IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”NOONG tiyak na saglit na iyon, mistulang nakikipagkarerahan ang lakas at bilis ng pagtibok ng kanyang puso sa pagbaha ng mga isipin sa kanyang ulo.Napabitiw siya mula sa pagkakahawak doon nang maramdamang unti-unti nang nagsisimulang mangatal ang kanyang mga daliri.Agaran niyang ibinalik ang kumpol ng susi sa bag na nakakabit sa kanyang balikat.Hindi na maaaring nagkataon lamang ang lahat ng iyon.Ang bukas na kandado sa harapan.Bukas na ilaw sa loob ng kanyang mismong opisina.Maging hanggang sa mga gasgas na kanyang natagpuan sa hawakan.Hindi na—hindi na maaaring nagkataon lamang ang mga iyon.Hindi maaari. Marami siyang mahahalagang mga dokumento.Ano . . .Ano ba’ng nangyayari?Bagsak.Kanyang dinako ang parihabang bintana sa kanan. Lilinga-linga; pilit na hinahagilap ang lugar ng pinanggalingan ng kanyang narinig.Nanlalaking mga mata.Malakas na tibok ng puso.Hindi pa man niya tuluyang naiproseso sa kanyang utak ang lahat, nagkukumahog na siya
IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”NANGANGALIGKIG niyang mga daliri ang mahigpit na lumamukot sa hawak.Napaangat siya ng tingin. Maliliit na ingay ang paulit-ulit na kumakalansing sa bakuran ng kanyang mga tainga.Hindi tumitigil.At mukhang . . . nakikilala niya ang tunog na iyon.Nagsimula siyang maglakad palapit sa pinanggagalingan ng tunog—palakas iyon nang palakas. Nang nasa paanan na siya ng kanyang mesa, doon siya napahinto nang pamilyar na papel ang lumipad at nakuha ang kanyang atensiyon.Muli niyang tiningnan ang papel.Nasundan ng kanyang mga mata ang pagkawala niyon mula sa kanyang hawak kasabay nang sunod-sunod na paglantad ng kaparehong mga papel sa kanyang harapan.Records.Madalian niyang dinalo ang likuran ng lamesa kung saan nagmumula ang mga papel.Marahas niyang itinulak ang mesa pagilid, at doon natagpuan ang kanyang printer na paulit-ulit na ginagawan ng kopya ang records na pinakaiingatan niya.Ang medical records ni Selene.“Shit!”Hindi niya naiwasan ang magpakawa
IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”“SO.” Marahan siyang napatalon sa pagkakagulantang nang dumilat ito at muli siyang sinalubungan ng ngisi.“You dropped a question earlier. And I dropped mine.” Marahas siyang napalanghap ng hangin nang tumayo ito.“Will you answer mine once I answer yours?”Hindi niya binabawi ang kanyang tingin mula sa mga mata nitong mapaglaro, sa labi nitong nakaukit ang isang ngising ginagawa siyang tuliro.Wala siyang balak sagutin ito.Nanatili siyang kalmado kahit na taliwas sa kanyang ipinapakita ang damdaming sumisiklab sa kanyang looban.Nanunuya itong tumawa bago siya irapan. “Okay, I’ll tell you why I’m here.”Humakbang ito palapit.“The answer is simple. You maybe even know the reason why, Doctora.” Hindi siya nagpapatinag sa mga tingin nitong hinuhukay ang kanyang ikinukubling takot.May inilabas itong papel.Kaagad na lumipat ang kanyang tingin doon. Napansin niya ang muling pag-angat ng dulo ng labi nito.“I want this medical record to be clear.”Nanlaki a
IKATLONG TAUHAN TUMANGHAL sa mga labi ng anim na taong gulang na batang babae ang ngiting tagumpay. Maliwanag, at bakas ang pagiging dalisay roon. Kabubukas niya pa lamang sa laruan niyang bahay ng manika, iyon ay handog sa kanya ng kanyang ama. Kulang na lamang ay magbunyi ang kanyang mga mata sa nakikita. Bukod sa kumpleto iyon sa mga kagamitan, mas ikinagalak ng kanyang puso ang diwang iyon ang kauna-unahang regalong natanggap niya. Inabot ng kanyang bulilit na mga kamay ang minyaturang laki ng babaeng manika na kasinglaki ng kanyang hinliliit; sinimulan niyang palibutin iyon sa laruang dalawang palapag na pamamahay. Kanyang inaawit ang paborito niyang tugmaang pambata na ‘Twinkle, Twinkle, Little Star’, ’di pa rin mawala-wala ang pagkapaskil ng maliwanag na kurba sa kanyang mga labi. [ tugmaang pambata - nursery rhyme ] Napabalin
IKATLONG TAUHAN“Selene” INGAY ng ambulansya. Napatakip siya sa kanyang tainga sa labis na pagkairita: kailanma’y hindi niya magugustuhan ang alingawngaw niyon. Halos lahat ng estudyanteng nasa paligid ay huminto . . . subalit nagpatuloy rin sa kanya-kanyang ginagawa. Hindi na bago ang ingay na iyon sa kanilang lungsod. Apat na beses kada linggo? Araw-araw? May mga pagkakataon pa nga’y dala-dalawang aksidente bawat araw. Nakababahala man, nasanay na lamang din ang kanilang mga pandinig sa t’wing may nababalitang aksidente. Napatanaw siya sa kalangitan. Sumalubong sa kanyang mga mata ang pangalan ng kanilang paaralan, ‘University of Xanadu’, na nakalilok sa itaas na bahagi ng tarangkahan ng eskuwelahan. Sa kabila ng lumalamang na dilim sa pinag
IKATLONG TAUHAN“Selene” ISANG linggo na ang nagdaan. Isang linggong walang tumatawag na ‘anak’ sa kanya. Isang linggo na rin ang nakararaan magmula noong masalpok ang kanyang ama ng ambulansya. Walang saysay. Walang kabuluhan. Mistulang walang hanging sumisirkulo sa kanyang katawan. Nagmistula siyang bangkay. Nakahiga ang kanyang katawan sa malamig na sahig sa gawing kanan ng kanyang higaan: walang imik, walang isinasambit. Nagdaan ang isang linggong iyon na nagmumukmok lamang siya sa puwestong iyon: tanging lugar na siyang kanyang naapakan. Parang tinakasan ng lakas ang kanyang mga paa’t namamaga ang kanyang mga talampakan. Nanatiling ’di nagagalaw ang kama niyang nasa maayos pang lagay. Tanging gilid lama
IKATLONG TAUHAN“Selene” TUNOG ng kampana. Kagalakang bakas sa mukha ng kanyang mga kaklase. Buntonghininga mula sa kanilang guro. Katatapos pa lamang ng kanyang huling klase para sa umaga. Nagmamadali niyang inayos ang kanyang mga gamit at isinilid ang mga iyon sa kanyang bag. Isinukbit niya ang sintas sa kanyang balikat bago tumayo. Sinundan lamang ng kanyang mga mata ang paglisan ng pigura ng kanyang mga kaklase mula sa pintuan. Hinintay niya munang siya na lamang ang matira bago lumabas ng kanilang silid-aralan. Dinalo niya ang hagdanan subalit siya’y napatigil nang sumilay sa bukana ng kanyang mga mata ang paligid. Pinagmasdan niya iyon. Marka ng nalalapit na selebrasyong gaganapin sa kanilang paaralan ang kaaya-aya at m
IKATLONG TAUHAN“Selene” NAPAIHIP ng hangin. Napahilot sa sentido. Nagbuntonghininga. Pinulot niya ang panulat na nakapatong sa kanyang armchair at nagsimula nang muli sa pagsagot. Subalit . . . blangko pa rin ang kanyang isip. Wala pa ring pumapasok na kahit anong detalye sa kanyang utak. Sigurado siyang pinag-aralan niya ang paksang siyang tinatalakay sa kanilang pagsusulit ngayon. Kahit nga ang pagsasaulo ay ginawa na niya kagabi’t kaninang umaga kaya’t lubos siyang nadismayang kahit isang salita’y walang sumasagi sa kanyang isipan. Lubos na dumagdag pa sa kanyang mga iniisip ang naging away ng dalawa niyang kaibigan noong nakaraang araw. Tatlong magkakasunod na araw lumiban sa klase si Lickesia. Tatlong