Dahil sa pagtitig ko sa kanya ay hindi nakalampas sa mga mata ko ang panginginig niya. Kunot noo ko siyang nilapitan para mas makita iyon at tama nga ako dahil nanginginig siya. Napa kunot ang noo ko ng bahagya."Jeck?" mahinang tawag ko pero wala akong akong narinig na tugon.Kahit nagdadalawang isip ay nagawa ko pa rin na hawakan ang noo at leeg niya para malaman kung tama ba ang hinala ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman na sobrang init niya. He has a high fever! Bahagya siyang tumihaya ng pagkakahiga kaya bahagya akong napaatras. Napalunok ako saka muling pinakiramdaman ang noo at leeg niya na sobrang init."Hmmm," ungol niya habang nanginginig kaya mabilis kong binalot sa katawan niya ang makapal na comforter.Mabilis akong nataranta kaya halos madapa na ako nang tumakbo ako pabalik sa kwarto ko para kunin ang phone. Nanginginig ang kamay ko habang nag-sesearch sa g****e kung ano ang ginagawa sa taong may lagnat.Hindi ko alam ang gagawin! Hindi pa ako nakapag-alaga ng ma
Sa ilang minuto kong pananatili sa labas ng pintuan niya nakaramdam na rin ako ng bahagyang inip kaya nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto ko. Akmang bubuksan ko pa lang ang pinto ng kwarto ko bumukas rin ang kay Jeck kaya mabilis ko 'yong nilingon.Nakita ko siyang mabilis na lumabas na nakabihis na ng formal attire pero namumula pa rin ng bahagya ang mukha at mga mata at palatandaan 'yon na hindi pa siya gaanong maayos."Jeck," mahinang tawag ko kaya natigilan siya at malamig na tumingin sa akin.Wala sa sarili akong humakbang papalapit sa kanya saka hindi nagdalawang isip na pinakiramdaman ang leeg niya. Mabilis siyang humakbang paatras kaya nabitin sa ere ang kamay ko kaya ngumiti na lang ako ng pilit saka unti-unting binaba 'yon."I'm going," matigas na sabi niya kaya napalunok ako bago umiling."You are still sick. Mamaya ka na umalis kapag naging maayos ka na ng tuluyan," sabi ko kaya nag salubong ang kilay niya na parang naiinis kaya napabasa ako sa mga labi ko dahil s
Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakaupo sa kama habang mariin ang titig sa isang baso ng tubig na hawak. Biglang nawala ang pagkauhaw ko at parang gusto ko na lang na titigan ang hawak. My heart is shaking as well as my whole body.Nanginginig kong nilapag ang baso sa bedside table saka marahang huminga ng malalim. Hindi ko maabot ang saya na nakapaloob sa puso ko. My heart is screaming out of joy. Jeck, my husband, offered to get me a glass of water. For the first time he gave his full attention to me. And that is my own kind of heaven.Hindi ko matanggal ang matamis na ngiti sa labi nang magpasya akong pumunta sa banyo para maligo. Pilit kong ininda ang sakit ng bukong-bukong na hindi ko mailapat kaya gumamit ako ng bathtub para hindi ako gaanong mahirapan. Pero nang matapos ako sa paliligo nakita ko na mas lalong namaga ang ankle ko kaya bahagya akong kinabahan."Manang, please puntahan niyo po muna ako," sabi ko sa pamamagitan ng intercom habang pilit dinidiinan ng malinis na bimp
Nanatili lang ako sa kwarto kasi umakyat si Manang para pagsabihan ako na huwag daw pwersahin sa paglakad dahil mas lalong lalala ang pamamaga. At dahil ayaw ko ng mahirapan sa paglalakad sinunod ko siya. I stayed inside my room while listening to my favorite playlist.Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ni Jeck. Alam kong nandito lang siya sa bahay at kampante na ako doon. At kahit naman na magpasya siyang umalis ay ayos lang rin. Masaya na ako dahil sa mga atensyon na ibinigay niya.Busy ako sa pag-check ng emails ko sa laptop ng biglang bumukas ang pinto at inuluwa no'n ay si Manang. Kunot noo ko siyang tiningnan pero kalmado lang siya na naglalakad papunta sa akin."Po?" inosenteng tanong ko kaya huminga siya ng malalim bago pasimpleng may tinuro sa baba kaya napaawang ang mga labi ko.Nagtatanong ang mga mata ko na nakatingin sa kanya kaya bahagya siyang sumulyap sa namamaga kong bukong-bukong."May naghahanap sa iyo sa labas. Nagpakilalang si Mr. Dy," sabi niya kaya nanlaki a
My swelling ankle started to get better and I could already walk without feeling too much pain. Masakit pa rin pero makakaya ko na at nabawasan na ang pamamaga niya. Hindi na nga halata kaya nagagawa ko nang pumunta sa baba ng walang umaalalay. Dalawang araw na rin kasi ang lumipas."Jeck, magtatrabaho ka ngayon?" tanong ko habang nasa hapag-kainan kami pero tiningnan niya lang ako gamit ang malalamig na mga mata at wala ni isang katagang sinabi kaya pinili ko na lang na manahimik.My ankle started to get better but my husband went back to being cold again. He was just guilty that time and that is the sad truth.Nangangalahati pa lang ako sa kinakain ko bigla na siyang tumayo kaya nanlaki ang mga mata ko. Napatayo rin ako ng mabilis kaya tinapunan niya ulit ako
"We're going tomorrow, wake up early," iyon lang ang sinabi ni Jeck pagkarating niya pero grabeng saya na ang hatid sa akin.Napasigaw ako ng malakas sa loob ng utak ko bago patakbo na umakyat sa taas diretso sa kwarto ko. I've already packed some of my things earlier but I am not yet done. Hindi pa kasi ako sigurado kanina kung tuloy ba kami bukas pero ngayon na sigurado na aayusin ko na ulit ang lahat.Isang malaking maleta ang dadalhin ko kahit dalawang araw lang naman kami doon. Two days and one night to be exact but that's fine. Too short but I will make sure that I'll enjoy. Lalo na at kasama ko si Jeck. Thanks to his parents. Hindi niya yata gustong suwayin sila kaya sapilitan siyang pumayag.Nilagay ko ang sunblock, shades, perfume, slippers, nigh
I was just staring at their intertwined hands when the elevator opened."Eya," dahil sa tawag na iyon bigla akong napaangat ng tingin. I saw Jeck staring at me so I forcely smiled before standing straightly."Dito na ba?" mahinang tanong ko. Pero parang traydor ang mga mata ko kasi kusa itong bumaba para tingnan ang magkahawak pa rin nilang mga kamay. Jeck immediately took his hands off so I sighed.Nakayuko akong lumabas ng elevator at ramdam ko naman na sumunod si Jeck. When the elevator slowly closed I turned to Jeck. Nakita ko siyang tutok na tutok sa cell kaya mag-isa kong kinuha ang maleta ko sa isinandal niya gilid ng elevator.Napatingin siya sa akin dahil doon pero nginitian ko lan
Dahan-dahan akong tumayo saka tumingin kay Jeck na ngayon ay nasa akin na muli ang mga mata. Dahan-dahan kong nilipat ang tingin kay Denise na todo ang ngisi habang nakatitig sa mukha ni Jeck.Napa kurap ako sandali saka marahan tumango."Magbibihis lang ako," mahinang sabi ko saka tuloy-tuloy na naglakad kasi alam ko na hindi ko na kaya pang panoorin kung ano man ang gagawin nila sa mismong harap ko.Nakarating ako sa kwarto namin na tanging two piece lang ang suot. I sighed and put my camera on my couch. Dahan-dahan akong nag lakad papunta sa balcony saka tahimik na pinanood ang lagoon na kitang-kita mula dito.This scenery is perfect and I want Jeck and I to watch it together during this time. But h