Forgotten by the one who you loved the most is the most painful heartache.
Author's Pov:Parang nabunutan ng napakalaking tinik si Shan matapos bigkasin ng buong kompyansa ang mga salitang iyon. Binuga ni Shan ang malalim na hininga at humugot muli ng hininga bago ito dahan-dahang pinakawalan tsaka tumingin sa mga mata ni Zach.Ang asul nitong mga mata ay unti-unting nababahidan ng hindi maipaliwanag na pagtataka, kaguluhan at pagkalito sa sitwasyong mayroon sila. Tinignan ni Zach si Shan ng diretso sa mga mata bagay na nagsimulang nagpatakot sa pagkatao ng dalaga. Minsang pinunasan ni Shan ang mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata gamit ang dumudugo niyang palad. Wala sa sarili naman iyong sinundan ng paningin ni Zach at kitang-kita sa kanyang mga mata ang walang emosyong ekspresyon.Ang kanina'y magaang kalooban na namumunga sa puso ni Shan ay unti-unting naglalaho at napapalitan ng pangamba at takot matapos dahan-dahang hawakan ni ZacAuthor's Pov:"Let's go so that I can treat your wounds," baling ni Yhurlo kay Shan. Ilang beses na napakurap si Shan na para bang nagising sa isang panaginip tsaka ito dahan-dahang tumingin ng diretso sa mga mata ni Yhurlo dahilan para makita na naman ni Yhurlo ang kakaibang sakit, puot at pighati na nararamdaman ng kanyang kapatid na ilang taon na nitong tinatago sa lahat. Sabay na nag-iwas ng tingin silang dalawa tsaka hinayaan na lang ni Shan na dalhin siya ni Yhurlo palabas ng mansion at papunta sa sasakyang kanina pa naghihintay sa kanila. Pagkasakay na pagkasakay pa lang ni Shan at Yhurlo sa first cab ng van ay siya namang pag-abot ni Sofilia ng first aid kit para magamutan na kaagad ang mga sugat ni Shan samantalang sina Kitty at Samer naman ay todo tanggal sa iilang pirasong cake at mantsa na nasa damit na suot ni Shan. Pagkatapos nilang ayusin ang suot nitong damit ay mabilis na inabot ni Cassie kay Kitty ang wet wipes na kanina niya
Little by little the problems will start to appear. Step by step the solutions starts to show, but that doesn't mean that you know everything. Author's Pov:Bakit sa tuwing napapalapit tayo sa tagumpay ay tsaka naman ito lalayo? Bakit sa tuwing sumasaya tayo kahit isang minuto lang ay may kapalit agad na delubyo? Bakit sa tuwing kailan kompleto na ang lahat ng gusto mo ay tsaka naman ito mawawala? Talaga bang mapaglaro lamang ang tadhana, o sadyang tinitignan lamang nito kung hanggang saan lang kaya mong lumaban? Nakakatawa diba? Hindi mo mawari kung kailan mo makukuha ang tagumpay, hindi mo mawari kung kailan ka ulit magiging masaya at hindi mo malalaman kung kailan mo ulit makakamit ang gusto mo, pero kataka-takang nararamdaman mo kung kailan at anong oras ang magiging pagbagsak mo. Nakakainis ang ganitong takbo ng oras. Nakakainis ang laro ng tadhana.Mabilis na pinunasan ni Shan ang mga luhang nagsisimula nang tumulo mula sa kanyang mga mata
Does coincidence really exist or is it just the way how people comforts themselves?Author's Pov: Ilang taon ka na ba? Ilang taon mo na bang niloloko ang sarili mo na lahat ng aksidenteng nangyayari sa buhay mo ay hindi basta-basta lamang na aksidente. Paano kung ang mga aksidenteng mga senaryong nangyayari sa buhay mo ay siya na palang tadhanang hindi mo nanaising malaman. Naniniwala ka ba talaga sa aksidente? O ginagawa mo lang tanga ang sarili mo para maiwasan ang ideyang gano'n talaga ang kapalaran mo? Nakakatawa mang isipin, pero mananatili at mananatiling nasa panganib ang buhay mo kung talagang ito ang nakatadhana sa'yo.Kasalukuyang pinupunasan ni Aya ng puting maliit na tuwalya ang kanyang pana habang nilalaro sa kanyang kaliwang paa ang kanyang alagang itim na kuting. Kanina pa siyang madaling-araw nagising kung kaya't napakarami na niyang trabahong natapos bago pa magsikat ang araw. Nakapagluto na siya ng almusal, nakapaglinis ng baha
A very suspicious person can be your ally or worst, your enemy. You would never know their intention behind their actions. Some may help you, but most of the time it makes you miserable. Author's Pov:"Here," pang-aabot ni Aya kay Shan ng komportableng damit. Kani-kanina lamang sila nakarating sa kastilyo at naisipang pansamantala munang magpahinga pagkatapos ng nakakapagod na biyahe nila para lamang makarating rito. Hindi nila alam kung ilang oras silang naglakbay at nagbiyahe. Umagang-umaga pa no'ng umalis sina Aya at Shan sa kubo kasama si Riri. Mahigit-kumulang isang oras nilang nilakad ang gitna ng kagubatan para lamang makarating sa sentrong kalsada, kung nasaan dumadaan ang mga sasakyang bumabyahe ng ilang oras. Pagkatapos nilang lakarin dalawa ang kagubatan ay tumagal na naman sila sa kalsada kakahintay ng mga sasakyang magpapasakay sa kanila. Dahil siguro sa suot na damit ng dalawang dalaga ay tinatanggihan sila ng mga tao na ipasakay dulot ng
You can't just really accept all the kindness of a person without any payment.Author's Pov:Lahat ng mga biyayang napapasayo, ay nababawi. Lahat ng mga regalong binibigay sa'yo, ay naglalaho at lahat ng tulong na inaabot sa'yo ay may kabayaran. Pera man ito o buhay ng tao. H'wag na h'wag ka ng aasa na kapag mayroong iniabot sa'yo ay dulot lamang ng kanilang pagmamagandang loob. H'wag kang maniniwala sa lahat ng taong sinusubukan mapalapit sa'yo dahil hindi mo alam kung anong tunay na intensyon nito. Maaaring ito'y makabubuti sa iyong buhay o ang dahilan na makakapaglagay ng iyong kapalaran sa masamang daan. Hindi mo kilala lahat ng taong nakakasalamuha mo, pero mararamdaman mo sa kaloob-looban mo kapag ito'y may masamang motibo laban sa'yo. Mabigat na pinakawalan ni Shan ang kanyang malalim na hininga kasabay ng pagsandal sa malambot na sofa bago pinagkrus ang mga binti tsaka diretsong tinignan ang taong nasa kanyang harapan. Mapaklang napangis
Isn't it funny to think that love can make you confuse? Confuse about the things on how did you ended up there? Confuse because you cannot determine anymore if you're still loving or your just craving some attention to someone. Love can make your world spin around. Love can make you a fool, but what love really do is to help you realize that loving yourself is much more important than the other things. Author's Pov:Wala sa sariling napasapo na lamang si Jake sa kanyang noo gamit ang kaliwang palad tsaka napabuga ng mabigat na hininga. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata kasabay ng pagmasahe sa kanyang sentido. Kagat-labi niyang iminulat muli ang kanyang mga mata tsaka hinayaang iuntog-untog ang ulo sa manobela kasunod ng mga luhang hindi niya magawang pigilan. Napahinga si Jake ng malalim bago pinunasan ang luhang bumabasa sa kanyang pisnge habang inaalala ang nangyaring usapan nilang dalawa ni Erick. "What did you say!? I thought you love my da
You can't deny the fact that everybody has a chance to make you stupid. Author's Pov:Matapos ang mainit na pag-uusap nina Shan at Yhurlo ay napag-isipan ng dalaga na lumayo-layo muna sa mga bagay na nagpapagulo ng kanyang isipan. Hindi alam ni Shan kung saan siya dinadala ng kanyang sarili pero napansin na lang niya na nakaparada na ang kanyang sasakyan sa tapat ng karagatan. Agad siyang bumaba tsaka tumayo sa tabi ng hood upang pagmasdan ang kagandahan ng karagatan. Tahimik, payapa at maaliwalas na paligid ang unang bumungad sa kanyang mga mata. Dahan-dahang naglakad si Shan patungo sa dalampasigan. Nagtama ang maputi at pinong mga buhangin sa kanyang suot na itim na ankle boots dahilan para minsanang maiwan ang ibang bakas ng puting buhangin sa suot niyang sapatos. Dumiretso si Shan sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa tabing dagat kung saan mas lalong dumidipena sa kanyang mga mata ang malumanay at marahan na mga along hum
Same person with series of intention.Author's Pov:"Anong nangyayari? Kilala mo ba kung sino iyon?" Nanlalaki ang mga mata at maawtoridad na tinig ng boses na baling ni Shan kay Jake dahilan para matuon ang atensyon ng binata na kanina'y nakatuon kay Rychll. Saktong pagtanong ni Shan ay siya namang pagtunog ng telepono ni Jake bagay na ikinatigil ng lahat. Sabay-sabay silang apat napatingin sa isa't-isa. Wala sa sariling dumapo ang mga mata ni Jake kay Rychll ngunit agad ring napaiwas ng paningin nang makita ang mata nitong may mga luhang unti-unti nang namumuo dulot marahil ng matinding takot at kaba sa balang pinakawalan kanina. Napatingin na rin si Shan kay Zach para lamang malaman na kanina pa pala ito matiim na nakatingin sa kanya. Ang mga mata ng binata ay walang kasing bigat sa damdaming dinadala ni Shan, para bang sinasabi at isinisigaw ng mga mata ni Zach kung gaano nito kamahal si Shan ngunit taliwas naman ang sinasabi at pi