Sa halip na sagutin si Tigen ay ibinaling ni Asule ang pansin kay Joji, ang namamahala sa Costa Calista Manor.
"Is my bath ready?" Asule asked. His face was blank as his lips pursed.
Joji bowed her head as a sign of respect before she nodded. "Yes, Alpha." tugon nitong bahagyang sumulyap kay Tigen.
Tumango si Asule bago walang salitang humakbang paakyat sa hindi kataasang hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng manor. Tinapunan niya ng sulyap ang babaeng wala pa ring malay sa kanyang bisig. Napailing siya.
Destiny plays its part well, huh...
Nang makapasok sa silid na inihanda ni Joji para sa kanya ay kaagad na ibinaba ni Asule ang babae sa malapad na kama. Umupo siya sa gilid nito at matiim na pinagmasdan ang babae.
"Criston Aldeguer, who would have thought that your daughter will fall in my arms and just willingly offered herself to me without any second thought, huh. I wonder if what would be your reaction if you knew?" mahinang turan ni Asule habang ang mga mata ay nakatitig pa rin sa natutulog na babae.
Kumuyom ang kamao niya lalo na nang dumako ang kanyang mga mata sa leeg nito. His jaws tightened as he saw his mark on her neck. Wala nang bakas ng sariwang sugat doon dahil kusa na iyong naghilom ngunit naiwan naman sa leeg nito ang marka ng mga pangil niya.
"Joji!" sigaw ni Asule pagkaraan ng ilang sandali.
Hindi lumipas ang ilang saglit ay kaagad na pumasok sa kanyang silid ang babae.
"Alpha..."
"Clean her and change her clothes!" Utos niya rito bago tumayo. "And, make sure to keep your eyes on her. Don't let her leave the manor not until I'm done with my business here," he said in a cold voice before he took his steps towards the bathroom.
"Yes, alpha!"
*******
"IS THERE ANY news from the scout?" kaagad na bungad ni Asule kay Tigen nang bumungad siya sa kusina para mag-almusal.
Sabay na napalingon kay Asule sina Tigen at Joji na kasalukuyang kausap ang bagong dating na si Clay at Rozh.
"Alpha..." Sabay-sabay na bati ng apat sa pinuno ng Black Eagle Pack bago yumuko para magbigay galang.
Asule waved his hand and nodded. "Get up," he said as he sat on his chair.
Kaagad namang lumapit si Joji para salinan ng umuusok na kape ang tasang nasa harap ni Asule.
"Nakahanda na ang Black Eagle troupe just what you've instructed us to do. They're just waiting for your signal." Tigen said before he took a sip on his coffee.
Napatango si Asule bago dinampot ang tasa ng kape. He was about to take a sip but stopped when Tigen suddenly asked about Belle.
"Alpha, iyong anak ni Criston Aldeguer, ano'ng plano mo roon?"
Kumunot ang noo ni Asule nang mabanggit ang babaeng kagabi lang ay minarkahan niya. Tulog pa rin ito hanggang ngayon. Katabi niya itong natulog kagabi pero nagising siya ng madaling-araw dahil sa ungol nito. Nang tingnan niya kung bakit ay mataas ang lagnat nito kaya tinawag niya si Joji para asikasuhin ang babae. Lumipat siya sa kabilang silid at hindi pa niya ito nasisilip.
Sa halip na sagutin ang tanong ni Tigen ay tiningnan niya si Joji. "How is she?" tanong niya rito sa seryosong tinig.
"Bumaba na ang lagnat niya, Alpha, pero baka mamaya pa iyon magigising. She was delirious until five in the morning because of her fever."
Muling kumunot ang noo ni Asule. Paanong ang isang taong-lobo na kagaya nito ay mabilis tamaan ng sakit? And, she isn't just an ordinary she-wolf. She's carrying Criston Aldeguer's blood in her veins. How can she be so weak?
"Alpha-"
Napatigil sa akmang pagsasalita si Tigen nang tapunan ito ni Asule ng masamang tingin. Napangiwi naman si Joji maging si Rozh.
"Stop asking some stupid questions, idiot!" angil ni Clay sa kapatid nitong si Tigen.
"We'll bring her to our pack." turan ni Asule bago ibinaba ang tasang wala nang laman.
Natitigilan namang nagkatinginan ang apat. Kahit pare-parehong may katanungan sa isip ay tumango na lang at hindi na nagsalita.
Nasa kalagitnaan na ng pagkain ng almusal si Asule kasama sina Tigen, Clay at Rozh nang dumating ang isang scout dala ang impormasyong kagabi pa nila hinihintay.
"Alpha," kaagad na bati nito bago yumukod maging sa betang si Tigen.
"You got something?" tanong ni Tigen sa bagong dating.
Kaagad na tumango ang scout at humakbang palapit kay Asule para iabot ang kapirasong papel na maayos na nakatiklop. Sandaling sumulyap si Asule kay Tigen bago tuluyang binuksan ang papel.
Pagkatapos buksan at basahin ang nakasulat sa papel ay lumiwanag ang mukha ni Asule. Sumilay ang mabagsik na ngiti sa mga labi nito.
"Tell our men to get ready, Clay," ani ni Asule sa third-in-command ng Black Eagle Pack. "We'll set off tomorrow at dawn." Dugtong niya bago inabot ang papel kay Tigen.
Criston Aldeguer will be celebrating his 50th birthday tonight. Ayon sa impormasyon ay magkakaroon ng magarbong paghahanda sa mansyon nito at imbitado ang halos lahat ng elite armies nito. At, iyon ang pinakahihintay ni Asule.
"Copy, Alpha!" Turan ni Clay na kaagad na tumayo para umalis patungo sa naghihintay na mga kawal ng Black Eagle Pack sa labas ng Gray Sparrow Pack.
"Rozh, you stay here," baling ni Asule kay Rozh na akmang tatayo para sumunod kay Clay. "I need you to keep an eye on Criston Aldeguer's daughter. Make sure that she'll not do anything stupid to avoid us from having trouble." dugtong niyang ang mga mata ay seryosong nakatitig sa kaharap.
"Okay, Alpha. I understand!"
"And, remember..." patuloy ni Asule. "I want victory. There should be no room for any failure in tomorrow's operation. We have to take down Criston Aldeguer and his pack in just one attack."
"We got it, Alpha!" sabay na tugon nina Tigen at Ruzh.
"I want both Criston and his son, Ariston Aldeguer's head!" Asule mumbled. His voice was full of resentment as his hands clenched in anger.
"Kill everyone who resists surrendering!" sigaw ni Asule na walang pag-aalinlangan namang sinunod ng mga kawal nito."I will kill you!" galit na hiyaw ng isang babae kay Asule na kasalukuyang hinaharap ang tatlong lobo.The woman jumped high and shifted into her wolf form mid-air. Asule snapped back and as the woman launched an attack, he simply bent his head down to avoid her claws before he turns around to face the woman. Umangil ang tatlong lobong kaharap niya kanina na sinundan ng babae. Ikiniling ni Asule ang ulo at iginalaw-galaw ang leeg bago ngumisi."Bring it on, losers!" aniya sa mga ito at hindi na nag-abalang magpalit-anyo.Mas lalong sumilay ang malawak na ngisi ni Asule ng sabay na sumugod ang apat sa kanya. Nauna ang isa habang halos magkasabay naman ang dalawa at panghuli ang babae. Mabilis na umiwas si Asule sa atake ng naunang lobo bago mabilis na umikot at hinawakan ang ulo nito saka tila walang anumang inikot. W
NAG-ANGAT ng paningin si Asule mula sa binabasang report nang maramdaman niya ang pagpasok ni Joji sa loob ng kanyang opisina. Simula nang bumalik sila sa Black Eagle Pack dala ang maraming bihag galing sa Gray Sparrow Pack ay kasama na rin nila ito. Ipinasara niya ang Costa Calista Manor. It already served its purpose so there's no use for them to still keep the manor.Ipinatayo ni Asule ang Costa Calista Manor sa Gray Sparrow Pack para maging palihim na bagsakan ng mga impormasyong nakukuha ng mga scouts ng Black Eagle Pack na nakakalat sa loob ng limang packs na nakapalibot sa Paso De Tijuca Territory at sa labas nito. Ang Gray Sparrow Pack ang pinakasentro ng Paso De Tijuca kaya naisip niyang mas mabuting doon itayo ang manor. Isa pang dahilan ay mas madali sa kaniya na pumasok sa lugar ni Criston Aldeguer na hindi nito namamalayan dahil nakapangalan kay Joji ang manor na sampong taon pa lang ay nakondisyon na ni Asule para sa magiging misyon nito."Wha
"Too bad but I don't bed weak woman," Asule whispered between his heavy breaths. "Jojie, call that whore abd send her to my room!" He shouted as he get off Belle's bed.Hinawi ni Asule ang ilang maliliit na hibla ng kulay pulang buhok na kusang kumakawala mula sa pagkakatirintas. Inabot nito ang hinubad na damit na nahulog sa sahig at muling isinuot bago walang paalam na humakbang palabas ng silid ni Belle. Hindi na napansin ni Asule ang kirot na dumaan sa mga mata ng babae na nakasunod ang paningin sa lalaking tuloy-tuloy na lumabas at hindi man lang lumingon.Naluluhang hinila ni Belle ang malambot at makapal na comforter para takpan ang kanyang hubad na katawan.Asule went on her room almost an hour ago. Ni hindi nakapalag si Belle nang bigla siya nitong halikan ng marahas at pabaklas na hinila ang suot niyang maluwag na t-shirt.Bumuga ng hangin si Belle pagkaraang punasan ng likod ng palad ang ilang patak
Bumuga ng hangin si Belle. Hindi niya maiwasang hindi mainggit sa mga batang lobo na masayang nagtatawanan at naghahabulan sa malawak na damuhan. Alas-kuwatro na ng hapon at kanina pa siya nakatayo roon sa tapat ng bintana. Naaaliw siyang pagmasdan ang mga batang-lobo na nagkakatuwaan. Panay ang sigaw ng mga ito at kitang-kitang sa mga mukha ang hindi matatawarang tuwa na nararamdaman. Masarap sa tainga ang tawa ng mga ito na punong-puno ng buhay.Mapait siyang ngumiti nang sumagi sa alaala niya ang kanyang naging kabataan. Ni minsan ay hindi niya naranasang maglaro sa labas kasama ang mga ka-edad niyang batang-lobo. Palagi lang siyang nasa loob ng kanilang mansyon at nag-aaral. Hindi rin niya nakakalaro ang kanyang nakatatandang kapatid na si Ariston. Bukod sa malaking agwat ng edad ay malayo pa ang loob nito sa kanya kagaya ng kanilang ama na si Alpha Criston. Tanging ang kanyang ina lang ang nakakasama niya ngunit nang mawala ito noong siya ay siyam na taon ay naiwan
Nakatiim ang anyong itinutok ni Asule ang kanyang buong pansin sa unahan ng kalsada. Tahimik lang namang nakaupo sa tabi niya si Belle na nakapatong ang mga kamay sa ibabaw ng kanyang hita. They're on their way to White Flamingo Pack.Nang makita ni Asule ang suot ni Belle kaninang pumasok ito sa silid ng babae ay kaagad na sumama ang mukha nito dahil suot ng babae. Pero wala na itong magagawa. Magagahol na sila oras kapag pinagpalit pa ni Asule si Belle ng damit.Mahigit isang oras na silang bumibiyahe at mahigit isang oras pa bago sila makarating sa White Flamingo Pack.Napakagat-labi si Belle nang masulyapan nito ang madilim na anyo ni Asule. Naka-igting din ang mga kilay nito ay halos magdugtong na sa gitna. Alam ni Belle na kung naiba lang ang sitwasyon ay tiyak na mapaparusahan na naman siya ni Asule.Bahagyang lumunok ng laway si Belle bago alanganing tumingin kay Asule na ang mga mata ay abala pa ring nakatutok sa unahan habang ser
WHITE FLAMINGO PACK, PASO DE TIJUCA TERRITORY"Darating ba talaga ang alpha mo?"Napalingon si Jojie nang marinig ang seryoso at mapanganib na tinig mula sa kanyag likuran. Dahan-dahang siyang pumihit paharap para tingnan ito at kaagad na sumilay mula sa kanyang mga labi ang tipid na ngiti nang makilala ang nagsalita.It was Elezer Brant. Ang pinunno ng White Flamingo Pack."Alpha Elezer..." bati ni Jojie rito habang hawak sa kamay ang basong may lamang alak.Tumango ang lalaki bago sandaling umikot ang paningin sa paligid. "Where is Asule Shun?" tanong nito sa seryosong tinig habang nakakunot ang noo.Hindi naman nagpakita ng kahit kaunting pagkasindak si Jojie sa pinuno ng White Flamingo. Walang sino man sa taga-Black Eagle ang madaling masindak kahit pa si Elezer Brant ito; the notorious pack leader of White Flamingo Pack and the lord of black market in P
"Gab," tawag ni Athena sa babaeng nakatayo ilang dipa ang layo mula sa kinatatayuan niya. Matagal na niyang alalay ang babae at may tiwala siyang kaya nitong gawin ang lahat ng utos niya.Mabilis namang humakbang palapit kay Athena ang tinawag. Kasalukuyang abala si Asule sa pakikipag-usap sa ibang alpha kasama ang governor ng Paso De Tijuca na si Hiro Arcena.At, gusto samantalahin ni Athena ang pagkakataon."Yes, Miss Athena?"Sinenyasan niya itong ilapit ang tenga sa kanya dahil may ibubulong siya."Ikaw na ang bahala sa kanya," ani ni Athena na ang tinutukoy ay si Belle na kasalukuyan pa ring naka-upo nang mag-isa sa pinakasulok na bahagi ng malawak nilang solar.Gustong matawa ni Athena dahil sa itsura ng babae. Mukha itong basang sisiw na iniwan ng inahin dahil sa ayos nito. Naka-upo si Belle sa harap ng mesang may pang-apatang upuan at nakayakap sa sarili habang paminsan-
Abala pa rin si Asule sa pakikipag-usap sa mga kaharap nang masulyapan niya si Jojie, ilang dipa ang layo mula sa kinatatayuan niya. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aaala. Kaagad na kumabog ng malakas ang dibdib niya dahil sa nakitang anyo nito. Binalot ng labis na pag-aala ang puso niya at kaagad na pumasok sa isipan niya si Belle.Sinenyasan niya si Jojie na lumapit.Mabilis ang mga hakbang na naglakad palapit kay Asule si Jojie. Nang tuluyang makalapit sa pinuno ay kaagad itong bumulong sa lalaki."Miss Belle is in trouble..."Kaagad na kumuyom ang mga kamao ni Asule nang marinig ang sinabi ni Jojie. Dumilim ang kanyanng anyo at umahon mula sa pinakasulok na bahagi ng puso niya ang galit hanggang sa balutin niyon ang buo niyang pagkatao. Bumilis ang kanyang paghinga kasabay ng pagtaas-baba ng kanyang dibdib.Asule closed his eyes and sniffed the air. He could barely smell Belle's sc