Share

Chapter 11.1

Scarlet's POV

Maingat akong bumangon nang magising ako mula sa mahimbing na pagtulog. Napatingin ako sa suot ko at itinali ang mahabang buhok ko dahil sa sobrang init. Pinagpapawisan ako at alam kong epekto iyon ng gamot na ininom ko kanina.

Hinipo ko ang gilid ng leeg at noo. Napangiti ako nang maramdamang hindi na ko mainit tulad ng kanina. Gusto kong pasalamatan ulit si Kyrous pero baka mas lalo siyang magalit sa akin. Napatingin ako sa salaming bintana. Kahit may nakaharang doon na kulay abong kurtina ay kita ko pa rin ang itim na kalangitan mula roon. Gabi na pala.

Bumangon ako at sumilip sa pinto. Nang maramdamang walang tao ay maingat akong bumaba sa hagdan. "Kyrous?" tawag ko sa may ari ng bahay.

Lumabas ako nang walang sumagot sa akin. Napaawang ang labi ko nang makita ang pamilyar na mailaaw na hardin sa gilid at ang malawak na pool. Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko nang mapagtantong ito ang bahay kung saan ako pansamantalang nagbakasyon n'ong nasa ika-siyam na bai
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status