Share

Chapter 9

Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Charles at hindi ko alam kung sino ba ang may mali sa aming dalawa. Ako ba o siya? O wala naman talagang may mali sa aming dalawa. Baka rin pareho kaming may mali.

Baka sadyang hindi lang talaga ito iyong tamang panahon para humarot kami. Hindi naman kasi kami. Kumbaga wala akong habol sa pagiging MU niya kasi kahit ako nga hindi nagco-commit ng buo.

So anong inaarte ko ngayon?

Napasimangot ako at tumulala na naman sa harapan ng iPad ko. Ngayon ko lang naiisip. Never niya pala nabanggit sa akin yung pangalan niya social media. Ni hindi niya din madalas sine-send photos niya kaya hindi malinaw sa akin kung ano ba talagang itsura niya.

Madalas kasi nakatakip lang iyong bandang labi niya sa mga photos na sine-send niya samantalang ako buo palagi. Though choice ko naman iyon at hindi naman din niya ako pinilit na gawin iyon.

Wala sa sariling binuksan ko ang isang social media account ko at hinanap siya gamit iyong mga impormasyon na alam ko sa kanya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status