Share

Enchanted: Chapter 3.1

Pagkarating namin sa loob ng kwarto. Isa lang ang masasabi ko. MALINIS!

Grabe sa pagiging malinis ng babaeng 'to. Walang kahit anong dumi. And I love it! Kasi ayaw ko talaga sa maruming lugar.

"Ayos ba?" tanong niya.

"Mm," tipid na sagot ko habang pinagmamasdan ang paligid.

Lumapit na ako sa magiging puwesto ko. Sa dulo, malapit sa bintana. Inilapag ko ang gamit ko sa sahig at naupo sa kama.

"4:30 pa lang, ang tahimik na," pagbasag ko sa katahimikan.

"Ganito talaga. Simulan mo nang mag-ayos ng mga gamit mo. 5:00 P. M. kakain tayo ng hapunan,"

"Ang aga niyo kumain ha. Sa kabila kasi 7:30 kami kumakain ni Mama," sabi ko bago mag-inat. Sinimulan ko nang mag-ayos ng gamit kagaya ng sinabi niya.

"Ganyan din ang reaksyon ko noong una. Kamusta roon?" tanong niya.

"Hmm." Humiga ako sa kama dahil sa tanong niya. Ramdam ko ang tingin niya na nakatutok sa akin, pinagmamasdan ako at naghihintay ng sagot. "Ganoon pa rin. Meaning polluted, may corruption pa rin, araw-araw may namamatay. Ganito ganyan. Common na yata 'yon, e," natawa naman siya sa sinabi ko. Totoo naman.

"Wala naman pa lang bago." Sabi nito saka pumasok sa loob ng rest room. Lumabas din ito after ng ilang minutes suot ang isang kaswal na damit.

Habang ako? Nakahiga lang. Feel at home, joke. Wala akong balak magpalit kasi tinatamad ako. Sobrang sakit kaya ng binti at paa ko. Ang lawak kasi ng school namin, try mo rin lakarin.

"Hindi ka ba magpapalit ng damit?" tanong nito. Iling lang ang isinagot ko kahit ramdam ko na ang panlalagkit ng balat ko. Natuyuan na rin ako ng pawis sa likod dahil sa malamig na hangin galing sa nakabukas na bintana ng kuwarto.

Napadilat ako nang makarinig ako ng malakas na tunog ng bell. Na sa tingin ko ay hudyat para sa hapunan. Inabot din pala ako ng alas singko roon tapos nakapikit lang. Bumangon ako sa pagkakahiga kahit labag sa loob ko. Nag-inat pa ako saka sumabay kay Brina palabas ng dorm. Pagkalabas na pagkalabas namin ay nakita ko ang dalawang lalaki –– isa sa mga 'yon ay sobrang pamilyar para sa akin.

"Kuya! Zach!" tawag niya sa dalawa. Kumaway pa ito para tawagin ang pansin nila. Lumingon ang dalawa sa 'min saka lumapit.

"Uy, 'di ba ikaw 'yong babaeng newbie?"

"Ah, oo," sagot ko sa lalaki na kamukha ni Brina. I think this is her twin? If it is, I forgot his name. Pero I know it also starts with letter B.

"Tara na. Naghihintay na si Carmina roon," sabi noong Zach. Oo, nakilala ko siya. And, so?

Napakamot na lang ng ulo 'yong isa at napairap naman si Brina dahil sa tono nito.

"Ano nga pala ang name mo?" tanong pa noong kambal ni Brina.

I think, he also didn't catch my name kanina? Kasi 'di ba tinawag ako ni Papa noong nasa entrance kami? Pero baka nakalimutan niya lang? Kagaya ko, lol.

Napatingin ako kay Brina na nakatingin sa 'kin at nakangiwi. Nagkibit-balikat ako saka nagplanong magpakilala.

"I'm –– " Magpapakilala na sana ako nang bigla akong pangunahan ng tatlong tunog na nanggaling sa speaker.

'Calling Arya Arabella Dasiria Camster, please proceed to the Headmaster's office,'

Nangunot ang noo ko nang i-broadcast ang full name ko. That was unnecessary. I tsk-ed. I decided to connect with Arucis to ask him. Pinagmasdan ko ang paligid ko saka napansin na halos lahat ay nagbulungan matapos noon.

Ano na naman ba ang pakulo niya? Para saan ang broadcast? Sana ipa-newspaper na niya rin tapos ipakalat sa labas, 'di ba? Kung trip niya, ipa-billboard na rin.

"Camster?" Dinig kong tanong ni Zach.

"U-Uh, yeah? Camster," Nauutal na sagot ni Brina.

'What's the matter, Lo?' bungad ko sa kaniya. Nakarinig ako ng ilang feedback kaya napa-aray ako. Ano ba ang ginagawa niya?!

'Nothing important. Dito ka kakain sa Office,'

'But –– '

'No buts, apo,'

'Pero kasama ko 'yong mga estudyanteng nag-escort sa 'kin kanina,'

'Why?'

'For dinner, kung dinner ang tawag mo sa pagkain ng alas-singko. What else?'

Nanatiling tahimik sa kabila kaya nagtakha ako. Bago ko pa man ito kausapin ay sumagot na ito. 'Okay.'

'Next time, 'wag niyo naman basta-basta ibin-broadcast ang full name ko. Pwede namang connect na lang,'

Tsk, sila 'tong may sabi na huwag ipaalam muna ang identity ko. Tapos sila 'tong basta-basta nagb-broadcast. Baliw rin.

'Oh, really? What a word from my arrogant granddaughter, hindi ko naisip 'yan, a. Tingnan na lang natin kung anong mangyayari sa 'yo kung palaging connection ang gamit,'

'Whatever,'

'Huwag ka mag-alala. Ipapahanda ko ang infirmary para sa 'yo,'

Ang huling sabi niya bago i-end ang connection.

"Arya Arabella Dasiria Camster? That means nandito ang apo ni Mr. Camster? 'Yong lahat ng power kaya niya? Siya 'yon, 'di ba?" Pansin ko lang. Nakatigil kaming lahat. At nandito pa rin kami sa tapat ng room namin. "'Di ba? 'Di ba?" paulit-ulit na tanong ng kambal ni Brina.

Seriously? Am I that special?

Special child? Joke.

"Tara na nga. Medyo nakakagutom na rin." Sabi ko saka naunang maglakad.

Pero hindi ko talaga alam 'yong way kaya hinintay ko sila. Wala lang, pabida lang.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa isang malaking Hall. Dining Hall kumbaga. Nakabukas ang pinto nito. Kaya kita ang mga estudyante na naghahanap ng mauupuan.

Ginala ko ang paningin ko para makita si Papa.

'Looking for me?'

'Yes, Pa,' ouch. Pabigla-bigla naman ang sulpot ni Papa.

'Nasa harap ako. Gusto mo ba rito kumain kasama ako?'

'Nope. I'm with friends,'

'Okay.'

Pagkapatay noon ay nakaramdam ako ng hilo. Ito ba 'yong sinasabi ni Arucis?

Nah. Baka gutom lang. Tama, gutom lang at pagod dahil sa kanina.

"Carmina is right there," imik ni Zach. Ang tahimik at seryoso niyang tao. I love that type of a person. Pero hindi ko talaga gusto vibe niya. Tsk.

Sinundan ko na lang kung saan sila papunta. Habang papalapit, pansin ko ang tinginan ng mga estudyante sa 'kin sa loob ng Dining Hall at mga bulungan dito.

Mga bubuyog.

Huminto kami sa harap ng isang magandang babae. Medyo hawig niya si Zach sa ibang features. May kasama itong lalaki na agad namang pinansin ni Zach. Naupo kaming lahat, doon ko lang napagmasdan ang babae sa malapitan. Her aura has this radiating power and dominance. Feeling ko mas mataas siya sa akin.

"Who's that?"

"A friend of mine. How 'bout her?" Turo sa 'kin ng babae. Nangunot ang noo ko dahil bigla akong nakaramdam ng kaba noong binaling niya sa akin ang tingin niya.

Bumabagay sa kaniyang kutis ang kulay maroon na panlabas na pinapalooban ng isang puting blouse. Maganda siya at may class ang dating.

"Well, I don't know her. But I think she's that special. Kasi kailangan pa namin siyang bantayan nang makaapak siya rito,"

"That special, huh?" aniya. "Hmm. I think so." sabi noong Carmina saka ako tinignan nang mabuti.

'Who are you?'

'Expected. Pero bakit ka nakagagamit ng connection?'

'Senior na ako kaya pwede ko na itong gamitin. I'll repeat. Who are you?'

'I'm Arya Arabella Dasiria . . . fill in the blanks,' Sabi ko habang nakangiti sa kaniya.

'Camster, huh?'

Pinagmasdan niya lang ako pagkatapos patayin ang connection.

"This is Paul Adrian Rollo. A wizard,"

"Wow! Really? You're a wizard?" 'Di makapaniwalang sambit ko.

"Uhuh. What's your name and what can you do?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Brina dahil sa tanong niya. Tumango lang ito. Binaling ko naman kay Carmina ang tingin ko na parang kahit kailan ay hindi man lang siya natinag sa pagkakatitig sa akin.

Mapagkakatiwalaan ba talaga siya?

"I'm Arya Arabella Dasiria . . . fill in the blanks,"

-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status