Nahiga na siya sa kama niya pero hindi pa rin siya makatulog. Naiisip niya ang pinag usapan nila ni Jane tungkol sa sir Arnel nila. Naaawa talaga siya sa amo niya, kaya pala palaging seryoso ang mukha ng amo niya at hindi niya nakikitang ngumiti at kaya pala may nababanaag siyang lungkot sa mga mata nito kase may mabigat pa lang pinagdaanang pagsubok sa buhay.Mag aalas dose na ng hating gabi ay hindi pa rin siya makatulog, panay na ang baling niya sa higaan ay hindi pa rin siya dalawin ng antok, kaya bumangon siya at lumabas ng kwarto niya, pupunta siya sa kusina para magtimpla at uminom ng gatas. Nakagawian na niya kase ang ganoon kapag hindi talaga siya makatulog kailangan niyang uminom ng isang basong gatas.Papasok pa lang siya sa kusina ng mapansin niyang nakabukas ang refrigerator. Nakiramdam muna siya at nagtago sa labas ng pintuan ng ķusina. Naisip niyang baka napasok sila ng magnanakaw pero parang hindi naman gumagalaw ang tao sa loob ng kusina. Naghanap siya ng bagay na pwe
Nagising si Arnel na masakit na masakit ang ulo. Nag inom siya kagabi sa night club na kasama ang mga kaibigan. Treat ni Marvin sa kanila dahil magiging tatay na naman ang kaibigan niya.Masayang masaya si Marvin dahil sa wakas raw ay masusundan na rin ang panganay nila ni Candice na si Julius na anim na taon na rin naman ngayon.Si Rodjun at Aileen naman ay dalawa na ang anak na isang taon lang ang naging pagitan. Actually buwan lang ang naging pagitan dahil tatlong buwan pa lang na nakakapanganak si Aileen ng muling magbuntis ang asawa ng kaibigan niya.Si Jasper naman ay may panganay na kambal at may bunso na rin na dalawang taon na ang edad. Lahat ng mga matatalik niyang kaibigan ay may masayang pamilya. Samantalang siya ay may asawa nga pero wala naman sa tabi niya.Napakalungkot na ng buhay niya magmula ng mamatay ang anak niyang si Kyline at iwan siya ni Romary Gail. Mahal niya ang asawa niya at naiintindihan niya kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Romary Gail sa kanya da
Nagtataka man si Nicka sa amo ay sumunod na rin s'ya sa sir Arnel niyang nauna nang pumasok sa library."Maupo ka muna Nicka." utos ni Arnel sa dalaga."Ano pong pag uusapan natin sir Arnel?" tanong ni Nicka pagkaupo niya."Alam kong may alam ka na sa kung ano ang nangyari sa amin ng pamilya ko. Hindi ko na tatanungin kung sino ang nagsabi sa iyo, pero makikiusap ako na sana ay wag mo ng ikwento pa sa ibang kakilala mo ang pangyayari sa buhay ko." aning seryosong wika ni Arnel na hindi naiwasan ni Nicka na sulyapan sa mukha ang amo."Sir Arnel, pasensiya na po kung nagtanong tanong ako sa mga kasamahan ko rito sa mansyon. Medyo nacurious lang po ako ng malaman Kong nag iisa lang po kayong amo namin rito. Promise sir, hindi ko po ilalabas o ipagsasabi sa iba ang mga nalaman ko." aniyang turan sa kanyang among lalaki."Good kung ganun Nicka! And ayoko nga palang kinakaawaan ako." seryoso pa ring saad ni Arnel na nakatingin sa mukha ng dalaga.Nakaramdam naman ng biglaang pagkailang si Ni
"What!? kanina ka pa ngisi ng ngisi p're para kang nakakaloko." aning wika ni Arnel na napipikon na sa kaibigan."Maganda ang bago mong maid ha! akalain mong may anak palang maganda at sexy si mang Chris." saad na komento ni Marvin.Kumunot ang noo ni Arnel sa sinabi ng kaibigan."Gagu ka Marvin, wag mong sabihin na type mo ang pamangkin ni manang!?" paangil na turan ni Arnel.Natawa naman si Marvin sa sinabi ni Arnel. "Okay ka lang pare!? hindi noh! mahal ko ang asawa ko at happy and contented ako kay Candice at hindi ako gago para gumawa ng bagay na ikakasira ng pamilya ko, pamilya namin ni Candice." depensa ni Marvin sa sarili."Good to hear that pare! alam ko namang mahal mo talaga ang asawa mo at deserve ni Candice ang pagiging loyal mo sa kanya dahil mahal ka rin niya. E ako pare deserve ko ba talaga ang ipinaparamdam sa akin ng asawa ko!?" saad ni Arnel na bigla nalungkot sa huling sinabi.Napabuntong hininga si Marvin sa ibinigkas ni Arnel at muling nagsalita. "Hindi mo pa rin
Kinabukasan ng magising si Arnel ay masakit ang ulo niya. Nakakarinig siya ng ingay mula sa labas, na parang mga nag ienjoy sa may pool area ng bahay niya. Bumangon siya at sinilip ang kung anong nangyayari sa labas ng bahay niya.Napailing siya ng makita ang tatlo niyang kaibigan na mga nagpapaligsahan sa paglangoy sa kanyang swimming pool. Umalis siya sa kanyang pinagdungawan at umupo sa ibabaw ng kanyang kama, dahil ramdam pa niya ang pananakit ng kanyang ulo. Napansin niya ang kalat sa loob ng kwarto at inalala ang naging usapan nila ni Marvin kagabi. Malakas siyang napabuga ng hangin at napapabuntong hininga. Inistretch niya ang kanyang leeg dahil nakakaramdam talaga siya ng sakit ng ulo. Tumayo siya at naghanap ng maiinom na gamot ngunit wala siyang mahagilap.Nagtungo na siya ng banyo upang maligo at ginawa ang morning routine niya sa araw araw at ng matapos ay bumaba siya at nagtungo sa pool area ng mansyon kung saan naroon ang mga kaibigan niya.Nagtatawanan ang tatlo ng lu
"Salamat Nicka, pasensiya ka na kung hindi ka kaagad nakaalis ha. Nasabi kase sa akin ni Manang kanina ng nasa kusina ako na paalis ka na raw para magsimba, pero hindi ka natuloy dahil kinailangan ka pa niya rito para asikasuhin kami ng mga kaibigan ko" saad ni Arnel na nadinig ng tatlo na nasa likuran nila."Okay lang sir Arnel, mamayang hapon naman ay paaalisin din ako ni tiyang. Hindi rin naman po ako magtatagal sa labas, may ilang bagay lang po akong importanteng bibilhin sana pagkatapos ng misa sa simbahan. Bukas na ho kase ako magsisimulang pumasok." nakangiting wika naman ng dalaga sa amo."Oo nga pala, mabuti at pinaalala mo. Maari ka ng bumalik sa kusina, Nicka. Patawag na lang kami kapag okay na ang tanghalian." utos ni Arnel."Wait!, paaalisin mo na agad si miss beautiful na hindi mo man lang kami naipapakilala sa kanya!" pagsingit ni Rodjun sa usapan ng mag amo na ikinabaling ng tingin ni Arnel at ni Nicka sa lalaking nasa likod lang nila."Hi miss, my name is Rodjun frien
Napasuntok si Arnel sa ibabaw ng lamesa ng malaman niya ang plano ng asawa niya mula kay Marvin. Gusto niyang makausap ng harapan si Romary Gail ngunit ayaw naman siyang harapin nito. Hindi niya alam kung paano matatawagan ang asawa dahil naka private number ang ginamit ni Romary na pantawag sa matalik niyang kaibigan."Pasensiya na pare! alam kong masasaktan ka, pero kailangan mong malaman ito. Ayokong maglihim pa sayo ng matagal, dahil baka one of this day ay padalhan ka na rin ng sulat ng korte, at isa pa gusto ko ring matapos na ang problema ninyong dalawa ni Romary. Malay mo habang pinaprocess ang annulment ninyo ay makapag usap na kayo at magkaroon pa ng chance na magbago ang desisyon niya." litanya ni Marvin na tinapik pa ang balikat ni Arnel."Ayaw niyang magpakita sa'yo pare dahil alam niyang muli ka lang magmamakaawa sa kanya. Hanggang ngayon ba ay umaasa ka pa rin na mawawala rin ang galit na nararamdaman sayo ng asawa mo, gayung isinisisi niya nga sa iyo ang lahat sa pagka
"May nais ka pa bang bilhin?" tanong ni Arnel ng nasa loob na sila ng malaking supermarket. Pagkatapos nilang mamili ng ilang gagamitin sa school ni Nicka."Oo sana sir, kaso sa womens section yon, Pwede bang ako na lang ang magpunta don, mabilis lang ako promise. Hintayin mo na lang ako rito sir." mahinang turan ni Nicka na ikinangisi ni Arnel dahil na gets niya agad ang gusto nitong sabihin."Ah okay sige, doon na muna ako sa beverages section. Kukuha lang ako ng beer in can at paubos na ata yung stock sa bahay. Hintayin na lamang kita sa counter. Take your time, no need to hurry." "Sige po sir Arnel." at mabilis na hinanap ni Nicka ang undergarment section sa loob ng supermarket.Balak kase ni Nicka na bumili ng bagong panty at bra, dahil medyo luma na ang mga gamit niyang underwear at kailangan din niyang bumili ng pang shave niya dahil mapurol na ang ginagamit niya kaya kailangan na niyang palitan iyon.Nang makuha na ni Nicka ang kailangan niyang bilhin ay dumiretso na siya sa