Share

Chapter 17

Pagkatapos sabihin ni Jade ang kaniyang saloobin ay kaagad din na umalis si Carla sa opisina ni Greg na nagdadabog. Nagpakawala naman ng buntong hininga si Jade bago humarap sa kaniyang boss.

Ngunit nagulat na lamang si Jade ng bigla siyang yakapin ni Greg.

"Sir," kinakabahang saad niya. Gusto niyang makawala sa pagkakayakap ng kaniyang boss ngunit hindi siya makagalaw sa kaniyang kinatatayuan.

"Can we stay like this for a little longer? I just... I just need someone right now," mahinang saad ni Greg habang nakayakap pa rin kay Jade.

Mayroon sa kalooban ni Greg na pumipigil sa kaniyang ginagawang pagyakap sa kaniyang sekretarya dahil sa kahit ano mang anggulo tingnan ay mali ang kaniyang ginagawa. Ngunit hindi na napigilan ni Greg ang kaniyang sarili sapagkat kailangan niya ng makakaramay sa hindi malamang sakit na nadarama.

Sa kabilang banda ay gulat na gulat pa rin si Jade. Malakas din ang tibok ng kaniyang puso dahil sa kakaibang kaba na nararamdaman. Ngunit kalaunan ay kumalma na rin siya at hinayaan na niya lamang ang kaniyang boss na yakapin siya. Dahan-dahan din na tinapik ni Jade ang likod ni Greg upang pakalmahin ito.

Pagkatapos ng ilang minuto ay kumawala na rin si Greg sa pagkakayakap kay Jade. Nahihiya rin ito na tumingin sa kaniyang sekretarya.

"I'm sorry about that, Ms Wetzel."

"Its alright, sir... Are you feeling better now?"

"Yes, thank you," nakangiting saad ni Greg ngunit nakikita pa rin ni Jade ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Pasensya na po pala kung nakialam ako sa usapan ninyo kanina."

"Its alright. I also appreciate your concern." Nararamdaman pa rin ni Jade ang lungkot ng kaniyang boss ngunit alam niya na wala naman siyang magagawa pa.

Nagpaalam na rin si Jade at lumabas na sa opisina ni Greg makalipas ang ilang segundo.

Sa kasalukuyan ay tahimik naman na nakatingin si Greg sa kawalan habang nag-iisip ng kung ano-ano. 

'She was right... Why can't I forget about you?' tanong ni Greg sa kaniyang sarili ngunit kahit siya ay hindi rin alam ang sagot sa katanungan na ito.

***

Lumipas ang ilang linggo na tinuon na lamang ni Greg ang kaniyang buong pansin sa pagtatrabaho. Karamihan sa kaniyang empleyado ay nag-aalala na sa kaniya sapagkat parang wala na siyang pahinga. 

"Here's your coffee, sir," saad ni Jade habang nilalagay ang dalang kape sa mesa nito.

"Thank you," saad ni Greg habang patuloy pa rin na nakatingin sa papeles na kaniyang hawak. Sandali naman siyang tumigil ng maramdaman pa rin ang presensya ng kaniyang sekretarya.

"Do you need something, Ms Wetzel?"

"Well, it's already a quarter to ten. Aren't you going home, sir?" Gulat naman na napatingin si Greg sa kaniyang relo. Supposedly, hanggang nine or nine thirty lang ang oras ng trabaho nila. Para kay Greg ay over time na kapag sumapit na ang alas dies ng gabi.

"Sorry, hindi ko namalayan ang oras. But why are you still here, Ms Wetzel?" 

"Baka kasi po may kailangan pa kayo." Natampal naman ni Greg ang kaniyang noo sa tinuran ni Jade. 

"Makakauwi ka na, Ms Wetzel."

"How about you, sir?"

"I will just finish reading this papers. By the way, may sasakyan ka bang dala?"

"Yes, sir."

"Alright, take care."

"Goodbye, sir. You should take a rest too."

"I'm fine, Ms Wetzel." Tumango na lamang si Jade sa tinuran ng kaniyang boss at tuluyan ng nagpaalam.

***

Sumunod ang ilang araw na ganoon pa rin ang naging eksena sa kanilang opisina. Palaging hindi namamalayan ni Greg ang oras kaya palaging late na siya kung umuwi. Hindi rin naman magawang umuwi ng maaga ni Jade dahil iniisip niyang baka ay kailanganin siya ng kaniyang boss.

"Sir, its already eight in the evening pero hindi pa po kayo kumakain."

"I'm fine. Hindi pa naman ako nagugutom," saad ni Greg habang mayroon na tina-type sa kaniyang laptop. Napabuntong hininga na lamang si Jade. Bigla rin siyang nabahala ng marinig ang pag-ubo ng kaniyang boss.

'Pinapahirapan niya ang katawan niya,' saad niya sa kaniyang isipan habang pinagmamasdan ang kaniyang boss. Napansin niya rin na mukhang nabawasan ang timbang nito, napailing na lamang si Jade.

Sa pagsapit ng alas dies ng gabi ay pinauwi na ni Greg ang kaniyang sekretarya. Ayaw pa sana ni Jade pero sinunod niya na lamang ang sinabi nito.

Ngayon ay nakasakay na si Jade sa kotse na kaniyang nabili mula sa sweldo na naipon niya sa pagtatrabaho sa kompanya. Madalas na rin na hindi sila nagkakasabay na pumasok ni Elle sa opisina kaya naging malaking tulong ito sa kaniya.

Binuksan na niya ang manibela ngunit kaagad siyang natigilan ng maalala na naiwan niya ang kaniyang cellphone. Hindi na niya ito namalayan kanina sapagkat pinapauwi na siya ng kaniyang boss.

Kaagad naman na bumaba si Jade sa kaniyang kotse at bumalik sa pinakamataas na palapag. 

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na siya sa kaniyang maliit na opisina. Kaagad rin na nahanap ni Jade ang kaniyang cellphone na nasa tabi lamang ng computer.

Palihim naman na sumilip si Jade sa hindi kalakihan na window glass sa opisina ni Greg ngunit bahagya siyang nagtaka ng makita na wala sa mesa ang kaniyang boss.

Nagdesisyon si Jade na pumasok na lamang sa loob ng opisina ni Greg. Natigilan naman siya ng makita ang kalagayan nito.

Nakahiga si Greg sa sofa habang hawak-hawak ang isang papeles. Makikita rin sa kaniyang katawan ang pagod na nadarama nito. Dahan-dahan naman na lumapit si Jade.

Sinubukan niyang gisingin ang kaniyang boss ngunit mahimbing na ang tulog nito. Inalis niya naman ang hawak na papel ni Greg ngunit kaagad na natigilan si Jade ng mahawakan ang kamay ng kaniyang boss. Hinawakan na rin ni Jade ang noo ni Greg at doon niya nasiguro na mayroon itong lagnat.

Napabuntong hininga si Jade at napailing sa sinapit ng kaniyang boss. Alam na ni Jade na mangyayari ang ganoon sapagkat babad talaga sa trabaho si Greg. Maaga itong papasok sa opisina, madaling araw na rin kung umuwi at nalilipasan pa ng gutom. Pinaghandaan na niya ang araw na ito sapagkat palagi siyang may dalang gamot at Koolfever for adult.

Hindi na magising ni Jade ang kaniyang boss kaya inilagay na niya lamang ang Koolfever sa noo nito. Hininaan niya na rin ang aircone at ginawang kumot kay Greg ang suit nito.

Tahimik lang na pinagmamasdan ni Jade ang kaniyang boss.

Sa kabilang banda, nananaginip naman si Greg. Muling tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga araw na kasama niya ang babaeng pinapahalagahan niya sa matagal ng panahon.

Napapangiti na lamang si Greg habang nakikita sa kaniyang isipan ang magagandang ngiti ng isang batang babae. Ngunit nawala ang kaniyang ngiti ng biglang dumilim ang senaryo.

Unti-unti rin na naglaho ang batang babae at naiwan ang batang si Greg sa kawalan.

"No... Please... Please, don't leave me," saad ni Greg sa gitna ng kaniyang panaginip.

Lihim naman na napangiti si Jade ngunit nakakaramdam din siya ng sakit mula sa pinagdaraanan ng kaniyang boss. 

"You know what, sir," saad ni Jade habang titig na titig sa kaniyang boss na natutulog pa rin.

"I'm starting to like you... Hindi dahil sa naaawa ako sa iyo... It's because I admire how you love that girl for a long time... And it seems that, gusto ko rin maramdaman ang ganoong pagmamahal at ang pagpapahalaga mula sa lalaking makakasama ko... Your not pathetic, sir Greg. You just treasure someone kahit na walang kasiguraduhan na naaalala, hinahanap o mayroon din siyang nararamdaman para sayo. And maybe... That's the reason why my heart become soft towards you."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status