"SIGE, MATUTULOG na ako. Ayusin mo lang tumawa diyan."
He can't help but to smile. Hindi rin niya alam kung bakit sumang-ayon siya sa kanyang ina na ito ang pan-samantalang magbantay at umalalay sa kanya. Ngunit hindi niya ikakaila na unti unti niyang nagugustuhan ang presensiya ng dalaga.
Katulad ng kanyang asawa, tila napaka-positibo nito sa buhay. Palagi itong naka-ngiti. Tila walang mabigat na pinagdadaanan sa buhay. She is exactly his opposite. Dahil siya ay tila pasan ang daigdig. Minsan na siyang naging masaya ngunit panandalian lang iyon. Nang mawala ang pinaka-mamahal niyang asawa, pakiramdam niya ay hindi na siya mabubuong muli.
Ngunit si Wevz, hindi nito maalala ang dalawangpu't apat na taon ng buhay nito ngunit nanatili itong masiyahin. Hindi ito basta basta natitinag. Bale
NAKA-TUNGHAY LANG si Wevz kay Syke habang hinihintay nila si Dr. Perez. Papunta na raw ito at ano mang oras ay darating na. Lumalapit lang siya sa lalaki sa tuwing gusto nitong pumunta ng banyo. Sa madaling salita pasyente nga niya ito. Nakikita niya itong napapa-ngiwi sa tuwing tatayo o mag-iiba ng posisyon. Minsan ay nakaka-tanggap ito ng mga tawag. Malamang sa opisina o ano mang may kinalaman sa trabaho. Napag-pasyahan niyang kumuha ng mga magazines at magbasa-basa. Ang totoo ay hindi naman niya masyadong binabasa, kapag may nakikita lang siyang mga interesante. Hindi nagtagal ay dumating si Dr. Perez. Bahagya pa siyang natulala, dahil hindi ganito ang itsura ng doktor na inaasahan niya. Ang akala niya ay matanda na ito at yung tipong nakasalamin. Ngunit ang doktor na nasa harapan niya ngayon ay parang hindi doktor. Parang mas akma
"DADDY! ARE YOU OKAY?"Narinig ni Syke ang tinig ng anak na babae. Ngunit ilang beses muna siyang kumurap kurap upang masigurong ang asawa nga niya ang kanyang narinig kanina. He is really sure about that! Narinig niya si Maridel kanina. Narinig niya kung paano siya tawagin nito ng "love", iyon ang endearment nila sa isa't isa. Ngunit ilang beses siyang kumurap, si Wevz ang nasa harapan niya at hindi si Maridel."Love is all that matters." Anang dalaga at nginitian siya. Pag-kuway lumapit dito ang anak niyang lalaki.Siya naman ay naagaw ang pansin ng anak na babae. "Daddy, are you okay?" Tila may pag-aalala sa tinig nito. Inabot niya ito at binuhat upang ma-i-upo sa tabi niya. Sa tuwing nakikita niya ito ay hindi niya maiwasang maalala ang pumanaw na asawa. Kamukhang kamukha ito ni Maridel. Samantalang ang anak nil
HINDI ALAM ni Wevz kung ano ang dapat maramdaman habang naka-higa sa malaking kama ni Syke. Kung sino man ang makaka-kita sa kanila ngayon ay tiyak na mapagkakamalan silang isang pamilya. Nakapa-gitna ang dalawang kambal sa kanila ng lalaki. Katabi niya si Thea at si Enzo naman ay katabi ng ama nito. Kasalukuyang namimili ng panonoorin si Syke.Hindi niya ipagka-kaila na gusto niya iyon sa pakiramdam. Ang maging ina ng kambal. Ngunit bakit parang may pag-asam din sa puso niya ang maging asawa ni Syke?"Ah! Ano bang naiisip ko." Wala sa loob na sambit niya."What is it, tita pretty?"Doon lang niya napag-tantong naisatinig pala niya iyon, nang marinig ang tanong na iyon ni Thea.Nang bumaling siya rito ay nakita niyang maging
BAHAGYANG PINAGMASDAN ni Wevz ang kambal habang mahimbing pa rin na natutulog. Maging ang ama ng mga ito ay mukhang napaka-sarap pa ng tulog.Tila may kung anong humaplos sa puso niya sa nakikita ngayon. Hindi pa rin niya maipaliwanag kung bakit mayroon siyang pangungulilang nararamdaman. Nang naramdaman niyang nag-uulap ang kanyang mga mata ay ilang beses siyang kumurap kurap upang pigilan ang mga luhang nagbabadya.Napag-pasyahan niyang bumaba sa may kusina at mag-bake ng carrot cake. Nag-iwan siya ng note para kay Syke na tawagan nalamang siya nito kung sakaling kakailanganin nito ng aalalay dito. Sinabihan niya rin ito na nasa kusina lang siya.Nadatnan niya sa kusina sina aling Bebeng at manang Fe. Mukhang naghahanda na ng almusal ang mga ito."Magandang umaga po."
HINDI ALAM ni Syke kung bakit bigla siyang nainis sa dalaga, nadamay pa tuloy ang mga anak niya. Mukhang gustong gustong tikman ng mga ito ang carrot cake na gawa ni Wevz. At sa dinami-dami naman kase ng pwedeng i-bake ng dalaga, bakit carrot cake pa ang napili nitong i-bake?Ang carrot cake ay nagdadala ng kakaibang ala-ala sa kanya. Kaya nga ayaw na niyang kumain ng cake na ito simula ng pumanaw ang kanyang asawa. Carrot cake is his favorite cake. And knowing that it is his favorite, Maridel took an effort to bake it with her own recipe. Pinag-aralan iyon ng kanyang asawa at hinding hindi niya makakalimutan ang kasiyahan sa mukha ng asawa ng sabihin niyang iyon ang pinaka-masarap na carrot cake na natikman niya."Talaga ba? Sigurado ka na ang carrot cake lang ang dahilan?" Tinig iyon mula sa kanyang isip.
NAKATUNGHAY PA rin si Syke sa kawalan. Iniisip niya kung ano ang nangyari? Siya dapat ang naiinis sa babaeng iyon at ito dapat ang humingi ng tawad sa kanya. Ngunit sa bilis nitong magsalita, ay tila naisahan na naman siya ng dalaga. Sa bandang huli ay ito pa ang tila na-agrabyado!Dapat lalo siyang mainis kay Wevz. Ngunit taliwas iyon sa nararamdaman niya ngayon. Napakamot siya sa kanyang ulo habang nangi-ngiti. Ibang klase talaga ang babaeng ito."Parang si Maridel?" Usig ng isip niya.Umiling siya. Hindi niya na dapat ikinu-kumpara ito sa yumao niyang asawa. Binuksan niya ang refrigerator at tila gusto niyang magsisi kung bakit niya pa naisipang buksan iyon.Nakita niya ang natirang isang slice ng carrot cake! Hindi niya
NANANAKIT ANG kanyang buong katawan nang mag-kamalay. Ngunit nang mahagip niya ng tingin ang sarili sa wasak na side mirror ng sasakyan ay hindi siya iyon! Ito ang magandang babae na nakikita niya sa kanyang panaginip. Duguan ito at tila nahihirapan. Tumingin ito sa babae na katabi. Sinikap nitong gisingin ang babae. Umungol ang babae at may ibinulong ngunit nanatili itong naka-pikit. Tila iniinda ang bawat sakit. Duguan din ang babae."Anak ko.... Anak ko..." Paulit ulit iyong sinasambit ng babae.Tila pilit pinapagana ng magandang babae ang isipan. Ginamit nito ang natitirang lakas upang buksan ang sasakyan."Halika, lumabas tayo." Nanghihinang saad nito sa babae."Iligtas mo na ang sarili mo. Ang anak ko... huwag mo sana siyang
HINDI ALAM ni Wevz kung paano niya haharapin si Syke, matapos ang nangyari kagabi. Nahirapan nga siyang maka-tulog dahil paulit ulit sa isipan niya ang halikan nila kagabi! At naiinis siya sa tuwing naaalala niya na kaya lang naman siya hinalikan nito dahil malamang nakita na naman nito ang asawa nito sa kanya!Bahagya siyang sumilip mula sa pintuan ng kanyang silid at nang makita niya si Syke mula sa malayo na tila abala sa kausap sa telepono ay dali dali niyang sinara ang pintuan.Nagpalipas siya ng dalawang minuto bago buksan ulit ang pintuan. Naka-hinga siya ng maluwang ng masigurong wala ng tao roon. Palinga linga siya sa paligid. Dinaig pa niya ang isang secret agent sa ikinikilos."Anong ginagawa mo?" Naka-hinga siya ng maluwang ng mapag-sino ang may-ari ng tinig na iyon.