Pangatlong araw na ngayon ni nanay na nakaburol. Tatlong araw na din akong hindi makausap ng kahit na sino at tatlong araw na din akong nakatulala katabi ng kabaong ni nanay.Hindi ko siya iniwan sa tatlong araw na 'yon kahit halos lahat ng tao sa bahay ay pinipilit ako na kumain o matulog man lang saglit.Nung pangalawang araw ni nanay ay dumating ang ate ni Duke kasama ang kanilang mga magulang. Kinakausap nila ako pero wala silang narinig na kahit na ano na tugon sa akin.Laking pasasalamat ko din kay Duke dahil simula nung araw na yon ay hindi niya ako iniwan. Tinitignan niya lang ako sa malayo habang inaasikaso ang mga bisita ni nanay.Walang araw na lumipas na hindi ko kinakausap si mama. Tuwing gabi ay doon ko lamang naiiyak ang lahat ng sakit. Sinusubukan kong magpakatatag dahil sa kaniya pero ngayong wala na siya ay saan na ako kukuha ng lakas.Naaalala ko pa din at malinaw pa din sa isip ko ang ngiti sa labi ni mama. Kung paano niya sabihin sa akin na mahal niya ako. Hindi k
Simula nung gabi na iyon ay nagising nalang ako kinabukasan na nasa hospital na ulit. Tulala at tahimik.Sa buong isang linggo ay wala akong mailabas na salita. Pero ang isip ko ay punong puno ng tanong.Akala ko nung gabi na iyon ay makakasama ko na ulit nanay at tatay pero kahit ano sigurong gawin ko ay hindi ako tatanggapin sa taas."Ano na Celes, inggit ka ba sa boses ko?" Walang araw na hindi ako dinadalaw dito ni Duke. Madalas niya akong asarin dahil sa nawala ko na boses pero tingin ko kaya din niya ginagawa ito ay para mapasaya ako.'Letche ka talaga.' Gusto kong sabihin ang mga salitang ito pero siguro iipunin ko nalang muna ito sa isip ko para pagbumalik na ang boses ko ay mamura ko siya ng malutong.Nung araw na iyon ay hindi ako hinabol ni Levi. Siguro nga ay hanggang dito nalang din talaga ang love story namin."H-hayop k-ka." Medyo paos ang boses ko pero sapat na para marinig ni Duke.Nakita ko naman ang pagngiti niya sa akin."Kaya mo naman pala magsalita e." Gusto ko n
Celestine Calli POV.Sa mga nakalipas na taon ay wala akong ginawa kung hindi tuparin lahat ng pangarap ng aking nanay para sa akin.Pero na huli lamang ako ng isang taon dahil sa hindi inaasahang pangyayari.Sa unang taon ay hirap na hirap ako dahil sa wala na sa tabi ko si nanay. At higit sa lahat ay nahirapan ako sa pagbubuntis ko.Tama kayo ng nabasa. Sa dami ng pinagdaanan ko ay dito ako nahirapan ng sobra. I was suffering with mental issues tapos malalaman ko na buntis ako.5 Months na akong buntis nung malaman ko na buntis nga ako. Hindi ganon kalakihan ang tiyan ko nung 5 months ako pero sabi ng doctor ay normal lamang ito at may ganon din talaga na nagbubuntis.Tinulungan ako ng parents ni Duke, hinayaan nila akong manirahan sa kanila. Hindi din ako iniwan ni Duke lalo na pag sinusubukan ko na saktan ang sarili ko.Ang dami kong naiisip at tingin ko ay may hinanakit ako na nararamdaman lalo na sa bata. Naiisip ko palang ang nangyare sa akin nung gabi nagahasa ako. Natatakot ak
"Anak, eat your veggies." I told him. Tinignan niya muna ako na para bang sinasabi niya sa akin na ayaw niya itong kainin."Anak kainin mo na sige na para maging healthy ang baby ko." Kiniss ko pa siya sa noo para suportahan ang pagkain niya. Habang lumalaki si Lev ay may lalo niya na gusto na magkalapit kami. Kaya hanggat kaya ko ay ginagawan ko ng paraan na magkaroon ng time sa kaniya."Hi baby Lev, tignan mo ko oh." Pinakita ni Duke ang kaniyang kutsara na punong puno ng gulay at sabay na sinubo. Umarte pa ito na sarap na sarap sa kaniyang kinakain.Agad naman nagliwanag ang mukha ng anak ko at agad na ginaya ang ginawa ni Duke. Ginulo naman ni Duke ang buhok ng anak ko para sabihin na good boy ito.Matapos namin kumain ay tinulungan ko na si Lev na mag-ayos ng gamit niya sa school. Pumapasok na kase ang anak ko at palagi din ako nakakatanggap ng tawag mula sa teacher niya para sabihin na napakahusay ng anak ko at pati ang ibang teacher ay ganon ang kanilang sinasabi.Naabutan ko
"Oo nga po pala mom, meron po pala kaming family day sa monday." Pagiinform sa akin ni Lev.Nasa sala kami ng bahay ni Duke, nanonood kami ng favorite na movie ni Lev. Nagkatinginan naman kami ni Duke.Normally pagfamily day ay kami na dalawa ni Duke ang pumupunta. Ayaw din ni Duke na mabully si Lev dahil wala itong tatay kaya ang alam ng mga kaklase niya ay tatay ni Lev si Duke."Tatawagan ko lang yung secretary ko para icancel lahat ng meetings." Tatayo na sana si Duke nung mapigilan ko siya at napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kaniya."Huwag mo na gawin yan sa anak ko." Sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masama ako tinignan ko din siya ng masama.Aba nagpupumilit pa ang hinayupak."Tigilan mo ako sa katigasan tuktok mo!" Nakita ko naman ang pagsuko sa kaniyang expression.Ilang araw din ang lumipas naging busy kami pareho ni Duke. Ngunit kahit gaano pa kadami ang aming ginagawa ay hindi kami nawalan ng oras kay Lev.Dumating na nga ang araw ng family day sa sch
Celestine POV.Simula nung lumisan sa mundo na ito ang aking ama ay hindi ko na muling nakita pa ang aking ina na ngumiti. Sa isang taon na pagkaka-hospital ng aking ama ay nagsimula na din malugi ang lahat ng business na naitayo niya.Simula nung wala na kaming mapa-sahod sa mga kasambahay namin ay nagsi-alisan na sila isa-isa ang tanging tao lamang na hindi kami iniwan ay si Aling Marta. Ibinenta ni mama lahat ng pwede namin ibenta kasama na do'n ang aming mga sasakyan at bahay pati na din ang nalulugi namin na negosyo.Habang ako ay nag-aaral ay nasa hospital ang aking ama. Si mama naman ay nagtatrabaho para may pang-bayad kami sa lahat ng gastusin. Halos sa hospital na kami nakatira dahil wala kaming pera para sa pang-upa ng bahay.Pinauwi namin si Aling Marta sa kaniyang probinsya at sinabi naman nito na tawagan siya kung may kailangan kami.Ngayon ay nandito kami ngayon sa labas ng bahay ni Aling Marta. Tutulungan daw niya kami maghanap ng mauupahan na bahay."Ang ganda mo pa di
Sa mga nakaraang araw ay wala akong ginawa kung hindi mag-aral para marecall ko lahat ng napag-aralan ko. At ngayon na ang pinaka-aabangan ko na araw, ito ay ang pasukan. First day ko na ngayon kaya naman maaga ako gumising para makapaghanda.Nag-alarm ako ng 4am dahil base sa nabasa ko na schedule ko ay 7am ang start ng klase. Pagkagising ko ay nag-umpisa muna ako sa pagpapainit ng tubig para sa aking kape at para na din sa pang-ligo ko."Anak ang aga mo naman ata gumising?" nagulat ako ng may magsalita bigla mula sa gilid ko. Si nanay pala ito."Good morning ma, kain po tayo." Matapos kong magluto at kumain ay agad akong naligo habang hindi pa lumalamig ang aking pinainit na tubig. Halos 5:30 am na ako natapos sa pag-aayos.5:40 am naman ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto. Si Marcus na siguro ito, napag-usapan kasi namin na sabay na kaming papasok dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako sanay sa pagbiyahe."Wow naman fresh na fresh sa umaga." biro nito sa'kin. Sa paglipas n
Sa buong umaga ay walang ibang ginawa si Levi kung hindi ay inisin ako dahil nalalamangan niya ako masiyado."Gusto mo samahan kita mag-aral?" sabi ng asungot na to.Nandito kami ngayon sa canteen ng school. Sinundan niya pa din ako hanggang dito. Nakapila kami para mag-order at ang asungot ay nasa likod ko. Nung oras na para ako naman mag-order ay bigla siyang nagsalita muna sa likod ko."Parehas po kami ng order." kahit hindi pa naman niya time para mag-order ay sinabi na agad niya ito sa tindera. Inirapan ko muna siya bago humarap sa tindera para sabihin ang aking order. "One spaghetti with chicken, here po ang bayad.""No, take this." Kinuha niya ang pera ko na nasa tindera at inabot ulit ito pabalik sa'kin at imbis na pera ko ang nasa kamay ng tindera, pera niya.Nag-away pa kami sa harap."Napaka-pakilamero mo at pwede ba na tantanan mo na ako, sunod ka ng sunod." Kinuha ko ang tray na nasa lamesa na ang laman ay ang order ko.Pero kahit ano pa ata ang sabihin ko dito ay hindi