaniyang kanan, makikita roon ang study table niya kung saan nakalagay ang kaniyang cellphone. Mabilis na kinuha niya ito at nag-open ng Facebook. Hindi niya na muna pinansin ang mga notifications at messages dahil magpo-post pa siya. "Good morning, Sunshine! Don't forget to spread your lips. SMILE!"Nakangiti niyang ibinalik ang cell
"Cece, nakita mo ba 'yong bagong lipat na lalaki diyan?" tanong ng kaibigan niyang sa Tashia. Hapon na ng maisipan nilang lumabas saglit para bumili ng milktea. Unti-unti ng nagiging kahel ang kalangitan, gusto niya sanang pagmasdan ang papalubog na araw kaso wala namang perfect spot sa lugar nila para pag-puwestuhan.May mga pagkakataon talaga na hindi niya maintindihan si Tashia, minsan sobrang seryoso nito pero minsan madaldal din, tulad ngayon. May hawak-hawak itong matcha flavored milktea, maitim at mahaba ang buhok nito, maputi at may kapayatan. Nasa iisang compound lang sila, madalas niya itong kasamang tumambay sa labas. "Oo," sagot niya bago humigop sa straw ng milktea niyang taro flavored.Ngayon niya lang nakitang nagningning ang mga mata nito, "Talaga? Gwapo ba siya?" Pinagningkitan ng mga mata ni Clover ang kaibigang si Tashia. Hindi na nga niya iniisip ang tungkol sa lalaking iyon kasi lalo lang siyang naco-curi
Kung kanina ay nagtatalo ang isip niya niya kung ia-add niya ba ito, ngayon naman ay kung ime-message niya ba. Mukha namang mabait itong tao kaya baka okay lang na i-chat niya. Pipindutin pa sana niya ang messager app ng biglang tumunog ang notification at lumabas ang isang chat head.Percy Wilson: Hi! Clover Clynn Delgado: Hello. Percy Wilson: Akala talaga nila mag-jowa tayo. Clover Clynn Delgado: Oo nga e. Mukhang napaniwala natin sila. Hahaha! Percy Wilson: Ang galing mo kasi e. Clover Clynn Delgado: Oy! Hindi kaya. Hindi ko naman magagawa 'yon kung wala ka. Percy Wilson: Pa-humble, sige na nga. HAHAHA! Clover Clynn Delgado: Bye the way napadaan ako saglit sa wall mo. Nakita ko ang laman nito, ang creepy. Percy Wilson: I'm sorry. Nat
Alas otso nang magising muli si Clover. Laking pasasalamat niya na hindi niya napanaginipan ang STICK-O na sinend sa kaniya ni Percy kanina. Isang oras niya ring inisip ang tungkol sa picture na 'yon. Hinihiling na sana hindi niya na lang iyon nakita.Pagka-open niya ng facebook at may nagulat siya ng makitang may 10 unread messages galing kay Percy. Isa-isa niyang itong binasa at napangiti siya dahil doon.Percy Wilson: Hala nag-out! Percy Wilson: Oyy bata! Nandiyan kapa? Percy Wilson: Hoyy! Percy Wilson: Ito naman, biro nga lang 'yon. Percy Wilson: Bata! Percy Wilson: Sorry na. Percy Wilson: Hindi ako matutulog hangga't hindi ka nag-o-online. Percy Wilson: S
Araw ng Sabado, umaga palang ay nagising na si Clover para maglinis ng kaniyang silid. Nitong mga nakaraang araw ay kama nalang ang naayos niya dahil nawili na siya kaka-peysbok. Nakalimutan niyang ayaw na ayaw pala niya sa makalat na lugar. Sinalpak niya ang airpods sa kaniyang dalawang tenga at nagpatugtug ng, "Bad Guy" ni Billie Eilish. She loves music, so much that she cannot live without it. Ito ang bumubuo ng pagkataoo niya. Whenever she is sad, music is there. Maliban sa Ice cream ay ito rin ang nagiging kasangga niya sa kalungkutan. Sumasayaw at kumakantang nagwawalis siya ng sahig. Hindi siya magaling sumayaw, tama lang. Pero kung kantahan lang din ang labanan, hindi siya magpapatalo. "I'm a bad guy... Tororott tororottt tororott~" Giwang diyan, giwang dito ang ginagawa niya. Nang matapos siya sa kaniyang ginagawa ay naupo muna siya sa upuan na nasa kwarto. Umagang-umaga ay tagatak na ang pawis niya which
Sabado ng hapon, habang kumakain ay biglang may naisipang kalokohan si Clover na tiyak gagawin niya mamaya kay Percy."I-prank ko kaya siya?" Nakangiting tugon niya sa sarili.Dali-dali niyang inubos ang pagkaing nasa harap niya at dinampot ang cellphone na nasa mesa.Nag-open siyang Facebook at saktong online pa si Percy. Clover Clynn Delgado: Woii! Percy Wilson: Yes, baby? Clover Clynn Delado: Baby mo mukha mo! Percy Wilson: Ba't napa-chat ka? Clover Clynn Delgado: May sasabihin sana ako, huwag kang mabibigla. Percy Wilson: What is it? Clover Clynn Delgado: Natatakot ako. Baka kasi i-judge mo ako. Percy Wilson: Ano nga kasi iyon?
Nagising si Clover dahil sa nakakabulabug na tunog galing sa baba. Sobrang inaantok pa siya kaya tinakpan niya ang kaniyang tenga gamit ng puting unan na ginagamit niya. Pero kahit anong gawin niya ay nakakalusot pa rin ang tunog na iyon. Inis na napaupo siya sa kama, "Nagzu-zumba na naman siya panigurado." Nakalimutan niyang araw pala ngayon ng Linggo. Ibig sabihin narito ang mama niya. Hindi talaga siya nakakatulog ng mabuti kapag day-off nito. "Good morning, God!" bati niya habang nakatingin sa taas.Bumaba siya at doon nakita ang ina sa sala na ginagaya ang mga taong sumasayaw sa screen ng TV. "Gising kana pala, anak," masayang wika nito habang gumigiwang-giwang."Nagising lang naman ako dahil sa lakas niyang music niyo. Sana tinaasan niyo pa ang volume, nahiya pa kayo." Umirap siya at nagsimula ng maglakad papuntang kusina."Ikaw naman. Halika rito, sabayan