“Ako po si Lita.” Aniya. “Lagi niyo na lang po nakalilimutan ang aking pangalan, binibini,” nahihiyang dagdag niya.
Napatawa ako ng hilaw. “Gano’n ba? Pagpasens’yahan mo na ako, Lita,” wika ko kahit hindi naman talaga ako makalilimutin. As a doctor, I can’t forget important things especially the information regarding to my patients. Sasakyan ko na lang lahat ng sasabihin niya para hindi na siya malito sa akin at hindi niya mapansin na ibang Helena ang nasa kan’yang harapan.
“Lita? Tama ba?” paninigurong tanong ko. Tumango lang siya bilang tugon.
“Anong petsa na ba ngayon?” segway kong tanong. Gusto ko lang makasiguro na nagkakamali lang ako sa aking hinala.
“Ika-tatlongpu't isa po ng Marso.”
March 31? Hindi ba April 1 na bago ako umalis ng L.A? 9 pm ako umalis doon plus 15 hours na biyahe…dumating ako sa Pilipinas ng 1 pm ng tanghali? Dapat April 3 na ngayon! Bakit March 31 pa lang?
Napatingin ako kay Lita. “Anong taon ngayon, Lita?”
“Isang libo walong daan at walong pu't dalawa.” Sagot niya.
Shit! Did I really go back in the past? Is this for real? Hindi ba talaga ‘to prank? O isang variety show? Hindi pa ba sapat na niloko ako ni Kim at kailangan na pag-uwi ko ng Pilipinas ay maging ganito ang mangyari? Isa na bang malaking katatawanan ang buhay ko?
“Lita, sigurado ka ba sa iyong sinasabi?” pagkukumpirma kong tanong sa kan’ya.
“Oo naman po,” siguradong sagot niya.
“Hindi mo ba ako binibiro?” naninigurong tanong ko. Please magsabi ka ng totoo. Huwag mo naman akong gawing katawa-tawa. “Hindi ba ako naeengkanto?”
“Bakit naman po ako magsisinungaling, binibini?” Aniya habang pinagmamasdan akong mabuti. “Hindi ko po alam, ngunit ang inyong mga kinikilos ay labis na kakaiba ngunit hindi po kayo naeengkanto.” At pumunta ito sa aking likuran at inayos ang nagulo kong buhok. “Hindi ko man po mawari ang inyong iniisip ngunit, kailangan na po nating bumalik ng mansyon kung ayaw po natin parehong pinaghihintay si Don Raul.” Aniya at humarap sa akin ng may ngiti.
Seriously? I still mystified of everything what’s going on. How possible that I went back in past through P2P bus? That’s really amazing if P2P buses are really travelling in the past. If this really exist I will go back in time where I met Kim and rejected his wedding proposal then it wouldn’t happened this shitty divorce! I wouldn’t be hurt and look miserable of how he played on me!
Tahimik kaming naglalakad at nasa aking likuran si Lita na tahimik na sinusundan ako. Gusto ko sanang sabihin sa kan’ya na mauna siya dahil hindi ko alam kung nasaan ba ang mansyon namin na sinasabi niya.
“Lita, bakit nariyan ka sa aking likuran?” tanong ko na patuloy sa paggala ang aking mga mata para hanapin ang mansyon.
“Binibini, isang hamak na tagasilbi niyo lamang ako at hindi po nararapat na ako’y sumabay sainyo sa paglalakad,” simpleng saad niya.
Bigla akong nairita sa kan’yang sinabi. Ano kung isa siyang tagapagsilbi? Wala na ba silang karapatan para maglakad sa nilalakaran ng mga mas nakakaangat sa kanila? Bakit kailangan sila ang mahuli sa paglalakad? Hindi ko makuha ang punto sa nakabub’wesit na diskriminasyon na ito sa estado ng pamumuhay ng isang tao. Porke’t mayaman o mapera sila lang may kakayahan na makakuha ng nararapat na karapatan at ang mahirap hindi? This is bullshit! Pare-pareho lang tayo tao! Pareho ang nilalanghap nating hangin at kinakain natin! Bakit kailangan pairalin ang bulok at makasariling kaisipan na tulad niyan? Iyan ang dahilan kung bakit hindi nagkakaisa at nagkakaunawaan ang bawat tao kasi laging sasabihin, “mayaman sila, mahirap tayo.” Nakakainis pakinggan ang bulok na kaisipang gan’yan!
Hinatak ko si Lita para sabay kaming maglakad.
“Tandaan mo, Lita. Walang mayaman o mahirap pag ako ang kasama mo,” mariing saad ko.
“Pero---
“Walang pero-pero. Gusto ko pagkasama mo ako hindi mo maramandaman na mahirap ka, mayaman ako. Pareho tayo tao at gusto ko pantay lang ang tingin mo sa akin gaya ng tingin ko sa ‘yo. Naiintindihan mo ba?”
Ngumiti si Lita na may galak sa kan’yang puso. “Maraming salamat, binibini. Labis ang kabutihan ng inyong puso,” nakangiting wika ni Lita.
Hinimas ko ang kan’yang buhok. She’s so young para maging tagapagsilbi. Imbes na nag-aaral siya ay heto at nagsisilbi para lamang magkaroon ng pera at may maigastos pang-kain ng kan’yang pamilya.
“Binibini? May gumugulo na naman ba sainyong isipan?” nag-aalalang tanong ni Lita.
Ngumiti ako at umiling. “Wala. Halina at baka magalit na si Don Raul.”
Biglang natawa si Lita ngunit mabilis na pinigilan ang kan’yang tawa dahilan para mapakunot-noo ako. “Bakit ka tumatawa, Lita?”
“Paumanhin po sa aking inasal.” Aniya at ikinumpas ang kan’yang sarili ngunit hindi niya magawang mapigilan ang kan’yang pagtawa.
“Bakit ka tumatawa, Lita? May nakakatawa ba sa aking sinabi?” naguguluhan kong tanong.
“Napakapilya mo po kasi. Tinatawag niyo po lamang na Don Raul ang inyong ama,” paliwanag ni Lita na pilit pinipigilan ang muli niyang pagtawa.
Shit! Ama ko pala si Don Raul? Damn! nagiging tanga ako sa panahong ito! Nakakahiya!
Napasapo na lamang ako sa aking noo at napatawa ng ilang. “Huwag mo na lang ipaalam kay ama ang aking itinuran at baka magalit siya pati ikaw ay madamay,” pagdadahilan kong sabi.
Shit! Helena, sino ka ba kasi? Nakaka-stress ang panahon mo! Pati ako ay napapahiya ng walang oras sa ‘yo.
Tumango na lamang si Lita at naglakad na kami patungo sa mansyon. Nagk’wentuhan kami ni Lita ng ilang bagay-bagay para makakuha ako ng kaunting impormasyon tungkol sa katauhan ni Helena. Buti na lang may naalala pa ako sa mga itinuro ni Lola Linda, advantage rin na mahilig akong sumali sa panitikan noong nag-aaral ako kun’di mabubuko na ako ni Lita. Mabuti na lang at sa Cavite lang din ako napadpad kung sa ibang lugar ‘to tulad ng Cebu, tapos ka Helen Grace Rosario!
Hindi ko namalayan na nakarating na kami ng mansyon dahil sa napasarap ang aming usapan at tawanan. Hindi naman pala mahirap hanapin ang mansyon hindi tulad ng inaakala ko. Hinatid ako ni Lita hanggang sa makarating kami sa sala at doon ko nakita ang isang lalaki na nasa middle age, I think? Nakaupo at nagbabasa ng isang letter.“Siya na ba si Don Raul?” tanong ko sa aking sarili.“Don Raul, narito na po si Binibining Helena,” nakayukong sabi ni Lita.Inalis nito ang kan’yang tingin sa binabasa at itinuon ang atensyon sa akin.“Makakaalis ka na Lita,” saad ni Don Raul. Tahimik na umalis si Lita at iniwan ako kasama ng aking ama.Shit! Anong klaseng ama ba si Don Raul? Anong gagawin ko? Lita! Bakit mo ko iniwan dito mag-isa? Mukhang masungit pa ata ‘to kung tignan naman ako nito para ‘yong mga superiors ko sa ospital na halos mangangain na ng buhay kapag nagkamali lang ako ng kilos o ng sasabihin. Hindi lang naman sa akin sila gano’n, halos sa lahat na m
Nasa k’warto na ako, matapos namin kumain ng hapunan ay nagpaalam ako kay Amang Don Raul at Inang Doña Celestina na magpapahinga na ako dahil inaantok na ako pero ang totoo I just want to avoid their questions. Sumasakit ang ulo ko sa mga tinatanong nila. It’s hard to make alibis when in the first place I don’t know who their daughter is. Talking to them really drained me out. I feel like I had three surgeries in line without even taking a break. I feel like shit of how am I supposed to speak in very decent, nice and lovely with them in formal Tagalog! It’s just so great that even Lola Linda had dementia, she keeps on writing historical fiction novels and send them to me once she’s on her right state of mind. I really love her works. I know it’s quite out style but her novels are really good. If I weren’t a doctor by this days, I want to follow Lola Linda’s footstep. However, it so happened that I choose to be a doctor, a neurosurgeon because of her. She had her early symptoms of de
Sunod-sunod na pagtilaok ng manok ang aking narinig kasabay ng katok sa pinto ng aking k’warto. Kahit antok pa ay bumangon ako sa aking pagkakahiga at pikit-matang dinampot ang puting tela at sinuot iyon sa aking katawan at mabilis na naglakad patungo sa pinto.“What happened? Is there something happened to the patient?” Sunod-sunod kong tanong na nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Naglakad akong palabas ngunit bigla akong napatigil at napamulat ng aking mga mata nang wala akong naririnig na sumasagot sa aking mga tanong.“Intern! Why you are not---Napatigil ako sa aking sasabihin nang makita ko ang mga titig ni Lita na naguguluhan sa aking ikinikilos dahilan para mabilis akong napasapo sa aking noo ng mag-sink na ang lahat na ginawa ko. Shit! Ano na namang kapalpakan ang ginawa mo Helen? Dammit! Sa tagal ko ng nagtatrabaho sa ospital halos ultimong paghinga ko alam na kung ano ang gagawin ko sa araw-araw. Mabilis akong hinila ni Lita sa aking k’warto
Natigalgal ako sa lahat ng sinabi ni Lita. Nawawala ang mga alaala? Kaya ba hindi siya nabigla nang magtanong ako ng mga bagay na hindi ko alam kasi alam niyang nawawala na naman ang aking alaala? Kaya ba hindi niya ako pinagduduhan na hindi ako ang Helena na kilala niya?“Lita, may nalalaman ka pa ba na hindi mo pa nasasabi?”“Wala na po akong nalalaman, binibini. Lahat ng aking nasabi ay iyon lamang po ang tangi kong nalalaman at kung may nais ka pa po na malaman ang lahat ng sagot ay nasa inyong silid at nasa inyong sarili lamang.” Aniya.What is this? What did Helena do to lose her memories? Her memory is slowly deteriorating… does it mean she suffer from Alzheimer? But, she’s too young.“Lita, maliban sa unti-unting pagkawala ng aking alaala ano pa ang iyong napansin?’ seryosong tanong ko.Binitawan ni Lita ang aking mga kamay at bahagyang napaisip. “Iyon lamang, binibini.”“Kailan mo napansin na nagsimula naging makalilimutin ako? Gaano na k
Gaya ng sinabi ni Lita ay ngayon ang araw kung kailan ko kukunin ang k’wadernong ipinasadya ko kay Ginoong Huseng kaya nagpaalam ako kina Amang Don Raul at Inang Doña Celestina para pumunta ng bayan. Madali naman nila akong pinayagan ‘pagkat alam na nila na iyon din ang araw na pinag-usapan namin ng ginoo. Habang sakay ng kalesa ay pinagmasdan ko ang luntiang kapaligaran kung saan ang mga malalaking puno ang naroon at malawak na palayan na malayong-malayo sa nakasanayan kong lasangang puno ng mga gusali at sementadong bahay. Nakaka-refresh ng pakiramdam ang ganitong tanawin.Muli kong nilanghap ang sariwang hangin at napangiti. “Ang sarap naman manirahan dito. Lahat ng malalanghap at makakain ay sariwa.”“Binibini talaga, parang hindi ka na nasanay,” nakangiting sambit ni Lita.If you only knew, Lita. Ito ang unang beses na makakalahanghap ako ng sariwang hangin sa tanang buhay ko. Hindi na lamang ako umimik at pinagpatuloy ako pagmamasid sa aming dinaraanan.
Bigla akong nanlumo sa inasal ni Lita. Hahayaan niya lang talagang saktan ng mga taong iyan ang isang taong wala naman ginagawa sa kanilang masama? Anong mali ang nagawa niya? Wala naman, ‘di ba? Bakit siya pinaparusahan ng gan’yan? Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Lita sa aking kamay. Ibinalik ko ang aking mga tingin sa binatang patuloy pa rin na binubugbog ng mga guwardiya sibil hanggang sa dumugo ang pisngi nito maging ang mga labi nito. Hindi ko maatim ang kanilang ginagawa rito. Bakit hindi siya lumaban? Bakit hinahayaan niya lang na saktan siya ng mga baliw na guwardiya sibil?“Ayusin mo ang trabaho mo, Señorito Joaquin!” sabay ngisi nito ng nakaiinsulto.Señorito? Anong ginagawa ng isang anak ng may kapangyarihan para gawin ang mabigat na gawain na ginagawa niya at pagmalabisan ng mga guwardiya sibil na walang ginagawa kun’di ang yurakan ang kan’yang pagkatao? Napakunot-noo ako sa aking narinig. Pinagmasdan ko ang kawawang binata na tinawag nil
Huminga nang malalim si Ginoong Huseng bago nagsalita. “Napakabait ng mga Perez, halos lahat ng tao rito sa bayan ay mahal na mahal sila. Lahat ng mga nangangailangan ay kanilang tinutulungan. Maging si Señorito Joaquin ay labis na napakabukal ang puso tulad ng kan’yang ama na si Don Arturo. Sa kabila ng kanilang pagiging makapangyarihan at salaping meron sila ay nakikisalamuha sa mga mahihirap na tulad namin si Señorito Joaquin. Itinuturing nila kami na pareho ang aming antas sa lipunan sa kanila,” nakangiting saad ni Ginoong Huseng.“Kung gano’n ang pamilya niya at maging si Señorito Joaquin, bakit siya inaalipin? Bakit ganoon na lamang siya insultuhin ng mga guwardiya sibil?” Sunod-sunod kong tanong.Gumuhit ang mga lungkot sa mga mukha ni Lita at Ginoong Huseng. Ilang segundo rin silang nanahimik ngunit si Lita ang bumasag noon.“Wala silang ibang ginawa kun’di tumulong sa mga kapos-palad na tulad namin ngunit hindi namin alam ang buong dahilan kung bakit sila
Napapalatak ako sa labis na inis at pagkadismaya. “They are really disgusting! Paano nila nagagawa ang ganoon? Napakahalang ng mga kaluluwa ng mga hayop!” Mura kong paghihimutok.Ngunit natauhan ako nang hindi ko namalayan na nakarating ako sa likod ng simbahan sa labis na lalim ng aking iniisip. Napalingon ako sa aking paligid at walang tao roon kung kaya doon na ako nagbuhos ng sama ng loob.“Bullshit! Hypocrite! Mga bahagi kayo ng kasaysayan pero ano ang ginagawa niyo? Akala ko may basura pa sa kasalukuyang pamahalaan ngunit mas bulok at makasarili ang mga namamahala rito!” gigil kong paghihimutok sabay palatak at namaywangan. “Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit basura ang namanang paraan sa pamahalaan sa nagdaang henerasyon, bulok din pala ang pinagsimulan!” sarkastiko kong saad sa hangin.Napahalukipkip ako bigla ng sumagi sa aking isipan ang mga napag-aralan ko noong elementary at high school ako at napabunga ng may pagkasiphayo. “Ang galing! Ha-ha-ha