I was surprised after I knew I am pregnant. Tulad ng sabi ni Ley ay sinamahan niya ako sa hospital together with Bea. Nagbunga yung nangyari sa amin ni Davon doon sa resort. I'm so happy to know that I'm having a baby with the man I love. But at the same time, malungkot dahil doon ko lang naalala na wala na nga pala kami. At kung malaman niya na may bata sa sinapupunan ko, I don't think he'll accept this, our baby. Isa pa, iniisip ko rin ang sasabihin nila mom and dad kapag nalaman nila ang tungkol dito. Natatakot ako sa maaaring mangyari, samaaari nilang gawin."So anong plano mo?" Pagkalabas namin ng hospital ay niyaya ko sila sa starbucks para magkape and para na rin magpahangin muna. Malakas kasi ang aircon doon, kidding. Sumimsim ako sa aking kape saka tumingin sa glasswall kung saan kitang-kita ang labas. Ang daming mga sasakyan at taong dumaraan."Would you tell him about it?" I heard Bea and Ley asked pero nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isagot
"Pak! Napakaganda mo madame!"I faked a smile and secretly rolled my eyes on this pathetic ugly frog na baklita. Kanina pa hindi maipinta ang mukha ko, kanina pa ako wala sa mood. Sinong hindi? Ilang oras na lamang ay isa na akong ganap na Mrs. Roberts! The fvck! Padabog akong tumayo at nagtungo sa isang malaking salamin ng aking silid. Kung saan kitang-kita roon ang buong repleksyon ng katawan ko. I'm wearing white wedding gown, of course. Tube style ang sa taas na at napakaraming glitters kaya't tiyak na kikinang ako sa aisle mamaya. Err, iniisip ko palang na naglalakad ako sa red carpet ng simbahan habang may hawak na bulaklak ay naiinis na ako.Hindi ko pa nakikita sila mom and dad. Basta kaninang umaga ay may bigla na lamang sumundo sa akin sa condo namin ni Chance at isinama ako rito sa bahay. Kahit si Chance ay wala aking nakita ni anino niya. Baka naghahanda na rin para sa seremonya mamaya?"Zayara, sweetie."Matamlay akong umikot at napairap nang marinig ang boses ng magalin
Y A R A 's P O I N T O F V I E WWhat the f-ck? No way in h3ll I will do that!"Mag isip ka ng ibang dare, Lesley, ayoko nun!" pagmamaktol ko sa aking kaibigan. Nagkatinginan sila ni Beatrix at sabay akong inirapan. Anak ng- dukutin ko mga mata neto eh. "Kahit kailan talaga, napaka-kill joy mo Yara!" singhal sa akin ni Beatrix. Napanguso naman ako at naupo sa aking armchair. Sa dinami-rami kasi ng pupwedeng i-dare sa akin ay iyon pa talaga ang naisip nila. Ikaw ba naman, i-dare na halikan ang pinakamasungit/suplado na nilalang sa loob ng Charles University? At hindi lamang iyon, isa pa itong captain ng basketball team na Red Warriors. Jusko, kapag ginawa ko ang dare na iyon ay siguradong hindi ako makakalabas ng walang bangas sa school na 'to. Sa dami ba naman ng Fans nun, naku!"O sige, ganito nalang. Yung dare o ipagkakalat ko sa buong campus na crush mo si Keyshawn? Pumili ka, Yara." Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa naturan ni Lesley. Kainis, ang hirap naman ng mga c
"Tsk, alam mo naman pala ang sagot, nagtatanong ka pang panot ka." Napairap ako sa hangin dahil sa inis. Parang t@nga kase itong propesor naming panot, tanong ng tanong eh alam naman pala niya ang sagot, tss."Hoy, Yara, nakuha mo ba?" Inilingan ko si Beatrix nang kalabitin niya ako. Ang tinutukoy niya ay iyong formula na tinuturo ni Prof. Gord/ Prof. Panot. Bruha, ako pa ang tinanong eh alam niya namang b0b0 ako sa numbers, well hindi naman as in b0b0. Slight lang naman, ganun. Kaya ko naman sagutan iyong 1 + 1 ano, chariz lang.Nang natapos ang aming subject kay Sir Panot ay dinismiss na rin kami and now, lunch break na namin. Hinintay muna namin nina Lesley at Beatrix na maubos ang mga classmates namin bago kami lumabas. Mabilis lamang naman silang nagliparan palabas, may mga lahi yatang patay gutom, charr. "Nakakagutom, kanina fried chicken na ang tingin ko kay sir Panot." Napangiwi ako sa sinabi ni Lesley. Fried chicken talaga?"Kung magiging isang fried chicken lang din naman
Pagod kaming bumalik sa classroom. Kaming tatlo nila Beatrix at Lesley. Kakagaling lamang naming tatlo sa clinic. Inutusan kase kaming maglinis doon dahil raw paparating na bukas ang bagong nurse ng school namin. Pakiramdam ko ay amoy gabok na nga ako dahil sa dumi doon. Simula kase nung umalis iyong nurse namin dati which is nung isang buwan pa, isang beses nalang yata sa isang araw iyong nalilinisan. And unkuckily, kasama pa ako sa nautusang maglinis, kainis."Mauna na ako," paalam ko sa dalawa. May pupuntuhan pa ako mamaya kaya need ko na talagang umuwi before 6 PM. Tinanguan lamang ako ng dalawa, abala pa sila sa pagliligpit ng gamit nila. Pagkatapos kunin ang aking bag ay naglakad na ako palabas ng classroom.Ngunit hindi pa man ako nakakalampas sa pintuan ay laking gulat ko na lamang nang isang bulto ang humarang sa harapan ko. Nanlaki ang aking mga mata at biglang nakaramdam ng kaba. Napalunok pa ako ng sariling laway bago dahan-dahang tiningala kung sino man ito."Halimaw.." N
"Mga bruha, kasalanan ko bang puyat ako kagabi? Oo na, sus nagpaubaya lang talaga ako ngayon sa inyo pero next day, ako na ulit ang panalo. " Pinatay ko na ang tawag dahil tumigil na ang sasakyan, narito na pala kami sa school. Bumaba na ako ng sasakyan at napatingin sa wristwatch ko pagkatapos umalis ni manong driver, family driver namin. Hindi pa naman ako late, actually may isang oras pa ako para mag-gala or gawin ang gusto ko. Anyways, sina Lesley at Beatrix yung kausap ko. Araw-araw kase ay nagpapaunahan kaming pumasok sa school at ang mahuhuli ay manlilibre ng meryenda after school. Medyo unfair lang sa akin kase laging magkasabay sila Lesley at Beatrix, sa iisang village lang kase sila nakatira. So ayun nga, dahil minamalas ako today, nahuli ako. Paano, eh umaga na yata ako nakatulog kakalaro ng ML, kulang pa nga ako sa tulog eh. "Ay gwapo!" Napasigaw ako ng wala sa oras nang pagpasok na pagpasok ko sa gate ng school ay may bigla na lamang humagis sa akin. Mabuti na lamang a
Inis kong itinapon ang walis na hawak ko dahil sa pagod. Kanina pa ako walis ng walis dito sa field at hanggang ngayon ay hindi pa ako matapos-tapos. I think it's around 3 PM na, kanina pa akong 1PM dito. Pano ba naman, ako lang mag isa , hindi man lang nagpadala ng back up si Ms. Layla, hayst. Nakakainis pa yung mga bruha kong kaibigan dahil sa halip na tulungan ako ay pinagtatawanan pa ako, mga wala talagang silbi tsk."Hindi ka ba marunong kumain ng hindi nagkakalat, ano ka 1 year old? Hindi ka na nga nakakatulong, nagkakalat ka pa, lumayas ka na nga rito!" Inis kong tinignan si Davon na nakaupo sa bench sa ilalim ng silong ng mangga. Bw!sit talaga ang kupal na 'to. Kanina pa siya kain ng kain, sa tingin ko nga ay hindi niya naman kinakain, ikinakalat niya lamang para inisin ako at pahirapan. He's doing it on purpose, ang sarap ihampas sa kaniya yung walis tingting."Ikaw na nga yung sinasamahan, galit ka pa." Napairap ako sa kaniyang sinabi at lumapit sa kaniya. Lalo lamang akong
"Mommy, I'm home!" Dere-deretso akong naupo sa couch pagkapasok sa bahay. Hindi na ako nagpunta sa gym tulad ng gusto ni Davon. Like duh, ano naman ang gagawin ko dun? Kaya niya naman siguro magpractise ng walang ALIPIN, diba? Saka isa pa, hindi ba siya aware na napagod ako, meron naman siguro siyang malambot na puso para maawa sa kagandahan ko diba?"Ay sinyureta, nandetu ka na pu pala." Napangiwi ako nang lumapit sa akin si Yaya Dora. Pasensya na, pinanganak yata siyang ganyan magsalita. "Where's my mom?" tanong ko rito matapos kunin ang cellphone sa bulsa ng skirt ko at ini-open iyon. Tinext ko si Bea at Ley na maghahang-out kami sa bar mamaya since today is friday naman."Ay omales pu sya, sinyureta. Sabe nya po, sosonod daw po sya sa dade mo." Napanguso ako sa narinig, wala na naman sila. Bakit ba hindi pa ako nasanay? Palagi namang ganito, minsan nalilito na ako eh. Sino ba talaga ang anak nila,ako o iyong company nila? Mas importante pa yata iyon kesa sa akin."For how long?