Share

Chapter 2

Going to Laguna

"Ma, sige na please pumayag na kayo" sinabi ko na kay Mama tungkol sa pagtatrabaho ko sa Laguna.

"Zoey malayo ang Laguna di mo kakayanin mag-isa roon" suway ni Mama.

"Ma, nasa legal age na ako saka po para naman po di na po alahanin sa gastusin ko di ba nga po si Zane sa BMA po siya mag-aaral edi malaking tuition fee po yun saka Ma wag po kayong mag-alala di ko po pababayaan ang sarili ko." Sabi ko. 'Need ko pa ata magpaawa effect eh'

"Ang desisyon ng Papa mo ang kailangan natin intayin" pumunta si Mama sa kwarto nila dahil narinig ng umiyak si Rane.

Tumawag sa akin si Papa at nalaman niya mula kay Mama ang pag-alis ko papunta sa Laguna.

"Saan ba sa Laguna?" Takang tanong ni Papa. Kavideo call namin siya ngayon.

"Sa Los Baños po doon po sa may Village po" sagot ko.

"Kailangan mo bang gawin 'to pwede ko naman sambutin yung overtime dito para di mo na maisipan magtrabaho dahil lang sa gusto mong makabawas sa bayarin sa pag-aaral niyo"

"Pa, alam niyo naman po na magaaral na si Zane sa BMA pa kaya magiipon ako para di na po kayo mahirapan dyan saka wag niyo naman pong pagurin yung sarili niyo dahil lang po sa gusto namin magaral lang"

"Andyan naman ang ate mo eh" 'dinamay pa si ate'

"Pa, ayoko pong makaabala kay Ate saka gusto ko pong maranasan magbanat ng buto. Yung pera na pampaaral ko ay galing sa hirap at sipag ko." Mahabang paliwanag ko.

Napahilamos na lang sya sa mukha.

"Sino yung magiging amo mo mabait ba?" Sunod na tanong ni Papa.

"Yung pong pamilyang Wattson po" nagulat ang tatay ko pati si Mama ay nagulat din.

"Seryoso ka ba Zoey?" Di makapaniwalang tanong ni Mama.

"Ma, seryoso po ako sila po yung magiging amo ko" paliwanag ko.

"Edi payagan mo na Pa." Sabi ni Mama.

"Sige na nga mabait naman ang mga Wattson sa pagkakaalam ko pero may isang kondisyon Zoey" Sumeryosong sabi ni Papa.

"Ano po yun Pa?" Tanong ko.

"Kausapin mo muna yung babaeng amo mo tungkol sa kontrata paliwanag mo sa kanyang mabuti. Zoey pinabigyan lang kita dahi gusto mong maexperience magtrabaho pero wag mo naman kalimutan ang pag-aaral mo naintindihan mo ba yun Zoey" tumango ako.

"Sige po Pa, Ma tawagan ko muna si Mam Lessandra para po sabihin na sa kanya." Umalis na ako at pumunta sa tindahan buti na lang pala wala pang bumibili.

Tinawagan ko na ang numero ni Mam Lessandra.

"Hello" bungad na sagot ni Mam Lessandra.

"Mam Lessandra si Zoey po ito nung tumawag po nung isang araw."

"Ahh Zoey ano sabi ng parents mo?" Ngumiti ako.

"Mam payag na po sina Mama at Papa" tuwang tuwa kong sabi.

"Good anyway kailan punta mo rito?" Tanong niya.

"Sa susunod na linggo na po Mam may aayusin lang po ako rito eh" sabi ko.

"Sige tawagan mo na lang ako para mapasundo kita sa mga driver dito"

"Mam wag na po magcommute na lang po ako" tanggi ko.

"Iha sa panahon na ito marami ng loko loko lalo na't first time kang babyaheng magisa" pag-alala ni Mam Lessandra sa akin.

"Mam nakakahiya po na papasusunduin niyo pa po ako mula sa amin okay na po na magcommute na lang po ako" pilit na tanggi ko.

"Haysss! Ganito if ever nasa Los Baños ka na just call me okay para mapasundo kita"

"Okay po" wala na akong choice kung di sundin ang gusto ni Mam Lessandra.

Makalipas ng 4 araw nung tumawag ako kay Mam Lessandra upang ipabalita sa kanya ang desisyon ng parents ko.

Sinulit ko ang mga araw ng kasama ko ang family ko lalo na si Rane.

Ngayon ay nandito ako sa Walter kung saan inimbitahan ko si Lara upang ipabalita ko sa kanya ang magandang balita ko sa kanya.

"Oh gandang ngiti natin dyan ah" bungad niya.

"Umupo ka muna eto yung order kanina pa nandito ito" tumawa na lang sya.

"Ano yung magandang balita sasabihin mo ah?" Umayos ako ng upo.

"Ano......ahmmm" naiilang ako.

"Ano nangbitin ka pa eh!" Reklamo niya.

"Hayss magtatrabaho na ako" sabi ko.

"Anak ng Zoey sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Nagtatakang tanong niya.

"Malamang alangan naman magbiro ako" pilosopo kong sabi.

"Eh saan ka magtatrabaho?"

"Sa Laguna" sagot ko.

"Bruha kalayo naman yun" reklamo niya. Akala naman niya siya magtatrabaho eh.

"At least makakasama ko sa iisang bubong ang crush ko" mahinang bulong ko.

"Oy narinig ko yun" 'malakas pala pakiramdam nito'

"Sinong crush si Levis Wattson ba? Maniwala!" Pangaasar niya. Pinakita ko yung pic nung messages namin ni Mam Lessandra.

"Anak ng? Totoo nga sana ol bespren" napailing na lang ako at natawa sa reaksyon niya.

"Tangina! Totoo nga" tinakpan namin yung bunganga ni Jessie.

"Jessie ano ka ba itikom mo nga yan bibig mo nakakahiya!" Sermon ni Rodelyn.

"Seryoso ka ba?" Tinaasan ko lang ito ng kilay.

'Parehas sila ni Lara parang nagbibiro ako eh'

"Akin na nga yan sa tingin mo ba magbibiro ako ah?" saad ko.

"Eto na nga naniniwala na pero kailan alis mo?" Tanong ni Ashley. Ngayon lang namin ulit kasama si Ashley dahil busy ito sa kanyang family.

"Bukas" nanlaki ang mga mata nila.

"Agad-agad" tumango ako.

"One week na lang ako rito kaya kailangan ko nang pumunta ng Laguna bukas" ngumiti ako sa kanila.

Niyakap nila ako ng mahigpit.

"Basta magiingat ka doon ah" tumango ako.

"Zoey, paalala lang ha wag ka masyadong mapahalatang may gusto ka kay Levis jusko Zoey may pagkabaliw ka pa naman minsan" napasimangot ako sa paalala ni Ashley.

"Oo nga Zoey basta text ka lang or chat sa gc para always latest yung story mo sa amin ah" natawa ako sa paalala nila.

"Zoey!!!" Tumingin ako si Lara pala.

"Bakit di mo sa akin sinabi kanina aalis ka na bukas?" Naiyak iyak pa siyang yumakap sa akin.

"Lara..... one year lang ako doon tapos na nandito na ako ulit kasama niyo" ngumiti ako ng niyakap ko siya ng mahigpit.

She's my bestfriend after all since when start our high school in Grade 7 because were classmate but noon nag-grade 8 na kami hanggang sa Senior High School ay di na kami magkaklase pero may communicate pa din kami kahit may iba siyang friends.

"Oy tama na iyakan yung pizza saka coke eto na" si Klein.

Masaya kaming kumain at nagaasaran pero ang no. 1 pikon sa amin ay si Jessie.

"Zoey mga paalala namin ah sundin mo kung di lagot ka sa amin paguwi mo" tumawa na lang ako.

"Ano ba naman kayo para kayo si Mama" napailing na lang ako.

"Oh papaano uuwi na kami. Magingat ka sa first byahe mo ah" tumango ako at niyakap silang lahat.

"I miss you guys" bulong ko.

"Oh tara na wala nang iyakan ah" umuwi na sila at ako ay sumakay na ng tricycle dahil tamad na akong maglakad papuntang sakayan at pauwi sa amin.

Kinabukasan ay naghahanda na ako ng gamit ko at inilalagay na sa maleta.

"Ma!" Lumabas na ako sa kwarto.

"Zoey kumain ka na!" Sigaw ni Mama.

"Palabas na po!" Sigaw ko.

'Para kaming nasa bundok'

"Oh ayusin mo na sarili mo. Zane! Ilabas mo na yung maleta ng kapatid mo!" Inilabas na ni Zane ang gamit ko.

Nagayos na ako ng gamit ko pati sarili ko ay inayos ko na.

"Zoey mag-ingat ka doon ah. Yung mga paalala ko sayo sundin mo yun ah" 'parang di naman na ako babalik eh'

"Ma, teka lang ah alam ko na po kaya tama na po baka masabihan pa kayo ng OA eh" biro ko.

"Tigilan mo nga ako Zoey Gaile" tumawa na lang ako.

"Zoey basta ah always ka tatawag sa amin. Naiintindihan mo ba" tumango ako.

"Zane ihatid mo na si ate Zoey mo" tumango na si Zane at isinakay na ang maleta ko. Hinalikan ko si Rane sa pisngi.

"See you next year baby Rane magpakabait ka kay Mama ah" ngiti ko at tumawa naman siya.

Nakasakay na ako sa bus papunta terminal ng Cubao kung saan ako hahanap ng sasakyan papuntang Laguna.

Makalipas ng tatlong oras ay nasa Cubao terminal na ako at hahanap ng sasakyan papuntang terminal ng Laguna.

"Laguna! Laguna!" Sigaw ng konduktor kaya sumakay na ako.

Umaandar na ang bus at mahaba haba ang byahe nito kaya makakatulog muna ako ng maayos.

Ilang oras ang nakalipas ay nasa terminal na ako ng Laguna pero di ko inaasahan may mababangga akong lalaki.

"Ay! Sorry po pasensya na po" paghingi ko ng pasensya sa nakabangga ko.

"Next time be careful" umalis na ito sa harapan ko at napatanto ko na familiar ang boses na yun.

'Si Levis Wattson yun ah'

Napasabunot ako sa sarili kong buhok.

"Geezeee! Kaasar bakit di ko agad namukhaan or narinig yung boses niya" bulong ko sa sarili ko.

May biglang lumapit sa akin.

"Miss ikaw po ba si Zoey?" Nakatingin ako sa sa lalaking nasa harapan ko. Nagalinlangan pa akong tumango.

"Pinapasundo ka ni Mam Lesandra sa akin" di pa rin ako makagalaw dahil sa sinabi ng mama nandito.

Bumalik lang ako sa wisyo ng may tumawag sa akin.

"Hello po" bungad ko

"Iha andyan na ba yung susundo sayo" napanganga ako at mukhang naguilty dahil sa mga naging action ko na ipinakita sa kanya.

"Yes po" sagot ko.

"O sya sige I wait you okay" ibinaba na niya ang tawag.

"Pasensya na po ah" tumango naman siya.

"Hayaan mo na alam kong mahirap magtiwala sa iba." Tumango ako.

Sumakay na ako sa kotse medyo malayo layo pala ang Los Baños sa mismong terminal eh.

"Andito na tayo Zoey" bumukas ang bintana at napa......

"Wow Manong ang ganda po rito hihihihi" mahinang ngisi ko.

"Tara na Zoey baka nagiintay na sina Mam Lessandra eh" tumango naman ako.

"Ako ng bahala sa mga gamit mo pumasok ka na" pumasok na ako sa mala-palasyong bahay.

"Hello po ako po si Zoey" pakilala ko.

"Hi! Ako nga pala si Mindy, sya naman si Lolita, at ito si Manang Indang" kumaway sila sa akin.

"Welcome dito sa bahay ng mga Wattson Zoey" ngumiti ako.

"Tara na at baka nagiintay na sila roon." Tumango ako at sumunod na sa kanila.

"Zoey finally I met you na" niyakap ako ng mahigpit ni Mam Lessandra.

"Mam masyadong mahigpit po" napabitaw siya sa yakap ko.

"Ay! Sorry iha na-carried away lang ako. Hayss anyway welcome to Laguna Zoey and welcome to my house" ngumiti ng napakatamis si Mam Lessandra.

"Salamat po Mam Lessandra" ngumiti ako.

"Tara ilibot muna kita sa buong bahay para alam mo." Tumango ako.

Inilibot niya ako sa buong bahay pati sa labas ay ang ganda ng tanawin lalo na ang mga halaman at bulaklak nito.

"This is the balcony dito kami halos tumatambay lalo na sa gabi at di lang ito ang meron sa amin ng hubby ko at kay Levis pero minsanan siyang umuuwi rito dahil busy ito sa kanyang career." Paliwanag niya.

'Ibig sabihin di siya palaging nandito. Sayang naman'

'Ano ka ba Zoey trabaho pinunta mo rito trabaho hindi paglalandi!'

Umiiling iling ako.

"Iha are you okay?" Namutla ako ng napansin ni Mam Lessandra ang pagiling ko.

'Baka mapagkamalan akong baliw nito eh!'

"Wala po Mam ano lang...... para po mawala yung antok ko kaya umiiling iling ako hehehe" palusot ko.

"Bakit di ka na kaya muna magpahinga tatawagan na lang kita para kumain at bukas na natin pagusapan tungkol sa kontrata" umiling ako.

"Mam ok lang po ako inaantok lang po ako pero sapat naman po yung tulog ko eh" saad ko.

"O sya sige ayusin mo muna yung gamit mo yung kwarto mo nga pala nasa taas sa tapat ng kwarto ni Levis." Tumango ako.

'Wait! Sa tapat ng kwarto ni Levis kyahhhhh!!!'

Gusto ko sanang sumigaw baka marinig ako at magpakamalang baliw.

Inayos ko ang mga gamit ko at nilagay sa cabinet. Nagbihis muna ako ng pajama at tshirt. Wala pa akong uniform pang maid kaya eto na lang muna.

Bumaba na ako upang hanapin si Mam Lessandra.

"Oh iha buti bumaba ka na" ngumiti ako.

'Bakit ang daming pagkain?'

"Di ko akalain na maganda ka pala sa personal iha" namula ako sa papuri ni Mam Lessandra.

"Salamat po Mam" ngumiti ako.

"Mam Lessandra bakit ang dami pong pagkain?" Takang tanong ko.

"Ngayon dating nila Lexie at Logan galing Australia kaya naghanda kami ng ganitong marami" napa "ahh" na lang ako.

"Mam nandito na po sina Mam Lexie at Sir Logan" Tumayo na si Mam Lessandra at sinalubong ang dalawa niyang anak.

"Mom I miss you" hinalikan ni Mam Lexie si Mam Lessandra sa pisngi.

"Mom" ngiting bati ni Sir Logan kay Mam Lessandra. Bumaling ang tingin nila sa akin.

"Mom who is she?" Takang tanong ni Mam Lexie.

"Siya nga pala Zoey siya sina Lexie at Logan mga anak ko." Ngumiti ako sa kanila.

"Magandang gabi po Mam Lexie at Sir Logan" kinakabahan kong bati pero nung nasa kalagitnaan ng getting know each other center namin ay may biglang umugong na sasakyan at huminto sa harapan namin at bumaba.

"Kuya Levis your here na"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status