"You'll stick with your tito and tita, okay?" Bilin ni Shan sa dalawa niyang anak na nakahawak sa magkabilang kamay ni Yhurlo. Atat na tumango-tango naman si Kreizser tsaka mabilis at nakangiting tinakbo ang anak ni Yhurlo na kanina pa nakasampa sa sahig habang hinihintay si Kreizser para makapaglaro na sila ng mga manika. Umiling na lamang si Shan nang makita kung gaano kasaya makita nila Kreizser ang isa't-isa tsaka niluhod ang isang paa para pantayan ang tangkad ni Kreizsure. "Take care of your sister, okay?" Paalala ulit ni Shan at ginulo ang basang buhok nito. Tahimik na nakangiting tumango naman si Kreizsure dahilan para bumalandra ang dalawang malalim nitong dimples. Kahit pa hindi magawang ipagtanggol ni Kreizsure ang kanyang sarili ay alam ni Shan na kayang-kaya nitong ipagtanggol aa nakakabatang kapatid. "Kayo na muna bahala sa kanila." Pagkausap ni Shan kay Yhurlo pagkatapos kausapin si Kreizsure tsaka bahagyang tinapik ang balikat nito. Napangiwi naman si Yhurlo bag
Naputol lamang ang tila nawalang ulirat ni Shan nang aksidenteng dumapo ang mga mata niya sa halatang may kaedaran ng lalaki na paroo't-parito ang paglalakad habang sapo-sapo ang noo. Nakasuot ito ng simpleng puting shirt na pinaresan ng jaggy pants at simpleng pares ng asul na tsinelas. Mukhang hindi sa kanya ang suot na damit dahil halata ang pagiging maluwang nito. Wala sa sarili man ay pinagmasdan ni Shan ang lalaking tila balisang-balisa at atat na atat sa kung ano. Kung dati ay itim ang buhok nito at mukhang malusog sa lahat ng malulusog, ngayon naman ay halos wala ka ng mahita na kulay itim sa buhok nito dahil mas pumapaibabaw ang puti. Nangangayayat rin ang katawan nito at konting-konti na lang ay makikita mo na ang buto-buto nito na dati-rati'y puro kalamnan. Bahagyang kumuba rin ang likuran niya na para bang nahihirapang ituwid ang katawan at maglakad ng hindi humihingi ng pangbalanse. Aksidenteng dumapo ang mga mata ni Shan rito nang huminto ito sa paglalakad dahilan par
Nangunot ang noo ni Kreizser nang mapansin na inaalalayan ito ni Zach sa balikat habang bahagyang nakakuba ang katawan dulot na rin ng katandaan. "Are you sick, po?" Nag-aalalang tanong ni Kreizser at wala sa sariling hinawakan ang kulubot na braso ni Erick. Tumingkayad pa ito para pilit na abutin ang noo dahilan upang bahagyang ibaba ni Erick ang sarili. "You're not sick but why do you look so weak, po? Do you tire yourself everyday? You know what po, my Mommy studied in medical field and I certainly know that she can heal you! Come here, po!" Sunod-sunod na sinabi niya pa at hinila si Erick papunta sa long sofa para paupuin doon. Lahat ay parang mga manonood na hinihintay ang magiging climax ng eksena habang nakatingin sa kanilang dalawa. Tahimik lamang sila tila inaabangan ang susunod na mangyayari. Maya-maya pa ay napansin nila na tumayo si Kreizsure at tahimik na naglakad papunta sa direksyon ni Shan. "Mommy, you can heal him, right?" Tanong nito matapos hilahin si Shan sa d
Kasalukuyang nakatayo ang matangkad at makisig na binata sa tabi ng kanyang kama. Naksuot ito ng simpleng titanium basic tees kapares ang isang itim na cargo shorts. Sa simpleng pananamit nito ay masasabi mo ng napakalakas ng dating niya sa mga kababaihang kaedaran nito. Makapal ang kanyang mga kilay at mapupungay ang mga mata tsaka matangos ang ilong. Matataba ang magkabilang pisnge tsaka may perpektong hugis ng panga at may mapuputi at maayos na ngipin bagay na mas lalong nagpapalakas ng kanyang dating. Masaya nitong pinagmamasdan ang isang dilag na mahimbing na natutulog. Kontentong-kontento na ang kanyang puso habang nakatingin lamang sa babaeng mahal niya. Maya-maya pa ay bahagyang napangiti ang binata sa sarili bagay na ikinailing nito bago wala sa sariling napasulyap sa labas ng kanyang bintana.Ang gabing malalim at ang malamig na simoy ng hangin habang patuloy na isinasayaw ang bawat sanga at berdeng dahon ng mga matatayog at matataas na mga puno at magagandang
Waking up means accepting the cruel reality. Reality that has an opening door, but doesn't have an exit.•••Pawis na pawis ang noo ko habang habol-habol ang sariling hiningang nakasapo ang isang kamay sa aking sentido. Nanginginig ang aking katawan at nanlalamig ang aking kalamnan. Wala sa sariling kong kinapa ang bandang uluhan ko para lamang kapain kung may sugat ba ako doon. Nang makitang wala naman ay wala sa sarili akong napahinga ng malalim tila nabunutan ng malaking tinik tsaka dahan-dahang pinalibot ang paningin sa kabuoan ng silid.Isang napakakinis, maputi at sementadong pader ang unang bumungad sa aking mga mata. Malaking itim na tv screen at dalawang long sofa na may isang maliit na kayumangging coffee table mula sa di-kalayuan sa akin. Isang malawak na bintanang silhouette na kitang-kita ang napakaganda at napakaaliwalas na pinaghalong asul at dilaw na kalangitan. Dahan-dahan kong binaling ang aking paningin sa maingay na m
You don't know what might happen in the future if you don't think the consequences of your actions.Yhurlo's Pov:"What the hell were you thinking, huh!?" He furiously shouts in front of me which made me quiver. Mixture of pure fear and nervousness was all I can feel right at the moment. Nakakatakot talaga magalit si Papa dinaig pa ang gutom na leon, parang kapatid ko lang. Palihim akong napailing sa aking naisip tsaka nanatili na lamang na tahimik.You should shut your mouth up, Yhurlo because this shit is all your fault!"Your sister nearly died! It's that what you want?" He growled. His eyebrows made a line and his forehead wrinkles after crossing his arms. I aggressively shook my head before looking straight into his glaring eyes. I saw how the tip of his nose turned into red because of anger. His breath was ragging while tightly squeezing his both knuckles as if he's playing slime. His well-ironed and clean, white lab coat wrinkles because he's
Letting someone manipulate you can ruin your life. Learn to say no, be the controller of your own race and invite the obstacles on your competition.Author's Pov:May mga taong nagbabago, hindi dahil gusto nila, kundi dahil iyon ang sa tingin nila ang dapat na gawin. Pakiramdam nila'y sila ang dapat umako ng mga kasalanan at kakulangan ng iba. Iyong tipong hindi mo naman dapat talagang isiping responsibilidad mo ang bagay na iyon dahil ang totoo, nakokonsensya ka lang sa nangyari. Nakokonsensya ka na isiping imbis na ikaw iyong nakakaranas ng paghihirap at pagdudusa, ikaw pa iyong masayang-masaya sa buhay na mayroon ka kahit alam mo naman talagang hindi ka karapat-dapat roon. Ang konsensya kasi ay dadalhin ka kahit saang sulok ng iyong isipan. Minsa'y napapahinto ka na lang sa gitna ng daan at mapapaisip kung tama ba iyong ginawa ko? Dapat ba akong humingi ng paumanhin? Karapat-dapat ba akong maging masaya kahit na alam kong ako dapat iyong naghihirap ngayon? Maiiy
Sometimes, good people are the bad ones and bad people are the good ones. You will never know what kind of person you'll interact. Author's Pov:Umaga, tanghali hanggang hapon sadyang napakatahimik ng kwarto ni Shan, paano ba naman kasi hindi pa lumalabas ang araw at nagsisimula pa lang sa pagtitilaok ang mga manok ay wala ng tao sa kanyang kwarto. Maagang-maaga pa ay nakaparada na ang kanyang sasakyan sa gilid ng police station, kung nasaan nagtatrabaho si Zach. Umaasa siya na baka makikita niya rito ang binata kahit na ang alam niya'y napakaimposible niyong mangyari. 'Mali ba ang umasa kahit alam mo ng una pa lang ay wala ka na talagang pag-asa? Mali bang magbaka-sakaling isipin na makikita kong muli ang taong mahal ko? Mali bang magkunwari na hindi siya tuluyang nawala sa mundong ito? Gustong-gusto ko ng tanggapin ang nangyari, pero sa tuwing sinusubukan ko doon naman ako ginugulo ng puso ko. Pinapaniwala at ginagawang tanga na baka posibleng buhay p