"Geez. I'm really okay,"
Kanina pa kasi tanong nang tanong 'yong staff kung wala ba talagang masakit sa akin. Si Stell ay may sariling doctor na nagsusuri sa kaniya.
Nagkagulo ang mga tao lalo na 'yong mga staff na panay explain sa mga fans na hindi muna matutuloy ang signing dahil sa nangyari. Kailangan muna raw i-check ang kalagayan ni Stell at kung mapatunayan na walang sakit, ipatawag nila muli ang mga hindi nakaabot sa signing.
Pinipigilan din ng mga security ang pagkuha ng pictures at paglapit sa grupo para lang makipag-selfie. Hindi pa kasi umalis ang high-end at ando'n lang sila sa gilid para i-check ang kalagayan ni Stell. May ibang fans din na nakatingin sa akin kaya umalis na ako roon sa venue at hinanap si Sieme.
Nakita ko naman si Sieme na nando'n lang sa gilid habang kumakain ng sandwich. Prente pa siyang nakaupo roon habang nakatingin sa cellphone niya.
This girl! Kung hindi sana siya umalis, hindi sana ako nalagay sa kahihiyan ngayon.
Lumapit ako sa kanya at tinakpan ang screen ng cellphone niya. Napaangat siya ng tingin at sumalubong kaagad sa akin ang kaniyang masamang tingin. No'ng nakita niya ako, agad namang nawala ang irita sa mukha niya at napalitan ito ng masaya. Ngumuso pa siya para matakpan lang ang nanunuya niyang ngiti.
Putulin ko yang nguso mo eh.
Inirapan ko siya at ibinigay ko sa kanya ang album na may limang pirma. Tumawa pa siya bago kinuha ang album at tiningnan.
"Sabi ko na nga ba't mabibihag mo sila sa ganda mo Aia! Biruin mo, famous kana, may pirma kapa!" Sabi niya at binuksan ang album.
Hinaplos pa niya 'yong pirma ni Ken bago umangat ang tingin sa akin.
"Ano bang nangyari? Bakit nakadagan na sa 'yo si Stell? Nag-cr lang ako tapos maypa hawak-hawak ka na sa braso niya." Tanong niya habang nakangiting tumingin sa akin.
Umupo naman ako sa tabi niya bago siya sinagot. "May nagtulak sa akin. Hindi ko alam kung sino kaya ayun, nahulog ako sa stage." Sagot ko na ikinakunot ng noo niya.
Itinaas niya ang cellphone niya at pagkatapos may sinearch siya.
"Magsisinungaling kapa. Tingnan mo nga 'to," aniya bago ipinakita sa akin ang video.
Pl-in-ay naman niya ang video at kita roon kung paano ako nasubsob kay Stell at nakahawak sa braso niya. Nakatingin na rin sa akin si Stell habang ang kaliwang braso niya ay pumulupot na sa bewang ko bago nag-iba ang expression niya at nahila ko na siya sa pagkahulog. Nauna akong bumagsak dahil ako 'yong natulak at nadulas. Kitang-kita pa sa video kung pa'no humigpit ang hawak niya sa bewang ko bago kami tuluyang mahulog.
Natapos ang video no'ng nagkagulo na. Dinagsa ang nag-post at sobrang dami na nang nakakita sa video. May mga comments na rin na ako ang tinuturong mali. Na kung may masamang nangyari raw kay Stell, kasalanan ko raw. Na kung mabalian o kung may gasgas si Stell, ipapakulong raw ako. May mga comments din kung gaano ka-bait si Stell para protektahan ako. May ibang comment rin na tinatanong ang pangalan ko. Good thing, nakaharap ako kay Stell kaya hindi nakita ang mukha ko.
Grabe 'yong fans. Kulong agad? Hindi ko naman 'yon kasalanan na nahulog ako at sumama pa itong si Stell. Kung hindi sana niya ako hinawakan, hindi sana siya mahuhulog eh no!
Napatigil ako sa pagbabasa ng comments no'ng bigla akong hinila ni Sieme at pumasok kami sa restroom. Sinirado pa niya ang pintuan at nilock bago ako tiningnan.
"May media na dumating. Siguradong tustado ka kung makilala ka nila na ikaw 'yong babae sa video." Aniya.
Tumango-tango ako sa sinabi niya. Sabagay may point siya. Kung malaman nila kung anong pangalan ko at kung makilala nila ako, siguradong hindi nila ako tatantanan. Baka mahanap ako ng mga fans ni Stell at ma-bully ako. Kaya kailangan hindi nila malaman na ako iyon dahil panigurado, baka pati sa skwelahan pupuntahan nila ako.
"Hubarin mo 'yang damit mo tapos isuot mo 'yang cardigan jacket. Mag-tiis ganda ka muna kesa sa mahuli ka at manganib ang buhay mo." Sabi ni Sieme at pinapasok ako sa cubicle.
Sumang-ayon naman ako at hinubad ang damit ko para hindi gaano ka init. Ginawa kong top ang cardigan jacket at binitbit ang damit na color white. Nilugay ko na rin ang buhok ko na abot likuran para hindi nila mapansin na ako 'yon.
Paglabas ko nang cubicle, may tao na na gumagamit ng salamin at nag-re-retouch. Tiningnan pa nila ako gamit ang salamin kaya napaiwas ako ng tingin at lumabas.
Ni hindi man lang ako hinintay ni Sieme sa loob. Siya pa naman ang may kasalanan kung bakit nangyari ito.
Paglabas ko, nakita ko kaagad ang likod ni Sieme na nakigawa ng bilog para marinig ang sinasabi ng ibang fans. Hindi sila kalayuan sa'king pwesto kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila.
"Grabe 'yung babae kanina! Hindi ko alam kung kikiligin o magagalit ako dahil sa nangyari!" Ani no'ng isang fans na nakasuot ng t-shirt na may surname na Talavera sa likod.
Nagsalita naman ulit 'yong isa. "Halatang tinulak niya ang sarili niya para makahawak sa braso ni Stell! Galawang malandi... nag-practice siguro 'yon sa bahay nila para ma-accomplish niya ang plano niya." Giit niya na sinang-ayunan naman ng iba.
Parang kumulo ang dugo ko sa narinig. Nag-aalab ang damdamin ko't gusto ko nalang manakit. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit dahil sa narinig. Gusto kong sabunutan ang nagsabi no'n pero pilit kung kinakalma ang sarili ko dahil alam ko ang totoo. Hindi ko 'yon sinadya at mas lalong hindi ko 'yon pinag-practice-an sa bahay.
Hahakbang na sana ako para hilahin si Sieme sa grupo no'ng bigla siyang nagsalita kaya napatigil ako.
"Hindi naman siguro niya iyon sinasadya. Pa'no kung tinulak talaga siya at natisod kay Stell?" Si Sieme na pilit pinapaliwanag ang side ko.
May ibang tumango-tango ngunit may ibang ginigiit ang opinyon nila. Napabagsak ang balikat ni Sieme sa narinig at biglang tumalikod kaya nakita niya ako. Nanlaki ang mata niya at kaagad na tinakbo ang distansya ko bago siya may hinalungkat sa bag niya.
Binigay niya sa akin ang isang transparent na glasses at pinasuot sa akin.
"May video clip na naanigan ang mukha mo. Baka mamataan ka nila kaya suotin mo muna iyan. Wala naman iyang grado... bagsak iyan katulad ko." Ani niya bago inayos ang glasses na suot-suot ko.
Nagbuntong-hininga ako at ako na mismo ang nag-ayos sa glasses. Medyo dumilim dahil anti-radiation pala itong glasses na dala niya. Umalis nalang kami roon at pumunta na patungong exit para umuwi. At paglabas nga namin, may media na naka-abang sa labas.
Hinawakan ni Sieme ang bewang ko at iginiya niya ako sa gilid para iwasan ang reporter na nag-e-interview ng fans. May nakakita sa amin na pumuslit kaya tumakbo kami palayo. Hindi na nila kami hinabol kaya nakahinga kami ng maluwag at pumara si Sieme ng taxi.
Pag-uwi namin sa bahay, nanghihinang napaupo si Sieme at ginamit pang pamaypay ang album na may pirma.
"Hindi ko akalain na gano'n pala ka war kapag may dadaluhang meet and greet! Hindi na talaga ako susubok muli... isa nalang." Sabi niya at nagpapapaypay parin sa sarili.
Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig. Narinig ko pa ang reklamo ni Sieme sa sala bago siya pumunta sa gawi ko at uminom din ng tubig.
"Napa-taxi pa tayo para makaalis lang sa lugar na 'yon! Grabe! Hindi na ako uulit! Isa nalang." Aniya at hinubad ang sling bag niya at ihinagis sa sofa.
Dumaan ang araw namin na puro reklamo lang itong si Sieme. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng iba. Pinanood kasi niya ulit ang video pati narin 'yong clip na nakita ang mukha ko. Dinagsa iyon ng mga maraming fans at nagkagulo na. Nag-trending din sa twitter ang #slippedtostell na kagagawan ng mga fans. May mga memes narin sa f******k at may mukha ko pa na nilagyan ng sungay. Mabuti at blurred ang pagkakuha kaya hindi gaano ka lantad.
Kung itutuon ko ang pansin sa nangyayari, mabibiyak yata ang ulo ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin... kung magpapaliwanag ba ako, o hahayaan nalang. Mas lalo pang uminit ang ulo ko no'ng mapansin ko kanina na nawawala ang cellphone ko. Hindi ko na mahagilap sa loob ng apartment at hindi ko rin matandaan kung saan ko 'yon nilagay. T-in-ry naming tawagan gamit ang cellphone ni Sieme pero nag-r-ring lang, walang sumasagot.
Kaya pagdating ng lunes, pumasok ako sa skwelahan na badtrip. Inaalo naman ako ni Sieme na ibebenta niya raw 'yong album sa mataas na presyo para ipampalit sa cellphone kong nawala. Total ang album naman daw ang may kasalanan kung bakit nawala kaya ito ang gagamitin niya para ibili ako ng bago.
"Salvador, pinapatawag ka sa Principals office." Biglang saad no'ng adviser namin kaya napatigil sa pagsasalita si Sieme at napaangat ako ng tingin.
Hindi na ako nagtanong pa at lumabas na nang classroom. Hindi ko alam kung ba't ako pinapatawag... as long as hindi ko alam kung ano ang nagawa kung mali, wala akong dapat ikakaba.
Naglakad ako patungong principals office. Kahit anong pampakalma ko sa sarili ko, hindi ko talaga mapigilan na kabahan kung bakit pinapatawag ako.
Asan ang tapang mo ngayon Aia? Sabi mo hindi ka kinakabahan dahil wala ka namang ginagawang mali? Bakit nanlalamig ka aber?
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko bago kumatok.
"Come in..." rinig kong sabi kaya binuksan ko ang pintuan at pumasok.
Kung gaano kalamig ang loob, mas malamig pa roon ang tinig ng dean namin. Parang may iceberg na sa loob sa sobrang lamig.
Yumuko ako kaunti at nagtapang-tapangang tiningnan ang dean. "Good morning, Miss." Ani ko.
Tumango siya at tiningnan ang pintuan ng kwarto.
"May bisita ka. Follow me," Saad niya bago tumayo at pumasok sa loob.
Dali-dali ko namang sinunod ang sinabi niya at pinunasan ang kamay ko gamit ang tissue. Pumasok ako sa loob kung saan siya pumasok kanina. Dahan-dahan ko pang sinara ang pintuan para hindi makagawa nang ingay.
Pagpasok ko sa loob, medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa heater. Nagbuntong ako ng hininga bago iniangat ang tingin at sumalubong kaagad sa akin ang mukha ni Stell Talavera na inoobserbahan ang mga ginagawa ko.
"Good morning po." Awkward akong bumati.
Tumango iyong dean at tsaka nagpaalam kay Stell. Binigyan pa ako nang makahulugang tingin ng dean bago tuluyang umalis. Tiningnan ko naman si Stell ngayon na nakatingin sa akin at nakangiti. Iginiya niya sa kanyang kamay ang upuan kaya dahan-dahan akong lumakad at umupo roon.
Pagkaupo ko, tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Good morning, Miss Salvador. I'm sorry to interrupt your class but I just want to say na 'yong cellphone mo nasa akin. Napansin ko kasi kaninang umaga na may miss called galing sa kaibigan mo kaya personal kong ihahatid sa 'yo." Sabi niya at ibinigay sa akin ang cellphone ko.
"S-Salamat." mahinang tugon ko.
No'ng natahimik ako, nagsalita ulit siya kaya napatingin ako sa kanya.
"I'm so sorry for the mess. Nadamay ka pa tuloy sa gulo namin. Kung gusto mo babayaran kita sa danyos na nasira dahil lang sa nangyari. I'm willing to pay, just name your price." Sabi niya na ikinatingin ko sa kanya.
Kinagat ko ang dila ko pagkatapos ay ngumiti sa kanya. "It's okay lang po. Sa totoo lang, ako dapat ang mag-sorry. Dahil sa akin nagulo ang signing niyo. Sorry po talaga." Mahinang ani ko pagkatapos yumuko.
Tumawa naman siya kaya napatingin ako sa kanya. May kinuha siya sa wallet niya at may inilahad sa akin na parang calling card. Inilapit pa niya sa akin kaya nanginginig ang kamay kong tinanggap iyon.
Dalawa ang binigay niya. 'Yung isa, color white na may pirma niya sa gilid at pangalan pati number niya. 'Yung isa naman ay may nakalagay na HE tapos may date na nakalagay.
"Calling card ko 'yang isa. Kung may kailangan ka, huwag kang mahiya na tawagan ako. I'm considering you as my friend kaya huwag kang mahiya. 'Yung isa naman, VIP ticket iyan para sa next naming meet and greet. Ibigay mo lang iyan sa staff na makikita mo at ihahatid ka na niya sa venue." Tumango-tango ako at tiningnan siya.
Ngumiti naman siya sa akin kaya ngumiti rin ako. Tumayo siya kaya napatayo rin ako.
"I'm looking forward to see you in that event," aniya at ininguso ang hinawak-hawakan kong card.
"You can bring your friends if hindi ka komportable. Wala akong pakealam kung ilan ang dadalhin mo, basta huwag mo lang kalimutan na dalhin ang sarili mo." Sabi niya bago lumakad at binuksan ang pintuan.
"Are you going or not?" Sieme asked after I told to her what happened.Humiga ako sa kama niya at napatingin sa taas. Naalala ko pa ang sinabi ni Stell bago siya umalis. Kahit sino pwede kong dalhin basta huwag ko lang daw kalimutan na dalhin ang sarili ko. Siguro sobrang guilty niya sa nangyari kaya binigyan niya ako ng vip ticket sa second signing nila."Kailan ulit sila mag-pe-perform?" Tanong ko kay Stephanie.Napahinto naman siya sa pag browse sa kanyang cellphone at tiningnan ako. Nagbuntong-hininga siya at tsaka humiga sa tabi. Umusog naman ako para bigyan siya ng espasyo."Pagkatapos daw ng signing nila, babalik na raw sila sa pag-pe-perform. Kaso baka 'di tayo makadalo... minsan mag-pe-perform sila sa bar o hindi kaya nag-wo-world tour sila. Tapos kung wala silang gig, mag-ge-guesting sila sa mga palabas sa tv."Napatango-tango ako sa sinabi niya. Gano'n ba s
ManggagamitNatigilan siya sa paglalakad at napatitig sa gawi ko. Natauhan lang siya no'ng bigla siyang tinulak ni Travis para magpatuloy na sa paglakad. Ngumiti naman siya sa akin bago siya lumakad papalapit sa lamesa kaya napangiti narin ako."Tingnan mo nga 'yong attitude ni Travis! Tinulak pa naman si Stell... ma-attitude talaga," bulong ni Sieme sa akin habang nakatitig kay Travis. Napatingin lang din ako kay Travis na walang expression ang mukha at kasing lamig ng yelo kung tumingin. Napanguso lang ako at ibinalik ang tingin sa kanilang lahat.Nagsimula ang signing. Kanina nagkanta lang sila nang limang kanta pero recorded na ang tono nito. May naglalabas ng cellphone para video-han sila at isa na roon si Sieme. Ako hindi nalang ako naglabas dahil baka manliit ang cellphone ko sa mga cellphone nila.Sa kalagitnaan ng signing nila, binibigyan naman kami ng mga staff ng meryenda. Na
Reto"Sieme! Sieme!" Sigaw ko kay Sieme na nakaupo sa may bench.Dumiretso kami rito sa park pagkatapos ng nangyaring signing kanina. Mabilis lang din naman 'yong nangyaring signing kasi mga vip naman 'yong mga kasama namin. Masyado silang pormal kung humarap sa mga iniidolo nila... Hindi tulad sa mga ordinaryong tao lang na todo ngisay na kapag nakita lang.At 'yong pag-uusap namin ni Stell kanina ay humantong naman sa maayos na usapan. In-explain niya rin sa akin kung bakit siya pursigido. Nangako naman siya na poprotektahan niya si Sieme kapag may nangyaring masama. Pumayag narin ako dahil naisip ko na sino ba naman ako para pumigil sa mga relasyon ng iba? At tsaka, paano kung crush pala talaga ni Sieme si Stell, edi tiba-tiba na. Nakatulong pa ako sa lovelife nila, hindi pa ako magmumukhang bitter. At tsaka, para sa akin, okay lang naman na iimbitahin nila ako sa kasal nila bilang kabayaran sa ginawa ko. Hindi
Bouquet“Ha? Bakit ako?” Tanong ko at tsaka napatingin narin sa bulaklak at tumingin ulit kay Sieme.Umirap naman siya at hinampas pa ako sa balikat. “Ases! Pa as if ka pa! Ikaw naman pala ang gusto eh!” aniya.“Sinong nagbigay niyan?” Tanong niya.Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Sasabihin ko ba sa kanya na kay Stell ‘to galing? Paano kung ma-misunderstood niya itong flowers?“K-Kay Stell,” nautal ako sa pag-amin.Nanlaki ang mata niya at napatakip pa sa bibig niya. “Hala gagi! Legit!? Sabi mo sa akin siya nagka-crush, bakit ikaw ang binigyan ng flowers? Paasa ka talaga. Ang sabi mo sa akin nagkagusto tapos ngayon, ikaw ang may flowers.”“Hindi ko rin alam.” Humina ang boses ko.“Sa kanya pala galing tapos sasabihin mo pa sa akin na ako ang gus
Kabanata 7: Plan“Bouquet para sa’yo,” sabi ko.“Bouquet as a friend?” Sabi ni Sieme habang nakatingin sa paperbag na dala ko.Tumawa ako at binigay sa kanya ang bouquet na galing kay Stell. “Para sa ‘yo ‘yan. Bigay ni Stell.” Ani ko.Tumango naman siya at kinuha sa akin ang bulaklak at paperbag.“In fairness kay Stell, may pa bulaklak. As a friend lang paba ito?” Aniya at nilagay sa lamesa ang dala ni Stell.Umupo siya sa upuan at umupo narin ako. “Hindi. Gusto ka talaga ni Stell.” Sabi ko.Tumango-tango naman siya. “Eh ikaw? Ano kaba ni Stell?”Ngumiti ako at sumagot kaagad. “Friend lang kami. ‘Yon lang.”“Bakit binigyan ka niya nang bulaklak kung ganoon? As a frien
Kabanata 8: I'm sorry"You're doomed." Sabi ni Sieme habang nakatingin sa akin.Napatingin ako sa replies ng ilan. May iba na nag-a-agree, may iba na tinatawanan lang.Nagtipa rin ng reply si Sieme kaya sinita ko siya. "Tigilan mo nga 'yan. At tsaka, andaming Aishia sa mundo, hindi lang naman ako." Sabi ko.Tama naman diba? Baka kapag makita ng mga kakilala niya na nagcomment siya, baka malaman din nila na ako ang Aishia na tinutukoy. At isa pa, wala namang masama doon sa caption dahil totoo naman talaga na ako 'yong kumuha ng litrato. Pwede naman sabihin na inutusan lang ako ni Stell na kuhanan siya ng litrato. Hindi naman big deal 'yon.Siguro nga para sa akin, hindi big deal iyon dahil alam ko naman ang totoong nangyari. Pero dahil nandito tayo sa loob ng Pilipinas, lahat big deal na."Tingnan mo 'yong ibang comments oh! Andami nang theory sa'yo!" Si
Kabanata 9: Missing"Feeling okay na?" tanong ni Stell habang nakayakap parin sa akin.Tumango ako at kumalas sa pagkayakap. Nagbuntong-hininga siya at umayos ng upo."H-Hindi mo ba talaga nakita si Sieme?" mahinang tanong ko.Umiling siya at nagbuntong-hininga ulit. Napaayos ako ng upo at nilagay ang dalawa kong kamay sa pocket ng hoodie. Kahit may damit ako, nanginginig parin ang kamay ko. Hindi ko alam kung sa lamig ba ito o sa kaba dahil nawawala si Sieme."Hanapin natin siya. Hindi ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman kung ayos lang ba siya." Sabi ko at tumingin kay Stell.Tumango naman siya. "Masyado nang malayo ang apartment niyo rito. Magpalit ka muna ng damit bago tayo magpatuloy para hindi ka magkasakit." sabi niya.Tumango ako kaya pinaandar na niya ang engine ng sasakyan. Tahimik lang ako hanggang sa umusad na ang sas
Kabanata 10: Date"Nakita na? Nasaan daw siya ngayon?" parang sirang plaka akong paulit-ulit na nagtanong.Nagbuntong-hininga si Stell at tumabi ng upo sa akin. "Okay na siya Aia. Don't worry. Nakauwi siya ng ligtas at walang galos." sabi niya.Biglang nagsalita si Josiah kaya napatingin ako sa kanya. "Saan ba kasi pumunta 'yang si Sieme?" aniya at wala na sa cellphone ang tuon, nasa amin na."Kikitain ko sana si Sieme kaso lang hindi dumating sa meeting place namin eh." Sabi ni Stell.Natahimik ako at hindi na nagsalita. Wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit biglang nawala si Sieme. At kung may nangyari mang masama sa kanya, hindi ko alam ang gagawin ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil alam ko mismo na ako ang nagtulak sa kanya dito. Alam kong hindi siya papayag, pero nagpumilit ako."Okay na siya Aishia. Please, st