Share

CHAPTER 4

CHAPTER 4

LEIGHTON WAJEEH

NAGULAT KAMING lahat nang biglang nag-blackout. Napatingin ako sa paligid at nakita ko namang may ilaw naman 'yong mga kapit-bahay nila. Natigil ang kanilang masayang pagsasayaw.

"Just wait for a while. Honey, please check the power plant. By the way, where's Andrew?" biglang tanong ng boses ng isang babae. Perhaps, that's Andrew's mother.

"Okay, hon. Just wait a minute." A baritone voice of a man replied.

"Pumunta po si Andrew sa loob." that's the voice of one of my classmates. That's Alora. And she's right, I saw it too.

"Ah, okay. Thank you." sabi ulit ng mommy ni Andrew.

Ilang sandali pa ang lumipas ay bumalik na ang ilaw at ang tugtog. Agad naman silang bumalik sa pagsasayaw at si Eun-ji ay bumalik na rin sa mesa namin. Good thing, she's not with that man.

Mayamaya pa ay nagkwentuhan na sila Eun-ji at Yuna. Ako, ito nakikinig lamang sa kanila. Tatayo na sana ako para kumuha ng maiinom nang biglang nakarinig kami ng isang malakas na sigaw.

"WHAT HAVE YOU DONE?!"

We were all shocked upon hearing Andrew's father's voice. Nakita naman naming mabilis na tumakbo ang mommy ni Andrew sa loob kaya naman ay sumunod kaming lahat.

What happened? From that shout, I could distinguish its agony and rage.

Napunta kaming lahat sa sala at laking gulat naming makita ang duguang katawan ni Andrew na nakahandusay sa sahig na may nakatarak pang kutsilyo sa tagiliran nito. Gasps have been heard all over the place including whispers and murmurs. But what shocked us the most was the person, few meters away from Andrew's body, who has blood splashed over his clothes. Nakangisi itong nakatingin sa amin.

"ANAAAAAAK!" Mrs. Pineda screamed in horror at agad inakay ang nag-aagaw buhay niyang anak. Nilapitan naman ito ng daddy ni Andrew.

"I'll c-call the ambulance, honey." Mr. Pineda said, panicking.

"Go! Call also the police! We will put that person in jail!" galit na saad ni Mrs. Pineda habang nakaturo sa tao sa gilid. Tumango naman si Mr. Pineda at agad na lumabas.

Tiningnan ko ang tiyan ni Andrew. Affirmative. Good thing may signs of breathing pa ito kaya may pag-asa pa itong maligtas. But the ambulance must come immediately because too much blood have come out.

"C-Christian?! W-What have you d-done?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Grace, one of my classmates.

Tumingin sa kanya si Christian na nanlilisik ang mata. Yup. It's Christian. Ang katabi namin sa iisang mesa.

"HAHAHAHAHAHA! What have I done? Buti nga sa kanya!" Christian evilly replied with a sarcastic laugh. He seemed to be out of his mind na ikinatindig ng balahibo naming lahat.

"How dare you!" galit na usal ni Mrs. Pineda.

"HAHAHAHAHAHA!"

Sa nakikita ko ngayon ay ibang Christian ang kaharap namin ngayon. Malayong malayo siya kumpara kanina.

May biglang sumagi sa isip ko. I seriously looked at him. "Dahil ba ito kay Yuna?" biglang tanong ko. Tumingin naman ako kay Yuna at nakita ko siyang nakahalukipkip na nakatingin ng diritso kay Christian.

"HAHAHAHAHA that Andrew, may gusto siya kay Yuna. Alam n'yo bang matagal ko na ring gusto si Yuna? Sa katunayan ay sinusundan ko nga siya, ehh. Kahit siguro sa pag c-cr niya ay nandoon ak--- "

"What the hell!? Tss. You're crazy ass bastard!" biglang galit na usal ni Yuna kaya natigil si Christian.

"HAHAHAHAHA!" tumawa ito nang malakas. Pero nagulat kaming lahat no'ng biglang nagbago ang reaksyon niya. In just a blink of an eye, he's now crying. "Pero maniwala kayo sa akin. Hindi ako ang gumawa no'n kay Andrew!" nagmamakaawang sabi niya.

Nagtataka pa kaming nakatingin sa kanya. Confusions are now arising.

"Liar! Matapos ka naming papasukin sa bahay namin ay gaganituhin mo lang ang anak ko?! Tao ka ba?! Tapos ngayon itinatanggi mo pa na hindi ikaw 'yong sumaksak sa anak ko?! Eh, saan mo 'yan nakuha ang dugo sa damit mo?! You are crazy!" galit na sabi ng mommy ni Andrew.

I did not meddle the scene anymore. The truth is already visible. No need for deep deduction. Natahimik bigla ang paligid pero hindi iyon nagtagal.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tumawa na naman nang malakas si Christian na parang wala sa sarili.

Mayamaya pa ay nagulat kaming lahat nang bigla siyang tumakbo palabas. Akma na sana akong hahabol sa kaniya pero nandyan na ang mga pulis at agad na hinuli si Christian. Lumabas pa kaming tatlo sa bahay upang tingnan ulit siya.

"Parang awa n'yo na... Hindi ko siya pinatay! HAHAHAHAHAHA!" he kept on muttering those words.

"Tss. Mas bagay siya sa mental hospital." rinig kong sabi ni Yuna.

Napatingin pa ako kay Eun-ji. Seryoso itong nakatingin kay Christian. Nang mapansin n'yang nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang ngumiti.

"Grabe... baliw pala 'yong kasama natin kanina, 'no? Ibang klase." hindi makapaniwalang sabi ni Eun-ji habang umiiling.

Bakas ang pagkatakot sa mukha ng iba naming kaklase. No'ng makaalis na 'yong mga pulis ay narinig kong nagsipag-iyakan na ang mga kaklase ko at ang magulang ni Andrew. Kaya pumasok kaming tatlo.

"Andrew, anak. J-Just hold on. Please. Don't l-leave your m-mommy." iyak na sabi ni Mrs. Pineda habang akay-akay pa rin si Andrew. "Where's the ambulance?! Did you call the ambulance?!" she started to be hysterical.

"They're coming, honey, huminahon ka muna---"

"Anong huminahon?! Nag-aagaw buhay na ang anak natin tapos, huminahon?! Where's that damn ambulance?!" Mrs. Pineda relented, crying.

Hindi na sumagot si Mr. Pineda at hinahaplos na lang ang likod ng asawa niya. Rinig ko ring umiiyak ang mga kaklase namin.

Inikot ko ang paningin ko at nakita ko 'yong apat na lalaki kanina na malungkot ring nakatingin kay Andrew. Iiwas na sana ako ng tingin nang biglang lumingon 'yong isa sa kanila—na hindi ko kilala—sa gawi ko at... biglang ngumiti.

Napakunot ang aking nuo. Why is he smiling at me? Are we friends? But lame realization hit me. Bakla ba siya? Tsk.

Nginitian ko rin siya ng pilit at pagkatapos no'n ay itinuon niya na ang paningin niya kay Andrew. Kasunod no'n ay ang pagsulyap ni Harry sa gawi nina Eun-ji at Yuna.

"Tara na... Balik na tayo sa school. It's already seven o'clock." sabi ni Yuna sa aming dalawa ni Eun-ji.

Tumingin kami ni Eun-ji sa kanya na may halong pagtataka. "Eh, 'di ba ihahatid tayo do'n?" Eun-ji said in a low voice.

"Do you think they would still drive us back? Sinaksak ang anak nila sa isa sa mga kaklase natin. Nag-aagaw buhay pa. Sino ang magpapahatid sa atin? And even if they would, I don't want to be with our classmates. They would probably go dramatic along the way." mahinang sabi ni Yuna.

May punto naman siya at saka baka makasabay pa namin 'yong apat na 'yon kaya agad kaming nagpaalam sa iba naming mga kaklase na iyak pa rin nang iyak.

Naglalakad na kami paalis na may malalim na iniisip. Ilang minuto na kaming naglalakad ay wala pang sasakyan na dumadaan. Well, the way is a bit narrow. The cars must be in the main road.

Ilang sandali pa ay may ambulansiyang kumaripas patungo sa bahay nila Andrew.

Tiningnan namin ito. "Ang pait ng sinapit ni Andrew, 'no? Party pa naman niya ngayon." halata sa mukha ni Eun-ji ang pagkaawa. Ako rin naman naaawa. This must be hard for his family.

Namutawi ang katahimikan sa aming tatlo at pinagpatuloy ang paglalakad. Mayamaya pa ay nadaanan na naman kami ng ambulansiya.

"Hope you'll be fine, Andrew." sabi ni Eun-ji habang nakatingin sa ambulansiyang paalis.

Habang naglalakad, ay biglang sumagi sa isipan ko ang tungkol sa stalker ni Yuna. I suddenly got an idea.

"Yuna? Maitanong ko lang. Magkakilala na ba kayo ni Christian no'ng Grade 11 pa?" I asked her.

"Yes. Magkaklase kami last year. Seatmate, actually. But we're not that close and we do not talk that much." paliwanag niya. "Why?"

"It's about your stalker. He might be that person. Remember what he said earlier? Na sinusundan ka raw niya kahit saan? That's what stalkers do." I said to her.

Pagkatapos niyang marinig iyon, I saw her face lighted. "You're right, it's possible that he is the weird stalker. Napansin ko rin kanina no'ng kumakain tayo, panay tingin niya sa kin. Then sa bus, ang dami niyang sinasabi tungkol sa 'kin. It all made sense." she said.

"Pero kung siya nga, anong ibig sabihin ng 'vjtodyosm'? Was that contained other meaning?" tanong ko naman.

"Hmm, wait a sec." Eun-ji suddenly said habang kami ni Yuna nakatingin lang sa kanya. She picked her phone in her bag and typed something. Few seconds more, her eyes widened. "Look, I typed vjtodyosm and look what I found." sabi niya sabay abot ng phone niya.

Tiningnan naman namin iyon ni Yuna. And amazingly, on her keyboard, we saw the word 'Christian' on the suggestion bar as she encoded the word 'vjtodyosm'. So that's it, huh? That's just amusing.

"Ganyan talaga 'yan. Alam mo na, mahirap maging maganda. Tulad ko. Hihi." Eun-ji mouthed, flipping her hair. She proudly looked at us.

I heard Yuna scoffed.

"Tam---"

Before I could finish my words, I stopped midway when we heard someone.

"AHHHHH... HEEELLLPPPPP!"

Nagkatinginan kaming tatlo pagkatapos at kita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng dalawa.

"SOMEBODY HEEEEEELP!"

Lumingon-lingon kami sa paligid at doon sa unahan, may nakita kaming isang babae na lumabas mula sa gate. Agad kaming tumakbo papunta doon at kinausap ang isang babae.

"Bakit, miss? Anong nangyari?" I immediately asked her.

"We... we need help. Please, c-call the police..." the woman answered, crying.

Eun-ji patted the woman's shoulder. "Alright, miss. We'll help you. But first, can we get inside?"

Tiningnan muna kami ng babae isa-isa and after a while, she nodded her head.

And with that, agad kaming pumasok sa loob ng bahay na pinangunahan ng babae. Pagkapasok naming apat sa loob ay bumungad sa amin ang nag-iiyakang mga babae na nakaupo sa bench at mga nakatulalang lalake.

"Where's the body?" Yuna asked the woman soon as we stepped inside.

"I-In the bathroom." the woman replied, stuttering.

I looked at my companions. "I'll go check the dead body. You two, you may question them." I told them and they nodded their head in reply. "I'll also call the police." pahabol ko at lumayo sa kanilang dawala.

Pumunta ako malapit sa hagdanan and there, I dialled Tito Fred's number. Sinagot niya naman ito kaagad. At first, nagtataka pa siya kung bakit ako nandito pero sinabi ko nalang na mamaya ko nalang ipapaliwanag. Sinabi ko sa kaniya kung ano ang nangyari dito and he then said he would got here as soon as possible.

I immediately dropped my phone at dumiritso na ako sa banyo kung saan ang crime scene samantalang sina Yuna at Eun-ji naman ay pinuntahan ang mga nakaupo sa bench para magtanong.

Pagkapasok ko sa banyo, nakitkita ko na kaagad ang nakahandusay na katawan ng biktima. Malaki ang banyo na ito. Sa dulo, nakita kong may nakasaradong puting kurtina. Dumiretso ako doon pero wala naman akong nakitang kakaiba. Just an empty bath tub.

Kinuha ko ang gloves sa bulsa ko at pagkatapos ay nilapitan ko na ang bangkay. Naliligo ito sa sariling dugo, nakanganga pa ang bibig.

I may say na napakabrutal nang pagkakagawa nito. Nakakatakot tingnan ang bangkay kung tititigan mo ito nang matagal. Bukod kasi sa naka-O ang porma ng bibig niya ay nakamulat din ang kanyang mga mata na parang nakatitig lang siya sa kung saan, idagdag mo pa ang mala-pool na dugo nito.

Nilapit ko ang ulo ko para makita ng masinsinan ang nakabaon na kitchen knife sa kanyang tagiliran. Pero bigla akong may maamoy na masakit sa ilong kaya napatayo ako nang maayos at kinusot ang ilong.

What's that smell? Parang napadaan lang ito as wind passed by.

Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at nakita ko ang isang puting plastic bottle. I smelt that familiar stinky smell pero nang ginalaw ko ito ay wala na itong laman. Hanggang sa umabot ako sa may bibig ng biktima. Aside sa ang baho ng bibig niya---sorry for that---ay naamoy ko rin 'yong mabahong amoy na iyon.

I looked at the white plastic bottle and to the victim's mouth. And realization hit me which explains the body's position.

Ang kanang kamay kasi nito ay nasa kaniyang leeg na parang sinasakal ang sarili. In my theory, sinusubukan niya sigurong i-block ang daloy na pinainom sa kanya kaya ganyan ang posisyon niya. At ang pinainom sa kaniya ay galing sa puting plastic bottle na iyon. Ang kaliwang kamay naman niya ay nakapwesto sa tagiliran kung saan nakabaon ang kutsilyo.

Ginawa ko na lahat sa loob, tiningnan ko na ang trashbin pero wala na akong ibang nakita bukod doon. And according to the rigor mortis of her body, bago pa nga lang siyang namatay.

Pagkatapos ay lumabas na ako para puntahan sina Eun-ji at Yuna.

Sa sala ay nakita ko silang dalawa na nakatayo sa harapan ng nakaupong apat na pinaghihinalaang suspects. I immediately noticed that they wore the same shirts as well as the victim. Ang dalawang babae ay panay iyak samantalang ang dalawang lalaki naman ay nakatulala lang. May isa ring bata na umiiyak sa isang table.

Yuna and Eun-ji looked at me and walked towards me. "Did you find something?" bungad na tanong ni Yuna.

"She was stabbed by a kitchen knife. Perhaps, the cause of death is blood loss. Maraming nawalang dugo sa kanyang katawan dahil sa tagiliran ito natamaan. Aside from that, may pinainom din sa kanya which contributed to her death." I recalled at tumango-tango naman siya. "Kayo, may impormasyon ba kayong nakuha na makakatulong?" I asked her back.

"Kararating lang nila galing bakasyon." Eun-ji inserted. "That explains their baggage." she pointed the baggages beside the couch.

"So, ano daw ang alibi nilang apat. Where were they when the crime happened?" I asked them. I kept on looking at the surroundings and the victims.

"That short-haired woman, siya si Wella. Ang sabi niya, natulog lang sila ng bata sa couch dahil napagod daw sila sa byahe. Her boyfriend is that man on the right." seryosong sagot ni Eun-ji. Napatingin naman ako sa babaeng hanggang balikat ang buhok at sa lalaking tinutukoy ni Eun-ji na boyfriend ni Wella. "The woman, on the other hand, who called for help, siya si Luna. Nasa labas daw sila ng kasintahan niyang si Thirdy bago namatay ang biktima. Kinuha raw nila 'yong iba pang bagahe na naiwan sa sasakyan." pagpapatuloy niya.

"And Edan, boyfriend ni Wella. Sinabi niyang nasa likod lang raw siya ng bahay, nagyoyosi kasi bawal dito sa loob dahil may smoke alarms. His girlfriend gave him one." maikling kwento ni Yuna. "At sabi nila, mabait na tao raw ang biktima kaya walang ni isa sa kanila ang nakaaway nito."

"May magpapatunay ba sa mga alibi nilang lahat?" I asked them. I looked at the ceiling and yeah, there is really a smoke alarm.

"Walang CCTV dito sa loob pati sa labas kaya ang sagot sa tanong mo ay, wala. Mahirap paniwalaan kung nagsasabi ba sila ng totoo." Eun-ji replied which made me caressed my chin.

"There are many possibilities that we need to consider." I said to them. I moved closer to them dahil baka makarinig ang mga suspects. "Pwedeng magkasabwat sina Luna at Thirdy. You recalled na kinuha nila ang mga bagahe sa sasakyan. And with that, kahit sabihin nila sa isa't isa na totoo ang kanilang sinasabi ay hindi pa rin ito sapat para paniwalaan. They may be both accomplice with the crime and they support each other's alibis."

They nodded their heads.

"Kay Wella naman, pwedeng nagtulog-tulugan lang siya. While kay Edan naman, maraming pwedeng nangyari sa kanya sa labas. Maaring pumasok siya ulit sa loob ng bahay no'ng makalabas sina Luna at Thirdy, at no'ng makatulog na---let's say---si Wella pati ang bata." Eun-ji spoke next.

Pagkatapos ko marinig lahat ng 'yon ay napaisip kaming tatlo ng malalim. Many possibilities indeed. And the worse part, they're lovers. They might be---as what I've said---could support each other's alibi even though it was not true.

We need more evidence. Many are lacking.

Sa gitna ng pag-iisip ay lumapit sa amin ang isang batang kanina'y umiiyak sa mesa.

"H-Hello p-po." she greeted us. Halatang galing siya sa matinding pag iyak---kasi habang nagsasalita siya ay panay ang hikbi naman nito. "A-Ako po si Arielle. Kapatid po ako ni ate Trisha." she continued.

Nagkatinginan kaming tatlo. Tiningnan namin ang bata at nginitian.

"Bahay po namin ito. Nasa ibang bansa po sila Mommy at Daddy for business. Kaya po wala sila dito. Yesterday po ay may ibinigay po si ate sa akin, sabi niya na kung saka-sakaling may mangyayaring masama sa kanya ay ibigay ko raw ito sa makatutulong." she resumed.

Suddenly, may inabot siya sa amin na isang pirasong papel na may nakasulat na petsa.

|fEb 30|

After she gave it to us, nagpaalam na si Arielle sa amin at bumalik sa mesa kung nasaan ang apat na suspects. Pag-alis niya ay napag-isipan kong idagdag siya sa suspects. Pero mali, bata pa siya. Hindi niya kayang pumatay lalo't ate pa niya ito. Naniniwala akong sa likod ng pagkamangmang ng isang bata ay nasa likod pa rin nito ang takot at pagkainosente. I know I may sound bias but I believed her innocence. At isa pa, she gave us something. So we eliminated her from the list.

After that I immediately ignored those thoughts at nagpokus na lamang sa papel na binigay ni Arielle. Kung totoong isinulat ito ng biktimang si Trisha kahapon, does that mean that she knew from the very start that this would happen to her?

"Based on the girl's statement, I think the victim already had an idea that this would happen to her." Yuna said and we all agreed.

I looked at the paper. "Malaki ang posibilidad na pangalan ng culprit ang nasa likod ng salitang ito." I said and showed them the paper.

Sinuri naming maayos ang pirasong papel at nahulog kami sa malalim na pag-iisip.

"Isa ba itong code na magbubunyag sa killer?" Eun-ji asked, flipping the paper.

That's the possibility that I considered. May posibilidad na code ito pero pakiramdam ko may meaning pa ito beyond code.

Nakatitig pa rin kami sa papel trying to dig the hidden word. "Does this '30' says Thirdy?" tanong ni Eun-ji at napatango-tango kami.

Yes, malaki ang chance na Thirdy ang ipinapahiwatig ng '30' dito. However, we could not just simply pinpoint. We still have 'fEb' here and aside from the paper, we still needs evidence to support our claim.

"Look, guys, the word 'Feb' can be decoded as Eda with the use of Augustus Cipher. Which is calling the name of Edan. By any chance pwedeng siya ang sinasabi dito." Yuna retorted.

I stared at the paper. "Yeah, it could be." I agreed to her soon as I get what she mean.

Eun-ji looked at us confusingly. "Wait, how did you get another word from that word? Who is Augustus? Are you talking alien language? Hihi."

"Here, in Augustus Cipher, you need to take one step backward starting from the letter of each word." I explained to her. Hindi niya siguro alam ang basic codes. "Starting with F, the letter comes before it is E. The E, will turn into D. And B to A. That's how we get Eda."

Unlike Eun-ji, it's not surprising anymore that Yuna knew codes. His father is a detective.

"Oh, wow! That's amazing! Hihi." Eun-ji then reacted.

I just ignored her. "Anyway, malaki ang posibilidad na tama ang sinabi sa Augustus Cipher. But if we were to fit the word 'feb 30' together with our decoded word, it would say EdanThirdy. Do you think it fits well?" I retorted.

Natahimik kaming tatlo at nag-isip ulit. Yup, we already have the names but somethings bothering me. Something's not right. I am not convinced with what we just found out.

FEB for Edan...

30 for Thirdy...

fEb 30...

Luna, Wella, Edan, Thirdy.

Wait...

I knew it!

I looked at Yuna and Eun-ji with widened eyes.

"Guys. I guess I knew what this date means." I declared at nakuha ko naman ang buong atensyon nila. "We just took it harder. Pinahirapan natin ang ating sarili. We should only think shallowly. Mag-focus lang tayo sa lahat ng nakasulat dito. Huwag lang sa 'feb' at wag lang din sa '30', but the whole 'fEb 30'." I explained to them, pointing the word on the paper.

They both stared at the paper with their forehead creasing a bit and their eyes knitting. At mayamaya ay parang na-absorb na nila ang sinasabi ko kasi biglang nag-iba ang kanilang expression sa mukha.

"You're really amazing, Waj! I get it now." Eun-ji said and Yuna seconded.

I admit, bilib na talaga ako sa kanila dahil ang bilis nilang makakuha. Kailan lang sila na expose sa ganito, but look at them.

"Ngayon, alam na natin ang pangalan kung sino ang gumawa. Ebidensya nalang ang kulang kaya maghukay pa tayo." masiglang sabi ko sa kanila. Unlike sa nakuha naming pangalan kanina, this one satisfies the given word.

Bumuntong hiningi kaming tatlo dahil sa wakas may pangalan na kaming nahagilap sa taong pumatay kay Trisha. Pagkatapos ay naglakad ako patungo sa kinauupuan ng apat.

Pagkarating namin ay tumayo bigla si Luna. "A-Alam n'yo na ba kung sino ang pumatay kay Trisha?" she immediately asked us. Tulad ni Arielle, nahihirapan din siyang magsalita dahil humihikbi rin ito.

Nilibot ko ang paningin ko sa kanilang apat. "Wala pa kaming ebide---"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may napansin ako sa bandang leegan ng taong 'yon. Ang taong sinasabi sa papel. At dahil dito, ngumiti ako bigla sa kanila. Nakatitig silang lahat sa 'kin at naghihintay na ipagpatuloy ang naudlot kong sasabihin.

"At mukhang alam na nga namin kung sino ang gumawa nito." biglang sabi ni Eun-ji habang nakatingin sa akin.

Ang nakita kong ebidensya ay hindi concrete proof pero naniniwala akong sapat na ito para suportahan ang pangalang nahanap namin sa 'fEb 30'. Maraming oras na ang nasayang at wala na akong balak na pahabain pa ito. Pinahirapan pa kami ng taong ito.

"Kilala n'yo na po ba kuya ang pumatay sa ate ko?" tanong ni Arielle. Nakatayo na siya sa gilid ko.

"Yes, Arielle. We would now expose the person behind your sister's death." Yuna jested firmly, looking at Arielle's eyes.

##

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status