Don’t Mess With Me

Don’t Mess With Me

By:  Dragon88@  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 Mga Ratings
66Mga Kabanata
9.9Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

LEXIE ZIMMERMAN- Isang simpleng babae na puno ng dignidad, nangangarap ng isang simpleng buhay na may kapayapaan ngunit mahirap para sa kan’ya na makaalis sa poder ng mga Terorista. Ang unang misyon ni Lexie ay patayin si Cedric ngunit dahil sa maling impormasyon na natanggap niya, nabigo ang kanyang misyon. Sa halip na patayin si Cedric, iniligtas pa niya ito. Idineklarang traydor sa kanilang grupo ang dalaga, dahilan kung bakit gusto siyang patayin ng mga kasamahan niyang terorista. CEDRIC HILTON- Sa edad na 34 ay naging matagumpay sa buhay, siya ang batang bilyonaryo na naging Governor ng Montenegro City. Naging obsessed sa babaeng nagligtas ng kanyang buhay. Hindi tumigil ang binata sa paghahanap sa dalaga hanggang sa natagpuan niya ang pamilya nito. Pwersahan niyang ipinakasal sa kanya ang dalaga, ngunit isang pagkakamali ang naging desisyon ng binata dahil ang babaeng pinakasalan nito ay ang identical twin ni Lexie, si Chloe Tanner. Ano ang gagawin ni Cedric kung malaman niya na ang babaeng kinahuhumalingan ay isang Terorista? May pag-asa pa bang magkatuluyan ang dalawa, gayong kasal na ang binata sa kakambal ni Lexie? Ano ang mangyayari kapag nagsama sa iisang bubong ang supladong Governor at ang makulit na dalagang Terorista? Siguradong babaligtad ang mundo mo dito. Samahan n’yo akong pasukin at tuklasin ang mundo ni Lexie Zimmerman at Cedric Hilton sa “Don’t Mess with Me.”

view more
Don’t Mess With Me Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Helen Silvano
wooow very beautiful
2023-11-30 07:38:23
1
user avatar
Yanne Bueno Nerizo
highly recommended ang ganda po ng story
2023-08-06 16:22:19
1
user avatar
Erna Bitoon
thank you Author.. super ganda,all in one Novel.. more power and godbless ...🫰......
2023-07-17 19:10:37
0
66 Kabanata
Prologue
“Swoosh…”Malakas na ihip ng hangin.Ang paligid ay nababalot ng kadiliman, wala kang ibang makikita kung hindi pawang mga nagtataasang puno at ang masukal na daan na kanilang tinatahak.Sumasabay sa huni ng mga kulisap ang malakas na paghinga ng mag-asawang Tanner.Walang katapusan na pagtakbo ng mga oras na ito habang kipkip sa kanilang mga bisig ang dalawang sanggol.Mga puso’y puno ng pangamba at takot para sa kaligtasan ng buong pamilya, hindi alintana ang mga sanga na sumusugat sa kanilang mga balat.Wari mo’y nakauunawa sa kanilang sitwasyon ang dalawang paslit, dahil kapwa tahimik at hindi man lang gumagawa ng anumang ingay.Ilang sandali pa ay huminto sa pagtakbo ang Ginang, pakiramdam niya ay pinangangapusan na siya ng hininga, habang ang Ginoo ay halos mabingi dahil sa lakas ng kabog ng kan’yang dibdib.“Huh! Huh! E-Elias, h-hindi ko na yata kaya…” anya sa kanyang esposo, habang sinisikap na mahabol nito ang kan’yang hininga.Mukha nito’y namumutla na at hindi na rin maampat
Magbasa pa
Chapter 1
Lexie’s POV Habang naglalakad ako sa isang maliit na eskinita ay may biglang humigit sa aking braso na siyang ikinagulat ko. Ang sana’y sigaw ko ay nakulong sa aking bibig, nang isang malaking kamay ang mahigpit na tumakip sa bibig ko. Lumapat ng husto ang aking likod sa matigas na katawan ng lalaki dahil sa mahigpit na pagka-kayakap nito sa akin, ngunit ng maamoy ko ang pabango nito ay biglang nawala ang tensyon sa buong katawan ko. “Huwag kang maingay,” mahinang bulong sa akin ni Quinlan, maingat akong tumango saka pa lang niya tinanggal ang palad sa aking bibig. Nanatili pa rin itong nakayakap sa akin mula sa likuran, ngunit ng maramdaman ko na merong kumagat na langgam sa aking binti ay pasimple kong inangat ang isang paa ko bago ikiniskis ito sa parte kung saan makati. Nakaramdam ako ng ginhawa ngunit nagtaka ako kung bakit imbis na ako ang umungol ay si Quinlan ang umungol. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang isang matigas na bagay na tumutusok mula sa ak
Magbasa pa
Chapter 2
Lexie’s POVNatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang aking kaibigan na si Susi, nakatanaw ito sa magandang tanawin na makikita mula dito sa itaas ng burôl.Isa sa mga nakaugalian naming magkaibigan sa tuwing may problema o nalulungkot kami, ang pagmasdan ang natural na ganda ng kalikasan.Kaya alam ko na may pinagdadaanan ito ngayon.“Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala.” Malumanay kong saad.Alam kong narinig ako nito ngunit ni hindi man lang siya nag-abalang lingunin ako at nanatili lang itong nakatingin sa kawalan. “Okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kanya bago umupo sa tabi nito. “Ano ang gagawin mo kung nalaman mo na ang lalaking minahal mo ng buong buhay mo ay may ibang babae na napupusuan?” Narinig kong tanong niya ng hindi lumilingon sa akin.Napabuntong hininga ako sa tanong nito, kasi naman, hindi ko alam ang isasagot.Okay lang sana kung ang tanong niya ay tungkol sa Math or English madali lang sagutin, pero kapag tungkol na sa pag-ibig? Hayts! ang hirap
Magbasa pa
Chapter 3
Lexie’s POV “Bang! Bang! Bang!” Pagkatapos ng magkasunod na putok ay tumalsik ang mga lata mula sa malayo. Natutuwang humarap ako kay Quinlan at makikita sa aking mukha ang matinding confidence para sa sarili. “Did you see that? I'm a sharpshooter now.” Ang mayabang kong pahayag. Umiiling na lumapit sa akin si Quinlan, huminto ito sa aking harapan at hinawi ang buhok na kumalat sa mukha ko bago ito inipit sa aking tainga. “Yeah, I know magaling ka na talagang humawak ng baril.” Ang malumanay nitong sabi. “So it means, I can join your group now every time you have a mission?” Nagagalak kong sabi habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi. Nagtaka ako kung bakit hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatitig sa aking mukha na halos hindi na kumukurap ang mga mata nito. Ilang sandali pa ay dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa aking mukha kaya naman kusang pumikit ang aking mga mata at tulad ng inaasahan ko ay lumapat ang labi nito sa aking bibig. Ito ang una
Magbasa pa
Chapter 4
Susi POV “Hindi ako makapaniwala na nagawa mo kaming pagsabayin ng kaibigan ko?” Matinding galit ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Labis akong nasaktan ng malaman ko mula kay Lexie na may relasyon na sila ni Quinlan.Kaya ngayon ay nandito ako sa kwarto ni Quinlan at kinukumpronta ito tungkol sa relasyon nilang dalawa ng kaibigan ko. “Enough Susi, alam mo naman na sa simula pa lang ay mahalaga na sa akin si Lexie, at wala pa ring magbabago sa ating dalawa kahit kami na ni Lexie.” Balewala nitong sagot sa akin bago umupo sa gilid ng kama. Para akong sinampal sa sinabi nito at ng mga sandaling ito ay parang naninikip ang dibdib ko ng marinig sa mismong bibig nito kung gaano niya kamahal si Lexie. Hindi makapaniwala na tumitig ako sa kan’yang mukha at makikita sa mukha ni Quinlan na talagang desidido ito na mamangka sa dalawang ilog. Masakit ito para sa akin dahil mahal ko ang kaibigan ko ngunit mahal ko rin ang boyfriend ko. Oo, matagal na kaming may relasyon ni Quinlan na
Magbasa pa
Chapter 5
Chloe’s POV“Bakit ganyan ang itsura mo? Sinong may gawa sa’yo niyan?” Galit na tanong ni Emerzon sa akin.Madilim ang awra ng mukha nito habang sinusuring mabuti ang aking kabuuan, tiim-bagâng ito habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay.Marumi kasi ang suot kong bestida at mayroon pang naka dikit na chewing gum sa likurang bahagi ng aking damit.“Tsk, hindi lang kita nasundo ngayong araw ganyan na kaagad ang inabot mo?Bakit ba hindi ka marunong lumaban? Hanggang kailan mo sila hahayaan na apihin ka?” Magkasunod na tanong nito sa akin.Nanatili akong walang imik habang tahimik na umiiyak nagmukha tuloy akong bata na sinisermunan ng kan’yang ama.Ayokong magtaas ng tingin dahil alam ko naman na awa lang ang makikita ko sa mga mata ni Emerzon.Kinabig ako nito sa kan’yang dibdib saka mahigpit na niyakap, naramdaman kong hinalikan ako nito sa bunbunan habang masuyong hinahaplos ang aking likod.Biglang gumaan ang pakiramdam ko ng makulong sa mga bisig nito, dahil nakasumpong ako ng
Magbasa pa
Chapter 6
Lexie’s POVKasalukuyan akong naghahanda para sa mission na isasakutaparan ngayong araw.Ito ang unang pagkakataon na sasabak ako sa actual na laban.Ang mission namin ngayong araw ay ang pasabugin ang isang gusali kung saan magaganap ang pagpupulong ng mga ilang corrupt na politiko.Sila ang Dahilan kung bakit hindi umuunlad ang aming bansa at mas marami pa ang naghihirap dahil sa pagiging gahaman ng mga ito sa kapangyarihan.“Fix yourself Lexie dahil sa pagkakataong ito ay hindi biro ang mission na ito, alalahanin mo na buhay nating lahat ang nakataya dito.” Seryoso na paalala sa akin ni Quinlan na siyang ikinatango ko.Hinalikan niya ang aking noo bago ako tinalikuran nito. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang matalim na tingin ni Susi sa akin kaya hinarap ko ito. “Parang may galit ka sa mundo ah? Let me guess hindi ka na naman ba pinakain? kaya ba masama ang loob mo?” Pang-aasar ko sa kan’ya kaya lalong tumalim ang tingin niya sa akin. “Kasi kinakabahan ako kapag
Magbasa pa
Chapter 7
Lexie’s POV Matinding pagdadalamhati ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito dahil sa pagkamatay ni Uncle Relly.Hindi ko matanggap na nagawa niyang isakripisyo ang buhay at pasabugin ang sarili upang magtagumpay lang ang mission na ito. Maging si Momma ay nalungkot mula sa nangyari ngunit wala kaming nagawa kung hindi ang umiyak at tanggapin na lang ang lahat. Kapalit ng pagsasakripisyo nang buhay ni Uncle ay isang malaking halaga para sa kanyang pamilya, bago pa maganap ang mission ay natanggap na ng mga ito ang pera.Labis akong naaawa sa matanda dahil namatay na lang ito na hindi naka-piling ang kanyang pamilya.“Momma, umalis na tayo dito, magpakalayo-layo na tayo, hm? Ayoko na pati ikaw ay mawala sa akin, Momma.” Pagsusumamo ko sa aking ina, pinipilit ko ito na lumayo na lang kami at magsimula ng bagong buhay ngunit nanatili lang itong tahimik at walang kibo.“Momma, parang-awa mo na! Makinig ka naman sa akin, oh.” Anya na patuloy na nakikiusap sa kanya.“Tumigil ka
Magbasa pa
Chapter 8
“Dad, pwede ba tayong mag-usap?” Tanong ni Alona sa kanyang Ama, ang tumatayong pinuno ng kanilang grupo.“Importante ba ang sasabihin mo? Dahil busy ako ngayon.” Nakaramdam ng lungkot si Alona dahil mula sa malamig na tinig ng ama ay ramdam niya na wala itong gana na makipag-usap sa kanya.Simula ng maliit pa lang siya ay malamig na ang relasyon nila bilang mag-ama.Hinawi niya ang kanyang sarili at pilit na itinago ang nararamdamang emosyon. Isa kasi sa kanilang tuntunin ay bawal ang magpakita ng kahinaan.“Nais ko lang imungkahi na bigyan ninyo ng isang misyon si Lexie upang masubukan ang kan’yang kakayahan at katapatan sa ating hukbo.Dahil nakikita ko na masyadong mahina at malambot ang puso nito para sa kalaban.” Seryosong sabi ni Alona habang diretsong nakatingin sa ama.Biglang nag-taas ng tingin si Commander Dulah at tumitig sa mukha ng anak. “Alam mo na si Lexie ang nakatakda na maging asawa ni Quinlan at isa sa napagkasunduan namin ng kapatid mo ay ang hindi pagbibigay ng
Magbasa pa
Chapter 9
Lexie’s POV “Honey, are you okay?” Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng muli kong marinig ang tanong na ito mula kay Quinlan.“Look honey, ilang beses mo na bang tinanong sa akin ‘yan? relax, okay? And take a breath.” sabi ko sa kanya bago sinundan ng isang mahinang tawa. Narinig ko ang nang-aasar na tawa ni Susi mula sa kabilang linya. Natatawa na lang kami sa inaasal ngayon ni Quinlan, ako ang may misyon ngunit ito ang mas kinakabahan kaysa sa akin.Samantalang ako ay matinding excitement ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito.I am so happy to have him kasi for me he's the perfect boyfriend. Napaka-sweet at mapagmahal na kasintahan si Quinlan.Isa rin sa nagustuhan ko sa kan’ya ay ang pagiging overprotective nito sa akin, ni katiting na galos ay ayaw akong magalusan nito. Mas matanda siya sa akin ng anim na taon kaya matured na siyang mag-isip.Hindi katulad ko na walang pakialam sa paligid kaya ang mga kasamahan ko ay masyadong napi-preasure sa a
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status