Pagkabayad ni Nicka ng bill sa ospital ay hinintay pa nila ang discharge paper na pinapirmahan sa doctor ng ama.
Hindi nagtagal ang tiya niya sa ospital kanina dahil may trabaho pa raw ito. Nakipagkita lang ang tiyahin niya sa kanya para makausap siya ng personal at maiabot sa kanya ang pera na pinabibigay ng amo. Saglit lang din itong nagpakita sa kanyang ama para pagbilinan at paalalahanan.Gabi na ng makalabas sila ng ospital dahil bukod sa pirma ng doctor ay hinintay din nila ang sasakyan na inirequest nila para maghatid sa kanilang mag ama sa probinsiya.Nang makarating sila sa bahay nila ay nakaayos na ang silid ng kanilang ama. Naipaalam niya naman kase sa mga kapatid na pauwi silang mag ama.Pagkatapos ng kamustahan nila ay kinausap niya uli ang mga kapatid habang ang kanilang ama ay natutulog naman na."Bukas na bukas din ay babalik din ako ng maynila. Nangako ako kay tiyang na itutuloy ko ang trabaho ni itay sa mansyon. Makakapag-aral pa rin naman daw ako kaya okay na ko dun, may sweldo pa monthly! Nakausap ko na rin si ate Grace sa cellphone kanina, pupunta-punta na lang si ate Grace dito sa bahay para matignan-tignan kayo rito. Nabilinan ko naman na siya kaya wala ng magiging problema." aniya."Kailangan mo ba ng tulong ate para makuha ang mga records mo sa school? madali lang naman yun pag nakuha ko ipapadala ko na lang sayo." aning wika ni Andrea sa kanya."Pupunta ako bukas ng umaga sa unibersidad. Aasikasuhin ko muna ang mga dapat kong asikasuhin bago ako umalis. Mag eeroplano naman ako bukas para makaabot ako sa ibinigay na oras sa akin ni tiyang Tinay. Kung sakali na hindi ko pa makumpleto bago ako umalis ay makikisuyo na lang ako sa'yo Andrea." turan niya sa kapatid."Walang problema ate Nicka, itawag mo lang!""Salamat!" at matipid siyang ngumiti sa kapatid."Ate Nicka, kanina si kuya Emman naparito hinahanap ka!? sinabi kong lumuwas ka ng maynila. Tinanong ako kung bakit, pero hindi ako nagkwento. Ang sabi ko, ikaw na lang ang tanungin niya." sabat naman ni Kristoff sa kanila ni Andrea."Tumatawag at nag chat nga sa akin kanina pero hindi ko pa nireplyan, mangungulit lang yun eh! wala pati ako sa mood makipaghuntahan sa kanya, marami akong iniisip ngayon. Hindi naman biro ang pagkakasakit ni itay! mabuti na lang at mabait ang amo nila itay at tiyang kaya hindi tayo masyadong nahihirapan ngayon sa gastusin." seryoso niyang turan sa kapatid na hindi naman na nagsalita pa.Kinabukasan pagkalabas ni Nicka ng bahay nila ay hindi niya inaasahan na may naghihintay pala sa kanya. Napapalatak pa siya ng ngitian siya ng kaibigan. "Ang aga mong tumambay ah! kanina ka pa dito sa labas ng bakuran namin ano!?" tanong niya kay Emman."Grabe ka sa tumambay Niks! wala akong magawa sa loob ng bahay kaya dito ako sa labas nagkape." pagtatama ng lalaki sa kanya."Utot mo! dito talaga sa harap ng bahay namin, bistado ka na magdideny ka pa! dalawang bahay ang pagitan ng mga bahay natin Emman. May kailangan ka?" paasik niyang turan sa kaibigan."Tinatawagan kita kahapon, nag chat din ako sayo, pero dinededma mo lang ako! May problema ka?" tanong ni Emman sa kanya."Okay lang ako! Nga pala, baka pwede mo naman minsan bantayan ang mga kapatid ko, aalis kase ako, pupunta ako ng maynila doon na ko mag aaral at magtatrabaho." pakikisuyo niya sa kaibigan."Ano!? kailan ka aalis? bakit naman ngayon mo lang sinabi sa akin Niks." eksaheradong saad ng lalaki sa kanya lalo na ng hawakan nito ang isa niyang kamay."Ay ang over acting ha! hindi bagay sa'yo Emman. Mamaya may makakitang syota mo sa paligid ay pagselosan na naman ako. Bitiwan mo nga ang kamay ko." aniya sa lalaki."Wala akong syota Niks, sila lang ang nag iisip na syota ko sila. Kung may gusto man akong maging girlfriend ikaw lang, walang iba!" palipad hangin sa kanya ng kaibigan."Tigilan mo ko Emman, mga bata pa lang tayo alam ko na mga kalokohan mo, kaya wag ako ang pinagloloko mo! May gagawin ka ba ngayon?""Ayaw mo talaga akong seryosohin!" bagsak ang balikat na saad ni Emman na ikinahampas ni Nicka sa braso ng matalik niyang kaibigan."Puro ka kalokohan! May gagawin ka ba mamaya?" muli niyang tanong sa lalaki."Wala naman! bakit?""Hatid mo ko sa airport mamayang hapon.""Airport!? bakit anong gagawin mo dun?"Inirapan muna ni Nicka si Emman bago sinagot ang tanong. "Tatambay o magbibilang ng mga pasahero siguro mamaya!?" papilosopo niyang sagot."Seryoso ako Niks!" saad ni Emman."Sasakay ng eroplano patungong manila nga!" seryoso na niyang sagot."Ngayong araw ka na aalis!? pero kakabalik n'yo lang kagabi Niks, ng tatay mo di ba, galing maynila tapos aalis ka na naman!""Mukhang nakasagap ka na ng tsismis ah! sino nagsabi sa iyo Emman?""Si aling Salve, kanina nakausap ko siya! Sabi niya umuwi ka kagabi na kasama ang itay ninyo. May sakit raw ata si mang Chris kaya sinundo mo sa maynila kahapon." pagtatapat ni Emman na ikinatango niya.Hindi naman na nagulat si Nicka sa nalaman dahil si aling Salve na kapitbahay nila ay isa sa mga tsismosa sa kanilang lugar."Inihatid ko lang talaga si itay dito, dahil hindi siya pwedeng manatili sa mansyon at sa ospital. Pwede naman daw siyang magpagaling sa bahay, ang sabi ng doctor. Kailangan kong bumalik ng maynila dahil ako na ang papalit sa trabaho ni itay sa mansyon, sa amo niya bilang katulong slash driver. Doon ko na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral ko, kaya ngayon pupunta ako sa university para kunin ang mga records ko at magpaalam na rin sa mga kaibigan ko sa school." mahabang litanya niya kay Emman."Bakit naman biglaan Niks?""Kahit naman ako, pati mga kapatid ko ay nabigla rin Emman.Hindi sila sanay na wala ako sa tabi nila, ganoon rin ako! pero kailangan kong i grab ang opportunity Emman dahil hindi pwedeng lahat kami ay walang pagkakakitaan. May sakit ang itay namin, kung mananatili ako rito paano na kami sa mga susunod na mga araw. Hindi ako papayag na mahinto sa pag aaral ang mga kapatid ko, lalo na kung may magagawa naman ako para sa kanila. Pati si itay hindi siya pwedeng pumalya sa gamot dahil may posibilidad na lumala pa ang sakit niya kung hindi dirediretso ang pag take niya ng gamot.""Ano bang sakit ni mang Chris?" tanong ni Emman."May tuberculosis si itay, Emman. Hindi naman ganoon kalala ang sakit niya, pero kung mapapabayaan ay maaari niya ring ikamatay 'yon." malungkot niyang pahayag na napansin naman ni Emman."Sure ka na ba sa desisyon mong mamasukan sa amo ng itay ninyo?""Nakapagdesisyon na ko Emman at nasabi ko na kay tiyang na darating ako ngayong araw kaya wala ng atrasan 'to.""Paano na tayo, Niks? magkakalayo na tayo sa isa't isa, hindi na kita mababantayan.""Anong paano tayo? pinagsasabi mong lalaki ka!? may sira na naman ang ulo mo, lumuwag na naman ata ang turnilyo ng kukote mo, Emman. Makaalis na nga at nagmamadali ako. Hatid mo 'ko mamaya sa airport ha!" angil niya pang saad sa kaibigan."Hatid na kita sa university, hintayin mo ko magpapalit lang ako ng damit!""Hindi na, baka matagalan ako sa school. Mamayang hapon na lang, hatid mo ko sa airport ha! alis na ko, kita na lang tayo mamaya." paalam na niya kay Emman.Malungkot na sinundan siya ng tingin ni Emman papalayo. Napabuga ng hangin ang lalaki at napailing na lamang ng ulo.Mga bata pa lang sila gusto na ni Emman si Nicka. Alam niyang mahal siya ni Nicka bilang kaibigan, pero siya mahal niya ang dalaga ng higit pa sa kaibigan. Natatakot siyang umamin dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nilang dalawa kapag nalaman ni Nicka ang tunay niyang nararamdaman. Ayaw niyang layuan siya ni Nicka kaya idinadaan niya lagi sa biro ang gusto niyang sabihin sa dalaga na palagi naman hindi rin sineseryoso ni Nicka.Gabi na ng makarating si Nicka sa mansyon ng mga Dela Cerna. Pagbaba pa lang niya sa taxi na sinakyan niya ay nakasalubong na sa kanya ang tiyahin niya sa labas ng gate."Sakto ang pagdating mo Nicka, dahil paparating pa lang si sir Arnel. Pumasok na tayo sa loob at magpalit ka na muna ng damit mo, magpahinga ka na rin muna sa quarters at tatawagin ka na lamang namin kapag narito na siya." aning wika ni Tinay sa pamangkin."Siya ba ang anak ni Chris, Tinay? aba ay napakaganda naman palang dalaga ng pamangkin mo! anak ba talaga yan ni Chris? Hindi ata nababagay na maging kasambahay at driver dito sa mansyon ang pamangkin mo, mas bagay sa kanya maging senyorita." turan at komento naman ng guard sa mansyon ng makita nito si Nicka."Maganda talaga yang pamangkin ko dahil maganda ang lahi namin Loreto. Huwag kang magtaka kung anak siya ni Chris, dahil kamukha si Nicka ng kapatid ko at hindi ng ama niya. Nicka, si Loreto pala ang security guard namin dito sa mansyon. Mapagbiro yan pero maba
"Narito na tayo sa labas ng library ni sir Arnel. Dito siya namamalagi kapag naririto siya sa bahay, dahil ito ang parang pinakaopisina niya sa loob ng bahay. Kinakabahan ka ba?" aning turan ng tiya niya."Medyo po tiyang!" pag aming sagot n'ya."Kasama mo naman ako sa loob kaya wag ka ng kabahan. Pasok na tayo!" aning turan ng tiya niya at kumatok na sa pinto."Come in!" sagot ng amo nila na nasa loob ng library.Binuksan ng tiya niya ang pinto at pinauna siyang pumasok. Malaki rin ang kabuuan ng library kaya medyo malayo sa pwesto nila ang among lalaki."Sir Arnel, kasama ko na po si Nicka ang anak po ni Chris na pamangkin ko naman!" wika ni Tinay sa amo na busy sa ginagawa nito sa harap ng laptop."Maupo muna kayo ng pamangkin mo manang, tapusin ko lang itong ginagawa ko." ani ng baritonong boses ng amo nila.Naupo muna sila sa mahabang sofa na naroon habang hinihintay na matapos ang amo sa ginagawa nito. Hindi pa masipat ni Nicka ang kabuuang mukha ng sir Arnel nila dahil nakayuko
Kinabukasan maagang lumabas ng silid niya si Arnel para pumasok sa kumpanya nila dahil may maaga siyang meeting with the board member para sa nakuha nilang bagong contract job na uumpisahan na nilang gawin next week. Nagmamadali siya kaya hindi na siya makakapag almusal pa.Dumiretso siya sa garahe para kunin ang sasakyan niya ng makita roon si Nicka na nagkacarwash ng mga sasakyan. Natigilan siya at napalunok siya ng laway ng mapansin ang suot ng dalaga. Nakasleeves na pang itaas at naka shorts lang ito. Kitang kita ang hubog ng katawan ni Nicka at malaporselanang kutis nito. Napapikit siya at napabuga ng hangin dahil pakiramdam niya naaakit siya sa anak ni mang Chris."Ay sir Arnel, kanina pa po ba kayo diyan!? pasensiya na po kung hindi ko po kayo agad napansin, Good morning po pala! paumanhin po kung hindi pa rin po ako tapos sa iba, pero wag po kayong mag alala sir inuna ko pong tapusin talaga ang gagamitin mong sasakyan. Navacuum ko na rin po ang loob ng kotse mo sir at na check
Samantalang sa mansyon ay nakapaligo at nakapagpalit na rin ng damit si Nicka, Kanina ay sinabi niya muna ang bilin ng amo nila para sa tiya niya ng bumalik siya sa quarters nila ng matapos siyang mag carwash at masalubong ang tiyahin na papasok naman na sa kusina.Sabay sabay silang kumakain ng almusal ng mag usisa siyang muli tungkol sa amo nila."Tiyang, may pagkaconservative po ba ang amo natin?" aniyang tanong."Si sir Arnel? conservative!? hindi ah! kung conservative siya e di sana hindi niya magugustuhan at mamahalin si ma'am Romary, ang asawa niya. Kung nakita mo lang kung papaano manamit ang asawa ni sir Arnel hindi mo maitatanong yan. Lahat ng damit ata ni ma'am ay mga kinulang sa tela, pero in fairness ha lahat naman ay bagay sa kanya dahil maganda at sexy naman talaga si ma'am Romary.." komentong react ni manang Tinay."Oo nga, kase si ma'am kung manamit yun parang yung artista na si Solenn, laging naka crop top at pekpek short kapag narito sa loob ng bahay. Okay lang nama
Nahiga na siya sa kama niya pero hindi pa rin siya makatulog. Naiisip niya ang pinag usapan nila ni Jane tungkol sa sir Arnel nila. Naaawa talaga siya sa amo niya, kaya pala palaging seryoso ang mukha ng amo niya at hindi niya nakikitang ngumiti at kaya pala may nababanaag siyang lungkot sa mga mata nito kase may mabigat pa lang pinagdaanang pagsubok sa buhay.Mag aalas dose na ng hating gabi ay hindi pa rin siya makatulog, panay na ang baling niya sa higaan ay hindi pa rin siya dalawin ng antok, kaya bumangon siya at lumabas ng kwarto niya, pupunta siya sa kusina para magtimpla at uminom ng gatas. Nakagawian na niya kase ang ganoon kapag hindi talaga siya makatulog kailangan niyang uminom ng isang basong gatas.Papasok pa lang siya sa kusina ng mapansin niyang nakabukas ang refrigerator. Nakiramdam muna siya at nagtago sa labas ng pintuan ng ķusina. Naisip niyang baka napasok sila ng magnanakaw pero parang hindi naman gumagalaw ang tao sa loob ng kusina. Naghanap siya ng bagay na pwe
Nagising si Arnel na masakit na masakit ang ulo. Nag inom siya kagabi sa night club na kasama ang mga kaibigan. Treat ni Marvin sa kanila dahil magiging tatay na naman ang kaibigan niya.Masayang masaya si Marvin dahil sa wakas raw ay masusundan na rin ang panganay nila ni Candice na si Julius na anim na taon na rin naman ngayon.Si Rodjun at Aileen naman ay dalawa na ang anak na isang taon lang ang naging pagitan. Actually buwan lang ang naging pagitan dahil tatlong buwan pa lang na nakakapanganak si Aileen ng muling magbuntis ang asawa ng kaibigan niya.Si Jasper naman ay may panganay na kambal at may bunso na rin na dalawang taon na ang edad. Lahat ng mga matatalik niyang kaibigan ay may masayang pamilya. Samantalang siya ay may asawa nga pero wala naman sa tabi niya.Napakalungkot na ng buhay niya magmula ng mamatay ang anak niyang si Kyline at iwan siya ni Romary Gail. Mahal niya ang asawa niya at naiintindihan niya kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Romary Gail sa kanya da
Nagtataka man si Nicka sa amo ay sumunod na rin s'ya sa sir Arnel niyang nauna nang pumasok sa library."Maupo ka muna Nicka." utos ni Arnel sa dalaga."Ano pong pag uusapan natin sir Arnel?" tanong ni Nicka pagkaupo niya."Alam kong may alam ka na sa kung ano ang nangyari sa amin ng pamilya ko. Hindi ko na tatanungin kung sino ang nagsabi sa iyo, pero makikiusap ako na sana ay wag mo ng ikwento pa sa ibang kakilala mo ang pangyayari sa buhay ko." aning seryosong wika ni Arnel na hindi naiwasan ni Nicka na sulyapan sa mukha ang amo."Sir Arnel, pasensiya na po kung nagtanong tanong ako sa mga kasamahan ko rito sa mansyon. Medyo nacurious lang po ako ng malaman Kong nag iisa lang po kayong amo namin rito. Promise sir, hindi ko po ilalabas o ipagsasabi sa iba ang mga nalaman ko." aniyang turan sa kanyang among lalaki."Good kung ganun Nicka! And ayoko nga palang kinakaawaan ako." seryoso pa ring saad ni Arnel na nakatingin sa mukha ng dalaga.Nakaramdam naman ng biglaang pagkailang si Ni
"What!? kanina ka pa ngisi ng ngisi p're para kang nakakaloko." aning wika ni Arnel na napipikon na sa kaibigan."Maganda ang bago mong maid ha! akalain mong may anak palang maganda at sexy si mang Chris." saad na komento ni Marvin.Kumunot ang noo ni Arnel sa sinabi ng kaibigan."Gagu ka Marvin, wag mong sabihin na type mo ang pamangkin ni manang!?" paangil na turan ni Arnel.Natawa naman si Marvin sa sinabi ni Arnel. "Okay ka lang pare!? hindi noh! mahal ko ang asawa ko at happy and contented ako kay Candice at hindi ako gago para gumawa ng bagay na ikakasira ng pamilya ko, pamilya namin ni Candice." depensa ni Marvin sa sarili."Good to hear that pare! alam ko namang mahal mo talaga ang asawa mo at deserve ni Candice ang pagiging loyal mo sa kanya dahil mahal ka rin niya. E ako pare deserve ko ba talaga ang ipinaparamdam sa akin ng asawa ko!?" saad ni Arnel na bigla nalungkot sa huling sinabi.Napabuntong hininga si Marvin sa ibinigkas ni Arnel at muling nagsalita. "Hindi mo pa rin