Share

Kabanata 5

“Anong plano mo?” Takang tanong ni, Chester.

“Basta. Ako na ang bahala doon.” Sagot ni, Vladius.

           

                  

KINAGABIHAN sa mansion ng mga Maravilla, ay sabay-sabay silang nagdi-dinner. Habang kumakain ay kaagad na binasag ni, Acerius ang bumabalot sa kanilang katahimikan.

“Mom, Dad, babalik na kame ni, Acero sa Gang. Kinakailangan na 'rin talaga, dahil marami na ang gustong kumalaban sa amin.” Seryosong sabi nito.

Si Seannah, ay nanatili lamang na tahimik. Ayaw niyang makisabat o makisali sa usapan.

“Kayo ang bahala” Sagot ng Daddy, nila.

“Ako rin, Mommy and Daddy magte-train na ulit ako.” Sambit naman ni, Sierra.

“Sure, Honey. Ikaw ang tagapagmana namin kaya dapat lang na paghusayan mo.” Ngiting sagot ng, Mommy nila.

Nakaramdam ng kirot sa puso si, Seannah pero nanatili lang siyang tahimik. Nasa batas ng angkan nila na dapat na sa bunso mapupunta ang trono, kung mawawala o mamatay ang pinaka panganay. Pero dapat mag train ito at lumaban. Pero sa kalagayan ni, Seannah ay hindi talaga niya iyon gusto.

“Don't worry Mom, dahil hindi ko kayo bibiguin.” Nakangiting sagot ni, Sierra.

“How about you, Seannah? Wala ka ba talagang balak na mapabilang sa organization? Huwag mo sanang kalimutan na isa ka pa 'ring Princesa.” Seryosong tanong ni, Acero sa kaniyang bunsong kapatid.

“Wala po” Nakangiting sagot ni, Seannah.

“Tsk! Aasa pa ba kayo na sasali siya? Baka nga kapag sumali siya ay maging pabigat lang siya.” Malamig na saad ni, Sierra. “Pure bloody Mafia Princess nga si, Seannah pero wala namang silbi ang dugo na nanalaytay sa kaniya, dahil hindi niya kayang panindigan ang isang pagiging Mafia” Dag-dag pa ni, Sierra.

“I'm sorry. Hindi ko kase kayo kagaya,” Seryosong sagot ni, Seannah tsaka siya tumayo, “Tapos na po ako, salamat po sa hapunan” Nakayukong dag-dag nito tsaka siya lumakad paalis para magtungo sa kanyang kwarto.

         

                

PAGPASOK ni Seannah, sa kaniyang kwarto ay kaagad niyang kinuha sa ilalim ng kama ang isang box.

Pagbukas niya sa box ay nilabas niya doon ang isang litrato. “Tutuparin ko ang huling salitang binitawan ko noon sayo.” Seryosong sambit ni, Seannah habang nakatingin sa litrato.

              

              

KINABUKASAN ay sumabay na si, Seannah kay Lainarashi sa pag pasok sa B.U. Pagdating nila sa B.U ay kaagad silang nagtungo sa locker area.

“Hindi mo isusuot iyang kwintas mo?” Tanong ni, Zamara kay, Seannah.

“Hindi na muna kase nangangati yung leeg ko e. Dito nalang muna ito sa locker.” Sagot ni, Seannah at nilagay niya sa maliit na kahon yung kwintas tsaka niya ito pinasok sa locker.

“Tara na” Ngiting sabi ni, Zamara kaya tumango nalang si Seannah.

Hindi na nila kasama si Lainarashi, dahil nauna na ito sa classroom.

Habang naglalakad ang dalawa ay bigla nilang nakasalubong ang Poisonous Gang kaya nahinto ang mga ito. “Ano na naman ang kailangan ninyo?” Mataray na tanong ni, Zamara. “May bago na naman ba kayong pakulo huh? Bukod sa lason na nasa pagkain namin kahapon?” Dag dag pa nitong tanong.

“Wala kang ebedensya na may nilagay kameng lason sa pagkain niyo.” Seryosong sabi ni, Laxous kaya bahagyang natawa si Zamara.

“Zamara, tayo nalang ang umiwas” Bulong ni, Seannah sa kaibigan.

“Hey! Seannah, sumama ka sa akin. May pag-uusapan tayong dalawa.” Seryosong sambit ni, Vladius kaya kumunot ang noo nila Seannah at Zamara.

“Hoy! Hindi sasama si, Seannah sa inyo okay? Lalo na sayo.” Masungit na sabi ni, Zamara at agad niyang hinawakan sa kamay ang kaibigan.

                         

                      

HABANG si Sierra, naman ay dali-daling binuksan ang locker ni, Seannah.

Nang mabuksan niya ito ay kaagad niyang nakita ang maliit na box at kinuha niya iyon. Walang ibang tao sa locker area kaya naman walang makakakita sa kaniya. 

                       

              

               

      

SEANNAH POV

“Zamara, sasama nalang ako. Ayaw ko ng gulo.” Seryosong sabi ko sa kaibigan ko.

“Pero, Seannah—” 

Nginitian ko siya at mukhang nakuha naman niya kaagad ang ibig kong sabihin.

“Ayos lang ako. Sige sasama na ako sayo” Ngiting sabi ko doon sa Vladius, kaya lumakad na siya. Kaagad naman akong sumunod.

              

         

PAGKARATING namin sa office ay kaagad siyang naupo sa swivel chair.

“Uhmm anong kailangan mo sa akin?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Hindi ko talaga kung ano ba ang kailangan niya. Pero hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

“Gusto kong magpanggap ka na girlfriend ko para pagselosin si, Sierra Maravilla” Hindi ko ipinahalata ang pagkagulat ko dahil sa sinabi niya.

High ba siya? Sinasabi ko na nga ba. Hindi nga talaga maganda ang pakiramdam ko dito. Sa sinabi palang niya ay sukang-suka na ako.

“Sorry? Ayaw ko,” Nakangiting sagot ko kaya tumayo siya at dahan dahan na lumapit sa akin, “Sa iba nalang please” Pakiusap ko pero patuloy lang siya sa paglapit, kaya napa atras na 'rin ako.

“Choose magpapanggap ka o makikick-out ka dito? I'm Vladius Baltazar at anak ako ng may-ari nitong BU. Now choose, Seannah dahil kayang-kaya kitang paalisin dito. Sobrang malas mo nga lang dahil wala ng tatanggap sayo na ibang University.” Seryosong sabi nito kaya napaiwas ako ng tingin.

Anak siya ng may ari? Baka mamaya iutos pa niya na paalisin ako dito. Iyon ang bawal at delikado. Wala ng tatanggap sa akin na ibang unibersidad. At alam na alam niya rin ang tungkol doon.

“S-Sige payag na ako,” Yukong sagot ko. “Hanggang kelan?” Dag dag kong tanong sa kaniya.

“Three weeks lang,” Sagot nito. “Aarte ka na parang totoong girlfriend kita. Maging sweet tayo sa isa't-isa kung kinakailangan. Gusto kong magselos si Sierra, para maisip niyang bumalik sa akin. At isa pa pala, tawagin mo akong, Vladius” Dag dag pa nito kaya napatango ako.

Magaling naman akong umarte eh.

“Okay. Sige kung iyan ang gusto mo,” Nakangiting sagot ko kaya tumango siya. “Aalis na po ako kase may klase pa” Dag dag ko pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

“Magkaklase tayo, kaya sabay nalang tayong pumasok.” Biglang sabi nito kaya tumango ako. Sabay kameng lumabas ng office.

Kaunti nalang ang tao sa field. Mukhang nag bell na. Pero hindi ko naman narinig iyon.

Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng babae dito sa University, ay ako talaga ang napili ni, Vladius. I mean, pwede naman sana na iba nalang. Iyong mas maganda at mas makakaya ang gusto niyang ipagawa. Medyo naguguluhan 'rin ako kung paano ba nagustuhan ni, Vladius si, Sierra.

          

                

PAGDATING namin sa classroom ay halos lahat ng mata ay na sa amin ni, Vladius. Kahit si, Zamara ay nakakunot 'rin ang noo at taas kilay niya akong tinignan.

Lalakad na sana ako para magpunta sa upuan ko pero may biglang humawak sa pulsuhan ko. “B-Bakit?” Nagtatakang tanong ko kay, Vladius.

“Doon ka sa tabi ko uupo,” Seryosong sabi nito sabay lakad kaya nagpahila nalang 'rin ako, “Alis. Lumipat ka ng ibang upuan.” Malamig na sabi niya sa kaklase naming lalaki kaya dali dali itong lumipat ng upuan.

Wala akong choice kaya naupo nalang ako sa tabi niya. Tinignan ko naman si, Zamara na nakatingin 'rin sa akin ngayon. Tinaasan niya ako ng kilay at nagtataka niya akong tinignan, pero pilit na ngiti lang ang pinakit ko sa kaniya.

                  

                  

AFTER CLASS ay kaagad kong inayos ang mga gamit ko.

“Seannah” Nagulat ako ng biglang hilain ni, Zamara ang kamay ko. 

“Bakit?” Nagtatakang tanong ko kaya tinignan niya 'rin sila, Vladius.

“Anong ginawa sayo ng lalaking iyan huh? Sinaktan ka ba niya? Magsabi ka dahil tatapusin ko talaga siya dito mismo?” Nag-aalalang tanong nito kaya napangiti ako.

“Ayos lang ako, Zamara” Nakangiting sagot ko.

Napatingin ako sa gilid ko nang may biglang humawak sa kamay ko, “Sasabay ka sa amin na mag lunch.” Turan ni, Vladius.

“Teka, hoy lalaki! Hindi sasabay sa inyo si, Seannah” Inis na sabi ni, Zamara sabay hila 'rin sa akin.

“May usapan kame ng kaibigan mo.” Seryosong tugon ni, Vladius sabay hapit sa bewang ko na ikinalunok ko.

“Tara na” sabi nung kaibigan nila .

        

       

      

              

ZAMARA POV

“Nasaan si, Seannah?” Nagtataakang tanong ni, Lainarashi sa akin.

“Hinila ni Vladius Baltazar, papunta sa cafeteria” Iritang sagot ko.

“Ano? Teka anong ginawa nila kay, Seannah?” 

“Aba malamang hindi ko rin alam kase magkasama tayo.” Pabalang kong sagot kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status