Ano kayang masinsinan na usap iyon? Pasensya na po kung natagalan ang update. Nagkasakit lang po ako. Maraming salamat sa inyong lahat. đ„°đ„°đ„°
BRENNA'S POV"Trev, can we talk?"Napalingon sa akin si Trevor. Hindi niya siguro akalain na susundan ko siya paalis ng restaurant. Nagpaalam kasi siya sa mga magulang niya na may aasikasuhin pa siya. At bilang nagkaroon na ng kasunduan ang mga magulang namin, binigyan nila ako ng basbas para sundan siya."Could you please stop calling me Trev?" walang emosyong sabi naman niya sa akin.Hindi siya tumigil sa paglalakad kaya nanatili lamang akong nakasunod sa kaniya. Hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon na ito. Mas mabuti nang umpisahan ko ang pagpapalambot ng puso niya."Why? I thought we were friends before," malambing ko namang sambit."Friends? Schoolmate lang kita noon," deretsong sabi niya.Bahagya akong nasaktan. Wala pa rin talaga siyang pinagbago. Kung paano niya ako itaboy noon ay ganoon rin siya sa akin ngayon. Pero hindi ko siya susukuan."Trevor, ano bang pwede kong gawin para pansinin mo ako?" desperadong tanong ko sa kaniya."Wala," maiksi niyang sabi.Huminga ako ng
Emerald's POV"Emerald, huwag kang mabibigla sa sasabihin ko. Nagkaroon ng seizures si Marco kanina. Pero ngayon ay stable na ulit siya."Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Chloe. Siya kasi ang nagsilbing mata ko sa ospital kung nasaan si Marco. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Marco na ikinababahala ko."Gusto ko siyang makita, Chloe," naiiyak kong sabi sa kaniya.Kakauwi ko lang ng bahay at tama nga si Trevor, wala dito sina Papa. Kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko pa kayang harapin si Papa. Sakto namang tumawag sa akin si Chloe para ibalita ang nangyari kay Marco."Emerald, sa ngayon ay imposible ang gusto mo. Halos hindi na umuuwi ang ina ni Marco. At kahit anong pakiusap ko sa kanila, ayaw nilang payagan ka na pumunt dito. I'm sorry, Emerald," malungkot na sagot sa akin ng kaibigan ko.Marahan akong napatango habang isa-isa nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para ka
Emerald's POVMabilis kong pinuntahan si Trevor na kasalukuyang nasa NotAMidnight Bar. Hindi niya binanggit sa telepono kung anong klaseng tulong ang kailangan niya. Ang tanging sinabi lang niya ay puntahan ko siya sa bar na iyon. Tutal naman ay nais ko rin siyang makausap kaya hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya. Mabuti na lamang at alam ko kung saan ang bar na iyon dahil minsan na akong isinama ni Chloe dito."Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nasa parking area lang ng bar," bungad ko sa kaniya nang makasakay ako sa sasakyan niyang naka-park lang. Sinabi niya kasi kanina na dito ko siya puntahan. Mukhang hindi pa naman siya nakakainom dahil hindi ko naaamoy ang alak sa katawan niya."Guess who's inside the bar," imbes ay sabi niya.Napakunot ang noo ko. Hindi ako matiyaga sa mga ganitong usapan. "Iyan ang tulong na kailangan mo, ang manghula?" hindi ko napigilang itanong.Huminga siya ng malalim na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Nasa loob si Brenna.""So?""Look
Emerald's POVNanindig ang mga balahibo ko dahil sa hindi ko maintindihan na pakiramdam. Sobrang lapit ng mukha ni Trevor sa mukha ko kaya hindi ko magawang makagalaw. Gusto ko na siyang itulak ngunit nanghihina ako. Wala akong lakas ng loob na gawin ang kahit na ano sa mga oras na ito.Napalunok na lamang ako nang marahang hawakan niya ang baba ko at ipinaling paharap ang mukha ko. He's looking straightly in my eyes. "Don't you think it is unfair?" seryosong tanong niya sa akin."W-what?" nauutal kong tanong.Ngunit sa halip na sagutin niya ako ay napapikit na lamang ako nang tahasan niyang ilapat ang labi niya sa labi ko. Milyong milyong bultahe ng kuryente ang tila dumaloy sa buong katawan ko. Nanatiling magkalapat ang mga labi namin habang pigil hiningang nakapikit lamang ako.No. This is not right. I should do something. But I can't move. Tila naparalisa ang buong katawan ko at ang nararamdaman ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko. Nang ilayo niya ang labi niya ay doon lam
Emerald's POV"So, you're not gay," sambit ko habang nakahiga pa rin sa sahig at nakatitig lamang sa kisame. Hindi ko magawang makagalaw dahil hindi pa rin yata napa-process ng buong buo ng utak ko ang mga nangyari kanina."Who said that I am gay?" tanong naman niya. Naramdaman ko pa ang kamay niya sa batok ko at sa likod ng mga hita ko. Hindi ako nagsalita nang buhatin niya ako at ilipat sa kama niya.Nang maramdaman ko ang malambot na higaan sa likod ko ay bahagya akong napapikit. Aaminin kong sumakit ang likod ko dahil sa lamig ng sahig at dahil na rin yata sa ginawa namin kanina. I am still naked kaya hinila ko na lamang ang kumot para itaklob sa katawan ko."Iniisip lang iyon ng mga magulang ko, pero hindi ibig sabihin no'n ay totoo 'yon. At pinatunayan ko sa 'yo 'yan," nakangisi pa niyang sabi habang nakatayo sa gilid ng bed.Napatingin ako sa kaniya. May tuwalya nang nakatabing sa kaniya kaya may lakas na ako ng loob na tingnan siya."Having s*x with a woman doesn't guarantee yo
BRENNA'S POV"L*ngyang lalaki 'yan. Hinayaan talaga akong mag-isa," dismayadong sabi ko at saka ininom ang alak na in-order ko."Ikaw naman kasi, Brenna. Masyado mong minamadali ang lahat. Parang hindi mo kilala ang team captain natin noon," sabi ni Cheska, ang owner ng NotAMidnight Bar at ang isa sa mga kaibigan ko noong highschool."Alam mo, kahit noon pa man ay hindi ko na talaga siya maintindihan. I mean, excuse me, isang Brenna Villafuente na ang lumalapit sa kaniya noon pa. Then what, mas pinatos pa niyang ligawan ang Emerald na 'yan noon," inis kong sabi.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na binabalewala lang ako ni Trevor. Napakatagal kong nagpapansin sa kaniya noon, tapos bigla ko na lang nalaman na nililigawan niya ang magaling kong half-sister. At ang mas nakakagulat pa, sinagot naman siya nito. Akala siguro ni Emerald noon ay aangat din siya kapag naging boyfriend niya ang team captain ng basketball team namin noon."E 'di ba nga, pinagpustahan lang naman ang
Brenna's POV"Girl, tama na 'yan. Baka magkatotoo na malasing ka talaga. Paano ka makaka-score niyan kay Trevor mamaya?"Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Tumingin ako sa relo ko. Halos mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa bar ni Cheska at hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating si Trevor. Naiinip na ako kaya napapadalas ang pag-order ko ng alak. Medyo nahihilo na nga ako pero alam kong kaya ko pa naman."Why is he taking so long?" iritableng sabi ko."E sure ka bang pupunta siya? Baka mamaya naghihintay lang tayo sa wala," baritonong sagot naman ni Cheska.Mabilis akong umiling. "Kahit malamig sa akin ang lalaking 'yon, alam kong hindi niya ako matitiis. Wala pang tumatanggi sa akin, no!""Alam mo, lasing ka na. Ihahatid na kita sa inyo," sabi pa ng kaibigan ko.Nang akmang kukuhanin niya ang kamay ko ay mabilis akong umiwas. "No. Hindi ako aalis dito hanggang hindi si Trevor ang kasama ko," sabi ko pa."Brenna, naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?" hindi makapaniwa
Brenna's POVYamot kong pinunasan ang mga luha ko at muling tumingin sa sasakyan ni Trevor. Hindi ako pwedeng matalo ngayon. Lahat ay nakaayon na sa gusto ko at hindi ako papayag na masira pa iyon."Let me meet her," walang emosyong sabi ko sa kaniya."No," mariing sagot naman sa akin ni Trevor.Tipid akong napangiti. "Sa oras na makilala ko ang babae mo, titigilan ko na kayo. Ako na mismo ang magdadahilan sa mga magulang natin," sabi ko pa."I know you, Brenna. Hindi mo masasaktan ang girlfriend ko."Napatawa naman ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko akalain na dala-dala pa rin niya ang pangamba sa kayang gawin ko. Hindi ko akalain na maaalala pa niya ang ginawa ko noon kay Emerald nang malaman kong sila na."As long as she's not Emerald, wala akong gagawin. And for sure, hindi naman siya ang girlfriend mo ngayon, 'di ba?" nakangising sabi ko pa.Wala akong dapat balak na banggitin pa sa kaniya ang hilaw kong kapatid. Ngunit nagulat na lamang ako sa reaksyon niya. Seryoso lang siyang