Share

Kabanata 3

"Gusto mo rin?" Malamig kong tanong at mabilis kong binato sa kaniya ang dalawang shuriken na pagmamay-ari niya mismo.

Napatingin ako kay Leizel, at kaagad ko siyang inalalayan sa pagtayo.

****                  

MAKALIPAS ang isang oras ay pumunta na kaagad ako kila Zamara at Lainarashi.

"Seannah, saan ka ba nanggaling huh?" 

Hindi ko inamin kina, Lainrashi at Zamara, kung ano ba talaga ang totoong nangyari kanina. Baka kase gumawa pa sila ng gulo eh. 

"Diyan lang sa tabi-tabi" Sagot ko at nakapikit na lumakad.

Hindi tuloy ako nakapag lunch.

Pero sige ayos lang.

/*Boggshh

"Ouch!" D***g ko at tinignan ko kung sino yung nakabanggaan ko.

"Tsk! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo" masungit na sabi nito sa akin.

"Pa-Pasensya na" Hinging tawad ko at lumakad naman s'ya paalis.

"Ang gwapo nila huh" Pabulong na sabi ni, Zamara.

"Zamara, hindi paglalandi ang ipinunta natin dito okay? Tandaan mo na nandito tayo para bantayan si, Seannah dahil baka gumawa na naman siya ng matinding kalokohan." Seryosong sambit ni, Lainarashi kaya napasimangot ako.

Ako talaga ang palagi niyang target eh.

"Oo na, grabe ka naman." 

Natawa ako dahil sa pagtataray ni, Zamara. Palibhasa mahilig 'rin siya sa mga lalaki.

"Papasok na kame ni, Zamara" Sabi ko kay, Lainarashi kaya tumango siya bilang sagot.

              

                           

KINAGABIHAN pag-uwe ko sa mansion nagulat ako nang sampalin ako ni, Mom.

/*pak

/*pak

"M-Mom" 

"ANONG IBIG SABIHIN NITO HUH, SEANNAH?!!" Galit na sigaw ni, Mommy sa akin at sabay pakita nang mga picture.

"Grabe ka, Seannah nag-aaral ka habang nakikipag landian. At kay Vladius Baltazar, pa talaga huh." Iiling-iling na sabi ni, Sierra sa akin, kaya dali dali akong umiling.

"Sierra, hindi iyan totoo okay? Nakabanggaan ko lang siya at hanggang doon lang iyon. Hindi ko nga iyan kilala eh." Depensa ko

"Wala akong anak na malandi, Seannah kaya umayos ka. Huwag na huwag mo 'rin' susubukan na makipag relasyon." Diin na sabi ni, Mom sa akin kaya napatango ako.

"Y-Yes, Mom" Nakayukong sagot ko at dali dali akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Mabuti nalang at wala sila Kuya, dito. Baka kung nandito sila ngayon, baka mas malala pa ang naabot ko. Baka nasampal 'rin nila ako, kagaya nang ginawa ni, Mom.

Pag-akyat ko ay napasandal nalang ako bigla sa pinto.

Walang araw na hindi ako nagdudusa. Pero ayos lang. Wala namang bago. Ganito na ang buhay ko. Hindi na nga siguro iyon magbabago eh.

         

                       

KINABUKASAN, ay maaga akong pumasok sa B.U, dahil ayaw ko 'rin naman na maabutan pa si, Sierra kaya nauna na ako.

Habang naglalakad kame nila, Zamara at Lainarashi, sa field ay bigla kameng hinarang ng mga lalaki. Isa na roon ang lalaking nakabanggaan ko kahapon.

"Sino sa inyong tatlo si, Seannah Sanchez?”

Seannah Sanchez, ang ginamit ko. Middle name iyon ng lolo ko. Ayaw kong gamitin ang Maravilla at Mollenas. Ayaw ko lang kase na may makaalam na kapatid ako ni, Sierra. Iyon 'rin kase ang gusto ni, Sierra, kaya naman nirespeto ko nalang.

"Ako, bakit?" Nagtatakang tanong ko.

Nagulat ako sa bigla niyang pagsakal sa akin.

"Bitawan niyo kame!" Dinig kong sabi ni Lainarashi, nang hawakan sila ng mga kasamahan nitong lalaki.

"/*cough*/ A-Ahhh!" D***g ko at pilit kong inaalis ang kamay niya.

Hindi ko alam kung ano ba ang problema nila. Wala naman ako'ng ginagawa sa kanila eh.

"BITAWAN NIYO SI, SEANNAH!! MGA BWESET!!" Galit na sigaw ni Zamara, sa lalaking sumasakal sa akin ngayon.

Pabagsak akong binitawan nitong lalaki kaya napahawak ako sa leeg ko dahil sa sakit.

"/*cough cough cough*/"

Pinilit ko siyang tinignan. 

Wala akong nakikitang emosyon sa mga mata niya. "Wala ka'ng karapatan para kalabanin ang grupo ko. Isang maling galaw mo pa....papatayin na kita." malamig na sabi nito bago siya tumalikod paalis. Sumunod naman ang mga kasamahan niya sa kaniya.

"Seannah, ok ka lang?"

"Seannah ayos ka lang ba?" 

Sabay na tanong nila Lainarashi at Zamara, sa akin.

"O-Oo" Sagot ko at inalalayan naman nila akong tumayo.

"Iyan ang napapala ng kagaya mo, Seannah."

Napatingin kame sa likod namin nang marinig namin iyon.

"Sierra Maravilla" Seryosong banggit ni, Lainarashi sa pangalan ng kapatid ko.

"Kilala mo pala ako? Well masyado na akong sikat kaya marami na ang nakakakilala sa akin." Mayabang na sabi ni, Sierra na ikinatawa naman ni, Zamara.

"Boba! Kilala ka namin dahil ikaw lang naman ang numero unong malandi dito sa University." Mataray na sabi ni, Zamara.

"Zamara, Lainarashi pakiusap, huwag niyo ng patulan si, Sierra. Umalis nalang tayo." Mahinahong sabi ko sa mga kaibigan ko at lumakad na kame paalis.

"Tandaan mo, Seannah...Pahihirapan kita sa loob at labas"

Nahinto ako saglit dahil sa sinabi ni, Sierra.

"Pahirapan mo na ako pero..." Matalim ko siyang tinignan sa mga mata niya. "pero huwag na huwag mo'ng idadamay ang mga kaibigan ko. Makikilala mo talaga ako." Seryosong dag dag ko bago kame tuluyang umalis.

      

****

PAGPASOK namin ni, Zamara sa classroom ay nakita ko iyong babaeng tinulungan ko kahapon.

Napansin ko 'rin na wala iyong napuruhan ko kahapon.

Mukhang hindi sila papasok.

"Seannah, umupo na tayo" 

Nabalik ako sa realidad nang tapikin ako ni, Zamara.

"U-Uhh oo" Sagot ko at kaagad na akong naupo sa tabi ni, Leizel.

Pag-upo ko ay palihim ko siyang tinignan at dahil hindi ko na napigilan na magsalita ay kaagad na akong dumadal, "U-Uhmm h-hi? Kumusta ka na?" Naiilang kong tanong sa kaniya pero hindi niya manlang ako binalingan ng tingin.

Medyo napahiya yata ako doon.

"Ikaw yung tumulong sa akin kahapon, tama ba?" Walang emosyong tanong nito sa akin.

"O-Oo. Ako nga" Sagot ko at kaagad niya naman akong tinignan ng seryoso.

"Huwag mo na ulit akong tutulungan sa susunod. Hindi ko gustong nagkakaroon ng utang na loob sa kahit na sino, lalo na sa kagaya mo." Seryosong sabi nito sabay iwas ng tingin.

     

       

          

        

AUTHOR'S POV

Matapos ang kanilang klase ay kaagad 'rin silang umuwe.

  

                   

SA KABILANG banda ay pumasok naman ang isang tao sa loob ng isang kwarto.

"Black, natagalan ka yata" Sambit ng isang lalaki sa taong nangangalang 'Black'

"May inasikaso lang ako" Malamig na sagot ni Black.

Tanging mga mata lang ni Black, ang makikita mo sa kaniya. May suot-suot kase siyang itim na maskara. Balot na balot 'rin ang buong katawan niya. Hindi 'rin basta-basta malalaman ng kahit na sino kung lalaki o babae ba talaga siya, dahil hindi mo iyon mahahalata sa panlabas niyang katauhan at kasuotan.

"Boss, nandito na si, Avilania" Biglang sabi nang isang tauhan ng matandang lalaki.

"Papasukin ninyo" Sagot nang Boss, nila kaya kaagad nila iyong sinunod.

Maya-maya pa ay napatingin si Black, sa isang babaeng kararating pa lamang.

"Avilania, maupo ka," Kaagad na sinunod ni, Avilania ang sinabi sa kanya ng Boss nila. "Black, gusto kong ipakilala sayo si Avilania, ang magiging studyante mo." Biglang sabi pa nito kaya napatingin sa kaniya si, Black.

"Magiging studyante ko? Anong ibig mong sabihin, Tanda?" Walang emosyon na tanong ni, Black dahilan para tignan siya ni Avilania.

"Gusto ko'ng ikaw ang mag train kay, Avilania. Ikaw na ngayon ang magiging guro niya pagdating sa martial arts," Sagot ng Boss nila. "Maiwan ko na muna kayong dalawa. Black, ikaw na ang bahala sa lahat." Dag dag pa nang matanda bago siya lumabas ng silid.

"Ikaw po pala si, Black. Ako nga pala si Avilania, apo niya ako," Nakangiting pakilala ni Avilania, pero wala pa ring emosyon ang mga mata ni Black. "Masaya ako dahil ikaw ang napiling mag train sa akin. Nabalitaan ko kase kung gaano ka kagaling at sobrang humahanga talaga ako sayo." Masayang dag dag pa nito.

"Bukas tayo mag-uumpisa. Asahan mong hindi magiging madali ang pagsasanay na gagawin natin. Ihanda mo ang katawan mo sa mga posibleng mangyare. Tandaan mo, hindi kita ituturing na isang bata." Walang emosyon na sabi ni, Black kay Avilania bago siya tuluyang lumabas paalis.

      

                            

KINABUKASAN ay natuloy nga ang pagte-train ni Black, kay Avilania.

/*Cha!!

"AHHH!!" Malakas na sigaw ni Avilania, nang masipa siya sa bandang dibdib ni, Black.

"Ayaw ko sa mga mababagal" Malamig na turan ni Black, at muli siyang sumugod.

/*Boggsh

Malakas niyang sinikmuraan si Avilania, dahilan para mapaluhod na sa sakit si, Avilania.

"Ano kaya mo pa ba?" Malamig na tanong ni, Black kaya pinilit ni Avilania na tumayo.

"K-Kaya /*cough*/ ko pa" Inuubong sagot ni, Avilania kaya mabilis siyang sinugod ni, Black.

Mabilis ang kilos na ipinakita ni Avilania, at mabilis niyang nasugatan si, Black sa braso.

Nang maramdaman iyon ni Black, ay dali-dali niyang sinipa si, Avilania.

/*Boggsh

/*Cha!

Suntok at sipa ang natanggap ni, Avilania mula kay Black.

Kaunting lumayo si Black, at pinagmasdan niya si Avilania. Napansin niyang nahihirapan na ito pero pinipilit pa 'rin tumayo.

Mabilis na sumugod si, Black at hindi na niya ito pinagbigyan na makatayo.

/*Cha!

Malakas na sinuntok ni, Black si Avilania sa mukha.

Susubukan pa sana ni Avilania, na tumayo pero tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Kaagad na sumenyas si, Black sa mga tauhan ng Boss niya kaya kaagad nilang binuhat si Avilania, para maipagamot na.

    

                     

         

        

RYLEIGH POV

"Lainarashi?" Gulat kong sambit sa pangalan niya.

Nakita kong may sugat siya sa braso niya.

"Anong nangyare sayo? Nasaan sila Seannah, at Zamara? Hindi ba't may pasok pa kayo?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"Hinarang ko yung grupo ng Poisonous Gang. Napuruhan nila ako pati si, Zamara. Pero si Seannah, bigla nalang siyang nawala. Hindi 'rin kame nakapasok" Sagot nito at pabagsak na naupo sa sofa.

"Nasaan ngayon si, Zamara?" Takang tanong ko sa kanya.

"Andiyan" Sagot niya kaya napatingin ako sa pinto.

Maya-maya pa ay pumasok si Zamara, na may mataray na expression sa pagmumukha.

"Napaka siraulo mo talaga, Lainarashi. Ang lakas ng loob mong harangin ang mga iyon, eh halata naman na lugi tayo." Mataray na sabi ni, Zamara.

"Bakit niyo ba hinarangan ang Poisonous Gang?" Seryosong tanong ko sa kanila.

"Sinaktan nila kahapon si, Seannah kaya gusto ko lang gumanti." Malamig na sagot ni Lainarashi.

"At bakit naman nila gagawin iyon?" 

"Hindi namin alam ang sagot diyan. Baka may ginawa si, Seannah" Mataray na sagot ni, Zamara.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
COFFEREIMXTR
Thank you for reading
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status