Share

CHAPTER 15

IT NEVER crossed my mind to be followed by someone.

Palagi akong may guwardya sa paligid ko noong nasa mansyon pa lang ako ng Lacroix. Kahit saan ako magpunta ay walang nakalalapit sa akin ng basta-basta kahit na mga bata pa iyon. Everyone are enemies in my clan’s eyes. Kapag may ginagawa naman akong trabaho sa utos ng mga pamilya namin ay palagi lang naman akong nakadikit sa biktima ko. Ito ang kauna-unahang umalis ako ng mansyon kahit hindi ko day off.

“Nasaan ka ngayon? Why are you being followed? At bakit nasa labas ka? Hindi ba dapat ay nagta-trabaho ka sa mansyon ng Remmington Accardi na iyon?” sunod-sunod na tanong ni Rona sa akin na nasa kabilang linya ng telepono.

Pilit kong ikinalma ang sarili habang naglalakad. Hindi ko napansin kanina ang dalawang lalaking sumusunod sa akin dahil abala ako sa paghahanap ng mga nasa listahan na inutos sa akin ni Manang Gina. Nang dumating ako sa parking lot ay may nadaanan akong rear view mirror, at doon ay nakita ko ang dalawang lalaki.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status