Nadaanan ni Ely si Carvie sa labas ng ospital na nakaupo mag isa. May mga dala siyang mga damit at pagkain nila. Nilapitan niya ito.
"Carvie, anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong ni Ely. Nagpunas bigla ng kanyang luha si Carvie.
"Wala po, Kuya Ely. Nagpapahangin lamang po dito sa labas ng ospital" pagsisinungaling nitong sagot sa kanya.
"Kung ang ikinababahala mo ay si Cathleen. Huwag ka nang mag alala. Diba, sinabi ko na simula ngayon ako ang bahala sa inyo. Hindi ko pababayaan na may masamang mangyari kay Cathleen" wika ni Ely. Napatunghay si Carvie kay Ely.
"Bakit mo po ito ginagawa?"
"Gusto ko lang makatulog sa inyo ng Ate mo" sagot ni Ely.
"Mahal mo po talaga si Ate, Kuya Ely. Kaya kahit na ipagtabuyan ka niya heto ka pa din tinutulungan kami" ngumiti si Carvie kay Ely. Masaya siya dahil handang tumulo ng ang Kuya Ely niya sa kanilang magkakapatid.
Inakbayan ni Ely si Carvie. "Masyado ka pang bata para maintindihan mo ang sa amin ng Ate mo. And yes, gusto ko ang Ate mo. Mahal ko na siya. Pero ayaw niya sa akin. Hindi ko nga alam kung anong mali sa akin. Kaya niya ako pinatatabuyan."
"Kuya, kinse na po ako. Alam ko na at naiintindihan ko na ang lahat ng mga sinasabi mo."
"Salamat, Kuya Ely sa pagmamahal mo para kay Ate Cory. Huwag ka sanang magsawa na mahalin siya. Alam mo po siguro po iniisip niya na mahirap lamang kami. At ang yaman mo po. Sa itsura niyo pa lamang po alangan ka na sa amin. Kilala ko si Ate Cory. Kaya alam ko na iyon ang iniisip niya." dagdag pang sabi ni Carvie.
"Sa pagmamahal walang mayaman o mahirap. E, ano kung mahirap kayo. Tao pa din kayo at pantay pantay tayo sa paningin ng Diyos. Basta ilakad mo ako sa Ate mo, ha" nakangiting sabi ni Ely.
"Ikaw pa, Kuya Ely. Ang lakas mo kaya sa akin. Kahit itakbo pa kita kay Ate, Bayaw" nakangiti ng sagot ni Carvie. Hinawakan sa ulo ni Ely si Carvie at ginulo ang buhok.
"Pasok na tayo sa loob. Baka hinahanap kana ng Ate mo" aya ni Ely kay Carvie. Tumango naman ang binatilyo sa kanya. Kinuha ni Carvie ang ibang dala ni Ely at naakbay na naglakad sila papunta sa kuwarto ni Cathleen.
Inilipat ng private room si Cathleen. At naitakda na ang araw ng operasyon ng bata.. Ang hinihintay na lamang nila ay ang donor na malusog na puso para kay Cathleen.
Nakabantay pa din si Cory sa kapatid. Si Ely ay nakaupo malayo kay Cory. Matiyaga itong kasama ni Cory magbantay kay Cathleen. Pinauwi na muna ni Cory si Carvie para makapagpahinga.
Napapasara na ang mga mata ni Ely dahil sa antok at pagod. Kahit si Cory ay pagod na din at halos walang tulog. Napalingon si Cory sa kanyang likuran. Nakapikit si Ely na nakasandal ang ulo sa pader. Nakaramdam naman ng awa si Cory kay Ely. Kaya nilapitan niya ito.
"Ely, Ely" gising ni Cory dito at niyuyugyog sa balikat. Napamulat ng kanyang mga mata si Ely. Nagtama ang mga tingin nilang dalawa ni Cory.
"U-Umuwi ka muna" sabi ni Cory na Umiwas ng tingin. Babalik na sana siya sa upuan niya nang hawakan ni Ely ang kamay niya.
"Cory, can we please talk?" pakiusap na tanong ni Ely.
"Hindi pa ito ang tamang panahon para pag usapan natin ang kung ano man ang gusto mong sabihin, Ely" pagmamatigas pa din ni Cory. Binitawan ni Ely ang kamay niya at nilapitan na ni Cory ang kapatid niya.
"Thank you, Ely. Sa lahat ng naitulong mo sa kapatid ko. Mababayaran din kita sa lahat ng naitulong mo" sabi ni Cory na hindi tumitingin kay Ely. At umupo sa upuan sa tabi ng bed ni Cathleen.
"Hindi naman ako naniningil, Cory. Naiintindihan ko kung ayaw mo talaga akong harapin at ayaw mo akong tanggapin sa buhay mo. Huwag mo naman iparamdam sa akin ang pambabalewala mo sa akin. Nakakasakit ka na, Cory. Nasasaktan na ako ng sobra. Kapag naging okay na si Cathleen. Babalik na ako ng Manila at hindi na ako magpapakita pa sayo. Uuwi muna ako sa hotel room ko. Kung may iba kapang kailangan. Sabihin mo na lamang kay Carvie. Kung hindi mo pa din ako kayang kausapin ng maayos" paalam ni Ely kay Cory. Malungkot na lumakad na ito paalis.
Nakalabas na ng kuwarto ni Cathleen si Ely nang napalingon si Cory sa pintuan nilabasan ni Ely. Tumulo ang luha niya. Hindi niya gusto na maging matigas kay Ely. Sa totoo lang mayroon naman na siyang nararamdaman para sa binata. Pero natatakot siyang sumugal. Ang daming dapat ikonsidera kung tama bang tugunin niya ang gustong mangyari ni Ely para sa kanilang dalawa. Isa pa a ng mga isang gabi na iyon ay hindi dapat maging rason para gusto ni Ely na mapalapit sa kanya. Gusto niya may pagmamahal. Wala pa naman sinasabi si Ely sa kanya. Pero ipinaparamdam niya sa pamamagitan ng mga pag tulong niya sa kanilang magkakapatid. Hindi ito umalis kahti na ipagtabuyan pa niya.
Nakabalik na si Ely sa kanyang hotel room. Ilang araw din siyang halos hindi umuwi dito ng matagal. Uuwi man siya para lamang maligo at magbihis ng damit. Inihiga ang sarili sa kama at pinilit na makatulog. Magpapabook na siya ng flight pabalik ng Manila. Siguro kailangan na niyang sumuko.
Ilang araw na lamang at ooperahan na si Cathleen. Hahayaan na lamang niya si Cory sa gusto niyang mangyari, ang huwag niyang guluhin ito."Tristan, please book a flight for me pabalik ng Manila. I want it by next week" utos ni Ely sa kabilang linya.
"Noted, Sir. I just want to inform you Sir that your Dad is looking for you. Sinabi ko po na nasa out of town business meeting kayo" sagot at imporma ni Tristan ang sekretarya ni Ely.
"Salamat. Pabalik naman na ako ng Manila. I will just call Dad" tugon ni Ely sa kausap sa telepono. Saka pinatay na ang tawag.
Araw ng operasyon ni Cathleen at nasa loob na ng operating room na ito. Mataman na naghihintay sina Cory at Carvie sa labas ng operating room.Dumating si Ely at nilapitan si Cory."Puwede ba tayong mag usap, Cory? Gusto ko lamang na magpaalam. Babalik na ako ng Manila" sabi ni Ely."Kuya Ely, aalis kana?" tanong ni Corvie. Tumango ng ulo si Ely. Malungkot naman na tumingin si Carvie sa itinuring niyang Kuya."Ikaw na ang bahala sa mga kapatid ko, Carvie. Ikaw ang lalaki kaya protektahan mo sila. Pati ang Ate mo" bilin ni Ely dito. Tumango ng ulo si Carvie. Saka bumaling kay Cory."Dito ka lang muna, Carvie. Babalik ako" paalam ni Cory sa kapatid.Naunang lumakad si Cory at sinundan naman ito ni Ely. Nasa labas sila ng ospital para mag usap."Cory, I'm sorry kung naging makulit ako. Kung ginugulo kita. I'm really sorry. It's just I'm thinking I have a responsibility sayo dahil sa nangyari sa atin nuong gabi na iyon. Hindi ka lang din talaga maalis sa isipan ko simula ng may mangyari s
"Waitress, ang order namin! Kanina pa kami naghihintay, ah" angal ng customer."Sandali po" sagot ni Cory. Kinukuha niya ang order ng isa pang customer sa ibang lamesa."Cory, halika nga dito!" sigaw ng may ari sa kanya. Natataranta na si Cory. Kung sino ang uunahin. Mag isa lang kasi siyang serbedora sa isang kainan."Ah Ma'am ano po iyon?" magalang na tsnign niya."Kanina ka pa sa lamesang iyon. Nagrereklamo na 'yung nasa kabilang lamesa. Hala! Kunin muna ang order 'nun sa loob ng kusina!" galit na utos ni Meding."Pasensiya na po. Kukunin ko na po" nagmamadali naman ito na pumunta ng kusina para kunin ang order nung customer na nagrereklamo.Nagpatuloy ang buhay ng magkapatid na sina Carvie at Cory. Nawala man ang isa ay kailangan nilang bumangon at tumayo muli. Si Carvie ay muling nagpatuloy ng pag aaral. High school nga lang. Pero ang sabi ng gur9 niya ay puwedeng mag exam si Carvie para sa susunod na pasukan ay kolehiyo na siya. Ang bilis ng panahon. Kaya ito nagtitiyaga si Cory
Ito ang araw ng pag alis at pagpunta ng Maynila nila Carvie at Cory. Kasama si Calli. Nakasakay sila ng barko. At bukas ng umaga ay nasa Maynila na sila. Ang daming pumapasok sa isip ni Cory. Paano kung magkita sila ulit ni Ely? Ano ang gagawin niya kapag nalaman nito na may anak pala sila? Dalawang taon din niyang itinago si Calli. Baka kapag nalaman ito ni Ely ay ilayo nito ang anak niya sa kanya."Ang lalim ng iniisip mo, Ate" napalingon si Cory sa kapatid na tumabi na umupo sa higaan nila."Iniisip ko lang si Calli. Natatakot ako, Carvie. Ngayon na pupunta tayo ng Maynila. Kinakabahan ako para sa anak ko" hindi na niya na itago ang kanyang nararamdaman."Dapat nga matuwa ka pa. Dahil babalik na sayo si Kuya Ely. Kapag nalaman niyang may anak kayo. Hindi mo na ba talaga mahal si Kuya?" "Alam mong wala akong ibang lalaki sa buhay ko. Kundi si Ely lamang. Siyempre dahil mahal na mahal ko siya. Kahit na isang pagkakamali ang gabi na iyon sa aming dalawa. Hindi ko pinagsisihan iyon. I
"Mr. Andrew, sana na ma-final na natin ang resolusyon sa napipintong project sa Tagaytay. Kailangan na nating maayos kung kailan natin sisimulan ang project na ito" sabi ni Siegfrid Baltazar. Isa sa mga shareholder ng Andrew Industrial Corporation. Ito ay pag aari ng pamilya nina Ely. Sina Ely ay shareholder din sa HMG na pag aari ng ama ni Cindy."Yes, Fred. I will ask Dad kung ano ang gusto niya. Mas maganda na alam niya ang tungkol sa napakalaking project sa Tagaytay Sunrise. Sila ang mamahala sa construction sa napakalaking subdivision sa Tagaytay."Okay, Ely. But we need it as soon as possible. Alam namin na si Mr. Allen ang isa sa pioneer ng kompanya. But we trust you Ely that you can decide better than your father" ani Mr. Bert Sinas. Tumango at ngumiti si Ely."Salamat sa inyong tiwala sa akin. Pero mas gusto ko pa rin na si Daddy ang magdedesisyon para sa Tagaytay Sunrise" saad ni Ely.Nang matapos ang kanilang meeting ay isa isang nakipagkamay si Ely sa kanyang mga, empleyad
Hinihintay ni Ely si Cory na matapos sa trabaho nito. Nasa opisina ito ng Manager ng restaurant naghihintay. Nagbubulungan naman ang mga kasamahan niya dahil sa nalaman na magkakilala pala sina Cory at Mr. Andrew. Ang iba ay kinikilig habang ang iba naman ay naiinggit. Mayroon ding galit sa kanya. Si Eliseo Andrew kaya iyon. Ang may ari ng Andrew Industrial Corporation. At iba pang mga negosyo na pagmamay ari ng pamilya niya. Siyempre siya ang nag iisang anak na magmamana ng lahat nang iyon."Sir Andrew, baka po may kailangan po kayo? Juice or coffee?" baling na tanong ng Manager kay Ely. Napapansin niya ang mga malalagkit na tingin nito sa kanya. Umiling ng ulo si Ely. Siyang pasok naman ni Cory. Nakangiti itong sinalubong ni Ely."Tapos ka na?" masuyong tanong ni Ely."Oo, tapos na ako. Out na nga ako" sagot ni Cory. Hinawakan ni Ely ang kamay ni Cory."Let's go" aya ni Ely. Muling sumulyap ni Cory ang Manager nila."Ma'am, alis na po kami. Salamat po" paalam ni Cory. Hindi naman n
Kung wala pang tumawag kay Ely ay hindi ito uuwi at doon na muna sa bahay nina Cory matutulog. Sobrang ayaw nang malayo ni Ely sa anak. Dalawang taon niya itong hindi nakasama. Siyempre nangungulila pa siya sa anak niya na itinago ni Cory."Carvie, ikaw na muna ang bahala sa mag ina ko. Uuwi lang ako. Bukas ay babalik ako para makasama silang muli" bilin nitong kay Carvie."Oo naman, Kuya Ely. Ako naman talaga ang laging tumitingin sa mag ina mo" sagot ni Carvie.Hinalikan ni Ely sa noo ang anak. Pagkatapos ay hinalikan niya sa labi si Cory."I will be back. And get ready, Cory when I'm back. Dahil isasama ko na kayo sa bahay ko" paalam ni Ely kay Cory."Baby, uwi muna si Tatay. Babalik si Tatay, ha. Hintayin mo ang Tatay" paalam din nitong sabi sa anak. Yumakap naman si Calli sa ama na nakasampay ang mga kamay sa leeg ni Ely. Tumalikod na si Ely sa kanyang mag ina. At sumakay ng kanyang kotse. Muling sinulyapan si Ely ang kanyang mag ina. Bago pumasok sa loob ng kanyang kotse. Kumaw
Nagising si Cory na katabi si Ely. Nasa sahig sila natulog na dalawa habang ang anak nila ay nasa higaan. At tulog pa din ito. Nakangiti na pinagmamasdan ni Cory si Ely. Naulit na naman ang mga nangyari sa kanila. Ibinigay na naman niya ang sarili ng buong puso dahil mahal niya si Ely.Kinintalan ng halik ni Cory si Ely sa pisngi saka tumayo. Diretso siyang pumunta ng banyo para maligo. Pagkatapos maligo at makapagbihis ay pumunta na siya ng kusina para magluto ng almusal ng mag ama niya.Masayang inaayos niya ang lamesa nang may marinig siyang boses."Gemma, I'm not at home. Okay. I have important thing to do today. So I can't be with you" ang sabi ni Ely habang nasa tenga niya ang telepono niya."Just wait when I come to the office. Bye" saka pinatay ni Ely ang tawag ni Gemma.Dali daling umalis si Cory sa may pinto at bumalik sa kusina. Nagkunwaring inaayos ang mga pinggan at baso. Nang may yumakap sa kanya. Kahit hindi niya tingnan ay alam niyang si Ely iyon."Good morning, Baby"
Pagkapark ng kotse ni Ely ay dumiretso na siyang lumabas ng kanyang sasakyan. At pumasok sa loob ng bahay nila. Naabutan niya ang Mommy niya na nasa sala at kausap si Gemma. Parehong napalingon silang dalawa. At malawak na ngumiti si Gemma ng makita si Ely.Tumayo at sinalubong ni Gemma si Ely ng yakap. Pero hahalikan na niya sa labi si Ely nang umiwas ito. Nagtatakang tumingin si Gemma kay Ely."What's wrong?" tanong ni Gemma. Umilig lang ng ulo si Ely."Kanina pa naghihintay si Gemma sayo, Ely. Saan ka ba galing?" singit na tanong ni Eladia sa anak."May pinuntahan lang pong importante, Mom" sagot ni Ely. Makahulugang tiningnan ni Gemma si Ely."Oh siya. Maiwan ko na kayo diyan. Mag usap kayo" sabi ni Eladia sa dalawang magkasintahan. At umalis na ito para pumunta ng kusina.Hinahawakan ni Gemma sa braso si Ely. Pero umiiwas ito."Can you sit down? And let's talk" pakiusap ni Ely kay Gemma."Sa akin ka pa ngayon nakikiusap para makipag usap sa akin. Why Ely? What happening to you?"