Share

Fabricated Flame
Fabricated Flame
Author: Affeyly

Chapter 1

Chapter 1

"No," matigas na sagot ko sa sinabi ng mga magulang ko kaya kapwa silang napatigil sa pagkain at napatingin sa akin. They are discussing to arrange my marriage for god's sake.

Matapang kong sinalubong ang mga mata nila. All my life I followed them. At ngayon gusto ulit nilang pangunahan ang buhay ko?

"What?" inis na tanong ni Mommy. Naninibago siya na nagawa kong tumanggi ngayon. 

 "Hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko kilala," sambit ko sa madiin na boses. It's the first time I talked back. Palagi akong sunod-sunuran pero sobra na ito ngayon.

"Sinusuway mo ba ang gusto namin? You need to marry a man from a good family for our business! We need to expand our business more! We need a man from the same line!" sabi ni Daddy at pinalo niya ng malakas ang lamesa pero hindi ako gumalaw.

"Why me? Why not, Ate?" matapang na tanong ko kaya nangunot ang noo ng kapatid ko at mabilis niya akong pinagtaasan ng kilay.

"You, ungrateful child!" sigaw ni Mommy.

Dahan-dahan akong tumango saka umiling sa kanila. I maintained my straight face and I don't care if they will get angry even more. I don't want to marry a stranger. Kahit pa anak iyon ng kung sinong bilyonaryo. Handling the company is fine but I won't marry anyone.

"Do me a favour, please. I won't marry for convenience. Never," I said and Dad laughed sarcastically.

"Gusto mong patunayan ang sarili mo? Go! Find a good man for you!" he shouted.

"I have a boyfriend so I won't just marry someone you want from me—"

"Siguraduhin mo na may maipagmamalaki ang sinasabi mong boyfriend! Get out of here! Wala kang kwenta! Huwag na huwag ka ulit magpapakita sa amin!" galit na galit na sigaw niya kaya tiim bagang kong kinuha ng bag ko bago tumalikod.

I smirked sarcastically. Of course. Kailan ba kami nagkaroon ng maayos na dinner? Iyong hindi ako pinapagalitan or iniinsulto? Never.

Tuloy-tuloy akong naglakad na tila walang problema. I am used to all of this. I am used to be their daughter but it doesn't feel like that. I am used to act like one of their employee who always follows them. Pero hindi na sa parte ng buhay ko na iyon.

Not my marriage. They have no say on whom I would marry. Hindi ko sila hahayaang hawakan ang parteng iyon.

I drove my way to my favourite bar. I can't believe I just said to my parents that I have a boyfriend. Kahit ang totoo wala. But I don't want to get married!

Napahilot ako sa sintido ko saka lumiko ng daan papunta sa opisina imbes na sa bar. It's eight in the evening and my parents should be proud because I am workaholic. Pero kailan ba nila ako nakita?

I rolled my eyes before parking my car. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng kompanya. The ground floor is empty. Hindi ko maiwasang isipin ang mga sakripisyo ko sa kompanya na ito. I manage this right after I graduated because my sister doesn't want to. And of course, my parents favoured her and they made me manage this even though I am not yet ready that time.

Sinunod ko sila. I want them to be proud of me.

Pero kulang pa ba ang mga nagawa ko?

Atlast, I learned how to speak for myself, for the first time.

Naglakad ako papunta sa opisina ko. The cubicles are all empty. Nilampasan ko iyon pero may nakita akong isang bukas na computer sa dulo na cubicle kaya kunot noo ko iyong nilapitan.

Hindi pa ako tuluyang nakakalapit doon ay biglang may lalaking sumulpot. His hair is messy. Papikit-pikit siya na tila inaantok. Bahagyang bumagal ang paghakbang ko hanggang sa kusa akong huminto habang nakatitig sa kanya.

I smirked.

I didn't know that there is someone as workaholic as me in this company.

"Sh*t," rinig kong marahan na mura niya.

I raised my brow even though he still didn't see me.

Ilang sandali pa ay nakita ko na may tinawagan siya. Hindi ko alam kung bakit pinapanood ko siya ngayon. I am just curious. Sino ang mag-o-over time hanggang ganitong oras? 

Ako lang. 

"Trish, I'm really sorry. I can't be with you tonight. I am trying to find some ways to gather the three million that we need. Huwag mo munang ipaalam kay Tito. Gagawan ko ng paraan. Ako ang bahala. Don't think about it too much. I love you. Pupuntahan kita bukas," he said over the phone.

Napahalukipkip ako.

I am amazed.

"F*ck," muling mura niya saka siya pabato na nilapag ang cellphone niya sa tabi ng computer.

"Mr. Villanueva," I muttered just enough for him to hear me.

Bigla siyang tumayo ng tuwid dahil sa narinig at mabilis akong hinarap. I saw his eyes widened. At kahit pa medyo madilim sa palapag na ito dahil patay lahat ng ilaw ay kita ko pa rin ang pagtaas-baba ng adams apple niya.

I stared at him coldly.

"Ma'am, Good evening," he said but I looked at him from head to toe.

I am handling this company for almost four years now. And I remember him being here during those years. Mas nauna pa siya sa akin sa kompanyang 'to. 

"Why are you still here?" I coldly asked.

We stared at each other's eyes. Bahagyang umawang ang mga labi niya saka siya bahagyang nag-iwas ng tingin sa akin. Naningkit ang mga mata ko dahil doon pero nang binalik niya ang tingin niya sa akin ay nagtaas ako ng kilay.

"May tinatapos lang ako," he answered.

Now I got to see his pointed nose. Bahagya niyang niluwagan ang necktie na suot.

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanya. I need a boyfriend. And he will act as my boyfriend. 

"Mr. Zale Villanueva, right?" I asked with no emotions. Bahagyang nangunot ang noo niya pero tumuwid siya sa pagkakatayo nang mas lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang necktie niya saka dahan-dahan iyong inayos habang nakatitig sa mga mata niya.

Of course, I know him. I know my employees.

Nagpipigil siya ng hininga kaya ngumisi ako ng kaunti.

"I have an offer," I said. Hindi niya inalis ang mga mata niya sa akin.

Amazing, right? 

The Ceo is near you, Mr. Villanueva. You should be thankful.

"What is it?" he asked. I wanted to roll my eyes when I heard his deep and solid voice.

"I'll pay you three million pesos," marahang sambit ko bago binitawan ang necktie niya.

"For what—"

"Be my boyfriend," I cut him off. His eyes widened. Dumaan ang pagtataka sa mukha niya. And I expect him to say yes but he shook his head. Tila namuhay ang kakaibang inis at galit sa loob ko dahil sa pag-iling niyang iyon.

I can't believe my employee dumped me.

"I know that you need three million so why won't you agree?" matigas na sambit ko. I won't lose my cool because of his nonsense rejection.

"Ma'am, I am engaged," he answered and I scoffed.

"Mr. Villanueva, do you think I'll make you my boyfriend for real? I just need someone to pretend to be my boyfriend for three months. Just three months and I'll pay you three million," pagklaro ko pero hindi nag-iba ang itsura niya. It's like he'll value his principles first before anything else.

"That's still cheating, Ma'am," he said so I scoffed again before slightly pushing his chest.

"Nonsense," I said before turning my back at him.

Tuloy-tuloy akong pumasok sa opisina ko at hindi na muli siyang nilingon. I can't believe those people. Pinakawalan niya ang tatlong milyon para sa walang kwentang bagay. I just need him to pretend. Hindi ko siya aagawin sa fiancee niya. The h*ll I care about that.

I checked some papers inside my office. Kaagad rin akong lumabas matapos iyon. I glanced at his cubicle and I found out that his computer is already off. I roll my eyes before walking towards the elevator.

At bumalik ang lamig sa itsura ko nang makita ko kung sino ang lalaking nakasandal sa loob na tila malalim ang iniisip. Pumasok ako ng walang kahit anong sinasabi kaya napaayos siya ng tayo at napatingin sa akin.

I don't usually interact with my employees. Pero ngayong nakikita ko siya ng malinaw sa pinto ng elevator ay hindi ko maiwasang punahin ang tindig niya. He looks good for a simple employee. Kung hindi ako pamilyar sa mukha niya ay baka isipin ko na isa siyang bilyonaryo na nagpapakasaya sa buhay.

Nagsalubong ang mga mata namin sa pinto ng elevator.

"Why do you need a guy to pretend to be your boyfriend?" he asked.

Nilingon niya ako kaya nilingon ko rin siya.

"Who are you to question me, Mr. Villanueva?" I asked. Umigting ang panga niya dahil sa sinagot ko.

Hindi siya nakasagot kaya nang bumukas ang elevator ay tuloy-tuloy akong naglakad palabas. I could feel his presence behind me. Pero kung ayaw niyang tanggapin ang gusto ko ay wala na akong pakialam sa kanya.

 Hanggang sa parking lot ay ramdam na ramdam ko ang presensya niya sa likuran ko. At nang makarating ako malapit sa kotse niya ay bigla niya akong hinawakan sa palapulsuhan. His warm palm is impossible in this cold night but I did not let it affect me.

Walang emosyon ko siyang nilingon.

"Bitaw," utos ko pero hindi niya ginawa.

"Hanggang kailan ang offer?" he asked so I raise my brow.

"I don't need your unsure answers, Mister," I said so he slowly let go of my wrist.

 "I'll think about it," he said without looking at me.

I scoffed before shaking my head.

"I repeat, I don't need unsure answers," I said before getting inside my car.

Pinaharurot ko ang kotse ko paalis at kitang-kita ko sa side mirror na nanatili siyang nakatayo doon. I smirked.

"Wala akong planong mang-agaw," I murmured.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status