Nagising ako nang marinig ko ang cellphone ko na walang tigil sa kaka-ring simula pa kanina.Wala na naman akong naging sapat na tulog dahil sa pakikipag-usap kay Charles. Masyado kasing madaming napag-uusapan at naaaliw ako sa kanya masyado. Napapikit ako ng mariin bago tamad na inabot yung cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Tita Naira sa screen. Napakunot ang noo ko at agad sinagot ang tawag."Bakit po?" inaantok na tanong ko habang nakatapat sa akin ang camera."Ang Kuya Jerome mo…H-hindi na namin alam ang gagawin, Linlin. Ilang araw na nilalagnat tapos ngayon may mga tigdas na lumabas sa katawan niya. Hirap na rin daw makahinga sabi ng Tita Mia mo." pambungad niya sa akin kaya agad akong napabalikwas ng bangon. Sakto naman na may kumakatok sa labas ng condo na inuupahan ko. Bumangon ako sa kama at lumapit sa pinto. Sumilip ako sa peep hole. Nang makitang si Mama iyon ay agad kong binuksan ang pinto.Napatitig ako sa mukha ni Mama. Halatang galing sa pag-iyak at kita ko ang
Lumipas ang halos tatlong buwan na nakakausap ko si Charles. Habang tumatagal din ay mas lalo akong naa-attach sa kanya. Pakiramdam ko nasanay na ang sistema ko na palagi siyang kausap kaya pakiramdam ko mas mabilis na ata akong mag-reply kaysa sa kanya."Naku, sinasabi ko sa'yo ha! Huwag ka masyadong mag-tiwala sa lalaking kausap mo. Iyang mga katulad ni Cocomelon na hindi nakikipag-usap sa personal account nila, delikado. Malay mo poser pala 'yan o kaya ang mas malala, kabit ka pala ng hindi mo alam." sabi ni Ate Hannah habang kasabay ko kumain sa hapag kainan.Nginuya ko muna yung kinakain ko at uminom ng tubig bago magsalita."Grabe ka naman. Hindi naman siguro. Tinanong ko naman sa kanya umpisa pa lang kung may iba pa ba siyang kausap o may girlfriend ba siya. Ang sabi naman niya wala." depensa ko kahit nag-uumpisa na akong mapaisip."Bakit? May umaamin bang manloloko?" sabi ni Ata Hannah kaya natahimik ako lalo.Totoo nga naman. May punto ang pinsan ko. Paano nga kaya kung talag
Hapong-hapo ako buong araw dahil sa dami ng sideline na tinapos ko. Bukod pa sa pagod na nararamdaman ko, nangingibabaw ang lungkot at panghihinayang sa puso ko. Wala pa rin akong natatanggap ni isang message galing kay Charles.Napahilot ako sa sintido ko.Heto na nga ba ang sinasabi ko. Sa mga nakalipas na buwan na kausap ko siya, masyado akong nasanay na palagi siyang nandyan. Na sa tuwing kailangan ko ng kausap, bigla na lang siya magcha-chat out of nowhere.Nagsimula na siguro siyang mawalan ng interest sa akin. Ganoon siguro talaga ako ka-walang kwenta kausap kaya hindi niya na kinaya pang tiisin na replyan ako araw-araw. Talo ko pa maging jowa ampota naman.Ginulo ko ang buhok ko at napatitig sa kawalan. Buysit. Nagugulo niya masyado ang sistema ko. Sana kasi pala hindi na ko gumamit ng app na 'yun. Edi sana hindi ko na siya nakilala.Aminado na ako eh. Madali naman talaga akong ma-attach sa tao at malaking sampal sa akin ito na mukhang ako pa ang maghahabol sa kanya. Ano siya
Isang linggo ang nakalipas at masasabi ko na naging maayos naman ulit ang pag-uusap naming dalawa. Nandoon pa rin ang pagkaaliw ko sa kanya. Mas lalo nga ata akong naa-attach sa kanya eh. Ewan ko ba.Naisipan kong magpaliban sa trabaho ngayon para bisitahin ang mga pinsan ko pati na rin ang lola ko. Matagal na rin kasi noong huli ko silang nakita at nakasama gawa nga ng sobrang busy ako sa trabaho ko.Busy sa trabaho o busy sa pag-landi?Minsan kung pwede lang i-factory reset ang utak, gagawin ko na. Hindi na siya nakikisama sa akin ngayon.Namili muna ako ng kaunting grocery bago ako bumiyahe papunta sa kanila. Nang makarating ako sa subdivision namin ay nag-chat na ako sa pinsan ko na malapit na ako. Ilang sandali lang ay huminto na ang sinasakyan kong grab sa may kulay puting bahay na may kalumaan na. Pagbaba ko ay agad akong sinalubong ng mga pinsan ko sa labas ng gate."Ate Crysaline! Akala ko scammer ka na talaga eh. Lagi mo sinasabi na pupunta ka pero hindi naman natutuloy." s
Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Charles at hindi ko alam kung sino ba ang may mali sa aming dalawa. Ako ba o siya? O wala naman talagang may mali sa aming dalawa. Baka rin pareho kaming may mali.Baka sadyang hindi lang talaga ito iyong tamang panahon para humarot kami. Hindi naman kasi kami. Kumbaga wala akong habol sa pagiging MU niya kasi kahit ako nga hindi nagco-commit ng buo.So anong inaarte ko ngayon?Napasimangot ako at tumulala na naman sa harapan ng iPad ko. Ngayon ko lang naiisip. Never niya pala nabanggit sa akin yung pangalan niya social media. Ni hindi niya din madalas sine-send photos niya kaya hindi malinaw sa akin kung ano ba talagang itsura niya.Madalas kasi nakatakip lang iyong bandang labi niya sa mga photos na sine-send niya samantalang ako buo palagi. Though choice ko naman iyon at hindi naman din niya ako pinilit na gawin iyon.Wala sa sariling binuksan ko ang isang social media account ko at hinanap siya gamit iyong mga impormasyon na alam ko sa kanya
Halos apat na buwan na rin ang nakakalipas simula noong huli kong makausap si Charles. May mga oras na nami-miss ko pa rin na may kausap pero nawalan na lang din ako ng pakielam. Masyado na akong maraming pinoproblema para isipin ko pa siya.Lalo pa ngayon na sinusubukan kong matapos yung mga librong hindi ko na natuloy-tuloy. Bukod pa roon, nakatira ako ngayon sa bahay ng mga magulang ko. Kailangan ko magtipid ng pera dahil nag-layoff sa trabaho namin at kasama ako roon. Kasabay pa nga ng pagkawalan ko ng trabaho, wala rin akong nakukuhang freelance projects nitong mga nakaraang linggo.Napapikit ako ng mariin. Halos alas otso na ng gabi pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ko. Wala akong balak madagdagan ang sama ng loob ko sa mundo. Kung maririnig ko rin naman ang pagtatalo ng mga magulang ko dahil sa pera, mas gugustuhin ko na lang hindi kumain.Simula noong mawalan ng trabaho si Papa at nagkanda-baon sa utang ang mga kapatid ni Mama, naging mahirap na ang sitwasyon. Hirap n
After 3 years…Hindi ko maiwasang mapangiti ng malawak habang nakatingin sa gilid ng stage. Rinig ko ang tilian ng mga fans habang kumakaway sa akin.Agad ko naman silang binigyan ng matamis na ngiti at kinawayan lahat. Lalong lumakas tuloy ang hiyawan nila kaya hinatak na ako ng editor ko paalis ng gilid ng stage."Ang kulit mo talaga, Crysaline! Sabi ng bawal ka sumilip doon eh. Tignan mo nga iyang itsura mo, hindi ka pa tapos make-upan tapos makasilip ka doon akala mo artists ka?" sita sa akin ng editor kong si Ms. Siana kaya napanguso ako."Sorry na. Cutie kasi nila eh. Gusto ko lang naman sila batiin." sabi ko sa kanya habang sumusunod sa kanya papasok ng dressing room."Bente sais ka na! My gosh! Act like your age! Ilang beses ka na bang umaakto na parang isip-bata. Sinabi ko rin sa'yo noong nakaraan na huwag kang lalabas ng hindi kasama iyong bodyguard mo pero hindi ka pa rin nakinig. Muntik ka na tuloy dumugin ng mga fans mo." patuloy niyang litanya hanggang makaupo na ako sa
"Liligawan kita. Iyong totoo na. Baka kasi maagaw ka pa ng iba, mahirap na." sabi niya bago ako bigyan ng magaang halik sa noo."A-anong pinagsasabi mo riyan?! Siraulo ka na ba? Ibaba mo na nga ako!" kabado kong sita sa kanya pero ang walang modo, nagpatuloy lang sa paglalakad habang buhat ako."Seryoso ako, Crysaline. Ayokong ma-friendzoned habang buhay. Kaysa maging marupok ka na naman sa Charles na iyon, aabante na ako. 'Di hamak naman na mas pogi ako kaysa sa lalaking 'yon!" sabi niya na tila ba simpleng bagay lang ang pinagsasasabi niya."Hoy, Nathan. Huwag kang ganyan marupok ako." mahina na lang ang pagkakasabi ko sa sobrang hiya na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko sobrang pula ng magkabilang pisngi ko dahil sa pagkapahiya kaysa sa blush on ko. Shocks."Edi maging marupok ka sa akin. Sasaluhin naman kita, Crysaline Lopez." sabi niya at humalakhak pa siya."Wala ka talagang kwenta, Nathan Villegara! Kapag ako talaga nasa headline bukas ng umaga dahil sa mga ginagawa mo, lag