I GOT THROWN BY MY OWN FATHER AND IT'S NOT MY FAULT – "Intruder!" Kasabay noon ay bigla kong naramdaman ang pagtama ng likod ko sa isang matigas na bagay. "What?!" angil ko habang naghahabol ng hininga. Tinulungan ko ang sariling tumayo nang dahan-dahan. Pakiramdam ko ay nabasag ang likod ko. "Zach!" sabay na saway ng dalawang boses. "Hello. Welcome to Camster Academy," bati noong babaeng maliit at maikling buhok. Agad niya akong dinaluhan saka inalalayan tumayo nang maayos. Para na kasi akong matandang walang tungkod kanina. Ang ganda naman ng pag-welcome ninyo. Psh. Pero wait – tama ba ang narinig ko? Camster Academy? Camster is my surname. Thank goodness at nandito na ako. Mabuti na lang hindi ako naligaw! "Hi," bati ko habang nakangiti. Nawala sa isip ko kung gaano sumakit ang likod ko nang ma-realize ko na successful akong nakapunta rito. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak saka pinagpagan ang sarili ko. "I'm Brina Riyoka," pagpapakilala ng babaeng maliit na may maikling b
THEY KNOW ME?! - Ramdam ko na ang pagod habang naglalakad ako sa isang malawak at hindi pamilyar na lugar. Pakiramdam ko ay nagrereklamo na ang mga binti ko sa sobrang sakit. Hindi rin nakatutulong ang init na tumatama sa balat ko kaya halos maligo na ako sa pawis. "Geez, saan na ba ako napadpad?" tanong ko sa sarili ko nang pakiramdam ko ay naliligaw na ako. Sobrang lawak naman kasi rito. Puro building ang nakikita ko, kung hindi building, malalawak na lupain naman na halos walang laman. Natanaw ko mula sa malayo ang isang lugar kung saan may kaunting lilim. Lumakad ako papunta roon at saka naupo sa isang bench na nasa ilalim ng malaking puno. Napag-isipan ko na rin na magtatagal na muna ako rito kung saan maraming bulaklak at benches na nakapaligid. Wala naman sigurong makakahuli sa 'kin dito. Lahat kasi ng nadaanan ko na classroom ay sarado, tahimik at walang tao sa hallway. Class hours na siguro kaya ganoon. May mga guards kaya sila rito na rumoronda? Paano kung hulihin nila a
Pagkarating namin sa loob ng kwarto. Isa lang ang masasabi ko. MALINIS! Grabe sa pagiging malinis ng babaeng 'to. Walang kahit anong dumi. And I love it! Kasi ayaw ko talaga sa maruming lugar. "Ayos ba?" tanong niya. "Mm," tipid na sagot ko habang pinagmamasdan ang paligid. Lumapit na ako sa magiging puwesto ko. Sa dulo, malapit sa bintana. Inilapag ko ang gamit ko sa sahig at naupo sa kama. "4:30 pa lang, ang tahimik na," pagbasag ko sa katahimikan. "Ganito talaga. Simulan mo nang mag-ayos ng mga gamit mo. 5:00 P. M. kakain tayo ng hapunan," "Ang aga niyo kumain ha. Sa kabila kasi 7:30 kami kumakain ni Mama," sabi ko bago mag-inat. Sinimulan ko nang mag-ayos ng gamit kagaya ng sinabi niya. "Ganyan din ang reaksyon ko noong una. Kamusta roon?" tanong niya. "Hmm." Humiga ako sa kama dahil sa tanong niya. Ramdam ko ang tingin niya na nakatutok sa akin, pinagmamasdan ako at naghihintay ng sagot. "Ganoon pa rin. Meaning polluted, may corruption pa rin, araw-araw may namamatay. Gan
THE LAST OF THE ABSOLUTE CHARMER – "You're joking!" sabay na sabi ni Brian at Paul. "Right?" dugtong ni Paul. "Lol, I knew it," dagdag pa ni Brian kaya sabay rin silang tumawa nang malakas dahilan kung bakit nagtinginan ang ibang estudyante sa amin. Si Carmina naman ay nagulat sa biglang pag-amin ko. Maging si Brina rin ay siniko pa ako. Psh. It's no longer a secret. Dahil as far as I remember, na-broadcast na ang full name ko. "She's telling the truth, guys." sabi ni Carmina na nagpatahimik kila Brian at Paul. "How come?" "Yup. Paano naman nangyari 'yon?" "What do you mean 'paano naman nangyari 'yon?' Are you questioning my existence?" tanong ko sa kaniya. Umiling ito saka tumikom ulit ang bibig. "Well, wala sa hitsura mo – " mas lumalim ang pagkunot ng noo ko dahil sa sinabi niya. "Eat," sabi ng kanina pa tahimik na si Zach. Nagsimula na silang kumain kaya nagsimula na rin ako. Hindi ko na lang pinansin ang kanina pa nagkukuwentuhan na sila Paul at Brian. Si Carmina naman
"I know about that," ang sagot ni Papa nang ilahad ko ang mga narinig ko. "We're expecting it to happen. Especially when they knew about you being here," What did he mean by that? Hindi ko aakalain na alam ni Papa ang tungkol dito. Dahil hindi man lang ito nag-atubili na sabihan ako. O baka wala lang talaga silang balak? Tumingin ako sa mataas na tore na may liwanag ng kulay asul. Nakatayo ito ilang kilometro ang layo sa Camster Academy. Iyon ang palasyo kung saan tumitira ang Hari at Reyna. "What are we going to do?" tanong ko kay Papa. I don't have anything in my mind. Baka sila na matagal ng alam ito ay may naisip na plano kung paano ito malulutas. Someone wants to get rid of me. At wala akong balak na magpadaig doon. Sino ba sila sa tingin nila para mapabagsak ako? Pangarap ko ang maging reyna. Kaya hindi ko hahayaang matapos ang buhay ko ng ganoon lang. "Pumunta ka sa likod ng dining hall. Fight them," Napatingin ako kay Papa na nanlalaki ang mata. 'Is this a fucking clone
OH, WOW. I'M STILL ALIVE? - Nagising ako nang maramdaman ko na may tumatamang liwanag sa nakapikit kong mata. Marahan ko itong idinilat saka sumalubong ang nakakasilaw na liwanag. Umaga na pala? Teka nga . . . nasaan ba ako? Puro puti ang nakikita ko pagkadilat ko. 'Wag mong sabihing patay na 'ko? Aba naman talaga. Hindi ko tatantanan ang katawang-lupa ng mga 'yon. Biglang bumukas ang pintuan sa gilid ko, niluwa noon ang isang tao na pumasok sa loob ng kinalalagyan ko. Isang babae na naka-all white. Empleyado ba 'to ni San Pedro? May hawak siyang stainless basin. Nakapaskil sa mukha niya ang isang matamis na ngiti. Mukhang nabigla pa nga siya na gising ako. "Hi, Arya. Mabuti at gising na po kayo. Ito na pala ang gamot na kailangan niyong inumin at maaari na po kayong pumasok sa klase," sabi niya habang naglalakad papalapit sa 'kin. Pagkalapit ay binaba niya sa gilid ko ang dala niyang basin saka ako giniya paupo. Pakiramdam ko nga ay nanghihina pa ako habang pinanonood
Naglakad kami pababa sa napakahabang hagdan habang pinagmamasdan ang paligid. Lumabas na kami sa building kasabay ang ibang estudyante na palagay ko ay papasok na rin. Isang silver pathway ang tinahak namin papunta sa - uhh . . . "Okay, dito tayo sa Main Hall magsisimula," sabi niya nang makahinto na kami. Tiningnan ko ang mataas na gusali na nasa harap namin. May mga column na nagsisilbing haligi nito. Mga carved paintings sa taas na medyo hindi ko na maaninag dahil sa mataas na sikat ng araw. Pero confident ako na carved paintings 'yon. Sa bawat column naman nakalagay ang mga elements o charms kung tatawagin. Pumasok kami sa loob ng Main Hall. Hindi ko mapigilang mamangha dahil sa sobrang kintab ng sahig! Kulay krema ang tiles nito at may mga nakaukit pa na hindi ko ma-gets. Medyo mahina ako sa visuals. Inilibot ko ang paningin ko. Napukaw ng pansin ko ang malaking chandelier na nasa gitna. Nasa baba nito ay isang maliit na fountain. Lumapit ako roon at pinagmasdan ang tu
Saktong naglalakad na kami papunta sa Academic Building nang mag-ring ang bell. Inabot pala kami ng ilang oras doon. Grabe rin kasi ang lawak ng Academy na ito. "Tara na," pag-aya niya. Hinawakan ako nito sa pulsuhan saka hinatak ako papuntang Academic Building. Pumunta siya sa gitna nitong first floor. Nabanggit ko kanina na may dalawang daanan dito. Which is paakyat at pababa. Basta mukha siyang elevator or something. Mabilis ang andar nito paakyat nang may isang estudyante na pumasok doon. Wala pang isang minuto ay bumaba na ulit ang 'elevator'. Pumasok na kami sa loob at elevator na elevator nga ang dating! Pinindot ni Brina ang number 3. Hinayaan ko na lang siya kasi alam niya naman kung saan kami patungo. Sa oras na gumalaw ang kinalalagyan namin ay napakapit ako sa railings na nakapaligid. What the hell? Mabilis itong umakyat pataas matapos pindutin ni Brina ang button. Pagkahinto nito ay bigla akong nahilo. Nanlambo