Share

Chapter 1

Warning: Sarcasm ahead! Offensive, below the belt and foul words included. If you're sensitive and can't take sarcastic remarks, feel free to leave or much better, don't you even start reading my story. Thanks.

✧Autumn Ignacio✧

Matapos ang tagpong iyon sa pagitan namin ni Connor, mabilis akong lumabas ng classroom habang pinupunasan ang mga luha sa mukha ko.

"Damn you, Connor!" hindi ko na napigilang magtaas ng boses habang padabog na naglalakad sa hallway.

I don't know where I'm going but I want to burst my feelings out. Hindi matatapos ang araw ko na walang araw ng iba ang masisira.

Why? I just want them to suffer the same pain that I encountered a year ago! Damay-damay na 'to! Ano 'yon? Ako lang ang makakaranas ng mga paghihirap na dinanas ko? No freaking way!

Habang binabagtas ko ang mahabang hallway ng aming Unibersidad, tumambad na lamang sa akin ang mga magkasintahan na naglalandian sa corridor.

Sa pangit ng view na nakikita ko, hindi ko na natiis ang kakatihan ng aking bibig kaya lumapit ako sa mga ito at pinukol sila ng masasamang tingin.

"Hoy, mga mahaharot! Anong tingin niyo sa school na 'to? Motel?! Bakit kung makapaglandian kayo ay akala niyo kayo ang may-ari ng publikong lugar!?" May diin kong sabi habang dinuduro-duro pa sila isa-isa.

Kilala ako sa University namin bilang Autumn-matic. Why? Kasi Automatic ang bibig ko kapag may nakita akong kapuna-puna sa paligid.

Hindi ba't may kasabihan nga na, "when you see something, say something", so that's what I'm doing right now. 

 

I can't just stand here and do nothing.

Sanay na rin naman na ako sa kritisismo, sa panglalait at panghuhusga kaya kahit ano pang sabihin ng mga tao sa akin, wala akong pakialam.

 

They just know my name, not my story.

Bakit? Noong tinulungan ko ba sila, nakita nila ako? Bakit noong ako naman ang may kailangan ng tulong ay iniwan nila ako? Punyeta!

"A-ah, h-hindi na m-mauulit," sabi no'ng babaeng haliparot at mabilis na dumistansiya sa nobyo niyang mukhang kulugo. 

 

Tumayo naman ang boyfriend niya at hinarap ako. He raised an eyebrow and gave me his smug look.

"Ano bang problema mo, miss?" tanong nito sabay ekis ng mga braso niya. Dahil maikli ang pagtitimpi ko sa mga katulad niya, hindi ko na napigilang tarayan itong si kulugo.

"Kayo. Kayo ang problema ng lipunan," at inirapan ko siya. Lumapit pa ito ng kaunti saka nagsalitang muli.

"Talaga? Paano mo nasabi?" dahil sa sinabi nito ay hindi ko napigilang matawa. Bigla ko kasing naalala si —paano mo nasabe— guy. Kamukha niya kasi, legit.

"Really? Do you really want me to elaborate the reasons why you two, " sabay turo sa kanya at sa girlfriend niya. "Are the problem of the society?"

"H'wag na," at iiling-iling na lumakad patalikod sa akin. Napa-awang ang bibig ko sa kabastusang ginawa nito. 

 

Hinawakan ko ito sa braso nang mahigpit at marahas na ihinarap sa akin.

"Don't turn your back when I'm still talking, you prick!" hindi ko na mapigilang mapikon sa lalaking kaharap ko ngayon.

"H'wag mo nga akong hawakan!" malakas na sigaw nito at marahas ding tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Muntik pa akong matumba sa lakas no'n pero dahil mabilis ang reflexes ko, I kept my posture upright and straight.

Sa inis, napakuyom na lamang ako sa kamao at, "you messed with the wrong girl, asshole. You dig your own grave."

Hindi ko na hinintay ang sasabihing katangahan nito kaya mabilis akong naglakad sa mahabang pasilyo patungo sa opisina ng mga kapwa ko mamamahayag.

Padabog kong binuksan at isinarado ang pinto saka kunot-noong tinungo ang lamesa kung saan ako nagtitipa ng mga babasahing pahayag na maaaring ilagay sa diyaryo.

"Autumn? Napaaway ka na naman?" tanong ni Andrea na siyang katabi ko at ng lamesa ko.

"Sinong tsismosa ang nagbalita niyan?" at tinaasan ko siya ng kilay. Bumuntong hininga muna ito bago ako sinagot.

"Alam mo namang mabilis kumalat ang balita sa campus kapag ikaw ang topic, 'di ba?"

Natawa na lang ako at sinagot ito ng, "syempre, sikat ako, e. No doubt."

Bigla namang sumingit ang dalawa pang kasamahan kong journalist at pumalibot sa aking lamesa.

"Kailan ka ba magbabago? Ang dami mo nang nakakaaway, Autumn. Hindi ka ba na-gi-guilty sa mga taong nasasaktan mo?"

"Oo nga. Masyado ka na atang nagiging toxic. Hindi ka naman ganiyan noon,"

I made a face at them then rest across my limb. "Kailangan ko ba ng mga opinyon niyo? Your nonsense opinions belong there, ladies." sabay turo ko sa basuran mula sa hindi kalayuan.

Sabay-sabay silang nagsibuntong-hininga bago bumalik sa kani-kanilang lamesa.

Ako naman ay nag-inat ng mga braso bago magtipa sa aking laptop. Mahaba-habang talakayan na naman ang isasapahayag ko at i-po-post muli sa F******k.

Binuksan ko ang on switch ng laptop at siniguradong nakasaksak ang charger nito. Nagloloko na kasi, parang siya.

Agad kong t-in-ype ang password nito at mabilis na nagtungo sa chrome at nag-open ng tab para sa F******k.

At dahil sariling laptop ko naman ito, naka-log in na iyon kaya mabilis akong nakarating sa create post.

 

"What's on your mind?" Iyon ang bumungad sa akin pagkapindot ko doon at napaisip kung ano nga ba ang laman ng utak ko ngayon. 

 

Wala pang ilang segundo ay kaagad na akong nagtipa ng salitang dapat mabasa ng mga estudyante sa Unibersidad namin.

"Kani-kanina lamang habang naglalakad ako sa mahabang pasilyo ng ating Unibersidad ay nakasaksi ako ng kalandian mula sa mga estudyante ng ating unang baitang sa kolehiyo. Bilang responsableng mamamahayag ng ating pahayagan, malugod na naman akong magbibigay ng opinyon para na rin magising ang mga utak niyo na kinakalawang ngayon. 

 

Sa paaralan, hindi p'wede ang mga malalanding estudyante na ang tanging ginagawa ay humarot. Hindi niyo na ginalang ang salitang paaralan! May lugar para sa pakikipaglandian! We're not against on relationship of students between students– because anyone has the right to fall in love. Ngunit hindi tamang lugar ang paaralan para gawing parke kung saan p'wedeng maglampungan! Ginawa ang paaralan para sa mga taong nag-aaral at gustong mag-aral! Masyado kayong mga PDA, punyeta! Ang gagaling niyong lumandi pero mga wala namang maisagot sa quiz! Ang gagaling niyong bumanat pero mga wala namang maisagot sa recitation! Sabi ni Rizal, ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan pero bakit kabataan din ang sumisira sa maganda nilang kinabukasan?"

Gigil kong pinindot ang enter para ma-i-post ang mahaba kong pahayag na sana'y magmulat sa isip ng mga kabataan ngayong mga oras na ito.

No one can defeat me everytime I'm using some devil's advocate. Dito ko rin kasi malalaman kung sino ang mga estudyanteng pabor at hindi pabor sa pakikipagrelasyon sa loob ng paaralan.

At dahil nailabas ko na ang inis ko doon sa lalaking makapal ang mukha na tinalikuran ako, prente akong sumandal sa aking swivel chair habang marahan na pinipindot ang mouse saka nag-i-scroll sa F******k.

Wala pa man ding ilang minuto ay nakalikom na ang post ko ng mga samut-saring reaksyon at komento mula sa iba't-ibang tao.

103 reacts | 65 comments | 48 shares

See more comments....

Alexandra De Leon

Very well said! Ang galing mo talaga, miss Autumn!

Like | Delete

1 minute ago

Callista Aragon

Clap clap! Hat's down sa reyna ng mga opinyon!😅

Like | delete

2 minutes ago

Geraldine Santos

 

I-award na kay miss Autumn ang best opinion! Well said!

 

Like | Delete

3 minutes ago

Freya Mondragon

Hey, Watch your words! Palala ka ng palala girl. Natatawa ako sayo. Hindi lahat ng may jowa sa school e wala ng utak tulad ng sinasabi mo. Masyado ka namang bitter girl. May mga studyanteng ginagawang inspirasyon ang jowa sa pag aaral at ano naman kung PDA sila. Wala ba silang karapatang magkaron ng sweet moments kahit sandali? Uwian na non. Sa susunod kung gusto mo ng jowa magsabi ka lang. Ang bitter mo

Like| Delete

3 minutes ago

-To be continued-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status